Hebrews 3 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Hebrews 3:1-19

Jesus Is Greater Than Moses

1Holy brothers and sisters, God chose you to be his people. So keep thinking about Jesus. We embrace him as our apostle and our high priest. 2Moses was faithful in everything he did in the house of God. In the same way, Jesus was faithful to the God who appointed him. 3The person who builds a house has greater honor than the house itself. In the same way, Jesus has been found worthy of greater honor than Moses. 4Every house is built by someone. But God is the builder of everything. 5“Moses was faithful as one who serves in the house of God.” (Numbers 12:7) He was a witness to what God would say in days to come. 6But Christ is faithful as the Son over the house of God. And we are his house if we hold tightly to what we are certain about. We must also hold tightly to the hope we boast in.

A Warning Against Unbelief

7The Holy Spirit says,

“Listen to his voice today.

8If you hear it, don’t be stubborn.

You were stubborn when you opposed me.

You did that when you were tested in the desert.

9There your people of long ago tested me.

Yet for 40 years they saw what I did.

10That is why I was angry with them.

I said, ‘Their hearts are always going astray.

They have not known my ways.’

11So when I was angry, I made a promise.

I said, ‘They will never enjoy the rest I planned for them.’ ” (Psalm 95:7–11)

12Brothers and sisters, make sure that none of you has a sinful heart. Do not let an unbelieving heart turn you away from the living God. 13But build one another up every day. Do it as long as there is still time. Then none of you will become stubborn. You won’t be fooled by sin’s tricks. 14We belong to Christ if we hold tightly to the faith we had at first. But we must hold it tightly until the end. 15It has just been said,

“Listen to his voice today.

If you hear it, don’t be stubborn.

You were stubborn when you opposed me.” (Psalm 95:7,8)

16Who were those who heard and refused to obey? Weren’t they all the people Moses led out of Egypt? 17Who was God angry with for 40 years? Wasn’t it with those who sinned? They died in the desert. 18God promised that those people would never enjoy the rest he planned for them. God gave his word when he made that promise. Didn’t he make that promise to those who didn’t obey? 19So we see that they weren’t able to enter. That’s because they didn’t believe.

Tagalog Contemporary Bible

Hebreo 3:1-19

Mas Dakila si Jesus kaysa kay Moises

1Kaya nga mga kapatid ko sa pananampalataya, at mga kapwa ko na tinawag ng Dios na makakasama sa langit, alalahanin nʼyo si Jesus. Siya ang apostol at punong pari ng ating pananampalataya. 2Tapat siya sa Dios na nagsugo sa kanya, katulad ni Moises na naging tapat sa pamamahala ng pamilya ng Dios. 3Ngunit itinuring ng Dios si Jesus na higit kaysa kay Moises, dahil kung ihahalintulad sa bahay, higit ang karangalan ng nagtayo kaysa sa bahay na itinayo. 4Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit3:4 Ngunit: o, At. ang Dios ang gumawa ng lahat ng bagay. 5Tapat si Moises sa pamamahala niya sa pamilya ng Dios bilang isang lingkod. At ang mga bagay na ginawa niya ay larawan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. 6Ngunit si Cristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Dios. At tayo ang pamilya ng Dios, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin. 7Kaya gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu:

“Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios,

8huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo,

tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo.

Naghimagsik sila laban sa Dios at siyaʼy sinubok nila roon sa ilang.

9Sinabi ng Dios, ‘Sinubok nila ako sa kasamaan nila,

kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng 40 taon.

10Kaya galit na galit ako sa henerasyong ito at sinabi ko,

“Laging lumalayo ang puso nila sa akin,

at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.”

11Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.’ ”3:11 Salmo 95:7-11.

12Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo at baka maging masama ang puso nʼyo na siyang magpapahina ng pananampalataya nʼyo hanggang sa lumayo kayo sa Dios na buhay. 13Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, para walang sinuman sa inyo ang madaya ng kasalanan na nagpapatigas sa puso nʼyo. 14Sapagkat kasama tayo ni Cristo kung mananatiling matatag ang pananampalataya natin sa kanya hanggang sa wakas. 15Gaya nga ng nabanggit sa Kasulatan: “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo nang naghimagsik sila laban sa Dios.”3:15 Salmo 95:7-8. 16Sino ba ang mga taong nakarinig sa tinig ng Dios at naghimagsik pa rin sa kabila nito? Hindi baʼt ang mga inilabas ni Moises sa Egipto? 17At kanino ba nagalit ang Dios sa loob ng 40 taon? Hindi baʼt sa mga nagkasala at namatay sa ilang? 18At sino ba ang isinumpa ng Dios na hindi makakamtan ang kapahingahan? Hindi baʼt ang mga ayaw sumunod sa kanya? 19Kaya malinaw na hindi nila nakamtan ang kapahingahan dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Dios.