Romans 2 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Romans 2:1-29

God Judges Fairly

1If you judge someone else, you have no excuse for it. When you judge another person, you are judging yourself. You do the same things you blame others for doing. 2We know that when God judges those who do evil things, he judges fairly. 3Though you are only a human being, you judge others. But you yourself do the same things. So how do you think you will escape when God judges you? 4Do you disrespect God’s great kindness and favor? Do you disrespect God when he is patient with you? Don’t you realize that God’s kindness is meant to turn you away from your sins?

5But you are stubborn. In your heart you are not sorry for your sins. You are storing up anger against yourself. The day of God’s anger is coming. Then his way of judging fairly will be shown. 6God “will pay back each person in keeping with what they have done.” (Psalm 62:12; Proverbs 24:12) 7God will give eternal life to those who keep on doing good. They want glory, honor, and life that never ends. 8But there are others who only look out for themselves. They don’t accept the truth. They go astray. God will pour out his great anger on them. 9There will be trouble and suffering for everyone who does evil. That is meant first for the Jews. It is also meant for the Gentiles. 10But there will be glory, honor and peace for everyone who does good. That is meant first for the Jews. It is also meant for the Gentiles. 11God treats everyone the same.

12Some people do not know God’s law when they sin. They will not be judged by the law when they die. Others do know God’s law when they sin. They will be judged by the law. 13Hearing the law does not make a person right with God. People are considered to be right with God only when they obey the law. 14Gentiles do not have the law. Sometimes they just naturally do what the law requires. They are a law for themselves. This is true even though they don’t have the law. 15They show that what the law requires is written on their hearts. The way their minds judge them proves this fact. Sometimes their thoughts find them guilty. At other times their thoughts find them not guilty. 16This will happen on the day God appoints Jesus Christ to judge people’s secret thoughts. That’s part of my good news.

The Jews and the Law

17Suppose you call yourself a Jew. You trust in the law. You brag that you know God. 18You know what God wants. You agree with what is best because the law teaches you. 19You think you know so much more than the people you teach. You think you’re helping blind people. You think you are a light for those in the dark. 20You think you can make foolish people wise. You act like you’re teaching little children. You think that the law gives you all knowledge and truth. 21You claim to teach others, but you don’t even teach yourself! You preach against stealing. But you steal! 22You say that people should not commit adultery. But you commit adultery! You hate statues of gods. But you rob temples! 23You brag about the law. But when you break it, you rob God of his honor! 24It is written, “The Gentiles say evil things against God’s name because of you.” (Isaiah 52:5; Ezekiel 36:22)

25Circumcision has value if you obey the law. But if you break the law, it is just as if you hadn’t been circumcised. 26And sometimes those who aren’t circumcised do what the law requires. Won’t God accept them as if they had been circumcised? 27Many are not circumcised physically, but they obey the law. They will prove that you are guilty. You are breaking the law, even though you have the written law and are circumcised.

28A person is not a Jew if they are a Jew only on the outside. And circumcision is more than just something done to the outside of a man’s body. 29No, a person is a Jew only if they are a Jew on the inside. And true circumcision means that the heart has been circumcised by the Holy Spirit. The person whose heart has been circumcised does more than obey the written law. The praise that matters for that kind of person does not come from other people. It comes from God.

Tagalog Contemporary Bible

Roma 2:1-29

Ang Hatol ng Dios

1Ngayon, masasabi mong dapat lang hatulan ang mga taong ito dahil sa kanilang kasamaan. Pero maging ikaw na humahatol ay walang maidadahilan. Sapagkat sa iyong paghatol sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ginagawa mo rin ang mga bagay na iyon. 2Alam nating makatarungan ang hatol ng Dios sa mga taong gumagawa ng kasamaan. 3-4Pero sino ka para humatol sa iba kung ikaw mismo ay gumagawa rin ng mga iyon? Ang akala mo baʼy makakaligtas ka sa hatol ng Dios dahil alam mong siyaʼy mabuti, matiyaga at mapagtimpi? Dapat mong malaman na ang Dios ay mabuti sa iyo dahil binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi sa mga kasalanan mo. 5Pero dahil sa matigas ang ulo mo at ayaw mong magsisi, pinabibigat mo ang parusa ng Dios sa iyo sa araw na ihahayag niya ang kanyang poot at makatarungang paghatol. 6Sapagkat ibibigay ng Dios sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa.2:6 Salmo 62:12; Kaw. 24:12. 7Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, na ang hangad ay makamtan ang karangalan, papuri mula sa Dios, at buhay na walang kamatayan. 8Sa iba naman na walang iniisip kundi ang sarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan, ibubuhos sa kanila ng Dios ang kanyang matinding galit. 9Lahat ng taong gumagawa ng masama ay parurusahan ng Dios, ang mga Judio muna bago ang mga hindi Judio. 10Ngunit bibigyan ng Dios ng papuri, karangalan at kapayapaan ang lahat ng gumagawa ng kabutihan, una ang mga Judio bago ang mga hindi Judio. 11Sapagkat pantay-pantay ang pagtingin ng Dios sa lahat ng tao.

12Ang mga taong nagkakasala na walang alam sa Kautusan ni Moises ay mapapahamak,2:12 mapapahamak: sa Ingles, will perish. at ang kaparusahan nila ay hindi ibabatay sa Kautusan. Ang mga nakakaalam naman ng Kautusan ni Moises, pero patuloy na gumagawa ng kasamaan ay parurusahan na batay sa Kautusan. 13Sapagkat hindi ang nakikinig sa Kautusan ang itinuturing ng Dios na matuwid kundi ang tumutupad nito. 14Ang mga hindi Judio ay walang kaalaman tungkol sa Kautusan ni Moises. Pero kung gumagawa sila nang naaayon sa sinasabi ng Kautusan, ipinapakita nila na kahit wala silang alam tungkol dito ay alam nila ang nararapat gawin. 15Ang mabubuting gawa nila ay nagpapakita na ang iniuutos ng Kautusan ay nakaukit sa kanilang puso. Pinatutunayan ito ng kanilang konsensya, dahil kung minsaʼy inuusig sila nito at kung minsan namaʼy ipinagtatanggol. 16At ayon sa Magandang Balita na itinuturo ko, ang konsensya ay pagbabatayan din sa araw na hahatulan ng Dios, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang lahat ng lihim ng mga tao.

Ang mga Judio at ang Kautusan

17Sinasabi ninyo na mga Judio kayo, nagtitiwala kayo sa Kautusan at ipinagmamalaki ang inyong kaugnayan sa Dios. 18Alam ninyo kung ano ang kalooban ng Dios at alam din ninyo kung ano ang dapat gawin, dahil itinuro ito sa inyo sa Kautusan. 19Ipinapalagay ninyong tagaakay kayo ng mga bulag sa katotohanan, ilaw sa mga taong nasa kadiliman, 20at tagapagturo sa mga kulang ng pang-unawa at mga bata pa sa mga bagay tungkol sa Dios. Ganito nga ang palagay ninyo sa inyong sarili, dahil naniniwala kayo na sa pamamagitan ng Kautusan ay nakamit na ninyo ang lahat ng kaalaman at katotohanan. 21Tinuturuan ninyo ang iba, pero bakit hindi ninyo maturuan ang inyong sarili? Nangangaral kayong huwag magnakaw, pero kayo mismoʼy nagnanakaw. 22Sinasabi ninyong huwag mangalunya, pero kayo mismo ay nangangalunya. Kinasusuklaman ninyo ang mga dios-diosang sinasamba ng mga hindi Judio, pero ninanakawan naman ninyo ang kanilang mga templo. 23Nagmamalaki kayo na nasa inyo ang Kautusan ng Dios, pero ginagawa ninyong kahiya-hiya ang Dios dahil sa paglabag ninyo sa Kautusan. 24Sinasabi sa Kasulatan, “Dahil sa inyo, nilalapastangan ng mga hindi Judio ang pangalan ng Dios.”2:24 Isa. 52:5.

25Nagtitiwala kayo na kayo ang mga taong pinili ng Dios dahil kayoʼy tuli. May halaga lang ang pagiging tuli kung sinusunod ninyo ang Kautusan. Pero kung nilalabag naman ninyo ang Kautusan, para na rin kayong mga hindi tuli. 26At kung sinusunod naman ng isang hindi tuli ang Kautusan, ituturing siya ng Dios na para na ring tuli. 27Kahit na kayo ay mga Judio at tuli, papatunayan ng mga hindi Judio na dapat kayong parusahan. Sapagkat kahit na hindi sila tuli at wala sa kanila ang Kautusan, sinusunod naman nila ito, samantalang kayong mga may hawak ng Kautusan ay lumalabag dito. 28Ang pagka-Judio ng isang tao ay hindi dahil sa Judio ang kanyang mga magulang at tuli siya sa laman. 29Ang tunay na Judio ay ang taong nabago2:29 nabago: sa literal, natuli. ang puso sa pamamagitan ng Espiritu, at hindi dahil tuli siya ayon sa Kautusan. Ang ganyang tao ay pinupuri ng Dios kahit hindi pinupuri ng tao.