민수기 13 – KLB & TCB

Korean Living Bible

민수기 13:1-33

가나안 탐지

1여호와께서 모세에게 “너는 각 지파의 지도자들 가운데 한 사람씩 뽑아

2내가 너희에게 줄 가나안 땅을 탐지해 오게 하라” 하고 말씀하셨다.

3그래서 모세는 여호와의 명령대로 바란 광야에서 각 지파의 지도자들을 뽑아 정찰대원으로 파견했는데

4그들은 다음과 같다:

르우벤 지파에서 삭굴의 아들 삼무아,

5시므온 지파에서 호리의 아들 사밧,

6유다 지파에서 여분네의 아들 갈렙,

7잇사갈 지파에서 요셉의 아들 이갈,

8에브라임 지파에서 눈의 아들 호세아,

9베냐민 지파에서 라부의 아들 발디,

10스불론 지파에서 소디의 아들 갓디엘,

1113:11 또는 ‘요셉 지파 곧 므낫세 지파’므낫세 지파에서 수시의 아들 갓디,

12단 지파에서 그말리의 아들 암미엘,

13아셀 지파에서 미가엘의 아들 스둘,

14납달리 지파에서 웝시의 아들 나비,

15갓 지파에서 마기의 아들 그우엘이었다.

16이상은 모세가 가나안 땅을 탐지하러 보낸 정찰대원들이다. 모세는 눈의 아들 호세아의 이름을 여호수아로 고쳤다.

17모세는 정찰대원들을 가나안 땅으로 보내면서 이렇게 지시하였다. “너희는 여기서 북쪽으로 올라가 가나안 남쪽 지방인 네겝으로 가서 산간 지대로 들어가

18그 땅의 지형을 살피고 거기에 살고 있는 사람들이 강한지 약한지, 인구는 얼마나 되는지,

19그들이 사는 땅이 좋은지 나쁜지, 그리고 그들이 어떤 도시에 살고 있으며 거기에 성벽이 있는지 없는지,

20또 그 땅 토질이 비옥한지 메마른지, 나무들은 있는지 없는지 알아보고 오너라. 그리고 잊지 말고 그 땅의 과일을 가져오너라” (그 때는 포도가 익기 시작하는 계절이었다).

21그래서 그들은 북쪽으로 가서 진 광야에서부터 하맛 근처 르홉에 이르는 모든 땅을 탐지하였으며

22가나안 남쪽 네겝을 거쳐 헤브론에 도착하였다. 그곳은 이집트의 소안보다 7년 먼저 건설된 곳으로 아낙 후손인 아히만과 세새와 달매 자손들이 살고 있었다.

23그들은 또 에스골 골짜기로 들어가 포도 한 송이가 달린 가지를 꺾어서 막대기에 꿰어 두 사람이 메고 또 석류와 무화과도 따서 가지고 왔다.

24이스라엘 사람들이 거기서 포도송이를 땄으므로 그 곳을 13:24 ‘포도송이’ 라는뜻.‘에스골’ 골짜기라고 불렀다.

25그들은 40일 동안 그 땅을 탐지하고 돌아와서

26바란 광야 가데스에 있는 모세와 아론과 모든 이스라엘 백성에게 자기들이 본 것을 이야기하며 가지고 온 과일을 보여 주었다.

27그리고 그들은 모세에게 이렇게 보고하였다. “우리가 그 곳에 가 보니 정말 13:27 원문에는 ‘젖과꿀이흐르는땅’기름지고 비옥한 땅이었습니다. 이것이 거기서 가져온 과일입니다.

28그러나 그 곳에 살고 있는 사람들은 강할 뿐만 아니라 그들의 도시들은 아주 크고 성곽으로 둘러싸인 요새였습니다. 게다가 거기에는 거인 아낙 자손까지 살고 있었습니다.

29그리고 그 땅의 남쪽 지방인 네겝에는 아말렉족이, 산간 지방에는 헷족과 여부스족과 아모리족이, 지중해 연안과 요단 강변에는 가나안족이 살고 있었습니다.”

30갈렙이 모세 앞에 있는 백성들을 안심시키며 “자, 올라가서 그 땅을 점령합시다. 우리는 충분히 그들을 이길 수 있습니다” 하자

31“그렇지 않습니다. 우리는 그들을 당해 낼 수가 없습니다. 그들은 우리보다 훨씬 강합니다” 하고 다른 정찰대원들이 반박하였다.

32그리고 그들은 자기들이 탐지한 땅에 대하여 사람들에게 나쁜 소문을 퍼뜨리며 이렇게 말하였다. “그 땅에는 13:32 또는 ‘그거민을삼키는땅이요’힘 센 장사들이 수두룩하고 사람들의 키가 모두 컸으며

33게다가 우리는 네피림의 후손인 거인 아낙 자손들도 거기 있는 것을 보았습니다. 우리가 보기에도 우리 자신들이 메뚜기처럼 느껴졌는데 그들의 눈에도 우리가 그 정도밖에 보이지 않았을 것입니다.”

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 13:1-33

Ang mga Espiya

(Deu. 1:19-33)

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Magpadala ka ng mga tao para mag-espiya sa Canaan – ang lupain na ibibigay ko sa inyong mga Israelita. Ang mga tao na iyong ipapadala ay ang mga pinuno ng bawat lahi ng Israel.” 3Kaya sinunod ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon. Ipinadala niya sa Canaan ang mga pinuno ng mga Israelita mula roon sa Disyerto ng Paran. 4-15Ito ang mga lahi at mga pangalan nila:

Lahi PinunoReuben Shamua na anak ni ZacurSimeon Shafat na anak ni HoriJuda Caleb na anak ni JefuneIsacar Igal na anak ni JoseEfraim Hoshea na anak ni NunBenjamin Palti na anak ni RafuZebulun Gadiel na anak ni SodiManase na anak ni Jose Gadi na anak ni SusiDan Amiel na anak ni GemaliAsher Seteur na anak ni MicaelNaftali Nabi na anak ni VofsiGad Geuel na anak ni Maki

16Sila ang mga tao na ipinadala ni Moises para mag-espiya sa Canaan. (Pinalitan ni Moises ng Josue ang pangalan ni Hoshea na anak ni Nun.)

17Bago sila pinaalis ni Moises para mag-espiya sa Canaan, sinabi ni Moises sa kanila, “Maglakad kayo pahilaga at pumunta sa timog ng Canaan,13:17 timog ng Canaan: sa Hebreo, Negev. at dumiretso sa kabundukan. 18Tingnan ninyo kung ano ang itsura ng lupain, at kung malakas ba o mahina ang mga tao roon, at kung marami sila o kaunti lang. 19Tingnan ninyo kung anong klase ng lupain ang kanilang tinitirhan, kung mabuti o hindi. Tingnan ninyo ang kanilang bayan kung napapalibutan ng pader o hindi. 20Tingnan din ninyo kung masagana ang lupa o hindi, at kung may mga puno o wala. At pagsikapan ninyong makapagdala ng prutas sa inyong pagbalik.” (Panahon noon ng paghinog ng ubas.)

21Kaya naglakad sila at tinanaw nila ang lupain mula sa ilang ng Zin hanggang sa Rehob malapit sa Lebo Hamat. 22Nag-umpisa sila sa Negev hanggang sa nakarating sila sa Hebron, kung saan nakatira sina Ahiman, Sheshai at Talmai, na mga angkan ni Anak. (Itinayo ang Hebron pitong taon bago itinayo ang Zoan sa Egipto.) 23Pagdating nila sa Lambak ng Eshcol, pumutol sila ng isang kumpol ng ubas. Masyadong mabigat ito kaya itinali nila ito sa isang tukod at magkatulong na binuhat ng dalawang tao. Nagdala rin sila ng mga prutas na pomegranata at igos. 24Tinatawag ang lugar na iyon na Lambak ng Eshcol13:24 Eshcol: Ang ibig sabihin, kumpol. dahil sa kumpol ng ubas na pinutol ng mga Israelita.

25Pagkatapos ng 40 araw na pag-espiya sa lupain, bumalik sila 26kina Moises, Aaron at sa buong mamamayan ng Israel sa Kadesh, doon sa disyerto ng Paran. Sinabi nila sa buong kapulungan ang kanilang nakita, at ipinakita nila ang kanilang dalang mga prutas. 27Sinabi nila kay Moises, “Pumunta kami sa lugar na pinapuntahan mo sa amin, maganda at masaganang lupain13:27 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. iyon. Sa katunayan, heto ang mga prutas. 28Pero makapangyarihan ang mga taong nakatira roon, at malalaki ang kanilang mga lungsod at napapalibutan ng mga pader. Nakita pa namin ang mga angkan ni Anak. 29Nakatira ang mga Amalekita sa Negev; ang mga Heteo, Jebuseo at mga Amoreo sa kabundukan; at ang mga Cananeo naman ay nakatira malapit sa dagat at sa tabi ng Ilog ng Jordan.”

30Pinakalma ni Caleb ang mga tao sa harapan ni Moises, at sinabi niya, “Lalakad tayo at sasakupin natin ang lupain, dahil nasisiguro kong maaagaw natin ito.”

31Pero sinabi ng mga tao na sumama kay Caleb para mag-espiya, “Hindi natin makakaya ang pagsalakay sa kanila dahil mas malakas sila sa atin.” 32At ipinalaganap nila sa mga Israelita ang masamang balita tungkol sa lupain na kanilang tiningnan. Ito ang kanilang sinabi, “Hindi maganda ang lupaing nakita namin doon, at hindi lang iyan, malalaki ang mga taong nakita namin doon, sobrang tangkad. 33May nakita pa kaming mga higante,13:33 higante: sa Hebreo, Nefilim. Tingnan ang Gen. 6:1-4. na mga angkan ni Anak. Parang mga tipaklong lang ang tingin namin sa aming mga sarili kung ikukumpara sa kanila, at ganyan din ang kanilang tingin sa amin.”