Psalm 39 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Psalm 39:1-13

Psalm 39

For the director of music. For Jeduthun. A psalm of David.

1I said, “I will be careful about how I live.

I will not sin by what I say.

I will keep my mouth closed

when I am near sinful people.”

2So I was completely silent.

I didn’t even say anything good.

But the pain inside me grew worse.

3My heart was deeply troubled.

As I thought about what was happening to me,

I became even more troubled.

Then I spoke out.

4I said, “Lord, show me when my life will end.

Show me how many days I have left.

Tell me how short my life will be.

5You have given me only a few days to live.

My whole life doesn’t seem like anything to you.

No one lasts any longer than a breath.

This is true even for those who feel secure.

6People are only shadows as they go here and there.

They rush around, but it doesn’t mean anything.

They pile up wealth, but they don’t know who will finally get it.

7“Lord, what can I look forward to now?

You are the only hope I have.

8Save me from all the wrong things I’ve done.

Don’t let foolish people make fun of me.

9I keep silent. I don’t open my mouth.

You are the one who has caused all this to happen.

10Please stop beating me.

I’m about to die from the blows of your hand.

11You correct and punish people for their sin.

Then, just as a moth eats cloth, you destroy their wealth.

No one lasts any longer than a breath.

12Lord, hear my prayer.

Listen to my cry for help.

Pay attention to my weeping.

I’m like an outsider in your home.

I’m just a stranger, like all my family who lived before me.

13Leave me alone.

Let me enjoy life again before I die.”

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 39:1-13

Salmo 3939 Salmo 39 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang Salmo ni David para kay Jedutun na direktor ng mga mang-aawit.

Ang Pagpapahayag ng Kasalanan ng Taong Nahihirapan

1Sinabi ko sa aking sarili,

“Ang ugali koʼy aking babantayan, sa pagsasalita, ang magkasalaʼy iiwasan.

Pipigilan ko ang aking mga labi habang malapit ako sa masasamang tao.”

2Kaya tumahimik ako at walang anumang sinabi kahit mabuti,

ngunit lalong nadagdagan ang sakit ng aking kalooban.

3Akoʼy tunay na nabahala,

at sa kaiisip koʼy lalo akong naguluhan,

kaya nang hindi ko na mapigilan ay sinabi ko,

4Panginoon, paalalahanan nʼyo ako na may katapusan at bilang na ang aking mga araw,

na ang buhay ko sa mundoʼy pansamantala lamang.

Paalalahanan nʼyo akong sa mundo ay lilisan.

5Kay ikli ng buhay na ibinigay nʼyo sa akin.

Katumbas lang ng isang saglit para sa inyo.

Itoʼy parang hangin lamang na dumadaan,

6o kayaʼy parang anino na nawawala.

Abala siya sa mga bagay na wala namang kabuluhan.

Nagtitipon siya ng kayamanan, ngunit kapag siyaʼy namatay,

hindi na niya alam kung sino ang makikinabang.

7At ngayon, Panginoon, ano pa ang aasahan ko?

Kayo lang ang tanging pag-asa ko.

8Iligtas nʼyo ako sa lahat kong kasalanan,

at huwag nʼyong hayaang pagtawanan ako ng mga hangal.

9Akoʼy mananahimik at hindi na ibubuka pa ang aking bibig,

dahil nanggaling sa inyo ang pagdurusa kong ito.

10Huwag nʼyo na akong parusahan.

Akoʼy parang mamamatay na sa dulot nʼyong kahirapan.

11Dinidisiplina nʼyo ang tao kapag siya ay nagkakasala.

Katulad ng anay, inuubos nʼyo rin ang kanilang mga pinahahalagahan.

Tunay na ang buhay ng tao ay pansamantala lamang.39:11 pansamantala lamang: sa literal, parang hininga lamang.

12Panginoon, dinggin nʼyo ang dalangin ko.

Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong sa inyo.

Huwag nʼyo sanang balewalain ang aking mga pag-iyak.

Dahil dito sa mundo akoʼy dayuhan lamang,

gaya ng aking mga ninuno, sa mundo ay lilisan.

13Huwag na kayong magalit sa akin,

upang akoʼy maging masaya bago ako mamatay.”