Isaiah 39 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Isaiah 39:1-8

Messengers Come From Babylon to Hezekiah

1At that time Marduk-Baladan, the king of Babylon, sent Hezekiah letters and a gift. He had heard that Hezekiah had been sick but had gotten well again. Marduk-Baladan was the son of Baladan. 2Hezekiah gladly received the messengers. He showed them what was in his storerooms. He showed them the silver and gold. He took them to where the spices and the fine olive oil were kept. He showed them where he kept all his weapons. And he showed them all his treasures. In fact, he showed them everything that was in his palace and in his whole kingdom.

3Then Isaiah the prophet went to King Hezekiah. Isaiah asked him, “What did those men say? Where did they come from?”

“They came from a land far away,” Hezekiah said. “They came to me from Babylon.”

4Isaiah asked, “What did they see in your palace?”

“They saw everything in my palace,” Hezekiah said. “I showed them all my treasures.”

5Then Isaiah said to Hezekiah, “Listen to the message of the Lord who rules over all. He says, 6‘You can be sure the time will come when everything in your palace will be carried off to Babylon. Everything the kings before you have stored up until this day will be taken away. There will not be anything left,’ says the Lord. 7‘Some of the members of your family line will be taken away. They will be your own flesh and blood. They will include the children who will be born into your family line. And they will serve the king of Babylon in his palace.’ ”

8“The message the Lord has spoken through you is good,” Hezekiah replied. He thought, “There will be peace and safety while I’m still living.”

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 39:1-8

Ang Sugo mula sa Babilonia

1Nang panahong iyon, nabalitaan ng hari ng Babilonia na si Merodac Baladan na anak ni Baladan, na gumaling si Hezekia sa sakit nito. Kaya nagpadala siya ng sulat at mga regalo sa pamamagitan ng kanyang mga sugo. 2Malugod na tinanggap ni Hezekia ang mga sugo, at ipinakita niya sa mga ito ang lahat ng mga bagay sa taguan ng kayamanan niya – ang mga pilak, ginto, sangkap, magagandang uri ng langis, mga armas at ang iba pa niyang kayamanan. Wala ni isang bagay sa palasyo o kaharian ang hindi niya ipinakita sa kanila.

3Samantala, pumunta si Propeta Isaias kay Haring Hezekia at nagtanong, “Saan ba nanggaling ang mga taong iyan at ano ang kailangan nila?” Sumagot si Hezekia, “Pumunta sila rito na galing pa sa Babilonia.” 4Nagtanong pa ang propeta, “Ano ang nakita nila sa palasyo mo?” Sumagot si Hezekia, “Nakita nila ang lahat ng bagay sa palasyo ko. Wala kahit isa sa mga kayamanan ko ang hindi ko ipinakita sa kanila.” 5Pagkatapos, sinabi ni Isaias kay Hezekia, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon: 6Darating ang panahon na dadalhin sa Babilonia ang lahat ng kayamanan sa palasyo mo, pati ang lahat ng naipon ng mga ninuno mo na nariyan pa hanggang ngayon. Walang matitira, sabi ng Panginoon. 7At ang iba sa mga susunod na lahi mo ay bibihagin at magiging alipin sa palasyo ng hari ng Babilonia.” 8Ang akala ni Hezekia ay hindi iyon mangyayari sa panahon niya, kundi magiging mapayapa at walang panganib ang kanyang buhay. Kaya sinabi niya kay Isaias, “Maganda ang mensahe ng Panginoon na sinabi mo sa akin.”