Proverbs 21 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Proverbs 21:1-31

1In the Lord’s hand the king’s heart is like a stream of water.

The Lord directs it toward all those who please him.

2A person might think their own ways are right.

But the Lord knows what they are thinking.

3Do what is right and fair.

The Lord accepts that more than sacrifices.

4The proud eyes and hearts of sinful people are like a field not plowed.

Those things produce nothing good.

5The plans of people who work hard succeed.

You can be just as sure that those in a hurry will become poor.

6A fortune made by people who tell lies

amounts to nothing and leads to death.

7The harmful things that evil people do will drag them away.

They refuse to do what is right.

8The path of those who are guilty is crooked.

But the conduct of those who are not guilty is honest.

9It is better to live on a corner of a roof

than to share a house with a nagging wife.

10Sinful people long to do evil.

They don’t show their neighbors any mercy.

11When you punish someone who makes fun of others, childish people get wise.

By paying attention to wise people, the childish get knowledge.

12The Blameless One knows where sinners live.

And he destroys them.

13Whoever refuses to listen to the cries of poor people

will also cry out and not be answered.

14A secret gift calms down anger.

A hidden favor softens great anger.

15When you do what is fair, you make godly people glad.

But you terrify those who do what is evil.

16Whoever leaves the path of understanding

ends up with those who are dead.

17Anyone who loves pleasure will become poor.

Anyone who loves wine and olive oil will never be rich.

18Evil people become the payment for setting godly people free.

Those who aren’t faithful are the payment for honest people.

19It is better to live in a desert

than to live with a nagging wife who loves to argue.

20Wise people store up the best food and olive oil.

But foolish people eat up everything they have.

21Anyone who wants to be godly and loving

finds life, success and honor.

22A wise person can attack a strong city.

They can pull down the place of safety its people trust in.

23Those who are careful about what they say

keep themselves out of trouble.

24A proud person is called a mocker.

He thinks much too highly of himself.

25Some people will die while they are still hungry.

That’s because their hands refuse to work.

26All day long they hunger for more.

But godly people give without holding back.

27God hates sacrifices that are brought by evil people.

He hates it even more when they bring them for the wrong reason.

28Witnesses who aren’t honest will die.

But anyone who listens carefully will be a successful witness.

29Sinful people try to look as if they were bold.

But honest people think about how they live.

30No wisdom, wise saying or plan

can succeed against the Lord.

31You can prepare a horse for the day of battle.

But the power to win comes from the Lord.

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 21:1-31

1Ang isipan ng hari ay parang ilog na pinapadaloy ng Panginoon saan man niya naisin.

2Inaakala ng tao na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, ngunit ang Panginoon lang ang nakakaalam kung ano ang ating motibo.

3Ang paggawa ng matuwid at makatarungan ay kalugod-lugod sa Panginoon kaysa sa paghahandog.

4Ang mapagmataas na tingin at palalong isipan ay kasalanan. Ganyan ang ugali ng mga taong makasalanan.

5Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.

6Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling mawala at maaaring humantong sa maagang kamatayan.

7Ang karahasan ng masasama ang magpapahamak sa kanila, sapagkat ayaw nilang gawin ang tama.

8Hindi matuwid ang gawain ng taong may kasalanan, ngunit matuwid ang gawain ng taong walang kasalanan.

9Mas mabuti pang tumirang mag-isa sa bubungan ng bahay21:9 Ang mga bahay noon sa Israel ay may patag na bubong. kaysa sa loob ng bahay na ang kasama ay asawang palaaway.

10Ang masasama ay laging gustong gumawa ng masama at sa kanilang kapwa ay wala silang awa.

11Kapag ang manunuya ay pinarusahan mo, ang mga mangmang ay matututo. Kapag ang marunong naman ang tinuruan mo, lalo pa siyang magiging matalino.

12Alam ng matuwid na Dios kung ano ang ginagawa ng sambahayan ng masasama, at parurusahan niya sila.

13Ang hindi pumansin sa daing ng mahirap, kapag siya naman ang dumaing ay walang lilingap.

14Kapag ang kapwa mo ay may galit sa iyo, mawawala iyon sa palihim na regalo.

15Kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.

16Ang taong lumilihis sa karunungan ay hahantong sa kamatayan.

17Ang taong maluho at puro pagdiriwang ay hindi yayaman kundi lalo pang maghihirap.

18Pinarurusahan ang masasama at makasalanan upang iligtas ang taong matuwid.

19Mas mabuti pang manirahan sa disyerto kaysa manirahan sa bahay na kasama ang asawang magagalitin at palaaway.

20Ang taong marunong ay pinaghahandaan ang kanyang kinabukasan, ngunit ang mangmang, winawaldas ang lahat hanggang sa maubusan.

21Ang taong namumuhay sa katuwiran at kabutihan ay hahaba ang buhay, magtatagumpay at pararangalan.

22Mapapasuko ng matalinong pinuno ang bayan na maraming sundalo, at kaya niyang gibain ang mga pader na kanilang inaasahang tanggulan.

23Ang taong nag-iingat sa kanyang mga sinasabi ay nakakaiwas sa gulo.

24Ang taong palalo at mayabang ay makikilala mo dahil nangungutya siya at sukdulan ang kayabangan.

25Kung marami kang ninanais ngunit tamad kang magtrabaho, iyon ang sisira sa iyo.

26Ang taong tamad ay laging naghahangad na makatanggap, ngunit ang taong matuwid ay nagbibigay nang walang alinlangan.

27Kinasusuklaman ng Panginoon ang handog ng taong masama, lalo na kung ihahandog niya ito ng may layuning masama.

28Patitigilin sa pagsasalita ang saksing sinungaling, ngunit ang saksing nagsasabi ng katotohanan ay pakikinggan.

29Ang taong masama ay hindi pinag-iisipan ang kanyang ginagawa, ngunit ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna nang mabuti ang kanyang ginagawa.

30Walang karunungan, pang-unawa o payo ang makakapantay sa Panginoon.

31Kahit nakahanda na ang mga kabayo para sa labanan, ang Panginoon pa rin ang nagbibigay ng katagumpayan.