Isaiah 54 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Isaiah 54:1-17

Jerusalem Will Be Glorious

1“Jerusalem, sing!

You are now like a woman who never had a child.

Burst into song! Shout for joy!

You who have never had labor pains,

you are now all alone.

But you will have more children than a woman who still has a husband,”

says the Lord.

2“Make a large area for your tent.

Spread out its curtains.

Go ahead and make your tent wider.

Make its ropes longer.

Drive the stakes down deeper.

3You will spread out to the right and the left.

Your children after you will drive out the nations that are now living in your land.

They will make their homes in the deserted cities of those nations.

4“Do not be afraid. You will not be put to shame anymore.

Do not be afraid of being dishonored.

People will no longer make fun of you.

You will forget the time when you suffered as slaves in Egypt.

You will no longer remember the shame

of being a widow in Babylon.

5I made you. I am now your husband.

My name is the Lord Who Rules Over All.

I am the Holy One of Israel.

I have set you free.

I am the God of the whole earth.

6You were like a wife who was deserted.

And her heart was broken.

You were like a wife who married young.

And her husband sent her away.

But now I am calling you to come back,” says your God.

7“For a brief moment I left you.

But because I love you so much, I will bring you back.

8For a moment I turned my face away from you.

I was very angry with you.

But I will show you my loving concern.

My faithful love will continue forever,”

says the Lord. He is the one who set you free.

9“During Noah’s time I made a promise.

I said I would never cover the earth with water again.

In the same way, I have promised not to be angry with you.

I will never punish you again.

10The mountains might shake.

The hills might be removed.

But my faithful love for you will never be shaken.

And my covenant that promises peace to you will never be removed,”

says the Lord. He shows you his loving concern.

11“Suffering city, you have been beaten by storms.

You have not been comforted.

I will rebuild you with turquoise stones.

I will rebuild your foundations with lapis lazuli.

12I will line the top of your city wall with rubies.

I will make your gates out of gleaming jewels.

And I will make all your walls out of precious stones.

13I will teach all your children.

And they will enjoy great peace.

14When you do what is right,

you will be made secure.

Your leaders will not be mean to you.

You will not have anything to be afraid of.

You will not be terrified anymore.

Terror will not come near you.

15People might attack you. But I will not be the cause of it.

Those who attack you will give themselves up to you.

16“I created blacksmiths.

They fan the coals into flames of fire.

They make weapons that are fit for their work.

I also created those who destroy others.

17But no weapon used against you will succeed.

People might bring charges against you.

But you will prove that they are wrong.

Those are the things I do for my servants.

I make everything right for them,”

announces the Lord.

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 54:1-17

Ang Pag-ibig ng Dios sa Jerusalem

1Sinabi ng Panginoon, “Umawit ka Jerusalem, ikaw na parang babaeng baog. Umawit ka at sumigaw sa tuwa, ikaw na hindi nakaranas ng hirap sa panganganak. Sapagkat kahit na iniwan ka ng iyong asawa, mas marami ang iyong magiging anak kaysa sa babaeng kapiling ang asawa. 2Gumawa ka ng mas malaki at matibay na tirahan.54:2 tirahan: sa literal, tolda. Huwag mong liliitan. 3Sapagkat lalawak ang iyong hangganan, sasakupin ng iyong mga mamamayan ang ibang mga bansa, at kanilang titirhan ang mga lungsod doon na iniwan. 4Huwag kang matakot dahil hindi ka mapapahiya. Malilimutan mo na ang kahihiyan ng iyong kabataan at pagkabalo. 5Sapagkat ako na lumikha sa iyo ay para mong asawa. Panginoong Makapangyarihan ang pangalan ko. Ako ang Banal na Dios ng Israel, ang iyong Tagapagligtas. Tinatawag akong ‘Dios ng buong mundo.’

6Jerusalem, katulad ka ng isang kabataang babae na nag-asawa at nalulungkot dahil iniwan siya ng kanyang asawa. Pero ngayon, tinatawag kita para muling makapiling. 7Iniwan kita sandali, pero dahil sa laki ng awa ko sa iyo ay muli kitang kukupkupin. 8Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo, iniwan kita sandali, pero dahil sa aking walang hanggang pag-ibig sa iyo, kaaawaan kita. Ako, ang Panginoon na inyong Tagapagligtas ang nagsasabi nito.

9“Para sa akin, katulad ito noong panahon54:9 panahon: Ito ang nasa ibang lumang teksto. Sa Hebreo, tubig. ni Noe nang nangako akong hindi ko na gugunawin ang mundo. Ngayon naman, nangangako akong hindi na ako magagalit o magpaparusa sa inyo. 10Gumuho man ang mga burol at bundok, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mawawala, maging ang kasunduan ko sa iyo na ilalagay kita sa magandang kalagayan. Ako, ang Panginoong naaawa sa iyo, ang nagsasabi nito.

11“O Jerusalem, para kang binagyo. Nagdusa kaʼt walang umaliw at nagpalakas sa iyo. Pero muli kitang itatayo sa pundasyong gawa sa batong safiro, at gagamitin ko ang mamahaling mga bato para sa mga dingding ng bahay mo. 12Gagamitin ko rin ang mga batong rubi sa iyong mga tore, at gagamitin ko rin ang mga naggagandahang mga bato sa paggawa ng iyong mga pinto at mga pader. 13Ako ang magtuturo sa iyong mga mamamayan,54:13 mga mamamayan: sa literal, mga anak. at magiging mabuti ang kanilang kalagayan. 14Magiging matatag ka dahil mamumuhay nang matuwid ang mga mamamayan mo. Tatakas ang mga kaaway mo, kaya wala kang dapat katakutan. Hindi na makakalapit sa iyo ang mga kaaway mo para takutin ka. 15Kung may lulusob sa iyo, hindi ko iyon kalooban. Susuko sila sa iyo. 16Makinig ka! Ako ang lumikha ng mga panday na nagpapaningas ng apoy at gumagawa ng mga sandata. Ako rin ang lumikha ng mga sundalo na gumagamit ng mga sandatang ito para manglipol. 17Walang anumang sandatang ginawa na magtatagumpay laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang laban sa iyo. Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod. Bibigyan ko sila ng tagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”