Isaiah 40 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Isaiah 40:1-31

God Comforts His People

1“Comfort my people,” says your God.

“Comfort them.

2Speak tenderly to the people of Jerusalem.

Announce to them

that their hard labor has been completed.

Tell them that their sin has been paid for.

Tell them the Lord has punished them enough

for all their sins.”

3A messenger is calling out,

“In the desert prepare

the way for the Lord.

Make a straight road through it

for our God.

4Every valley will be filled in.

Every mountain and hill will be made level.

The rough ground will be smoothed out.

The rocky places will be made flat.

5Then the glory of the Lord will appear.

And everyone will see it together.

The Lord has spoken.”

6Another messenger says, “Cry out.”

And I said, “What should I cry?”

“Cry out, ‘All people are like grass.

They don’t stay faithful to me any longer than wildflowers last.

7The grass dries up. The flowers fall to the ground.

That happens when the Lord makes his wind blow on them.

So people are just like grass.

8The grass dries up. The flowers fall to the ground.

But what our God says will stand forever.’ ”

9Zion, you are bringing good news to your people.

Go up on a high mountain and announce it.

Jerusalem, you are bringing good news to them.

Shout the message loudly.

Shout it out loud. Don’t be afraid.

Say to the towns of Judah,

“Your God is coming!”

10The Lord and King is coming with power.

He rules with a powerful arm.

He has set his people free.

He is bringing them back as his reward.

He has won the battle over their enemies.

11He takes care of his flock like a shepherd.

He gathers the lambs in his arms.

He carries them close to his heart.

He gently leads those that have little ones.

12Who has measured the oceans by using the palm of his hand?

Who has used the width of his hand to mark off the sky?

Who has measured out the dust of the earth in a basket?

Who has weighed the mountains on scales?

Who has weighed the hills in a balance?

13Who can ever understand the Spirit of the Lord?

Who can ever give him advice?

14Did the Lord have to ask anyone to help him understand?

Did he have to ask someone to teach him the right way?

Who taught him what he knows?

Who showed him how to understand?

15The nations are only a drop in a bucket to him.

He considers them as nothing but dust on the scales.

He weighs the islands as if they were only fine dust.

16Lebanon doesn’t have enough trees to keep his altar fires burning.

It doesn’t have enough animals to sacrifice as burnt offerings to him.

17To him, all the nations don’t amount to anything.

He considers them to be worthless.

In fact, they are less than nothing in his sight.

18So who will you compare God with?

Is there any other god like him?

19Will you compare him with a statue of a god?

Anyone who works with metal can make a statue.

Then another worker covers it with gold

and makes silver chains for it.

20But someone who is too poor to bring that kind of offering

will choose some wood that won’t rot.

Then they look for a skilled worker.

They pay the worker to make a statue of a god that won’t fall over.

21Don’t you know who made everything?

Haven’t you heard about him?

Hasn’t it been told to you from the beginning?

Haven’t you understood it ever since the earth was made?

22God sits on his throne high above the earth.

Its people look like grasshoppers to him.

He spreads out the heavens like a cover.

He sets it up like a tent to live in.

23He takes the power of princes away from them.

He reduces the rulers of this world to nothing.

24They are planted.

They are scattered like seeds.

They put down roots in the ground.

But as soon as that happens, God blows on them and they dry up.

Then a windstorm sweeps them away like straw.

25“So who will you compare me with?

Who is equal to me?” says the Holy One.

26Look up toward the sky.

Who created everything you see?

The Lord causes the stars to come out at night one by one.

He calls out each one of them by name.

His power and strength are great.

So none of the stars is missing.

27Family of Jacob, why do you complain,

“The Lord doesn’t notice our condition”?

People of Israel, why do you say,

“Our God doesn’t pay any attention to our rightful claims”?

28Don’t you know who made everything?

Haven’t you heard about him?

The Lord is the God who lives forever.

He created everything on earth.

He won’t become worn out or get tired.

No one will ever know how great his understanding is.

29He gives strength to those who are tired.

He gives power to those who are weak.

30Even young people become worn out and get tired.

Even the best of them trip and fall.

31But those who trust in the Lord

will receive new strength.

They will fly as high as eagles.

They will run and not get tired.

They will walk and not grow weak.

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 40:1-31

Pinalakas ang Loob ng mga Mamamayan ng Dios

1Sinabi ng Dios, “Palakasin at pagaanin ninyo ang loob ng aking mga mamamayan. 2Magsalita kayo nang mahinahon sa mga taga-Jerusalem. Sabihin ninyo sa kanila na tapos na ang paghihirap nila, at pinatawad na ang kanilang mga kasalanan. Sapagkat pinarusahan ko sila nang husto sa lahat ng kasalanan nila.” 3May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios. 4Tambakan ninyo ang mga mababang lugar, patagin ang mga bundok at burol, at pantayin ang mga baku-bakong daan. 5Mahahayag ang makapangyarihang presensya ng Panginoon, at makikita ito ng lahat. Mangyayari nga ito dahil sinabi mismo ng Panginoon.”

6May nagsabi sa akin, “Mangaral ka!” Ang tanong ko naman, “Anong ipapangaral ko?” Sinabi niya, “Ipangaral mo na ang lahat ng tao ay parang damo, ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito. 7Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag kapag hinipan ng hanging mula sa Panginoon. 8Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag, pero ang salita ng ating Dios ay mananatili magpakailanman.”

9Kayong mga nagdadala ng magandang balita sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umakyat kayo sa mataas na bundok, at isigaw ninyo ang magandang balita. Huwag kayong matakot, sabihin ninyo sa mga bayan ng Juda na nandiyan na ang kanilang Dios. 10Dumarating ang Panginoong Dios na makapangyarihan at maghahari siya na may kapangyarihan. Dumarating siyang dala ang gantimpala para sa kanyang mga mamamayan. 11Aalagaan niya ang kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag-aalaga ng kanyang mga tupa. Kinakarga niya ang maliliit na tupa at maingat niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa.

12Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang mga palad, o makakasukat ng langit sa pamamagitan ng pagdangkal nito? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol? 13Sino ang makapagsasabi ng nasa isip ng Panginoon, o makapagtuturo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin? 14Kanino siya sumasangguni para maliwanagan, at sino ang nagturo sa kanya ng tamang pagpapasya? Sino ang nagturo sa kanya ng kaalaman, o nagpaliwanag sa kanya para kanyang maunawaan? Wala! 15Para sa Panginoon, ang mga bansa ay para lamang isang patak ng tubig sa timba o alikabok sa timbangan. Sa Dios, ang mga pulo ay parang kasinggaan lamang ng alikabok. 16Ang mga hayop sa Lebanon ay hindi sapat na ihandog sa kanya at ang mga kahoy doon ay kulang pang panggatong sa mga handog. 17Ang lahat ng bansa ay balewala kung ihahambing sa kanya. At para sa kanya walang halaga ang mga bansa. 18Kaya kanino ninyo maihahambing ang Dios? O saan ninyo siya maitutulad? 19Maitutulad nʼyo ba siya sa mga dios-diosang inukit ng tao at binalutan ng ginto ng platero at pagkatapos ay nilagyan ng mga palamuting pilak na kwintas? 20O sa matitigas na rebultong kahoy na hindi basta nabubulok, na ipinagawa ng taong dukha bilang handog? Ipinagawa niya ito sa magaling umukit para hindi bumuwal.

21Hindi nʼyo ba alam o hindi ba ninyo napakinggan? Wala bang nagbalita sa inyo kung paano nilikha ang mundo? 22Nilikha ito ng Dios na nakaupo sa kanyang trono sa itaas ng mundo. Sa paningin niya, ang mga tao sa ibaba ay parang mga tipaklong lamang. Iniladlad niya ang langit na parang kurtina, o parang isang tolda para matirhan. 23Inaalis niya sa kapangyarihan ang mga pinuno ng mundo at ginagawang walang kwenta. 24Para silang mga tanim na bagong tubo na halos hindi pa nagkauugat. Hinipan sila ng Panginoon at biglang nalanta at tinangay ng buhawi na parang ipa.

25Sinabi ng Banal na Dios, “Kanino ninyo ako ihahalintulad? Mayroon bang katulad ko?”

26Tumingin kayo sa langit! Sino kaya ang lumikha sa mga bituing iyon? Ang Dios ang lumikha niyan. Inilabas niya isa-isa ang mga iyon habang tinatawag niya ang kanilang pangalan. At dahil sa kanyang kapangyarihan, ni isa man ay walang nawala. 27Kayong mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob, bakit kayo nagrereklamo na ang inyong mga panukala at mga karapatan ay binalewala ng Dios? 28Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo?40:28 buong mundo: sa literal, sa pinakadulo ng mundo. Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip. 29Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. 30Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, 31ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.