Colossians 4 – NIV & TCB

New International Version

Colossians 4:1-18

1Masters, provide your slaves with what is right and fair, because you know that you also have a Master in heaven.

Further Instructions

2Devote yourselves to prayer, being watchful and thankful. 3And pray for us, too, that God may open a door for our message, so that we may proclaim the mystery of Christ, for which I am in chains. 4Pray that I may proclaim it clearly, as I should. 5Be wise in the way you act toward outsiders; make the most of every opportunity. 6Let your conversation be always full of grace, seasoned with salt, so that you may know how to answer everyone.

Final Greetings

7Tychicus will tell you all the news about me. He is a dear brother, a faithful minister and fellow servant4:7 Or slave; also in verse 12 in the Lord. 8I am sending him to you for the express purpose that you may know about our4:8 Some manuscripts that he may know about your circumstances and that he may encourage your hearts. 9He is coming with Onesimus, our faithful and dear brother, who is one of you. They will tell you everything that is happening here.

10My fellow prisoner Aristarchus sends you his greetings, as does Mark, the cousin of Barnabas. (You have received instructions about him; if he comes to you, welcome him.) 11Jesus, who is called Justus, also sends greetings. These are the only Jews4:11 Greek only ones of the circumcision group among my co-workers for the kingdom of God, and they have proved a comfort to me. 12Epaphras, who is one of you and a servant of Christ Jesus, sends greetings. He is always wrestling in prayer for you, that you may stand firm in all the will of God, mature and fully assured. 13I vouch for him that he is working hard for you and for those at Laodicea and Hierapolis. 14Our dear friend Luke, the doctor, and Demas send greetings. 15Give my greetings to the brothers and sisters at Laodicea, and to Nympha and the church in her house.

16After this letter has been read to you, see that it is also read in the church of the Laodiceans and that you in turn read the letter from Laodicea.

17Tell Archippus: “See to it that you complete the ministry you have received in the Lord.”

18I, Paul, write this greeting in my own hand. Remember my chains. Grace be with you.

Tagalog Contemporary Bible

Colosas 4:1-18

1Mga amo, maging mabuti at makatarungan kayo sa mga alipin ninyo. Alalahanin ninyong kayo rin ay mayroong amo sa langit.

Ang Ilan pang mga Bilin

2Magpakasigasig kayo sa pananalangin nang may pasasalamat, at habang nananalangin kayo ingatan ninyo ang pag-iisip ninyo. 3Ipanalangin nʼyo rin na bigyan kami ng Dios ng pagkakataon na maihayag ang mensahe tungkol kay Cristo na inilihim noon. Ang pangangaral ko tungkol dito ang dahilan ng pagkabilanggo ko. 4Ipanalangin nʼyo na maipangaral ko ito nang mabuti, gaya nang nararapat.

5Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi mananampalataya, at samantalahin nʼyo ang lahat ng pagkakataon na maibahagi ang pananampalataya nʼyo. 6Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita para makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.

Mga Pangangamusta

7Kung tungkol naman sa kalagayan ko rito, ang minamahal naming si Tykicus ang magbabalita sa inyo. Isa siyang tapat na manggagawa at kapwa ko lingkod ng Panginoon. 8Pinapunta ko siya riyan para malaman nʼyo ang kalagayan namin, nang lumakas naman ang loob ninyo. 9Kasama niya sa pagpunta riyan si Onesimus, ang tapat at minamahal nating kapatid na kababayan ninyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng nangyayari rito.

10Kinukumusta kayo nina Aristarcus na kapwa ko bilanggo at Marcos na pinsan ni Bernabe. (Gaya ng ibinilin ko sa inyo, malugod ninyong tanggapin si Marcos pagdating niya riyan.) 11Kinukumusta rin kayo ni Jesus na tinatawag na Justus. Sila lang ang mga Judio na kasama ko ritong naglilingkod para sa kaharian ng Dios, at pinapalakas nila ang loob ko.

12Kinukumusta rin kayo ng kababayan ninyong si Epafras na isa ring lingkod ni Cristo Jesus. Lagi siyang nananalangin nang taimtim na manatili kayong matatag, maging ganap, at may buong katiyakan sa kalooban ng Dios. 13Saksi ako sa mga pagsisikap ni Epafras para sa inyo at para sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14Kinukumusta rin kayo ni Lucas, ang minamahal nating doktor, at ni Demas.

15Ikumusta nʼyo ako sa mga kapatid sa Laodicea, ganoon din kay Nymfa at sa mga mananampalataya4:15 mga mananampalataya: sa literal, iglesya. na nagtitipon sa bahay niya. 16Pagkabasa nʼyo ng sulat na ito, ipabasa nʼyo rin sa iglesya sa Laodicea at basahin nʼyo rin ang sulat mula sa kanila. 17Pakisabi kay Arkipus na ipagpatuloy niya ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon.

18Ako, si Pablo, ang mismong sumulat ng pagbating ito.

Alalahanin nʼyo ako rito sa bilangguan.

Pagpalain nawa kayo ng Dios.