Isaiah 4 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Isaiah 4:1-6

1At that time seven women

will grab hold of one man.

They’ll say to him, “We will eat our own food.

We’ll provide our own clothes.

Just let us become your wives.

Take away our shame!”

The Branch of the Lord

2At that time Israel’s king will be beautiful and glorious. He will be called The Branch of the Lord. The fruit of the land will be the pride and glory of those who are still left alive in Israel. 3Those who are left in Zion will be called holy. They will be recorded among those who are alive in Jerusalem. 4The Lord will wash away the sin of the women in Zion. He will clean up the blood that was spilled there. He will judge those who spilled that blood. His burning anger will blaze out at them. 5Then the Lord will create over Jerusalem a cloud of smoke by day. He will also create a glow of flaming fire at night. The cloud and fire will appear over all of Mount Zion. They will also appear over the people who gather together there. The Lord’s glory will be like a tent over everything. 6It will cover the people and give them shade from the hot sun all day long. It will be a safe place where they can hide from storms and rain.

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 4:1-6

1Sa mga araw na iyon, pitong babae ang mag-aagawan sa isang lalaki at sasabihin nila, “Kami na ang bahala sa pagkain at damit namin, pakasalan mo lang kami para hindi kami kahiya-hiya dahil wala kaming asawa.”

Muling Pagpapalain ang Jerusalem

2Darating ang araw na pasasaganain at pagagandahin ng Panginoon ang mga pananim4:2 mga pananim: sa literal, mga sanga. sa Israel, at ang mga ani ng lupain ay magiging karangalan at kaligayahan ng natitirang mga tao sa Jerusalem. 3Tatawaging banal ang mga natirang buhay sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. 4Sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon. 5Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa ibabaw ng Jerusalem4:5 Jerusalem: sa Hebreo, Bundok ng Zion. at sa mga nagtitipon doon. Lilikha rin siya ng nagniningas na apoy na magbibigay ng liwanag kung gabi. Tatakip ito sa Jerusalem na parang isang malapad na tolda, 6at parang kubol na magsisilbing lilim sa init ng araw at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.