1 Kings 19 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

1 Kings 19:1-21

Elijah Runs Away to Mount Horeb

1Ahab told Jezebel everything Elijah had done. He told her how Elijah had killed all the prophets of Baal with his sword. 2So Jezebel sent a message to Elijah. She said, “You can be sure that I will kill you, just as I killed the other prophets. I’ll do it by this time tomorrow. If I don’t, may the gods punish me greatly.”

3Elijah was afraid. So he ran for his life. He came to Beersheba in Judah. He left his servant there. 4Then he traveled for one day into the desert. He came to a small bush. He sat down under it. He prayed that he would die. “Lord, I’ve had enough,” he said. “Take my life. I’m no better than my people of long ago.” 5Then he lay down under the bush. And he fell asleep.

Suddenly an angel touched him. The angel said, “Get up and eat.” 6Elijah looked around. Near his head he saw some bread. It had been baked over hot coals. A jar of water was also there. So Elijah ate and drank. Then he lay down again.

7The angel of the Lord came to him a second time. He touched him and said, “Get up and eat. Your journey will be long and hard.” 8So he got up. He ate and drank. The food gave him new strength. He traveled for 40 days and 40 nights. He kept going until he arrived at Horeb. It was the mountain of God. 9There he went into a cave and spent the night.

The Lord Appears to Elijah

A message came to Elijah from the Lord. He said, “Elijah, what are you doing here?”

10He replied, “Lord God who rules over all, I’ve been very committed to you. The Israelites have turned their backs on your covenant. They have torn down your altars. They’ve put your prophets to death with their swords. I’m the only one left. And they are trying to kill me.”

11The Lord said, “Go out. Stand on the mountain in front of me. I am going to pass by.”

As the Lord approached, a very powerful wind tore the mountains apart. It broke up the rocks. But the Lord wasn’t in the wind. After the wind there was an earthquake. But the Lord wasn’t in the earthquake. 12After the earthquake a fire came. But the Lord wasn’t in the fire. And after the fire there was only a gentle whisper. 13When Elijah heard it, he pulled his coat over his face. He went out and stood at the entrance to the cave.

Then a voice said to him, “Elijah, what are you doing here?”

14He replied, “Lord God who rules over all, I’ve been very committed to you. The Israelites have turned their backs on your covenant. They have torn down your altars. They’ve put your prophets to death with their swords. I’m the only one left. And they are trying to kill me.”

15The Lord said to him, “Go back the way you came. Go to the Desert of Damascus. When you get there, anoint Hazael as king over Aram. 16Also anoint Jehu as king over Israel. He is the son of Nimshi. And anoint Elisha from Abel Meholah as the next prophet after you. He is the son of Shaphat. 17Jehu will put to death anyone who escapes Hazael’s sword. And Elisha will put to death anyone who escapes Jehu’s sword. 18But I will keep 7,000 people in Israel for myself. They have not bowed down to Baal. And they have not kissed him.”

The Lord Chooses Elisha

19Elijah left Mount Horeb. He saw Elisha, the son of Shaphat. Elisha was plowing in a field. He was driving the last of 12 pairs of oxen. Elijah went up to him. He threw his coat around him. 20Then Elisha left his oxen. He ran after Elijah. “Let me kiss my father and mother goodbye,” he said. “Then I’ll come with you.”

“Go back,” Elijah replied. “What have I done to you?”

21So Elisha left him and went back. He got his two oxen and killed them. He burned the plow to cook the meat. He gave it to the people, and they ate it. Then he started to follow Elijah. He became Elijah’s servant.

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 19:1-21

Tumakas si Elias

1Ngayon, sinabi ni Ahab sa asawa niyang si Jezebel ang lahat ng ginawa ni Elias, at kung paano nito pinagpapatay ang lahat ng propeta ni Baal. 2Kaya nagpadala si Jezebel ng mensahe para kay Elias na nagsasabi, “Lubusan sana akong parusahan ng mga dios kung sa ganitong oras bukas ay hindi pa kita napapatay, tulad ng ginawa mo sa mga propeta.”

3Natakot si Elias, kaya tumakas siya papunta sa Beersheba na sakop ng Juda, at iniwan niya roon ang utusan niya. 4Pagkatapos, naglakad siya ng isang araw papuntang ilang. Nagpahinga siya at umupo sa ilalim ng punongkahoy at nanalangin na mamatay na lang sana siya. Sinabi niya, “Sobra na po ito Panginoon! Kunin na lang ninyo ang buhay ko, wala naman akong ipinagkaiba sa aking mga ninuno.” 5Pagkatapos, humiga siya sa ilalim ng punongkahoy, at nakatulog.

Biglang may anghel na kumalabit sa kanya at sinabi, “Bumangon ka at kumain.” 6Pagdilat niya, may nakita siyang tinapay sa ulunan niya, na niluto sa mainit na bato, at tubig na nakalagay sa sisidlan. Kumain siya at uminom, at nahigang muli. 7Muling bumalik ang anghel ng Panginoon, kinalabit si Elias at sinabi, “Bumangon ka at kumain, dahil malayo pa ang iyong lalakbayin.” 8Kaya bumangon si Elias, kumain, at uminom. Pinalakas siya ng kanyang kinain, at naglakbay siya sa loob ng 40 araw at 40 gabi, hanggang makarating siya sa Horeb,19:8 Horeb: o, Sinai. ang bundok ng Dios. 9Pumasok siya sa isang kweba at doon natulog kinagabihan.

Nakipag-usap ang Panginoon kay Elias

Ngayon, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ano ang ginagawa mo rito Elias?” 10Sumagot siya, “O Panginoon, Dios na Makapangyarihan, tapat po akong naglilingkod sa inyo. Pero itinakwil ng mga Israelita ang kasunduan nila sa inyo, winasak nila ang mga altar ninyo, at pinagpapatay ang mga propeta ninyo. Ako na lang po ang natira, at pinagsisikapan din nila akong patayin.” 11Nagsalita ang Panginoon, “Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa aking presensya, dahil dadaan ako.” Pagkatapos, may dumaan na napakalakas na hangin, na bumitak sa mga bundok at dumurog sa mga bato, pero wala ang Panginoon sa hangin. Pagkatapos ng hangin, lumindol, pero wala rin ang Panginoon sa lindol. 12Pagkatapos ng lindol, may apoy na dumating, pero wala pa rin ang Panginoon sa apoy. Pagkatapos ng apoy, may narinig siyang tinig na parang bulong. 13Nang marinig ito ni Elias, nagtakip siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang balabal, lumabas siya at tumayo sa bungad ng kweba. Biglang may tinig na nagsabi sa kanya, “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?” 14Sumagot siya, “O Panginoon, Dios na Makapangyarihan, tapat po akong naglilingkod sa inyo, pero itinakwil ng mga Israelita ang kasunduan nila sa inyo, winasak nila ang mga altar ninyo, at pinagpapatay ang mga propeta ninyo. Ako na lang po ang natitira, at pinagsisikapan din nila akong patayin.” 15Nagsalita ang Panginoon sa kanya, “Bumalik ka sa iyong dinaanan, at pumunta sa ilang ng Damascus. Pagdating mo roon, pahiran mo ng langis si Hazael bilang pagkilala na siya na ang hari ng Aram.19:15 Aram: o, Syria. Ganito rin sa 20:1. 16Pahiran mo rin si Jehu na anak ni Nimsi bilang hari ng Israel, at si Eliseo na anak ni Shafat, na taga-Abel Mehola, para pumalit sa iyo bilang propeta. 17Papatayin ni Hazael ang mga sumasamba kay Baal. Ang makakatakas sa kanyaʼy papatayin ni Jehu, at ang makakatakas kay Jehu ay papatayin ni Eliseo. 18Pero ililigtas ko ang 7,000 Israelita na hindi lumuhod at humalik sa imahen ni Baal.”

Ang Pagtawag kay Eliseo

19Umalis doon si Elias at nakita niya si Eliseo na anak ni Shafat, na nag-aararo. May labing-isang pares na baka sa unahan niya na gamit ng kanyang mga kasama sa pag-aararo, at gamit naman niya ang ikalabindalawang pares ng baka. Lumapit si Elias sa kanya, hinubad ang kanyang balabal at pinasa ito kay Eliseo. 20Iniwan ni Eliseo ang mga baka at hinabol si Elias. Sinabi ni Eliseo, “Hahalik po muna ako sa aking amaʼt ina bilang pamamaalam at saka po ako sasama sa inyo.” Sumagot si Elias, “Sige, pero huwag mong kalimutan ang ginawa ko sa iyo.”

21Bumalik si Eliseo, kinuha ang kanyang mga baka, at kinatay. Ginawa niyang panggatong sa pagluluto ng karne ng mga baka ang mga kagamitan sa pag-aararo. Pagkaluto, binigyan niya ang kanyang mga kasamang nag-aararo, at kumain silang lahat. At agad siyang sumunod kay Elias para maging lingkod nito.