아가 7 – KLB & TCB

Korean Living Bible

아가 7:1-13

1(남자) 귀한 집안의 딸이여, 신발을 신은 그대의 발이 어쩌면 그처럼 아름다 운가요! 그대의 다리는 예술가의 작품처럼 우아하고

2그대의 배꼽은 혼합 포도주를 가득 부은 둥근 술잔 같으며 그대의 허리는 백합화로 두른 밀짚단 같구려.

3그대의 젖가슴은 쌍태 노루 새끼 같고

4목은 상아탑 같으며 눈은 바드 – 랍빔 성문 곁의 헤스본 연못 같고 코는 다마스커스를 굽어보는 레바논의 망대 같소이다.

5그대의 머리는 갈멜산 같고 머리털은 비단처럼 고와 왕이 그 매력에 사로잡히고 말았소.

6어쩌면 그대는 그처럼 예쁘고 아름다운가요! 내 사랑이여, 그대의 매력이 대단하구려.

7그대는 종려나무처럼 키가 크고 늘씬하며 그대의 젖가슴은 그 열매 송이 같소이다.

8내가 그 종려나무에 올라가서 열매를 잡으오리다. 그대의 유방은 포도송이 같고 그대의 숨에서는 사과 냄새가 나며

9그대의 입술은 제일 좋은 포도주처럼 달콤하구려. (여자) 이 포도주가 내 사랑하는 님의 입술로 부드럽게 흘러들어가기를 원하노라.

10나는 내 사랑하는 님의 것이므로 그가 나를 사모하는구나.

11내 사랑하는 님이시여, 우리 함께 시골로 가서 마을에서 밤을 보냅시다.

12우리 일찍 일어나 포도원으로 가서 포도 순이 돋았는지, 꽃봉오리가 맺혔는지, 석류꽃이 피었는지 알아봅시다. 내가 거기서 당신에게 내 사랑을 바치겠어요.

137:13 또는 ‘합환채가’만다라화가 향기를 토하고 우리 문 앞에는 온갖 과일이 가득하니 내가 사랑하는 당신을 위해 쌓아 둔 것이랍니다.

Tagalog Contemporary Bible

Awit 7:1-13

1O maharlikang babae, napakaganda ng mga paa mong may sandalyas. Hugis ng iyong mga hitaʼy parang mga alahas na gawa ng bihasa. 2Ang pusod moʼy kasimbilog ng tasang laging puno ng masarap na alak. Ang baywang moʼy parang ibinigkis na trigong napapaligiran ng mga liryo. 3Ang dibdib moʼy tila kambal na batang usa. 4Ang leeg moʼy parang toreng gawa sa pangil ng elepante. Ang mga mata moʼy kasinglinaw ng batis sa Heshbon, malapit sa pintuang bayan ng Bet Rabim. Ang ilong moʼy kasingganda ng tore ng Lebanon na nakaharap sa Damasco. 5Ang ulo moʼy kasingganda ng Bundok ng Carmel. Ang buhok moʼy kasingkintab ng mga maharlikang kasuotan at ang hariʼy nabihag sa kagandahan nito.

6O napakaganda mo, aking sinta, umaapaw ka sa kariktan. 7Ang tindig moʼy parang puno ng palma at ang dibdib moʼy parang mga bunga nito. 8At aking sinabi, “Aakyat ako sa palma at hahawak sa kanyang mga bunga.” Ang iyong dibdib ay parang katulad ng kumpol ng ubas, at ang samyo ng iyong hiningaʼy parang mansanas. 9Ang halik moʼy kasingtamis ng pinakamasarap na alak. Ang alak na itoʼy dahan-dahang dumadaloy mula sa labi ng aking minamahal.

Babae

10Ako ay sa kanya lang, at ako lamang ang kanyang inaasam. 11Halika mahal ko, pumunta tayo sa bukid at doon magpalipas ng gabi, sa tabi ng mga bulaklak ng henna.7:11 mga bulaklak ng henna: o, mga baryo. 12Maaga tayong gumising at ating tingnan kung namulaklak at namunga na ang ubasan. Tingnan din natin kung namumukadkad na ang mga pomegranata. At doon, ipadarama ko sa iyo ang aking pagmamahal. 13Maaamoy mo ang bango ng mandragora, at malapit sa ating pintuan ay may mga piling hain na prutas, luma at bago. Sapagkat ang mga itoʼy sadyang inihanda ko para sa iyo, aking mahal.