ኢሳይያስ 9 – NASV & TCB

New Amharic Standard Version

ኢሳይያስ 9:1-21

ሕፃን ተወለደልን

1ነገር ግን ተጨንቀው የነበሩ ከእንግዲህ ተስፋ ቢስ አይሆኑም። በቀደመው ዘመን የዛብሎንንና የንፍታሌምን ምድር አዋረደ፤ በሚመጣው ዘመን ግን ከዮርዳኖስ ማዶ፣ በባሕር መንገድ አጠገብ ያለውን የአሕዛብን ገሊላ ያከብራል፤

2በጨለማ የሚኖር ሕዝብ

ታላቅ ብርሃን አየ፤

በሞት ጥላ9፥2 ወይም፣ በጨለማ ምድር። ምድር ለኖሩትም

ብርሃን ወጣላቸው።

3ሕዝብን አበዛህ፤

ደስታቸውንም ጨመርህ፤

ሰዎች ምርትን ሲሰበስቡ፣

ምርኮንም ሲከፋፈሉ

ደስ እንደሚላቸው ሁሉ፣

እነርሱም በፊትህ ደስ ይላቸዋል።

4ምድያም ድል በተመታ ጊዜ እንደ ሆነው፣

የከበዳቸውን ቀንበር፣

በትከሻቸው ላይ የነበረውን በትር፣

የተጨቈኑበትንም ዘንግ ሰብረህላቸዋል።

5የጦረኞች ጫማ ሁሉ፣

በደም የተለወሰ ልብስም ሁሉ፣

ለእሳት ይዳረጋል፤

ይማገዳልም።

6ሕፃን ተወልዶልናል፤

ወንድ ልጅም ተሰጥቶናል፤

አለቅነትም በጫንቃው ላይ ይሆናል።

ስሙም፣ ድንቅ መካር፣9፥6 ወይም፣ ድንቅ፣ መካር።

ኀያል አምላክ፣

የዘላለም አባት፣ የሰላም ልዑል ይባላል።

7ለመንግሥቱ ስፋት፣

ለሰላሙም ብዛት ፍጻሜ የለውም፤

ከአሁን ጀምሮ እስከ ዘላለም፣

መንግሥቱን በፍትሕና በጽድቅ ይመሠርታል፤

ደግፎ በመያዝም ያጸናዋል።

በዳዊት ዙፋን ይቀመጣል፤

አገሩንም ሁሉ ይገዛል፤

የሰራዊት ጌታ እግዚአብሔር ቅናት

ይህን ያደርጋል።

የእግዚአብሔር ቍጣ በእስራኤል ላይ

8ጌታ በያዕቆብ ላይ ቃል ላከ፤

በእስራኤልም ላይ ይወድቃል።

9ሕዝቡ በሙሉ፣

ኤፍሬምና የሰማርያ ነዋሪዎች

ይህን ያውቃሉ፤

በትዕቢትና በልብ እብሪትም እንዲህ ይላሉ፤

10“ጡቦቹ ወድቀዋል፤

እኛ ግን በጥርብ ድንጋይ መልሰን እንገነባለን፤

የሾላ ዛፎቹ ተቈርጠዋል፤

እኛ ግን በዝግባ እንተካለን።”

11ነገር ግን እግዚአብሔር የረአሶንን ጠላቶች ያጠናክራል፤

በእነርሱም ላይ ያመጣባቸዋል፤

ባለጋራዎቻቸውንም ያነሣሣባቸዋል።

12ሶርያውያን ከምሥራቅ፣ ፍልስጥኤማውያን ከምዕራብ፤

አፋቸውን ከፍተው እስራኤልን ይቦጫጭቋታል።

ይህም ሁሉ ሆኖ፣ ቍጣው ገና አልበረደም፤

እጁ እንደ ተዘረጋ ነው።

13ሕዝቡ ግን ወደ ቀጣቸው ፊታቸውን አልመለሱም፤

የሰራዊት ጌታ እግዚአብሔርንም አልፈለጉም።

14ስለዚህ እግዚአብሔር ራስንና ጅራትን፣

የዘንባባውን ቅርንጫፍና ሸንበቆውን ከእስራኤል በአንድ ቀን ይቈርጣል።

15ሽማግሌዎችና የተከበሩ ሰዎች ራስ፣

ሐሰትን የሚያስተምሩ ነቢያት ደግሞ ጅራት ናቸው።

16ይህን ሕዝብ የሚመሩት ያስቱታል፤

የሚመራውም ሕዝብ ከመንገድ ወጥቶ ይባዝናል።

17ስለዚህ ጌታ በጐበዛዝት ደስ አይሰኝም፤

አባት ለሌላቸውና ለመበለቶች አይራራም፤ ሁሉም ፈሪሀ እግዚአብሔር ያላደረበትና ክፉ አድራጊ ነው፤

የሁሉ አፍ አስጸያፊ ቃል ይናገራልና።

ይህም ሁሉ ሆኖ፣ ቍጣው ገና አልበረደም፤

እጁም እንደ ተዘረጋ ነው።

18እንግዲህ ርኩሰት እንደ እሳት ይቀጣጠላል፤

እሾኽንና ኵርንችትን ይበላል፤

ጥቅጥቅ ያለውን ደን ያነድዳል፤

ጢሱም ተትጐልጕሎ እንደ ዐምድ ይቆማል።

19በሰራዊት ጌታ በእግዚአብሔር ቍጣ ምድር ትጋያለች፤

ሕዝቡም እሳት ውስጥ እንደሚጨመር

ማገዶ ይሆናል፤

ወንድሙንም ማዳን የሚችል ማንም የለም።

20በቀኝ በኩል ይጐርሳሉ፤

ነገር ግን ራባቸው አይታገሥም፤

በግራም በኩል ይበላሉ፤

ነገር ግን አይጠግቡም፤

እያንዳንዱም የገዛ ወገኑን9፥20 ወይም፣ ክንዱን ሥጋ ይበላል።

21ምናሴ ኤፍሬምን፣ ኤፍሬም ምናሴን ይበላል፤

በይሁዳም ላይ በአንድነት ይነሣሉ፤

ይህም ሁሉ ሆኖ፣ ቍጣው ገና አልበረደም፤

እጁም እንደ ተዘረጋ ነው።

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 9:1-21

Ang Haring Darating

1Pero darating ang araw na mawawala rin ang kadiliman sa lupaing nasa kahirapan. Noong una, inilagay ng Panginoon sa kahihiyan ang lupain ng Zebulun at Naftali. Pero darating ang araw na pararangalan niya ang mga lugar na ito na daanan patungo sa lawa9:1 daanan patungo sa lawa: o, malapit sa lawa. at nasa kabila ng Ilog ng Jordan. Ang mga lugar na itoʼy sakop ng Galilea at tinitirhan ng mga hindi Judio. 2Nabubuhay sa kadiliman ang mga tao roon, ngunit makakakita sila ng matinding liwanag.

Kahit nasa kadiliman sila at natatakot mamatay, maliliwanagan sila.

3Panginoon, bigyan nʼyo po sila ng malaking kagalakan, at matutuwa sila sa presensya nʼyo katulad ng mga taong natutuwa kapag panahon na ng anihan, o katulad din ng mga taong nagdiriwang sa paghahati-hati nila ng mga nasamsam sa digmaan. 4Sapagkat palalayain nʼyo sila sa mga umaapi sa kanila. Magiging katulad sila ng mga hayop na binali nʼyo ang pamatok na kahoy na pasan-pasan nila at ang pamalo na ipinapalo sa kanila. Gagawin nʼyo po sa kanila ang ginawa nʼyo noon nang lupigin nʼyo ang mga taga-Midian.9:4 noon nang lupigin nʼyo ang mga taga-Midian: Tinutukoy nito ang panalo ni Gideon laban sa bansang Midian noong niligtas ng Dios ang Israel sa dayuhang sumasakop sa kanila (Hukom 7–8). 5Matutuwa sila dahil matitigil na ang mga digmaan. Susunugin na ang mga uniporme ng mga sundalo na puno ng dugo, pati ang kanilang mga bota.

6Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.” 7Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoong Makapangyarihan na matutupad ito.

Ang Galit ng Dios sa Israel

8Sinabi ng Panginoon na parurusahan niya ang Israel, ang lahi ni Jacob. 9At alam9:9 alam: o, malalaman. ito ng lahat ng tao sa Israel,9:9 Israel: Tingnan ang footnote sa 7:2. pati ng mga nasa Samaria na kabisera nito. Pero nagmamataas pa rin sila at payabang na sinasabi, 10“Mawasak man ang mga itinayo naming bahay na yari sa brik at kahoy na sikomoro, papalitan naman namin ito ng bato at kahoy na sedro.”

11Kaya ipapasalakay sila ng Panginoon sa mga taga-Asiria na kaaway ni Haring Rezin. 12Ang Israel ay wawasakin ng mga taga-Aram sa gawing silangan, at ng mga Filisteo sa gawing kanluran, tulad ng mabangis na hayop na sisila sa kanila. Pero hindi pa napapawi ang galit ng Panginoon, kaya nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.

13Dahil ayaw pa ring magbalik-loob ng mga Israelita sa Panginoong Makapangyarihan na nagparusa sa kanila, 14hindi magtatagal ay paparusahang muli ng Panginoon ang buong Israel. Matutulad sila sa hayop na puputulan ng buntot at ulo. 15Ang ulo ay ang mga pinuno at ang mga iginagalang na tao, at ang buntot ay ang mga sinungaling na propeta. 16Ang mga namumuno sa mga mamamayan ng Israel ay ang mga nanlilinlang sa kanila, kaya naliligaw ang mga mamamayan. 17Dahil dito, hindi nalulugod ang Panginoon sa mga kabataan nilang lalaki, at hindi niya kinakaawaan ang mga ulila nilaʼt mga biyuda. Sapagkat masama ang lahat at hindi makadios; nakakahiya ang lahat ng sinasabi nila.

Kaya hindi pa rin mapapawi ang galit ng Panginoon, at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila. 18Sapagkat ang kasamaan nila ay tulad ng apoy na tumutupok ng mga halamang may tinik. Naglalagablab ito na parang apoy na tumutupok ng mga kahoy, at ang makapal na usok ay pumapailanlang. 19Dahil sa galit ng Panginoong Makapangyarihan, masusunog ang kanilang lupain, at silaʼy magiging panggatong na lalamunin ng apoy.

Ayaw nilang kaawaan kahit na kapwa nila Israelita. 20Anumang pagkain ang makita nila ay kukunin nila at kakainin, pero hindi pa rin sila mabubusog. Kaya kakainin na nila pati ang kanilang mga anak.9:20 mga anak: o, mga bisig. Sa ibang mga teksto ng Septuagint, kapatid o, kamag-anak. Sa Targum, kapwa. 21Mag-aaway ang Manase at ang Efraim, at lulusubin nilang dalawa ang Juda. Pero ang galit ng Panginoon ay hindi pa rin mapapawi at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.