Hosea 13 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Hosea 13:1-16

The Lord Is Angry With Israel

1When the tribe of Ephraim spoke,

the other tribes trembled with fear.

Ephraim was honored in Israel.

But its people sinned by worshiping Baal.

So they were as good as dead.

2Now they sin more and more.

They use their silver

to make statues of gods for themselves.

The statues come from their own clever ideas.

Skilled workers make all of them.

The people pray to these gods.

They offer human sacrifices to them.

They kiss the gods that look like calves.

3So these people will vanish like the morning mist.

They will soon disappear like the early dew.

They will be like straw

that the wind blows around on a threshing floor.

They will be like smoke

that escapes through a window.

4The Lord says,

“People of Israel, I have been the Lord your God

ever since you came out of Egypt.

You must not worship any god but me.

You must not have any savior except me.

5I took care of you in the desert.

It was a land of burning heat.

6I fed them until they were satisfied.

Then they became proud.

They forgot all about me.

7So I will leap on them like a lion.

I will hide and wait

beside the road like a leopard.

8I will attack them like a bear

that is robbed of her cubs.

I will rip them wide open.

Like a lion I will eat them up.

Like a wild animal I will tear them apart.

9“Israel, you will be destroyed.

I helped you. But you turned against me.

10Where is your king?

Wasn’t he supposed to save you?

Where are the rulers in all your towns?

You said, ‘Give us a king and princes.’

11So I became angry and gave you a king.

Then I took him away from you.

12Ephraim’s guilt is piling up.

I am keeping a record of all their sins.

13They will suffer pain like a woman having a baby.

They are like foolish children.

It is time for them to be born.

But they don’t have the sense to come out of their mother’s body.

14“I will set these people free from the power of the grave.

I will save them from death.

Death, where are your plagues?

Grave, where is your power to destroy?

“I will no longer pity Ephraim.

15Even though they are doing well among the other tribes,

trouble will come to them.

I will send a hot and dry wind from the east.

It will blow in from the desert.

Their springs will not have any water.

Their wells will dry up.

All their treasures

will be taken out of their storerooms.

16The people of Samaria must pay for their sins.

They have refused to obey me.

They will be killed by swords.

Their little children will be smashed on the ground.

Their pregnant women will be ripped wide open.”

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 13:1-16

1“Noong una, kapag nagsalita ang lahi ni Efraim, nanginginig sa takot ang ibang mga lahi ng Israel dahil tinitingala nila ang lahi ni Efraim. Pero nagkasala ang mga mamamayan nito dahil sumamba sila sa dios-diosang si Baal. Kaya nga namatay13:1 namatay: o, mamamatay. sila. 2Hanggang ngayon, kayo na tinatawag na Efraim13:2 Efraim: Ang ibig sabihin, mga taga-Israel. ay patuloy pa rin sa paggawa ng kasalanan.13:2 patuloy … kasalanan: o, lalo pa ninyong pinatindi ang paggawa ng kasalanan. Gumagawa kayo ng mga dios-diosan mula sa inyong mga pilak upang sambahin. Pero ang lahat ng ito ay gawa lamang ng tao at ayon lang sa kanyang naisip. Sinasabi pa ninyo na maghahandog kayo ng tao sa mga dios-diosang baka at hahalik sa mga ito. 3Kaya mawawala kayo gaya ng ulap sa umaga o hamog, o gaya ng ipa sa giikan na tinatangay ng hangin o ng usok na lumalabas sa tsimeneya.

4“Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto.13:4 na naglabas … sa Egipto: o, mula pa noong nandoon kayo sa Egipto. Wala kayong kikilalaning Dios at Tagapagligtas maliban sa akin. 5Kinalinga ko kayo roon sa disyerto, sa tuyong lupain. 6Pero pagkatapos ko kayong pagpalain at paunlarin, naging mapagmataas kayo at kinalimutan na ninyo ako. 7-8Kaya sasalakayin ko kayo at lalapain tulad ng ginagawa ng mabangis na hayop sa kanyang biktima. Lalapain ko kayo gaya ng ginagawa ng leon at ng osong inagawan ng anak. Babantayan ko kayo sa daan at sasalakayin tulad ng hayop na leopardo. 9Pupuksain ko kayong mga taga-Israel dahil ako na nagligtas sa inyo ay kinalaban ninyo. 10-11Nasaan na ngayon ang mga hari at mga pinuno na sa tingin ninyoʼy magliligtas sa inyo? Hiningi ninyo sila sa akin sa pag-aakalang maliligtas nila kayo, at sa galit ko sa inyoʼy ibinigay ko nga ang mga ito, at dahil din sa galit ko, silaʼy kinuha ko. 12Hindi ko makakalimutan ang mga kasalanan ninyo.13:12 ninyo: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang “footnote” sa 4:17. Para itong kasulatang binalot at itinago.

13“Binigyan ko kayo ng pagkakataong magbagong-buhay pero tinanggihan ninyo ito dahil mga mangmang kayo. Para kayong sanggol na ayaw lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina sa panahon na dapat na siyang lumabas. 14Hindi ko kayo ililigtas sa kamatayan. Sa halip sasabihin ko sa kamatayan, ‘O kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Nasaan ang iyong kapahamakan na papatay sa kanila?’

“Hinding-hindi ko kayo kaaawaan. 15Kahit na mas maunlad kayo kaysa sa inyong kapwa, lilipulin ko kayo. Paiihipin ko ang mainit na hanging silangan na nagmumula sa disyerto at matutuyo ang inyong mga bukal at mga balon. At sasamsamin ang inyong mahahalagang pag-aari. 16Dapat parusahan ang mga taga-Samaria dahil sa kanilang pagrerebelde sa akin na kanilang Dios. Mamamatay sila sa digmaan. Dudurugin ang kanilang mga sanggol, at lalaslasin ang tiyan ng mga buntis.”