Mark 7 – NIV & TCB

New International Version

Mark 7:1-37

That Which Defiles

1The Pharisees and some of the teachers of the law who had come from Jerusalem gathered around Jesus 2and saw some of his disciples eating food with hands that were defiled, that is, unwashed. 3(The Pharisees and all the Jews do not eat unless they give their hands a ceremonial washing, holding to the tradition of the elders. 4When they come from the marketplace they do not eat unless they wash. And they observe many other traditions, such as the washing of cups, pitchers and kettles.7:4 Some early manuscripts pitchers, kettles and dining couches)

5So the Pharisees and teachers of the law asked Jesus, “Why don’t your disciples live according to the tradition of the elders instead of eating their food with defiled hands?”

6He replied, “Isaiah was right when he prophesied about you hypocrites; as it is written:

“ ‘These people honor me with their lips,

but their hearts are far from me.

7They worship me in vain;

their teachings are merely human rules.’7:7 Isaiah 29:13

8You have let go of the commands of God and are holding on to human traditions.”

9And he continued, “You have a fine way of setting aside the commands of God in order to observe7:9 Some manuscripts set up your own traditions! 10For Moses said, ‘Honor your father and mother,’7:10 Exodus 20:12; Deut. 5:16 and, ‘Anyone who curses their father or mother is to be put to death.’7:10 Exodus 21:17; Lev. 20:9 11But you say that if anyone declares that what might have been used to help their father or mother is Corban (that is, devoted to God)— 12then you no longer let them do anything for their father or mother. 13Thus you nullify the word of God by your tradition that you have handed down. And you do many things like that.”

14Again Jesus called the crowd to him and said, “Listen to me, everyone, and understand this. 15Nothing outside a person can defile them by going into them. Rather, it is what comes out of a person that defiles them.” 167:16 Some manuscripts include here the words of 4:23.

17After he had left the crowd and entered the house, his disciples asked him about this parable. 18“Are you so dull?” he asked. “Don’t you see that nothing that enters a person from the outside can defile them? 19For it doesn’t go into their heart but into their stomach, and then out of the body.” (In saying this, Jesus declared all foods clean.)

20He went on: “What comes out of a person is what defiles them. 21For it is from within, out of a person’s heart, that evil thoughts come—sexual immorality, theft, murder, 22adultery, greed, malice, deceit, lewdness, envy, slander, arrogance and folly. 23All these evils come from inside and defile a person.”

Jesus Honors a Syrophoenician Woman’s Faith

24Jesus left that place and went to the vicinity of Tyre.7:24 Many early manuscripts Tyre and Sidon He entered a house and did not want anyone to know it; yet he could not keep his presence secret. 25In fact, as soon as she heard about him, a woman whose little daughter was possessed by an impure spirit came and fell at his feet. 26The woman was a Greek, born in Syrian Phoenicia. She begged Jesus to drive the demon out of her daughter.

27“First let the children eat all they want,” he told her, “for it is not right to take the children’s bread and toss it to the dogs.”

28“Lord,” she replied, “even the dogs under the table eat the children’s crumbs.”

29Then he told her, “For such a reply, you may go; the demon has left your daughter.”

30She went home and found her child lying on the bed, and the demon gone.

Jesus Heals a Deaf and Mute Man

31Then Jesus left the vicinity of Tyre and went through Sidon, down to the Sea of Galilee and into the region of the Decapolis.7:31 That is, the Ten Cities 32There some people brought to him a man who was deaf and could hardly talk, and they begged Jesus to place his hand on him.

33After he took him aside, away from the crowd, Jesus put his fingers into the man’s ears. Then he spit and touched the man’s tongue. 34He looked up to heaven and with a deep sigh said to him, “Ephphatha!” (which means “Be opened!”). 35At this, the man’s ears were opened, his tongue was loosened and he began to speak plainly.

36Jesus commanded them not to tell anyone. But the more he did so, the more they kept talking about it. 37People were overwhelmed with amazement. “He has done everything well,” they said. “He even makes the deaf hear and the mute speak.”

Tagalog Contemporary Bible

Marcos 7:1-37

Ang mga Tradisyon

(Mat. 15:1-9)

1May mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na dumating galing sa Jerusalem at nagtipon sa paligid ni Jesus. 2Napansin nila na ang ilan sa mga tagasunod ni Jesus ay hindi naghugas ng kamay bago kumain.

3Ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo ay hindi kumakain nang hindi muna naghuhugas ng kamay bilang pagsunod sa tradisyon ng kanilang mga ninuno. 4Hindi rin sila kumakain ng anumang nabili sa palengke nang hindi muna nila ginagawa ang ritwal ng paglilinis.7:4 ritwal ng paglilinis: Maaaring ang nililinis ay ang bagay na nabili o ang taong bumili. Marami pa silang mga tradisyong tulad nito, gaya ng paghuhugas ng mga kopa, pitsel at lutuang tanso.

5Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Bakit hindi sinusunod ng mga tagasunod mo ang mga tradisyon ng ating mga ninuno? Hindi sila naghuhugas ng kamay bago kumain!” 6Sinagot sila ni Jesus, “Tamang-tama ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo na mga pakitang-tao. Ayon sa isinulat niya, sinabi ng Dios na,

‘Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila,

ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso.

7Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba sa akin

dahil ang mga itinuturo nila ay mga utos lang ng tao.’7:7 Isa. 29:13.

8Sinusuway ninyo ang utos ng Dios, at ang sinusunod ay mga tradisyon ng tao.”

9Sinabi pa ni Jesus, “Mahusay kayo sa pagpapawalang-bisa sa mga utos ng Dios para masunod ninyo ang inyong mga tradisyon. 10Halimbawa na lang, sinabi ni Moises, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’7:10 Exo. 20:12; Deu. 5:16. at ‘Ang lumapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’7:10 Exo. 21:17; Lev. 20:9. 11Pero itinuturo nʼyo naman na kapag sinabi ng isang anak sa mga magulang niya na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay Korban (ang ibig sabihin, nakalaan na sa Dios), 12hindi na siya obligadong tumulong pa sa kanila. 13Pinapawalang-halaga ninyo ang utos ng Dios sa pamamagitan ng mga tradisyong minana ninyo sa inyong mga ninuno. At marami pa kayong ginagawa na tulad nito.”

Ang Nagpaparumi sa Tao

(Mat. 15:10-20)

14Muling tinawag ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat sa akin at unawain ang sasabihin ko. 15Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya, kundi ang mga lumalabas sa kanya.” 16[Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan!]

17Pagkatapos, iniwan niya ang mga tao at pumasok sa bahay. Nang nasa loob na siya, tinanong siya ng mga tagasunod niya kung ano ang ibig sabihin ng talinghaga na iyon. 18Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit, hindi nʼyo pa rin ba naiintindihan? Hindi nʼyo ba alam na anumang kainin ng tao ay hindi nakakapagparumi sa kanya? 19Sapagkat anuman ang kainin niya ay hindi naman sa puso pumupunta kundi sa kanyang tiyan, at idudumi rin niya iyon.” (Sa sinabing ito ni Jesus, ipinahayag niya na lahat ng pagkain ay maaaring kainin.) 20Sinabi pa ni Jesus, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Dios. 21Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya na gumawa ng sekswal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, 22pangangalunya, kasakiman, at paggawa ng lahat ng uri ng kasamaan tulad ng pandaraya, kabastusan, inggitan, paninira sa kapwa, pagyayabang, at kahangalan. 23Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya.”

Ang Pananampalataya ng Babaeng Hindi Judio

(Mat. 15:21-28)

24Umalis si Jesus mula roon at pumunta sa mga lugar na malapit sa Tyre. Pagdating niya roon, tumuloy siya sa isang bahay. Ayaw sana niyang malaman ng mga tao na naroon siya; pero hindi rin niya ito naitago. 25-26Sa katunayan, nalaman agad ito ng isang ina na may anak na babaeng sinaniban ng masamang espiritu. Ang babaeng itoʼy taga-Fenicia na sakop ng Syria, at Griego ang kanyang salita. Pinuntahan niya agad si Jesus at nagpatirapa sa paanan nito, at nagmamakaawang palayasin ang masamang espiritu sa kanyang anak. 27Pero sinagot siya ni Jesus sa pamamagitan ng isang kasabihan, “Dapat munang pakainin ang mga anak, dahil hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso.” 28Sumagot ang babae, “Tama po kayo, Panginoon, pero kahit mga aso sa ilalim ng mesa ay kumakain ng mga mumo na nailalaglag ng mga anak.” 29Kaya sinabi ni Jesus sa kanya, “Dahil sa sagot mong iyan, maaari ka nang umuwi. Lumabas na sa anak mo ang masamang espiritu.” 30Umuwi nga ang babae at nadatnan ang anak niya sa higaan, at wala na nga ang masamang espiritu sa kanya.

Pinagaling ni Jesus ang Isang Pipiʼt Bingi

31Pagbalik ni Jesus mula sa lupain ng Tyre, dumaan siya ng Sidon at umikot sa lupain ng Decapolis, at pagkatapos ay tumuloy sa lawa ng Galilea. 32Doon, dinala sa kanya ng mga tao ang isang lalaking pipiʼt bingi. Nakiusap sila na ipatong ni Jesus ang mga kamay niya sa lalaki. 33Inilayo muna ni Jesus ang lalaki sa mga tao. Pagkatapos, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, saka dinuraan ang kanyang mga daliri at hinipo ang dila nito. 34Tumingala si Jesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, “Effata!” na ang ibig sabihin, “Mabuksan ka!” 35Pagkatapos nito, nakarinig na ang lalaki at nakapagsalita nang maayos. 36Pinagbilinan niya ang mga tao na huwag ipamalita ang nangyari. Pero kahit pinagbawalan sila, lalo pa nila itong ipinamalita. 37Manghang-mangha ang mga tao, at sinabi nila, “Napakagaling7:37 Napakagaling: o, Napakabuti. ng ginawa niya! Kahit mga pipiʼt bingi ay nagagawa niyang pagalingin!”