Lamentations 4 – NIV & TCB

New International Version

Lamentations 4:1-22

This chapter is an acrostic poem, the verses of which begin with the successive letters of the Hebrew alphabet. 1How the gold has lost its luster,

the fine gold become dull!

The sacred gems are scattered

at every street corner.

2How the precious children of Zion,

once worth their weight in gold,

are now considered as pots of clay,

the work of a potter’s hands!

3Even jackals offer their breasts

to nurse their young,

but my people have become heartless

like ostriches in the desert.

4Because of thirst the infant’s tongue

sticks to the roof of its mouth;

the children beg for bread,

but no one gives it to them.

5Those who once ate delicacies

are destitute in the streets.

Those brought up in royal purple

now lie on ash heaps.

6The punishment of my people

is greater than that of Sodom,

which was overthrown in a moment

without a hand turned to help her.

7Their princes were brighter than snow

and whiter than milk,

their bodies more ruddy than rubies,

their appearance like lapis lazuli.

8But now they are blacker than soot;

they are not recognized in the streets.

Their skin has shriveled on their bones;

it has become as dry as a stick.

9Those killed by the sword are better off

than those who die of famine;

racked with hunger, they waste away

for lack of food from the field.

10With their own hands compassionate women

have cooked their own children,

who became their food

when my people were destroyed.

11The Lord has given full vent to his wrath;

he has poured out his fierce anger.

He kindled a fire in Zion

that consumed her foundations.

12The kings of the earth did not believe,

nor did any of the peoples of the world,

that enemies and foes could enter

the gates of Jerusalem.

13But it happened because of the sins of her prophets

and the iniquities of her priests,

who shed within her

the blood of the righteous.

14Now they grope through the streets

as if they were blind.

They are so defiled with blood

that no one dares to touch their garments.

15“Go away! You are unclean!” people cry to them.

“Away! Away! Don’t touch us!”

When they flee and wander about,

people among the nations say,

“They can stay here no longer.”

16The Lord himself has scattered them;

he no longer watches over them.

The priests are shown no honor,

the elders no favor.

17Moreover, our eyes failed,

looking in vain for help;

from our towers we watched

for a nation that could not save us.

18People stalked us at every step,

so we could not walk in our streets.

Our end was near, our days were numbered,

for our end had come.

19Our pursuers were swifter

than eagles in the sky;

they chased us over the mountains

and lay in wait for us in the desert.

20The Lord’s anointed, our very life breath,

was caught in their traps.

We thought that under his shadow

we would live among the nations.

21Rejoice and be glad, Daughter Edom,

you who live in the land of Uz.

But to you also the cup will be passed;

you will be drunk and stripped naked.

22Your punishment will end, Daughter Zion;

he will not prolong your exile.

But he will punish your sin, Daughter Edom,

and expose your wickedness.

Tagalog Contemporary Bible

Panaghoy 4:1-22

1Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng kumupas na ginto o ng mamahaling bato na nagkalat sa lansangan. 2Kung katulad sila ng tunay na ginto noon, ngayon namaʼy itinuturing na parang mga palayok na gawa sa putik. 3Kahit na ang mga asong-gubat ay pinasususo ang kanilang mga tuta, pero ang mga mamamayan koʼy naging malupit sa kanilang mga anak, gaya ng malalaking ibon4:3 malalaking ibon: sa Ingles, “ostrich.” sa disyerto.

4Dumidikit na sa ngala-ngala ng mga sanggol ang mga dila nila dahil sa uhaw. Humihingi ng pagkain ang mga bata pero walang nagbibigay sa kanila. 5Ang mga taong dati ay kumakain ng masasarap, ngayoʼy namamatay na sa gutom sa mga lansangan. Ang mga dating lumaking mayaman, ngayoʼy naghahalungkat ng makakain sa mga basurahan. 6Ang parusa sa aking mga kababayan ay higit pa sa parusa sa mga taga-Sodom, na biglang winasak ng Dios at ni walang tumulong. 7Ang mga pinuno ng Jerusalem, nooʼy malulusog at malalakas ang katawan. Nakakasilaw ang kanilang kaputian gaya ng snow o gatas, at mamula-mula ang kutis tulad ng mga mamahaling bato. 8Pero ngayon, hindi na sila makilala at mas maitim pa kaysa sa uling. Mga butoʼt balat na lamang sila at parang kahoy na natuyo. 9Di-hamak na mas mabuti pa ang mga namatay sa digmaan kaysa sa mga namatay sa gutom na unti-unting namatay dahil sa walang makain. 10At dahil sa kapahamakang ito na nangyari sa aking mga kababayan, ang mga mapagmahal na ina ay napilitang iluto ang sarili nilang mga anak para kainin dahil sa labis na gutom.

11Ibinuhos ng Panginoon ang matindi niyang poot sa Jerusalem, sinunog niya ito pati na ang pundasyon nito. 12Hindi makapaniwala ang mga hari sa buong mundo pati na ang kanilang mga nasasakupan, na mapapasok ng mga kaaway ang mga pintuan ng Jerusalem. 13Pero nangyari ito dahil sa kasalanan ng mga propeta at mga pari nito na pumatay ng mga taong walang kasalanan. 14Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansangan na parang mga bulag. Puno ng dugo ang kanilang mga damit, kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila. 15Pinagsisigawan sila ng mga tao, “Lumayo kayo! Marumi kayo. Huwag nʼyo kaming hipuin.” Kaya lumayo silaʼt nagpalaboy-laboy sa ibang mga bansa pero walang tumanggap sa kanila. 16Ang Panginoon ang siyang nagpangalat sa kanila at hindi na niya sila pinapansin. Hindi na iginagalang ang mga pari at ang mga tagapamahala.

17Lumalabo na ang aming paningin sa kahihintay ng tulong ng aming mga kakamping bansa, pero hindi sila tumulong sa amin. Sa mga tore namin ay nagbantay kami at naghintay sa pagdating ng mga bansang ito na hindi rin makapagliligtas sa amin. 18Binabantayan ng mga kaaway ang mga kilos namin. Hindi na kami makalabas sa mga lansangan. Bilang na ang mga araw namin; malapit na ang aming katapusan. 19Ang mga kaaway na tumutugis sa amin ay mas mabilis pa kaysa sa agila. Tinutugis kami sa mga bundok at inaabangan kami sa disyerto para salakayin. 20Nahuli nila ang aming hari na hinirang ng Panginoon, ang inaasahan naming mangangalaga sa amin mula sa mga kaaway naming bansa.

21Magalak kayo ngayon, mga angkan ni Edom na nakatira sa lupain ng Uz. Dahil kayo man ay paiinumin din sa tasa ng parusa ng Panginoon. Malalasing din kayo at malalagay sa kahihiyan. 22Mga taga-Jerusalem, matatapos na ang parusa ninyo. Hindi magtatagal ay pauuwiin na kayo ng Panginoon mula sa lugar na ito na pinagdalhan sa inyo nang bihagin kayo. Pero kayong mga taga-Edom, parurusahan kayo ng Panginoon dahil sa inyong mga kasalanan at ibubunyag niya ang inyong kasamaan.