Deuteronomy 24 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Deuteronomy 24:1-22

1Suppose a man marries a woman. But later he decides he doesn’t like her. He finds something shameful about her. So he gives her a letter of divorce and sends her away from his house. 2Then after she leaves his house she becomes another man’s wife. 3But her second husband doesn’t like her either. So he gives her a letter of divorce and sends her away from his house. Or perhaps he dies. 4Then her first husband isn’t allowed to marry her again. The Lord would hate that. When her first husband divorced her, she became “unclean.” Don’t bring sin on the land the Lord your God is giving you as your own.

5Suppose a man has just married his wife. Then don’t send him into battle. Don’t give him any other duty either. He’s free to stay home for one year. He needs time to make his new wife happy.

6Someone might borrow money from you and give you two millstones to keep until you are paid back. Don’t keep them. Don’t even keep the upper one. That person needs both millstones to make a living.

7Suppose someone is caught kidnapping another Israelite. And they sell or treat that person as a slave. Then the kidnapper must die. Get rid of that evil person.

8What about skin diseases? Be very careful to do exactly what the priests, who are Levites, tell you to do. You must be careful to obey the commands I’ve given them. 9Remember what the Lord your God did to Miriam on your way out of Egypt.

10Suppose your neighbor borrows something from you. And he offers you something to keep until you get paid back. Then don’t go into their house to get it. 11Stay outside. Let the neighbor bring it out to you. 12The neighbor might be poor. You might be given their coat to keep until you get paid back. Don’t go to sleep while you still have it. 13Return it before the sun goes down. They need it to sleep in and will thank you for returning it. The Lord your God will see it and know that you have done the right thing.

14Don’t take advantage of any hired worker who is poor and needy. That applies to your own people. It also applies to outsiders living in one of your towns. 15Give them their pay every day. They are poor and are counting on it. If you don’t pay them, they might cry out to the Lord against you. Then you will be guilty of committing a sin.

16Parents must not be put to death because of what their children do. And children must not be put to death because of what their parents do. People must die because of their own sins.

17Do what is right and fair for outsiders and for children whose fathers have died. Suppose a widow borrows something from you. And she offers to give you her coat until she pays you back. Don’t take it. 18Remember that you were slaves in Egypt. Remember that the Lord your God set you free from there. That’s why I’m commanding you to do those things.

19When you are gathering crops in your field, you might leave some grain behind by mistake. Don’t go back to get it. Leave it behind for outsiders and widows. Leave it for children whose fathers have died. Then the Lord your God will bless you in everything you do. 20When you knock olives off your trees, don’t go back over the branches a second time. Leave what remains for outsiders and widows. Leave it for children whose fathers have died. 21When you pick grapes in your vineyard, don’t go back over the vines a second time. Leave what remains for outsiders and widows. Leave it for children whose fathers have died. 22Remember that you were slaves in Egypt. That’s why I’m commanding you to do these things.

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 24:1-22

1“Kung nag-asawa ang isang lalaki, at sa bandang huli ay inayawan na niya ito dahil may natuklasan siyang hindi niya nagustuhan dito, dapat siyang gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay at ibigay ito sa kanya, at maaari na niya itong paalisin sa kanyang bahay. 2Kung mag-aasawa muli ang babae, 3at hiwalayan na naman siya ng ikalawa niyang asawa o mamatay ito, 4hindi na siya maaaring mapangasawang muli ng nauna niyang asawa dahil narumihan na siya.24:4 narumihan na siya: Maaaring ang ibig sabihin, nanlalaki na siya. Kung muli siyang mapapangasawa ng nauna niyang asawa, kasuklam-suklam ito sa paningin ng Panginoon. Hindi ninyo dapat gawin ang mga kasalanang ito sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana.

5“Kung bagong kasal ang isang lalaki, huwag ninyo siyang isasama sa labanan o bibigyan ng anumang responsibilidad sa bayan sa loob ng isang taon, para manatili muna siya sa kanyang bahay at mabigyan ng kasiyahan ang kanyang asawa.

6“Huwag ninyong kukuning sanla ang gilingan ng umutang sa inyo dahil para na rin ninyong kinuha ang kanyang ikinabubuhay.

7“Sinuman sa inyo ang kumidnap sa kapwa niya Israelita at ginawa itong alipin o ipinagbili, dapat patayin ang kumidnap. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

8“Tungkol sa malubhang sakit sa balat, sundin ninyong mabuti ang mga tuntunin na ipinapagawa sa inyo ng mga pari na mga Levita. Sundin ninyo ang mga iniutos ko sa kanila. 9Alalahanin ninyo kung ano ang ginawa ng Panginoon na inyong Dios kay Miriam nang naglalakbay kayo paglabas sa Egipto.

10“Kung magpapautang kayo ng kahit ano sa kapwa ninyo Israelita, huwag kayong papasok sa bahay niya para kumuha ng anumang isasanla niya. 11Maghintay lang kayo sa labas at dadalhin niya ito sa inyo. 12-13Kung mahirap ang tao, at pangbalabal ang isinanla niya sa inyo, huwag ninyong palilipasin ang gabi na nasa inyo ito. Isauli ito sa kanya habang hindi pa lumulubog ang araw para magamit niya ito sa kanyang pagtulog, at pasasalamatan ka pa niya. Ituturing ito ng Panginoon na inyong Dios na gawang matuwid.

14“Huwag ninyong dadayain ang mahihirap na trabahador sa kanilang upa, Israelita man siya o dayuhan na naninirahan sa inyong bayan. 15Bayaran ninyo siya ng isang araw na sweldo bago lumubog ang araw dahil mahirap siya at inaasahan niyang matanggap ito. Sapagkat kung hindi, baka dumaing siya sa Panginoon laban sa inyo at itoʼy ituturing na kasalanan ninyo.

16“Hindi dapat patayin ang magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, o ang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang magulang; ang bawat isa ay papatayin lang dahil sa kanyang sariling kasalanan.

17“Bigyan ninyo ng hustisya ang mga dayuhan at ang mga ulila. Huwag ninyong kukunin ang balabal ng biyuda bilang sanla sa kanyang utang. 18Alalahanin ninyong alipin kayo noon sa Egipto at iniligtas kayo ng Panginoon na inyong Dios. Ito ang dahilan kung bakit inuutusan ko kayong gawin ito.

19“Kapag nag-aani kayo at may naiwang bigkis sa bukid, huwag na ninyo itong babalikan para kunin. Iwan na lang ninyo ito para sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda, para pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng inyong ginagawa. 20Kung mamimitas kayo ng olibo, huwag na ninyong babalikan ang mga naiwan. Itira na lang ninyo ito sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda. 21Kung aani kayo ng ubas, huwag na ninyong babalikan ang mga naiwan. Itira nʼyo na lang ito sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda. 22Alalahanin ninyo na mga alipin kayo noon sa Egipto. Ito ang dahilan kung bakit inuutusan ko kayong gawin ito.