Hosea 11 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Hosea 11:1-12

God Loves Israel

1The Lord continues,

“When Israel was a young nation, I loved them.

I chose to bring my son out of Egypt.

2But the more I called out to Israel,

the more they went away from me.

They brought sacrifices to the statues of the gods

that were named Baal.

And they burned incense to them.

3I taught Ephraim to walk.

I took them up in my arms.

But they did not realize

I was the one who took care of them.

4I led them with kindness and love.

I was to them like a person who lifts

a little child to their cheek.

I bent down and fed them.

5“But they refuse to turn away from their sins.

So they will return to Egypt.

And Assyria will rule over them.

6A sword will flash in their cities.

It will destroy the prophets who teach lies.

It will bring an end to their plans.

7My people have made up their minds

to turn away from me.

Even if they call me the Most High God,

I will certainly not honor them.”

8The Lord continues,

“People of Ephraim, how can I give you up?

Israel, how can I hand you over to your enemies?

Can I destroy you as I did the town of Admah?

Can I treat you like Zeboyim?

My heart is stirred inside me.

It is filled with pity for you.

9I will not be so angry with you anymore.

I will not completely destroy you again.

After all, I am God.

I am not a mere man.

I am the Holy One among you.

I will not direct my anger against their cities.

10I will roar like a lion against my enemies.

Then the Lord’s people will follow him.

When he roars, his children will come home trembling with fear.

They will return from the west.

11They will come from Egypt, trembling like sparrows.

They will return from Assyria, flying in like doves.

I will settle you again in your homes,”

announces the Lord.

Israel Has Sinned

12The people of Ephraim tell me nothing but lies.

Israel has not been honest with me.

And Judah continues to wander away from God.

They have deserted the faithful Holy One.

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 11:1-12

Ang Pag-ibig ng Dios sa Israel

1Sinabi ng Panginoon, “Minahal ko ang Israel noong kabataan niya.11:1 noong kabataan niya: Ito ang panahon na nasa disyerto o nasa Egipto ang Israel. Itinuring ko siyang anak at tinawag ko siya mula sa Egipto.11:1 Itinuring … mula sa Egipto: o, Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto. 2Pero ngayon, kahit na patuloy kong11:2 kong: Ito ang nasa ibang mga teksto ng Septuagint. Sa Hebreo, nila. tinatawag ang mga mamamayan ng Israel, lalo pa silang lumayo sa akin.11:2 akin: Ito ang nasa ibang mga teksto ng Septuagint. Sa Hebreo, kanila. Naghahandog sila at nagsusunog ng mga insenso sa dios-diosang si Baal. 3Ako ang nag-alaga sa kanila. Inakay ko sila11:3 sila: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 8, 9 at 12. Tingnan ang “footnote” sa 4:17. at tinuruang lumakad, pero hindi nila kinilala na ako ang kumalinga11:3 kumalinga: sa literal, nagpagaling. sa kanila. 4Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamahal, tulad ng isang taong nag-aangat ng pamatok sa baka upang mapakain ito. 5Pero dahil ayaw nilang bumalik sa akin, babalik sila sa Egipto, at paghaharian sila ng Asiria. 6Lulusubin ng mga kalaban ang kanilang mga lungsod at sisirain ang mga tarangkahan ng pintuan nito. Wawakasan ng mga kaaway ang lahat nilang balak. 7Nagpasyang lumayo sa akin ang aking mga mamamayan. Kaya kahit na sama-sama pa silang dumulog sa akin, hindi ko sila tutulungan.

8“Mga taga-Israel, hindi ko kayo magagawang itakwil o pabayaan na lang. Hindi ko kayo magagawang lipulin nang lubusan gaya ng ginawa ko sa mga lungsod ng Adma at Zeboyim. Hindi matatanggap ng aking kalooban na gawin ko ito sa inyo. Awang-awa ako sa inyo. 9Hindi ko na ipadarama ang matindi kong galit; hindi ko na gigibain ang Israel, dahil akoʼy Dios at hindi tao. Ako ang Banal na Dios na kasama ninyo. Hindi ako paparito sa inyo nang may galit.

10“Susunod kayo sa akin kapag umatungal ako na parang leon. At kapag umatungal na ako, dali-dali11:10 dali-dali: o, manginginig. kayong uuwi mula sa kanluran. 11Mabilis11:11 Mabilis: o, Nanginginig. kayong darating na parang mga ibon mula sa Egipto o parang mga kalapating mula sa Asiria. Pauuwiin ko kayong muli sa inyong mga tahanan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Parurusahan ang Israel at ang Juda

12Sinabi pa ng Panginoon, “Palagi akong pinagsisinungalingan at niloloko ng mga taga-Israel. Ang mga taga-Juda ay patuloy na lumalayo sa akin, ang Dios na banal at tapat.”