출애굽기 37 – KLB & TCB

Korean Living Bible

출애굽기 37:1-29

법궤

1브사렐은 아카시아나무로 가로 113센티미터, 세로 68센티미터, 높이 68센티미터의 궤를 만들었다.

2그는 순금으로 그 궤의 안팎을 싸고 윗 언저리에 금테를 둘렀으며

3또 금고리 네 개를 만들어 양쪽에 각각 두 개씩 네 발에 달았다.

4그는 또 아카시아나무로 운반채를 만들어 금으로 싸고

5그 운반채를 궤 양쪽 고리에 꿰어 궤를 운반할 수 있도록 하였다.

6그리고 순금으로 그 궤의 뚜껑인 37:6 또는 ‘시은좌’속죄소를 만들었는데 그 크기는 길이 113센티미터, 너비 68센티미터였다.

7그런 다음 그는 금을 두들겨 두 그룹 천사를 만들어

8그 뚜껑과 한 덩어리가 되게 뚜껑 양쪽 끝에 각각 하나씩 세웠으며

9그 그룹 천사들은 날개를 위로 펴서 속죄소를 덮고 그 얼굴은 속죄소를 향하여 서로 마주 보게 하였다.

차림상

10그는 또 아카시아나무로 길이 90센티미터, 너비 45센티미터, 높이 68센티미터의 상을 만들었다.

11그는 그 상을 순금으로 싸고 가장자리에 금테를 둘렀으며

12상 둘레에 손바닥 넓이만한 턱을 만들고 그 턱 주위에 금테를 둘렀다.

13그리고 금고리 네 개를 만들어 상 다리가 붙은 네 모퉁이

14턱 곁에 달아 운반채를 꿸 수 있게 하였다.

15그는 또 아카시아나무로 상의 운반채를 만들어 금으로 쌌으며

16상의 기구인 대접과 국자와 잔과 제사 술을 따르는 주전자를 순금으로 만들었다.

순금 등대

17또 그는 순금을 두들겨 등대를 만들었는데 밑받침과 줄기와 등잔과 꽃 모양의 장식을 모두 하나로 연이어 만들었다.

18-19그 등대 줄기에서는 양쪽으로 가지가 세 개씩 뻗어 나오게 하고 각 가지마다 세 개의 살구꽃 모양을 장식하였다.

20-21그리고 등대 줄기에는 네 개의 살구꽃 모양을 장식하였다. 두 개는 윗가지와 아랫가지 사이에 각각 하나씩 만들고 하나는 제일 윗가지 바로 위에, 하나는 제일 아랫가지 바로 밑에 만들었다.

22이런 꽃 모양의 장식과 가지와 줄기는 모두 순금을 두들겨 하나로 연이어 만들었으며

23일곱 개의 등잔과 심지 자르는 가위와 불똥 그릇도 순금으로 만들었다.

24이와 같이 그는 37:24 히 ‘정금 한 달란트’순금 34킬로그램으로 등대와 그 모든 기구를 만들었다.

향단

25그는 또 아카시아나무로 분향할 단을 만들었다. 그것은 가로 세로가 각각 45센티미터로 네모가 반듯하며 높이는 90센티미터였다. 그리고 네 뿔을 단과 한 덩이로 연이어 만들고

26그 단의 윗면과 전후 좌우 면과 그 뿔을 순금으로 쌌으며 윗 가장자리에 금테를 둘렀다.

27그런 다음 금테 아래 양쪽에 운반채를 꿸 금고리 두 개씩을 만들어 달고

28아카시아나무로 그 운반채를 만들어 금으로 쌌다.

29그는 또 거룩한 의식에 쓸 기름을 만들고 전문적인 향 제조법으로 향기로운 순수한 향을 만들었다.

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 37:1-29

Ang Paggawa ng Kahon ng Kasunduan

(Exo. 25:10-22)

1Ginawa nina Bezalel ang Kahon ng Kasunduan. Kahoy ng akasya ang ginamit nila. May 45 pulgada ang haba ng Kahon, 27 pulgada ang lapad at taas nito. 2Binalutan ito ng purong ginto sa loob at labas, at nilagyan ng hinulmang ginto ang mga palibot nito. 3Ginawaan din nila ito ng apat na argolyang37:3 argolya: Tingnan ang “footnote” sa 36:34. ginto at ikinabit sa apat na paa nito. 4Gumawa sila ng tukod na akasya na binalutan ng ginto. 5Ikinabit nila ang mga argolya sa bawat gilid ng Kahon para mabuhat ang Kahon sa pamamagitan ng mga tukod.

6Ginawaan din nila ang Kahon ng takip na purong ginto. May 45 pulgada ang haba at 27 pulgada ang lapad. 7-8Gumawa rin sila ng dalawang gintong kerubin, at inilagay sa bawat dulo ng takip ng Kahon. 9Nakalukob ang mga pakpak ng mga kerubin sa ibabaw ng takip para maliliman nila ito. Magkaharap ang dalawang kerubin at nakatingin sa takip.

Ang Paggawa ng Mesa na Nilalagyan ng Tinapay

(Exo. 25:23-30)

10Gumawa rin sila ng mesang akasya na 36 na pulgada ang haba, 18 pulgada ang lapad, at 27 pulgada ang taas. 11Binalutan ito ng purong ginto at nilagyan ng hinulmang ginto ang palibot nito. 12Nilagyan din nila ng sinepa37:12 sinepa: sa Ingles, “rim.” ang bawat gilid. Mga apat na pulgada ang lapad at nilagyan din nila ng hinulmang ginto ang sinepa. 13Pagkatapos, gumawa sila ng apat na argolyang ginto, at ikinabit ito sa apat na paa ng mesa, 14malapit sa sinepa. Dito nila isinuksok ang mga tukod na pambuhat sa mesa. 15Gawa sa akasya ang mga tukod na ito at nababalot ng ginto. 16Gumawa rin sila ng mga kagamitang purong ginto para sa mesa: pinggan, tasa, mangkok at banga na gagamitin para sa mga handog na inumin.

Ang Paggawa ng Lalagyan ng Ilaw

(Exo. 25:31-40)

17Gumawa rin sila ng lalagyan ng ilaw na purong ginto ang paa, katawan, at palamuting hugis bulaklak na ang ibaʼy buko pa lang at ang iba naman ay nakabuka na. Ang palamuti ay kasama nang ginawa nang gawin ang katawan ng lalagyan ng ilaw. 18Ang lalagyan ng ilaw ay may anim na sanga, tigtatatlo sa bawat gilid. 19Ang bawat sanga ay may tatlong palamuting hugis bulaklak ng almendro, na ang iba ay buko pa at ang iba naman ay nakabuka na. 20Ang katawan ng lalagyan ng ilaw ay may apat na palamuting hugis bulaklak ng almendro, na ang ibaʼy buko pa at ang iba naman ay nakabuka na. 21May isang hugis bulaklak sa ilalim ng bawat pares ng sanga. 22Ang mga palamuti at ang mga sanga ay kasama nang ginawa nang gawin ang katawan ng lalagyan ng ilaw.

23Gumawa rin sila ng pitong ilaw, mga panggupit ng mitsa nito, at mga pansahod sa upos ng mitsa ng ilaw. Purong ginto ang lahat ng ito. 24Ang nagamit sa paggawa ng lalagyan ng ilaw at ng lahat ng kagamitan nito ay 35 kilong purong ginto.

Ang Paggawa ng Altar na Pagsusunugan ng Insenso

(Exo. 30:1-5)

25Gumawa rin sila ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso. Kwadrado ito, 18 pulgada ang haba, 18 pulgada ang lapad, at mga tatlong talampakan ang taas. May parang sungay ito sa mga sulok na kasama nang ginawa nang gawin ang altar. 26Nilagyan nila ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid at ang parang sungay sa mga sulok at hinulmang ginto sa palibot. 27Nilagyan nila ng dalawang argolyang ginto ang ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, para pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito. 28Ang tukod ay gawa sa kahoy ng akasya at binalutan ng ginto.

29Gumawa rin sila ng banal na langis na pamahid at purong insenso na napakabango.