Proverbs 11 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Proverbs 11:1-31

1The Lord hates it when people use scales to cheat others.

But he is delighted when people use honest weights.

2When pride comes, shame follows.

But wisdom comes to those who are not proud.

3Those who do what is right are guided by their honest lives.

But those who aren’t faithful are destroyed by their lies.

4Wealth isn’t worth anything when God judges you.

But doing what is right saves you from death.

5The ways of honest people are made straight because they do what is right.

But those who do what is wrong are brought down by their own sins.

6Godly people are saved by doing what is right.

But those who aren’t faithful are trapped by evil longings.

7Hopes placed in human beings will die with them.

Everything their power promised comes to nothing.

8Those who do right are saved from trouble.

But trouble comes on those who do wrong.

9With their words ungodly people destroy their neighbors.

But those who do what is right escape because of their knowledge.

10When those who do right succeed, their city is glad.

When those who do wrong die, people shout for joy.

11The blessing of honest people builds up a city.

But the words of sinners destroy it.

12Whoever makes fun of their neighbor has no sense.

But the one who has understanding controls their tongue.

13Those who talk about others will tell secrets.

But those who can be trusted keep the secrets of others.

14Without guidance a nation falls.

But many good advisers can bring victory to a nation.

15Whoever promises to pay for what someone else owes will certainly suffer.

But a person who doesn’t agree to pay someone else’s bill is safe.

16A woman who has a kind heart gains honor.

But men who are not kind gain only wealth.

17Those who are kind benefit themselves.

But mean people bring ruin on themselves.

18An evil person really earns nothing.

But the one who plants what is right will certainly be rewarded.

19Surely right living leads to life.

But whoever runs after evil finds death.

20The Lord hates those whose hearts are twisted.

But he is pleased with those who live without blame.

21You can be sure that sinners will be punished.

And you can also be sure that godly people will go free.

22A beautiful woman who has no sense

is like a gold ring in a pig’s nose.

23What godly people long for ends only in what is good.

But what sinners hope for ends only in God’s anger.

24One person gives freely but gets even richer.

Another person doesn’t give what they should but gets even poorer.

25Anyone who gives a lot will succeed.

Anyone who renews others will be renewed.

26People ask for bad things to happen to those who store up grain for themselves.

But people ask for God’s blessing on those who are willing to sell.

27Anyone who looks for what is good will be blessed.

But bad things will happen to a person who plans to do evil.

28Those who trust in their riches will fall.

But those who do right will be as healthy as a green leaf.

29Those who bring ruin on their families will receive nothing but wind.

And foolish people will serve wise people.

30The fruit that godly people bear is like a tree of life.

And those who are wise save lives.

31Godly people get what they should get on earth.

So ungodly people and sinners will certainly get what they should get!

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 11:1-31

1Kinasusuklaman ng Panginoon ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.

2Ang taong mayabang ay madaling mapahiya, ngunit may karunungan ang taong mapagpakumbaba.

3Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.

4Ang kayamanan ay hindi makakatulong sa araw ng paghuhukom, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay magliligtas sa iyo sa kamatayan.

5Ang matuwid at walang kapintasang pamumuhay ay makapagpapagaan ng buhay, ngunit ang masamang pamumuhay ay maghahatid ng kapahamakan.

6Ang pamumuhay ng taong matuwid ang magliligtas sa kanya, ngunit ang hangad ng taong mandaraya ang magpapahamak sa kanya.

7Kapag namatay ang taong masama, pag-asa niyaʼy mawawala, at ang kanyang mga inaasahan ay mawawalan ng kabuluhan.

8Inililigtas ng Dios sa kahirapan ang matuwid, ngunit ang masama ay kanyang pinapabayaan.

9Sinisira ng hindi makadios ang kapwa niya sa pamamagitan ng kanyang mga salita. Ang taong matuwid ay maililigtas ng kanyang kaalaman.

10Kapag ang matuwid ay pinagpapala, mga taoʼy sumisigaw sa tuwa. At kapag ang masama ay napapahamak ganoon din ang kanilang ginagawa.

11Umuunlad ang isang bayan sa pagpapala ng mga mamamayang matuwid, subalit nawawasak ito sa pamamagitan ng salita ng masama.

12Ang taong walang pang-unawa ay kinukutya ang kapwa, ngunit ang taong may pang-unawa ay hindi nangungutya.

13Ang mga taong madaldal ay nagsisiwalat ng sikreto ng iba, ngunit ang taong mapagkakatiwalaan ay nakakapagtago ng sikreto ng iba.

14Babagsak ang bansa kung ang namumuno nito ay walang gumagabay, ngunit kung maraming tagapayo tiyak ang tagumpay.

15Delikado ang mangakong managot sa utang ng iba, kaya iwasan itong gawin upang hindi ka magkaproblema.

16Ang babaeng maganda ang ugali ay nag-aani ng karangalan, ngunit ang taong marahas ay magaling lang sa pag-angkin ng kayamanan. Ang taong tamad ay maghihirap,11:16 Ang taong tamad ay maghihirap: Wala ito sa Hebreo, pero makikita sa Septuagint. ngunit ang taong masipag ay yayaman.

17Kung mabait ka para iyon sa iyong kabutihan, ngunit kung malupit ka para iyon sa iyong kapahamakan.

18Ang masamang tao ay hindi tatanggap ng tunay na gantimpala, ngunit ang gumagawa ng matuwid ay tatanggap ng tunay na gantimpala.

19Ang taong gumagawa ng matuwid ay patuloy na mabubuhay, ngunit ang taong gumagawa ng masama ay mamamatay.

20Kasuklam-suklam sa Panginoon ang pag-iisip ng masama, ngunit ang buhay na matuwid ay kalugod-lugod sa kanya.

21Ang taong masama, tiyak na parurusahan, ngunit ang matuwid ay makakaligtas.

22Ang magandang babaeng hindi marunong magpasya ay parang isang gintong singsing sa nguso ng baboy.

23Ang ninanais ng matuwid ay pawang kabutihan, ngunit ang ninanais ng masama ay nagdudulot ng kaguluhan.

24Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan.

25Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.

26Isinusumpa ang taong nagtatago ng paninda para maitinda ito kapag mataas na ang presyo, ngunit pinupuri ang taong hindi nagtatago ng paninda.

27Ang taong naghahanap ng kabutihan ay makakatagpo nito, ngunit ang taong naghahanap ng gulo ay makakatagpo rin ng gulo.

28Mabibigo ang taong nagtitiwala sa kanyang kayamanan, ngunit ang taong matuwid ay lalago na parang sariwang halaman.

29Ang mga hangal na nagdadala ng gulo sa sariling tahanan ay walang mamanahin sa huli. Magiging alipin lang sila ng mga taong may karunungan.

30Ang ginagawa ng mga taong matuwid ay makakatulong sa iba upang mapabuti at mapahaba ang kanilang buhay.11:30 makakatulong … buhay: sa literal, punongkahoy na nagbibigay ng buhay. At madadala niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan.

31Ang mga ginagawa ng mga taong matuwid dito sa mundo ay ginagantihan ng kabutihan, gayon din sa makasalanan at hindi kumikilala sa Dios, ganti sa kanila ay kaparusahan.