Matthew 3 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Matthew 3:1-17

John the Baptist Prepares the Way

1In those days John the Baptist came and preached in the Desert of Judea. 2He said, “Turn away from your sins! The kingdom of heaven has come near.” 3John is the one Isaiah the prophet had spoken about. He had said,

“A messenger is calling out in the desert,

‘Prepare the way for the Lord.

Make straight paths for him.’ ” (Isaiah 40:3)

4John’s clothes were made out of camel’s hair. He had a leather belt around his waist. His food was locusts and wild honey. 5People went out to him from Jerusalem and all Judea. They also came from the whole area around the Jordan River. 6When they confessed their sins, John baptized them in the Jordan.

7John saw many Pharisees and Sadducees coming to where he was baptizing. He said to them, “You are like a nest of poisonous snakes! Who warned you to escape the coming of God’s anger? 8Live in a way that shows you have turned away from your sins. 9Don’t think you can say to yourselves, ‘Abraham is our father.’ I tell you, God can raise up children for Abraham even from these stones. 10The ax is ready to cut the roots of the trees. All the trees that don’t produce good fruit will be cut down. They will be thrown into the fire.

11“I baptize you with water, calling you to turn away from your sins. But after me, someone is coming who is more powerful than I am. I’m not worthy to carry his sandals. He will baptize you with the Holy Spirit and fire. 12His pitchfork is in his hand to clear the straw from his threshing floor. He will gather his wheat into the storeroom. But he will burn up the husks with fire that can’t be put out.”

Jesus Is Baptized

13Jesus came from Galilee to the Jordan River. He wanted to be baptized by John. 14But John tried to stop him. So he told Jesus, “I need to be baptized by you. So why do you come to me?”

15Jesus replied, “Let it be this way for now. It is right for us to do this. It carries out God’s holy plan.” Then John agreed.

16As soon as Jesus was baptized, he came up out of the water. At that moment heaven was opened. Jesus saw the Spirit of God coming down on him like a dove. 17A voice from heaven said, “This is my Son, and I love him. I am very pleased with him.”

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 3:1-17

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo

(Mar. 1:1-8; Luc. 3:1-18; Juan 1:19-28)

1Dumating ang panahon na si Juan na tagapagbautismo ay pumunta at nangaral sa ilang ng Judea. 2Ito ang kanyang sinasabi, “Magsisi na kayo sa inyong mga kasalanan, dahil malapit na3:2 malapit na: o, dumating na. ang paghahari ng Dios.”3:2 Dios: sa literal, langit. Ang salitang “langit” ang ginagamit ng mga Judio kapalit sa pangalan ng Dios bilang tanda ng paggalang. 3Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya,

“Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang, na nagsasabi:

‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon.

Tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang dadaanan.’ ”3:3 Isa. 40:3.

4Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang kinakain niya ay balang at pulot-pukyutan. 5Nagpuntahan sa kanya ang maraming tao galing sa Jerusalem, sa mga bayan ng Judea, at sa mga bayan na malapit sa Ilog ng Jordan. 6Ipinagtapat nila ang kanilang mga kasalanan at binautismuhan sila ni Juan sa Ilog ng Jordan.

7Pero nang makita ni Juan na maraming Pariseo at Saduceo ang pumupunta para magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ahas! Sino ang nagsabi sa inyo na makakaiwas kayo sa darating na parusa ng Dios? 8Kung tunay na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo ito sa inyong mga gawa. 9Huwag ninyong isipin na hindi kayo mapaparusahan dahil mula kayo sa lahi ni Abraham. Tandaan ninyo: kahit ang mga batong itoʼy magagawa ng Dios na maging mga anak ni Abraham. 10Tandaan ninyo, ngayon pa lang ay nakaamba na ang palakol para putulin ang mga puno. Ang mga punong hindi namumunga ng mabuting bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.

11“Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng inyong pagsisisi, ngunit may isang darating na kasunod ko, mas makapangyarihan siya kaysa sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat na maging alipin niya.3:11 maging alipin niya: sa literal, magkalag ng kanyang sandalyas. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy. 12Tulad siya ng isang taong nagtatahip upang ihiwalay ang ipa sa butil. Ilalagay niya ang mga butil sa bodega, at ang ipa ay susunugin niya sa apoy na hindi mamamatay kailanman.”

Ang Pagbabautismo kay Jesus

(Mar. 1:9-11; Luc. 3:21-22)

13Dumating si Jesus sa Ilog ng Jordan mula sa Galilea at pinuntahan niya si Juan upang magpabautismo. 14Tumutol si Juan na bautismuhan si Jesus at sinabi, “Bakit magpapabautismo ka sa akin? Ako ang dapat magpabautismo sa iyo.” 15Pero sumagot si Jesus, “Hayaan mong mangyari ito ngayon, dahil ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Dios.” Kaya pumayag si Juan. 16Nang mabautismuhan si Jesus, umahon siya sa tubig. Bumukas ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Dios na bumaba sa kanya na tulad ng isang kalapati. 17At may boses na narinig mula sa langit na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”