Korean Living Bible

창세기 33:1-20

야곱과 에서의 만남

1야곱이 멀리 바라보니 에서가 400명의 사람들을 거느리고 오고 있었다. 그래서 그는 자식들을 나누어 레아와 라헬과 두 여종에게 맡기고

2여종과 그들의 자식들은 앞에 세우고 레아와 그녀의 자식들은 그 다음에, 그리고 라헬과 요셉은 뒤에 두고

3자기가 앞서 나아가 땅에 몸을 일곱 번 굽히면서 형에게 다가갔다.

4그러자 에서가 달려와서 그를 맞으며 목을 끌어안고 입을 맞췄다. 그러고서 그들은 서로 울었다.

5에서가 여자들과 아이들을 보고 “너와 함께 있는 이 사람들은 다 누구냐?” 하고 묻자 야곱은 “하나님이 나에게 은혜로 주신 자식들입니다” 하고 대답하였다.

6그때 여종들이 그 자식들과 함께 앞으로 나와 절하고

7다음으로 레아와 그 자식들이, 마지막으로 요셉과 라헬이 나와서 절하였다.

8그러자 에서가 다시 물었다. “내가 올 때 만난 그 짐승 떼는 무엇이냐?” “그것은 형님에게 드리는 선물입니다.”

9“내 동생아, 나에게 있는 것도 충분하니 네 소유는 네가 가져라.”

10“그러지 마십시오. 형님이 나에게 사랑을 베푸신다면 이 선물을 받아 주십시오. 이렇게 형님이 나를 따뜻하게 반겨 주시니 내가 형님의 얼굴을 보는 것이 꼭 하나님의 얼굴을 보는 것 같습니다.

11제발 내가 형님께 가져온 이 선물을 받으십시오. 하나님이 나에게 은혜를 베풀어 주셔서 내가 필요로 하는 것은 무엇이든지 다 가지고 있습니다.” 야곱이 계속 권하자 에서가 그 선물을 받고

12이렇게 말하였다. “자, 가자. 내가 길을 안내하겠다.”

13“형님도 아시겠지만 애들은 연약한 데다가 새끼에게 젖을 먹이는 양과 소들도 있으니 하루만 더 심하게 몬다면 모든 짐승이 다 죽고 말 것입니다.

14그러니 형님은 먼저 가십시오. 나는 앞서 가는 짐승들과 자식들에게 보조를 맞춰 천천히 가서 세일에서 형님을 뵙겠습니다.”

15“그렇다면 내 종 몇 사람을 너와 함께 머물게 하여 너를 돕도록 하겠다.” “형님, 그러실 필요는 없습니다. 33:15 또는 ‘나로 내 주께 은혜를 얻게 하소서’형님의 호의만으로도 족합니다.”

16그래서 그 날 에서는 세일로 돌아갔다.

17그러나 야곱은 숙곳으로 가서 거기에 집을 짓고 가축 우리를 만들었는데 숙곳이란 말은 그가 오두막이란 뜻으로 붙인 이름이었다.

18야곱은 메소포타미아에서 가나안의 세겜성에 무사히 도착하여 그 성 부근에 천막을 치고

19은화 100개로 자기가 천막을 친 그 밭을 세겜의 창설자인 하몰의 아들들에게서 사고

20거기에 단을 세워 그 이름을 33:20 ‘하나님 곧 이스라엘의 하나님’ 이라는 뜻.‘엘 – 엘로헤 – 이스라엘’ 이라고 하였다.

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 33:1-20

Ang Pagkikita ni Esau at ni Jacob

1Nang tumanaw si Jacob, nakita niya si Esau na paparating kasama ang 400 lalaki. Kaya pinasama niya ang mga anak niya sa kani-kanilang ina. 2At pag-alis nila, pinauna niya ang dalawang aliping babae at ang mga anak nila, sumunod si Lea at ang mga anak niya, at si Raquel at ang anak niyang si Jose. 3Si Jacob ay nasa unahan nilang lahat at halos ilang beses33:3 ilang beses: sa literal, pitong beses. siyang yumukod habang papalapit siya sa kanyang kapatid.

4Pero tumakbo si Esau para salubungin siya. Niyakap siya ni Esau at hinagkan, at umiyak silang dalawa. 5Nang makita ni Esau ang mga babae at ang mga bata, tinanong niya si Jacob, “Sino ang mga kasama mong iyan?”

Sumagot si Jacob, “Sila ang aking mga anak na ibinigay sa akin ng Dios dahil sa kanyang awa.”

6Lumapit agad kay Esau ang dalawang alipin na babae at ang mga anak nila, at yumukod sila bilang paggalang sa kanya. 7Sumunod din si Lea at ang mga anak niya at yumukod. Ang huling lumapit at yumukod ay si Jose at ang ina niyang si Raquel.

8Nagtanong pa si Esau kay Jacob, “Ano ba ang ibig sabihin ng mga grupo ng hayop na nasalubong ko?”

Sinabi ni Jacob, “Regalo ko iyon sa iyo para tanggapin mo ako.”

9Pero sumagot si Esau, “Marami na ang ari-arian ko, kaya sa iyo na lang iyon.”

10Pero nagpumilit si Jacob, “Sige na, tanggapin mo na iyon. Kung totoong pinatawad mo na ako, tanggapin mo na ang regalo ko sa iyo. Sapagkat nang makita ko ang mukha mo at madama ang magandang pagtanggap mo sa akin, para ko na ring nakita ang mukha ng Dios. 11Tanggapin mo na ang regalo ko sa iyo dahil napakabuti ng Dios sa akin at hindi ako nagkulang sa mga pangangailangan ko.” Pinilit ni Jacob si Esau hanggang tanggapin na ni Esau ang mga regalo niya.

12Pagkatapos, sinabi ni Esau, “Halika na, sabay na tayong umalis.”

13Pero sumagot si Jacob, “Alam mong mabagal maglakad ang mga bata, at kailangan kong alagaan nang mabuti ang mga hayop na nagpapasuso. Kung pipilitin natin ang mga hayop na maglakad sa buong araw, baka mamatay sila. 14Ang mabuti pa, mauna ka na lang sa amin. Susunod kami sa iyo ayon sa bilis ng mga bata at ng mga hayop na kasabay namin. Doon na lang tayo magkita sa Seir.”

15Sinabi ni Esau, “Kung ganoon, ipapaiwan ko na lang ang iba kong mga tauhan sa iyo.”

Sumagot si Jacob, “Hindi na kailangan. Ang mahalaga pinatawad mo na ako.”

16Kaya bumalik na lang si Esau sa Seir nang mismong araw na iyon. 17Pero sina Jacob ay pumunta sa Sucot. Pagdating nila roon, gumawa si Jacob ng tirahan at ginawaan din niya ng silungan ang mga hayop niya. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Sucot.33:17 Sucot: Ang ibig sabihin, silungan.

18Hindi nagtagal, nakarating din sila sa Canaan mula sa Padan Aram33:18 Padan Aram: Tingnan ang 28:2. na walang masamang nangyari sa kanila. Nakarating sila sa lungsod na pagmamay-ari ni Shekem. Nagpatayo sila ng mga tolda nila malapit sa lungsod. 19Ang lupaing pinagtayuan nila ng mga tolda ay binili ni Jacob sa mga anak ni Hamor sa halagang 100 pirasong pilak. Si Hamor ay ama ni Shekem. 20Gumawa si Jacob ng altar na pinangalanan niyang El Elohe Israel.33:20 El Elohe Israel: Ang ibig sabihin, Makapangyarihang Dios ng Israel.