Isaiah 33 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Isaiah 33:1-24

Trouble for Assyria and Help for God’s People

1How terrible it will be for you, you who destroy others!

Assyria, you haven’t been destroyed yet.

How terrible for you, you who turn against others!

Others haven’t turned against you yet.

When you stop destroying,

you will be destroyed.

When you stop turning against others,

others will turn against you.

2Lord, have mercy on us.

We long for you to help us.

Make us strong every morning.

Save us when we’re in trouble.

3At the roar of your army, the nations run away.

When you rise up against them, they scatter.

4Nations, what you have taken in battle is destroyed.

It’s as if young locusts had eaten it up.

Like large numbers of locusts,

people rush to get it.

5The Lord is honored. He lives in heaven.

He will make sure Zion’s people only do what is fair and right.

6He will be the firm foundation for their entire lives.

He will give them all the wisdom, knowledge and saving power they will ever need.

Respect for the Lord is the key to that treasure.

7Look! Judah’s brave men cry out loud in the streets.

The messengers who were sent to bring peace weep bitter tears.

8The wide roads are deserted.

No one travels on them.

Our peace treaty with Assyria is broken.

Those who witnessed it are looked down on.

No one is respected.

9The land dries up and wastes away.

Lebanon is full of shame and dries up.

The rich land of Sharon is like the Arabah Desert.

The trees of Bashan and Carmel drop their leaves.

10“Now I will take action,” says the Lord.

“Now I will be honored.

Now I will be respected.

11Assyria, your plans and actions are like straw.

Your anger is a fire that will destroy you.

12The nations will be burned to ashes.

They will be like bushes that are cut down and set on fire.

13“You nations far away, listen to what I have done!

My people who are near, recognize how powerful I am!

14The sinners in Zion are terrified.

They tremble with fear.

They say, ‘Who of us can live through the Lord’s destroying fire?

Who of us can live through the fire that burns forever?’

15People must do what is right.

They must be honest and tell the truth.

They must not get rich by cheating others.

Their hands must not receive money from those who want special favors.

They must not let their ears listen to plans to commit murder.

They must close their eyes to even thinking about doing what is evil.

16People like that will be kept safe.

It will be as if they were living on high mountains.

It will be as if they were living in a mountain fort.

They will have all the food they need.

And they will never run out of water.”

17People of Judah, you will see the king in all his glory and majesty.

You will view his kingdom spreading far and wide.

18You will think about what used to terrify you.

You will say to yourself,

“Where is that chief officer of Assyria?

Where is the one who forced us to send gifts to his king?

Where is the officer in charge of the towers

that were used when we were attacked?”

19You won’t see those proud people anymore.

They spoke a strange language.

None of us could understand it.

20Just look at Zion! It’s the city

where we celebrate our regular feasts.

Turn your eyes toward Jerusalem.

It will be a peaceful place to live in.

It will be like a tent that will never be moved.

Its stakes will never be pulled up.

None of its ropes will be broken.

21There the Lord will be our Mighty One.

It will be like a place of wide rivers and streams.

No boat with oars will travel on them.

No mighty ship will sail on them.

22That’s because the Lord is our judge.

The Lord gives us our law.

The Lord is our king.

He will save us.

23The ropes on your ship hang loose.

The mast isn’t very secure.

The sail isn’t spread out.

But the Lord will strike down the Assyrians.

Then a large amount of goods will be taken from them and divided up.

Even people who are disabled will carry off some of it.

24No one living in Zion will ever say again, “I’m sick.”

And the sins of those who live there will be forgiven.

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 33:1-24

Tutulungan ng Dios ang Kanyang mga Mamamayan

1Nakakaawa kayong mga nangwawasak na hindi pa nakaranas ng pagkawasak. Nakakaawa kayo, kayong mga taksil, na hindi pa napagtataksilan. Kapag natapos na ang inyong pangwawasak at pagtataksil, kayo naman ang wawasakin at pagtataksilan.

2Panginoon, kaawaan nʼyo po kami. Nagtitiwala kami sa inyo. Palakasin nʼyo kami araw-araw, at iligtas sa panahon ng kaguluhan. 3Tumatakas ang mga tao sa dagundong ng inyong tinig. Kapag kayoʼy tumayo para magparusa, nagsisipangalat ang mga bansa. 4Sasamsamin ang kanilang mga ari-arian, at matutulad sila sa halamang sinalakay ng balang.

5Ang Panginoon ay dakila sa lahat! Siyaʼy naninirahan sa langit. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa Jerusalem. 6Siya ang magpapatatag sa inyo. Iingatan niya kayo at bibigyan ng karunungan at kaalaman. At ang mahalagang kayamanan ninyo ay ang pagkatakot sa Panginoon.

7Makinig kayo! Ang matatapang nʼyong mamamayan ay humihingi ng saklolo sa mga lansangan. Ang inyong mga sugo para sa kapayapaan ay umiiyak sa pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan. 8Wala nang dumadaan o lumalakad sa mga lansangan. Nilalabag na ang kasunduan at hindi na pinahahalagahan ang mga saksi nito.33:8 ang mga saksi nito: Ito ang nasa Dead Sea Scrolls. Sa tekstong Masoretic, ang mga bayan. Wala nang taong iginagalang. 9Kawawa ang lupain ng Israel. Nalalanta ang mga puno ng Lebanon, at napapahiya. Naging ilang ang kapatagan ng Sharon. Nalalaglag ang mga dahon ng mga puno sa Bashan at sa Carmel. 10Sinabi ng Panginoon, “Kikilos na ako ngayon, at dadakilain ako ng mga tao. 11Kayong mga taga-Asiria, walang kabuluhan ang inyong mga plano at mga ginagawa. Ang nag-aapoy ninyong galit33:11 galit: sa literal, hininga o, espiritu. ang tutupok sa inyo. 12Masusunog kayo hanggang sa maging tulad kayo ng apog. Matutulad kayo sa matitinik na mga halaman na pinutol at sinunog. 13Kayong mga bansa, malapit man o malayo, pakinggan ninyo ang mga ginawa ko at kilalanin ninyo ang kapangyarihan ko.”

14Nanginginig sa takot ang mga makasalanan sa Zion. Sabi nila, “Ang Dios ay parang nagliliyab na apoy na hindi namamatay. Sino sa atin ang makakatagal sa presensya ng Dios?” 15Ang makakatagal ay ang mga taong namumuhay nang matuwid at hindi nagsisinungaling, hindi gahaman sa salapi o tumatanggap man ng suhol. Hindi sila nakikiisa sa mga mamamatay-tao at hindi gumagawa ng iba pang masamang gawain. 16Ganyang klaseng mga tao ang maliligtas sa kapahamakan, parang nakatira sa mataas na lugar, na ang kanilang kanlungan ay ang malalaking bato. Hindi sila mawawalan ng pagkain at inumin.

17Mga Israelita, makikita ninyo33:17 ninyo: sa Hebreo, mo. ang isang makapangyarihang hari na namamahala sa napakalawak na kaharian. 18Maaalala ninyo ang nakakatakot na araw nang dumating sa inyo ang mga pinuno ng Asiria at binilang ang inyong mga tore at kung ilang ari-arian ang makukuha nila sa inyo. 19Pero hindi na ninyo makikita ang mga mayayabang na iyon, na ang salita nila ay hindi ninyo maintindihan. 20Tingnan ninyo ang Zion, ang Jerusalem, ang lungsod na pinagdarausan natin ng ating mga pista. Makikita na magiging mapayapang lugar at magandang tirahan ito. Itoʼy magiging parang toldang matibay, na ang mga tulos ay hindi mabunot at ang mga tali ay hindi malagot. 21Ipapakita rito sa atin ng Panginoon na siyaʼy makapangyarihan. Ang Jerusalem ay parang isang lugar na may malawak na ilog at batis, na hindi matatawid ng mga sasakyan ng mga kaaway. 22Gagawin ito ng Panginoon dahil siya ang ating hukom, mambabatas,33:22 mambabatas: o, tagapamahala. at hari. Siya ang magliligtas sa atin.

23Ang Jerusalem ngayon ay parang sasakyang pandagat na maluwag ang mga tali at palo, at hindi mailadlad ang layag. Pero darating ang araw na maraming ari-arian ang sasamsamin ng Jerusalem sa kanyang mga kaaway. Kahit ang mga pilay ay bibigyan ng bahagi. 24Wala ng mamamayan sa Jerusalem na magsasabi, “May sakit ako.” Patatawarin sila ng Dios sa kanilang mga kasalanan.