ኤርምያስ 9 – NASV & TCB

New Amharic Standard Version

ኤርምያስ 9:1-26

1ስለ ታረዱት ወገኖቼ፣

ቀንና ሌሊት አለቅስ ዘንድ፣

ምነው፣ ራሴ የውሃ ምንጭ በሆነ!

ምነው ዐይኖቼ የእንባ መጕረፊያ በሆኑልኝ!

2ሕዝቤን ትቼ፣ ርቄ እንድሄድ፣

በምድረ በዳ የእንግዶች ማደሪያ ማን በሰጠኝ!

ሁሉም አመንዝሮች፣

የአታላዮች መንጋ ሆነዋላ!

3“ሐሰትን ለመናገር፣

ምላሳቸውን እንደ ቀስት ገተሩ፤

በእውነት ሳይሆን፣

በሐሰት በምድሪቱ ገነኑ፤

ከክፋት ወደ ክፋት ሄዱ፤

እኔንም አላወቁኝም፤”

ይላል እግዚአብሔር

4“እያንዳንዱ ወንድም አታላይ፣9፥4 ወይም አታላይ ያዕቆብ

ባልንጀራም ሁሉ ሐሜተኛ ስለሆነ፣

ወንድም ከወንድሙ ይጠንቀቅ፤

ባልንጀራም በጓደኛው አይታመን።

5ባልንጀራ ባልንጀራውን ያታልላል፤

እውነትን የሚናገር የለም፤

ሐሰትን ይናገሩ ዘንድ ምላሳቸውን አሠልጥነዋል፤

ኀጢአትንም በማድረግ ራሳቸውን አድክመዋል።

6መኖሪያህ9፥6 ኤርምያስን ያመለክታል (በዕብራይስጡ በነጠላ ቍጥር ተጽፏል) በሽንገላ መካከል ነው፤

ከሽንገላቸውም የተነሣ ሊያውቁኝ አልፈቀዱም፤”

ይላል እግዚአብሔር

7ስለዚህ የሰራዊት ጌታ እግዚአብሔር እንዲህ ይላል፤

“እነሆ፤ እንደ ብረት አነጥራቸዋለሁ፤ እፈትናቸዋለሁም፤

ስለ ሕዝቤ ኀጢአት፣

ከዚህ የተለየ ምን ማድረግ እችላለሁ?

8ምላሳቸው የሚገድል ቀስት ነው፤

በሽንገላ ይናገራል፤

ሁሉም ከባልንጀራው ጋር በፍቅር ይናገራል፤

በልቡ ግን ያደባበታል።

9ታዲያ ስለ እነዚህ ነገሮች ልቀጣቸው አይገባኝምን?”

ይላል እግዚአብሔር

“እንደዚህ ዐይነቱንስ ሕዝብ፣

አልበቀልምን?”

10ስለ ተራሮች አለቅሳለሁ፤ ዋይ ዋይ እላለሁ፤

በምድረ በዳ ስላሉትም መሰማሪያዎች ዐዝናለሁ።

ሰው የማያልፍባቸው ባድማ ሆነዋል፤

የከብቶች ጩኸት አይሰማም፤

የሰማይ ወፎች ሸሽተዋል፤

የዱር አራዊትም ጠፍተዋል።

11“ኢየሩሳሌምን የፍርስራሽ ክምር፣

የቀበሮም ጐሬ አደርጋታለሁ፤

የይሁዳንም ከተሞች፣

ሰው የማይኖርባቸው ባድማ አደርጋቸዋለሁ።”

12ይህን መረዳት የሚችል ጥበበኛ ሰው ማን ነው? እግዚአብሔር ገልጾለት ይህንስ ማስረዳት የሚችል ማን ነው? ምድሪቱስ ሰው እንደማያልፍበት በረሓ ለምን ጠፋች? ለምን ወና ሆነች?

13እግዚአብሔርም እንዲህ አለ፤ “ይህ የሆነው የሰጠኋቸውን ሕጌን ትተው ስላልታዘዙኝና ሥርዐቴን ስላልተከተሉ ነው። 14በዚህ ፈንታ፣ በልባቸው እልኸኝነት በመሄድ አባቶቻቸው ያስተማሯቸውን በኣሊምን ተከተሉ።” 15ስለዚህ የእስራኤል አምላክ የሰራዊት ጌታ እግዚአብሔር፣ እንዲህ ይላል፤ “እነሆ፤ ይህን ሕዝብ መራራ ምግብ አበላዋለሁ፤ የተመረዘንም ውሃ አጠጣዋለሁ። 16እነርሱንም ሆነ አባቶቻቸውን በማያውቋቸው ሕዝቦች መካከል እበትናቸዋለሁ፤ እስካጠፋቸውም ድረስ በሰይፍ አሳድዳቸዋለሁ።”

17የሰራዊት ጌታ እግዚአብሔር እንዲህ ይላል፤

“እንግዲህ፤ አልቃሽ ሴቶች ጥሩ፤

ሥልጡን ሙሾ አውራጆች አስመጡ፤

18እነርሱ ፈጥነው ይምጡ፤

ዐይኖቻችን እንባ እስኪያጐርፉ፣

ሽፋሽፍቶቻችንም ውሃ እስኪያመነጩ፣

ስለ እኛ ሙሾ ያውርዱልን።

19እነሆ የዋይታ ድምፅ ከጽዮን ተሰምቷል፤ እንዲህም ይላል፤

‘ምንኛ ወደቅን!

ውርደታችንስ እንዴት ታላቅ ነው!

ቤቶቻችን ፈራርሰዋልና፤

አገራችንን ጥለን እንሂድ።’ ”

20እናንት ሴቶች ሆይ፤ የእግዚአብሔርን ቃል ስሙ፤

ጆሮቻችሁን ከአንደበቱ ለሚወጡት ቃላት ክፈቱ፤

ሴቶች ልጆቻችሁን ዋይታ፣

አንዳችሁም ሌላውን ሙሾ አስተምሩ።

21ሞት በመስኮቶቻችን ገብቷል፤

ወደ ምሽጎቻችንም ዘልቋል፤

ሕፃናትን ከየመንገዱ፣

ወጣቶችን ከየአደባባዩ ጠራርጎ ወስዷል።

22እንዲህ በሉ፤ “እግዚአብሔር እንዲህ ይላል፤

“ ‘የሰዎች ሬሳ፣

በሜዳ እንደ ተጣለ ጕድፍ፣

ማንም እንደማይሰበስበው፣

ከዐጫጅ ኋላ እንደ ተተወ ቃርሚያ ይወድቃል።’ ”

23እግዚአብሔር እንዲህ ይላል፤

“ጥበበኛ በጥበቡ አይታበይ፤

ኀያልም በኀይሉ አይመካ፤

ሀብታምም በሀብቱ አይኵራራ፤

24የሚመካ ግን፣

እኔ እግዚአብሔር እንደ ሆንሁ በማወቁና፣

በምድር ላይ ምሕረትን፣ ፍትሕንና ጽድቅን የማደርግ መሆኔን በመረዳቱ፣

በዚህ ይመካ፤ እኔ በእነዚህ ነገሮች፣

እደሰታለሁና፤”

ይላል እግዚአብሔር

25እግዚአብሔር እንዲህ ይላል፤ “ሥጋቸውን ብቻ የተገረዙትን ሁሉ የምቀጣበት ጊዜ ይመጣል፤ 26እነርሱም ግብፅ፣ ይሁዳ፣ ኤዶም፣ አሞን፣ ሞዓብና ጠጕራቸው ዙሪያውን የሚከረከም የበረሓ9፥26 ወይም በበረሓ በተራራቁ ስፍራዎች የሚኖሩ ነዋሪዎች ሁሉ ናቸው፤ እነዚህ ሕዝቦች ሁሉ በርግጥ የተገረዙ አይደሉምና፤ የእስራኤልም ቤት ሁሉ ልባቸው አልተገረዘም።”

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 9:1-26

1“Kung balon sana ng tubig ang aking ulo, at ang aking mga mata ay bukal ng luha, iiyak ako araw at gabi para sa mga kababayan kong pinatay. 2Kung mayroon lang sana akong matitirhan sa ilang para makalayo ako sa mga kababayan ko, dahil silang lahat ay nagtaksil na parang mga babaeng nangangalunya.”

3Sinabi ng Panginoon, “Lagi silang handang magsinungaling na parang pana na handa nang itudla. Kasinungalingan ang namamayani sa lupaing ito at hindi ang katotohanan. Malala na ang paggawa nila ng kasalanan at hindi nila ako kinikilala.

4“Mag-ingat kayo sa kapwa nʼyo at huwag kayong magtiwala sa mga kamag-anak nʼyo, dahil ang bawat isa ay mandaraya at naninira ng kapwa. 5Dinadaya ng bawat isa ang kapwa niya at wala ni isa ang nagsasalita ng katotohanan. Sanay na sa pagsisinungaling ang mga dila nila at pinapagod nila ang sarili nila sa paggawa ng kasalanan. 6Puro na lang pandaraya ang ginagawa nila, at dahil sa pandaraya ay ayaw na nila akong kilalanin. 7Kaya ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay nagsasabing dadalisayin ko sila na parang metal at susubukin ko sila. Ano pa ang maaari kong gawin sa kanila? 8Ang kanilang mga dila ay parang panang nakakamatay. Puro na lang pandaraya ang kanilang sinasabi. Nakikipag-usap sila nang mabuti sa kapwa nila pero sa puso nilaʼy masama ang binabalak nila. 9Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan? Hindi ba dapat na paghigantihan ko ang bansang katulad nito? Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

10Sinabi ni Jeremias: Iiyak ako ng malakas para sa mga kabundukan at mananaghoy ako para sa mga pastulan. Dahil malungkot na ito at wala nang dumadaan. Hindi na marinig ang unga ng mga baka, at nag-alisan na ang mga ibon at mga hayop. 11Dahil sinabi ng Panginoon, “Wawasakin ko ang Jerusalem, at magiging tirahan ito ng mga asong-gubat.9:11 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.” Gagawin kong parang ilang ang mga bayan ng Juda at wala nang titira rito.”

12Nagtanong ako sa Panginoon, “Sino pong marunong na tao ang makakaunawa sa mga pangyayaring ito? Kanino nʼyo po ipinaliwanag ang tungkol dito para maipaliwanag ito sa mga tao? Bakit po nawasak ang lupaing ito at naging parang ilang na hindi na dinadaanan?”

13Sumagot ang Panginoon, “Nangyari ito dahil hindi nila sinunod ang mga utos na ibinigay ko sa kanila. Hindi sila sumunod sa akin o sa mga utos ko. 14Sa halip, sinunod nila ang kapasyahan ng matigas nilang mga puso. Sumamba sila kay Baal, gaya ng itinuro sa kanila ng mga ninuno nila. 15Kaya ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel ay nagsabing pakakainin ko ang mga taong ito ng mapait na pagkain at paiinumin ng tubig na may lason. 16Ipapangalat ko sila sa mga bansang hindi nila kilala maging ng mga ninuno nila. Magpapadala ako ng hukbong sasalakay sa kanila para lubusan silang malipol.”

17Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, “Isipin nʼyo kung ano ang mga nangyayari! Tawagin nʼyo ang mga babaeng tagaiyak, lalo na ang mga sanay sa pag-iyak. 18Pagmadaliin silang pumunta para iyakan ang mga mamamayan ko hanggang sa dumaloy ang kanilang luha.9:18 ang mga mamamayan ko … ang kanilang luha: sa Hebreo, tayo hanggang sa dumaloy ang luha natin. 19Pakinggan ang mga pag-iyak sa Jerusalem.9:19 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. Sinasabi ng mga tao, ‘Nawasak tayo! Nakakahiya ang nangyaring ito sa atin! Kailangang iwan na natin ang ating lupain dahil nawasak na ang ating mga tahanan!’ ”

20Ngayon, kayong mga babae, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon. Pakinggan ninyo itong mabuti. Turuan ninyo ang inyong mga anak na babae at ang inyong kapwa na umiyak at managhoy. 21Dumating ang kamatayan sa ating mga sambahayan at sa matitibay na bahagi ng ating lungsod. Pinatay ang mga bata na naglalaro sa mga lansangan at ang mga kabataang lalaki na nagkakatipon sa mga plasa. 22At sinabi ng Panginoon, “Kakalat ang mga bangkay na parang mga dumi sa kabukiran, at parang mga butil na naiwan ng mga nag-aani, at wala nang kukuha sa mga ito. 23Hindi dapat ipagmalaki ng marunong ang karunungan niya, o ng malakas ang kalakasan niya, o ng mayaman ang kayamanan niya. 24Kung gusto ng sinuman na magmalaki, dapat lang niyang ipagmalaki na kilala niya ako at nauunawaan niyang ako ang Panginoong mapagmahal na gumagawa ng tama at matuwid dito sa mundo, dahil iyon ang kinalulugdan ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

25“Darating ang araw na parurusahan ko ang lahat ng tinuli, na ang kanilang pamumuhay ay hindi nabago – 26ang mga taga-Egipto, Juda, Edom, Ammon, Moab, at ang lahat ng nakatira sa malalayong ilang.9:26 ang lahat ng nakatira sa malalayong ilang: sa literal, silang mga nagpagupit ng kanilang patilya. Ang totoo, lahat ng bansang ito pati na ang mga mamamayan ng Israel ay parang hindi rin mga tinuli.”