مزمور 140 – NAV & TCB

Ketab El Hayat

مزمور 140:1-13

الْمَزْمُورُ الْمِئَةُ وَالأَرْبَعُونَ

لِقَائِدِ الْمُنْشِدِينَ. مَزْمُورٌ لِدَاوُدَ

1أَنْقِذْنِي يَا رَبُّ مِنَ الأَشْرَارِ وَاحْفَظْنِي مِنَ الظَّالِمِينَ، 2الَّذِينَ يَنْوُونَ عَلَى الشَّرِّ فِي قُلُوبِهِمْ وَيُثِيرُونَ الْحَرْبَ دَائِماً، 3سَنُّوا أَلْسِنَتَهُمْ كَالْحَيَّةِ، وَسُمُّ الأَصْلالِ تَحْتَ شِفَاهِهِمْ. 4احْمِنِي يَا رَبُّ مِنْ قَبْضَةِ الشِّرِّيرِ، وَأَنْقِذْنِي مِنَ الظَّالِمِينَ الْمُتَآمِرِينَ عَلَى عَرْقَلَةِ خُطْوَاتِي. 5أَخْفَى لِي الْمُتَكَبِّرُونَ فَخّاً، وَنَشَرُوا شَبَكَةً بِجَانِبِ الطَّرِيقِ، وَنَصَبُوا لِي أَشْرَاكاً.

6قُلْتُ لِلرَّبِّ: «أَنْتَ إِلَهِي» فَيَا رَبُّ أَصْغِ إِلَى صَوْتِ تَضَرُّعِي. 7أَيُّهَا الرَّبُّ السَّيِّدُ، يَا قُوَّةَ خَلاصِي، أَنْتَ وَقَيْتَ رَأْسِي فِي يَوْمِ الْقِتَالِ. 8لَا تُحَقِّقْ يَا رَبُّ رَغْبَاتِ الأَشْرَارِ، وَلَا تُنْجِحْ مَكِيدَتَهُمْ لِئَلّا يَسْتَكْبِرُوا. 9رُدَّ عَلَى رُؤُوسِ مَنْ يُحَاصِرُونَنِي مَكَائِدَ مَا يَتَكَلَّمُونَ به. 10لِيَسْقُطْ عَلَيْهِمْ جَمْرٌ مُلْتَهِبٌ، وَلْيُطْرَحُوا إِلَى النَّارِ، وَإِلَى غَمَرَاتِ اللُّجَجِ، فَلَا يَنْهَضُوا أَيْضاً. 11لَا تَدَعْ ذَا اللِّسَانِ السَّلِيطِ يَثْبُتُ فِي الأَرْضِ: فَالشَّرُّ يَتَصَيَّدُ رَجُلَ الظُّلْمِ لِيُهْلِكَهُ. 12قَدْ عَلِمْتُ أَنَّ الرَّبَّ يُنْصِفُ دَعْوَى الْمَسَاكِينِ وَيَحْكُمُ بِالْحَقِّ لِلْمُحْتَاجِينَ. 13نَعَمْ، إِنَّ الصِّدِّيقِينَ يَحْمَدُونَ اسْمَكَ، وَالصَّالِحِينَ يُقِيمُونَ فِي حَضْرَتِكَ.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 140:1-13

Salmo 140140 Salmo 140 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David para sa direktor ng mga mang-aawit.

Panalangin para Ingatan ng Dios

1Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit.

2Nagpaplano sila ng masama at palaging pinag-aaway ang mga tao.

3Ang kanilang mga dila ay parang mga makamandag na ahas;

at ang kanilang mga salita ay makakalason na parang kamandag ng ahas.

4Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.

5Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin;

naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.

6Panginoon, kayo ang aking Dios.

Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.

7Panginoong Dios, kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas;

iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.

8Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama ang kanilang mga hinahangad.

Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano,

baka silaʼy magmalaki.

9Sana ang masasamang plano ng aking mga kaaway na nakapaligid sa akin ay mangyari sa kanila.

10Bagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga,

at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa.

11Madali sanang mawala sa lupa ang mga taong nagpaparatang ng mali laban sa kanilang kapwa.

Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila.

12Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha,

at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.

13Tiyak na pupurihin kayo ng mga matuwid at sa piling nʼyo silaʼy mananahan.