1 Corinthians 5 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

1 Corinthians 5:1-13

Throw Out the Evil Person!

1It is actually reported that there is sexual sin among you. I’m told that a man is sleeping with his father’s wife. Even people who don’t know God don’t let that kind of sin continue. 2And you are proud! Shouldn’t you be very sad instead? Shouldn’t you have thrown out of your church the man doing this? 3Even though I am not right there with you, I am with you in spirit. And because I am with you in spirit, I have already judged the man doing this. I have judged him in the name of our Lord Jesus. 4So when you come together, I will be with you in spirit. The power of our Lord Jesus will also be with you. 5When you come together like this, hand this man over to Satan. Then the power of sin in his life will be destroyed. His spirit will be saved on the day the Lord returns.

6Your bragging is not good. It is like yeast. Don’t you know that just a little yeast makes the whole batch of dough rise? 7Get rid of the old yeast. Then you can be like a new batch of dough without yeast. That is what you really are. That’s because Christ, our Passover Lamb, has been offered up for us. 8So let us keep the Feast, but not with the old bread made with yeast. The yeast I’m talking about is hatred and evil. Let us keep the Feast with bread made without yeast. Let us keep it with bread that is honesty and truth.

9I wrote a letter to you to tell you to stay away from people who commit sexual sins. 10I didn’t mean the people of this world who sin in this way. I didn’t mean those who always want more and more. I didn’t mean those who cheat or who worship statues of gods. In that case you would have to leave this world! 11But here is what I am writing to you now. You must stay away from anyone who claims to be a believer but does evil things. Stay away from anyone who commits sexual sins. Stay away from anyone who always wants more and more things. Stay away from anyone who worships statues of gods. Stay away from anyone who tells lies about others. Stay away from anyone who gets drunk or who cheats. Don’t even eat with people like these.

12Is it my business to judge those outside the church? Aren’t you supposed to judge those inside the church? 13God will judge those outside. Scripture says, “Get rid of that evil person!” (Deuteronomy 17:7; 19:19; 21:21; 22:21,24; 24:7)

Tagalog Contemporary Bible

1 Corinto 5:1-13

Parusahan ang Gumagawa ng Imoralidad

1May nagbalita sa akin na mayroon diyan sa inyo na gumagawa ng sekswal na imoralidad – kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Itoʼy masahol pa sa ginagawa ng mga taong hindi kumikilala sa Dios, dahil maging sila ay hindi gumagawa nito. 2At sa kabila ng pangyayaring ito, nagawa pa ninyong magyabang! Dapat sana ay naghinagpis kayo at pinalayas na ninyo sa inyong grupo ang gumagawa nito. 3-4Kahit na wala ako riyan ng personal, nariyan naman ako sa espiritu. At sa pangalan5:3-4 pangalan: Ang ibig sabihin, kapangyarihan o awtoridad. ng ating Panginoong Jesu-Cristo, hinatulan ko na ang taong iyon. Kaya sa pagtitipon ninyo, isipin ninyo na parang nariyan na rin ako sa espiritu. At sa kapangyarihang ibinigay sa atin ng ating Panginoong Jesu-Cristo, 5ipaubaya ninyo kay Satanas ang taong iyon upang mapahamak ang kanyang katawan at maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng paghuhukom ng Panginoon.

6Hindi tama ang pagyayabang ninyo. Hindi nʼyo ba alam ang kasabihang, “Ang kaunting pampaalsa ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina”? 7Kaya alisin ninyo ang lumang pampaalsa na walang iba kundi ang kasalanan, upang maging bago at malinis kayo. Sa katunayan, nilinis na kayo dahil inialay si Cristo para sa atin. Tulad siya ng tupang iniaalay tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel. 8Kaya ipagdiwang natin ang pistang ito hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa kundi ng tinapay na walang pampaalsa, na ang ibig sabihin ay talikuran na natin ang dati nating mga kasalanan at kasamaan, at mamuhay na tayo nang malinis at tapat.

9Sumulat ako sa inyo noon na huwag kayong makikisama sa mga imoral.5:9 imoral: Ang ibig sabihin dito ay ang gumagawa ng sekswal na imoralidad. 10Hindi ko tinutukoy dito ang mga taong hindi sumasampalataya sa Dios – ang mga imoral, sakim, magnanakaw, at sumasamba sa dios-diosan. Dahil kung iiwasan ninyo sila, kinakailangan nʼyo talagang umalis sa mundong ito. 11Ang tinutukoy ko na huwag ninyong pakikisamahan ay ang mga nagsasabing silaʼy mga kapatid sa Panginoon pero mga imoral, sakim, sumasamba sa dios-diosan, mapanlait, lasenggo, at magnanakaw. Ni huwag kayong makisalo sa kanila sa pagkain. 12-13Kung sabagay, ano ba ang karapatan nating husgahan ang mga hindi mananampalataya? Ang Dios na ang huhusga sa kanila. Ngunit tungkulin ninyo na husgahan ang mga kapatid kung tama o mali ang kanilang ginagawa, dahil sinasabi ng Kasulatan, “Paalisin ninyo sa inyong grupo ang taong masama.”5:12-13 Deu. 17:7.