1 Kings 13 – NIV & TCB

New International Version

1 Kings 13:1-34

The Man of God From Judah

1By the word of the Lord a man of God came from Judah to Bethel, as Jeroboam was standing by the altar to make an offering. 2By the word of the Lord he cried out against the altar: “Altar, altar! This is what the Lord says: ‘A son named Josiah will be born to the house of David. On you he will sacrifice the priests of the high places who make offerings here, and human bones will be burned on you.’ ” 3That same day the man of God gave a sign: “This is the sign the Lord has declared: The altar will be split apart and the ashes on it will be poured out.”

4When King Jeroboam heard what the man of God cried out against the altar at Bethel, he stretched out his hand from the altar and said, “Seize him!” But the hand he stretched out toward the man shriveled up, so that he could not pull it back. 5Also, the altar was split apart and its ashes poured out according to the sign given by the man of God by the word of the Lord.

6Then the king said to the man of God, “Intercede with the Lord your God and pray for me that my hand may be restored.” So the man of God interceded with the Lord, and the king’s hand was restored and became as it was before.

7The king said to the man of God, “Come home with me for a meal, and I will give you a gift.”

8But the man of God answered the king, “Even if you were to give me half your possessions, I would not go with you, nor would I eat bread or drink water here. 9For I was commanded by the word of the Lord: ‘You must not eat bread or drink water or return by the way you came.’ ” 10So he took another road and did not return by the way he had come to Bethel.

11Now there was a certain old prophet living in Bethel, whose sons came and told him all that the man of God had done there that day. They also told their father what he had said to the king. 12Their father asked them, “Which way did he go?” And his sons showed him which road the man of God from Judah had taken. 13So he said to his sons, “Saddle the donkey for me.” And when they had saddled the donkey for him, he mounted it 14and rode after the man of God. He found him sitting under an oak tree and asked, “Are you the man of God who came from Judah?”

“I am,” he replied.

15So the prophet said to him, “Come home with me and eat.”

16The man of God said, “I cannot turn back and go with you, nor can I eat bread or drink water with you in this place. 17I have been told by the word of the Lord: ‘You must not eat bread or drink water there or return by the way you came.’ ”

18The old prophet answered, “I too am a prophet, as you are. And an angel said to me by the word of the Lord: ‘Bring him back with you to your house so that he may eat bread and drink water.’ ” (But he was lying to him.) 19So the man of God returned with him and ate and drank in his house.

20While they were sitting at the table, the word of the Lord came to the old prophet who had brought him back. 21He cried out to the man of God who had come from Judah, “This is what the Lord says: ‘You have defied the word of the Lord and have not kept the command the Lord your God gave you. 22You came back and ate bread and drank water in the place where he told you not to eat or drink. Therefore your body will not be buried in the tomb of your ancestors.’ ”

23When the man of God had finished eating and drinking, the prophet who had brought him back saddled his donkey for him. 24As he went on his way, a lion met him on the road and killed him, and his body was left lying on the road, with both the donkey and the lion standing beside it. 25Some people who passed by saw the body lying there, with the lion standing beside the body, and they went and reported it in the city where the old prophet lived.

26When the prophet who had brought him back from his journey heard of it, he said, “It is the man of God who defied the word of the Lord. The Lord has given him over to the lion, which has mauled him and killed him, as the word of the Lord had warned him.”

27The prophet said to his sons, “Saddle the donkey for me,” and they did so. 28Then he went out and found the body lying on the road, with the donkey and the lion standing beside it. The lion had neither eaten the body nor mauled the donkey. 29So the prophet picked up the body of the man of God, laid it on the donkey, and brought it back to his own city to mourn for him and bury him. 30Then he laid the body in his own tomb, and they mourned over him and said, “Alas, my brother!”

31After burying him, he said to his sons, “When I die, bury me in the grave where the man of God is buried; lay my bones beside his bones. 32For the message he declared by the word of the Lord against the altar in Bethel and against all the shrines on the high places in the towns of Samaria will certainly come true.”

33Even after this, Jeroboam did not change his evil ways, but once more appointed priests for the high places from all sorts of people. Anyone who wanted to become a priest he consecrated for the high places. 34This was the sin of the house of Jeroboam that led to its downfall and to its destruction from the face of the earth.

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 13:1-34

Isinumpa ng Propeta ang Altar sa Betel

1Ngayon, inutusan ng Panginoon ang isang lingkod niyang taga-Juda na pumunta sa Betel. Pagdating niya roon, nakatayo si Jeroboam sa tabi ng altar para maghandog. 2Inutusan ng Panginoon ang lingkod niya na isumpa ang altar na iyon. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa altar na ito: May isisilang na isang sanggol sa pamilya ni David na ang pangalan ay Josia. Papatayin niya at ihahandog sa altar na ito ang mga pari na naglilingkod sa mga sambahan sa matataas na lugar13:2 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. at naghahandog sa altar na ito. Masusunog ang kanilang mga buto sa altar na ito.” 3Sa mismong araw na ito, nagbigay ang lingkod ng Dios ng palatandaan na mangyayari ang kanyang sinabi. Sinabi niya, “Ito ang palatandaan na sinabi ng Panginoon: Matitibag ang altar na ito at ang alikabok nito ay kakalat.”

4Nang marinig ito ni Haring Jeroboam, itinuro niya ang lingkod ng Dios at sinabi, “Hulihin ninyo siya!” Pero bigla na lang nanigas ang kamay ng hari, kaya hindi na niya maibaba ang kanyang kamay. 5Pagkatapos, natibag ang altar at ang alikabok nito ay kumalat, ayon sa palatandaang sinabi ng lingkod ng Dios na ipinahayag sa kanya ng Panginoon.

6Pagkatapos, sinabi ng hari sa lingkod ng Dios, “Ipanalangin mo ako sa Panginoon na iyong Dios na pagalingin niya ang kamay ko.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Dios sa Panginoon at gumaling ang kamay ng hari. 7Muling sinabi ng hari sa lingkod ng Dios, “Halika sa bahay at kumain, at bibigyan kita ng regalo.” 8Pero sumagot ang lingkod ng Dios, “Kahit ibigay pa po ninyo sa akin ang kalahati ng ari-arian ninyo, hindi ako sasama sa inyo o kakain ni iinom man sa lugar na ito. 9Sapagkat inutusan po ako ng Panginoon na huwag akong kumain ni uminom habang nandito ako, at sa pag-uwi koʼy hindi ako dapat dumaan sa dinaanan ko papunta rito.” 10Kaya ibang daan ang dinaanan niya nang umuwi siya.

11Nang panahong iyon, may isang matandang propeta na nakatira sa Betel. Pinuntahan siya ng kanyang mga anak na lalaki13:11 mga anak na lalaki: Itoʼy ayon sa ibang lumang teksto; sa Hebreo, anak na lalaki. at ibinalita ang lahat ng ginawa ng lingkod ng Dios noong araw na iyon sa Betel. Ibinalita rin nila sa kanya kung ano ang sinabi ng lingkod ng Dios sa hari. 12Nagtanong ang kanilang ama, “Saan siya dumaan pauwi?” At sinabi nila kung saan siya dumaan. 13Pagkatapos, sinabi ng kanilang ama sa kanila, “Ihanda ninyo ang asno para sa akin.” Kaya inihanda nila ang asno; sumakay siya 14at hinabol ang lingkod ng Dios. Inabutan niyang nakaupo ito sa ilalim ng punong terebinto. Tinanong niya ito, “Ikaw ba ang lingkod ng Dios na galing sa Juda?” Sumagot siya, “Opo.” 15Sinabi niya, “Halika sa bahay at kumain.” 16Sumagot ang lingkod ng Dios, “Hindi po ako maaaring bumalik at sumama sa inyo, at hindi rin ako maaaring kumain o uminom kasama ninyo sa lugar na ito. 17Sapagkat inutusan ako ng Panginoon na huwag akong kumain ni uminom habang nandito ako at sa pag-uwi koʼy hindi ako dapat dumaan sa dinaanan ko papunta rito.” 18Sinabi ng matandang propeta, “Propeta rin ako na katulad mo. At inutusan ng Panginoon ang isang anghel para sabihin sa akin na dalhin kita sa bahay ko para makakain at makainom ka.” (Pero nagsisinungaling ang matanda.) 19Kaya sumama sa kanyang bahay ang lingkod ng Dios, kumain at uminom siya roon.

20Habang nakaupo sila sa mesa, may sinabi ang Panginoon sa matandang propeta. 21Kaya sinabi ng matandang propeta sa lingkod ng Dios na galing sa Juda, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Nilabag mo ang utos ng Panginoon na iyong Dios; hindi mo sinunod ang iniutos niya sa iyo. 22Iniutos niya sa iyo na huwag kang kakain at iinom sa lugar na ito, pero bumalik ka rito at kumain at uminom. Dahil sa ginawa mo, ang bangkay mo ay hindi ililibing sa libingan ng mga ninuno mo.’ ”

23Nang matapos kumain at uminom ang lingkod ng Dios, inihanda ng matandang propeta ang asno para sa pag-uwi nito. 24At habang papauwi na siya, sinalubong siya ng isang leon at pinatay. Ang bangkay nitoʼy nakahandusay sa daan, at sa tabi nitoʼy nakatayo ang leon at asno. 25Nakita ng mga taong dumaraan doon ang bangkay at ang leon sa tabi nito, at ibinalita nila ito sa lungsod kung saan nakatira ang matandang propeta.

26Nang marinig ito ng matandang propeta, sinabi niya, “Siya ang lingkod ng Dios na lumabag sa salita ng Panginoon. Pinabayaan siya ng Panginoon sa leon na sumunggab at pumatay sa kanya, ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya.”

27Sinabi agad ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Ihanda ninyo ang asno para sa akin.” At inihanda nila ito. 28Umalis siya, at nakita niya ang bangkay na nakahandusay sa daan, at ang leon at asno na nakatayo sa tabi nito. Hindi kinain ng leon ang bangkay o nilapa man ang asno. 29Kinuha ng matandang propeta ang bangkay ng lingkod ng Dios at isinakay sa asno, at dinala sa kanilang lungsod para ipagluksa ang bangkay at ilibing ito. 30Inilibing niya ito sa libingan na ipinagawa niya para sa kanyang sarili. Lubha silang nalungkot sa pagkamatay ng lingkod ng Dios.

31Matapos siyang mailibing, sinabi ng matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, “Kapag namatay ako, ilibing ninyo ako sa pinaglibingan ng lingkod ng Dios, at pagtabihin ninyo kami. 32Dahil ang mga salita na sinabi ng Panginoon sa kanya tungkol sa altar sa Betel at sa mga sambahan sa matataas na lugar sa Samaria ay siguradong matutupad.”

33Kahit nangyari ang mga ito, hindi pa rin nagbago si Jeroboam sa kanyang pag-uugali. Pumili pa rin siya ng mga taong maglilingkod bilang mga pari sa mga sambahan sa matataas na lugar. Ang sinumang gustong maglingkod bilang pari ay inordinahan niya. 34Ang ginawang ito ni Jeroboam ay naging dahilan ng pagkakasala ng sambahayan niya at naghatid sa kanila ng pagkatalo at kapahamakan.