Korean Living Bible

창세기 11:1-32

바벨탑

1처음에 온 세상은 하나의 동일한 언어를 사용하였다.

2그런데 사람들이 동쪽으로 이동하다가 11:2 히 ‘시날’바빌로니아에 있는 한 평야에 이르러 거기에 정착하게 되었다.

3그들은 “자, 벽돌을 만들어 단단하게 굽자” 하고 서로 말하며 돌 대신 벽돌을 사용하고 진흙 대신 역청을 사용하였다.

4그들은 또 “자, 성을 건축하고 하늘에 닿을 탑을 쌓아 우리 이름을 떨치고 우리가 사방 흩어지지 않도록 하자!” 하고 외쳤다.

5그러나 여호와께서는 사람들이 쌓는 성과 탑을 보시려고 내려오셔서

6이렇게 말씀하셨다. “저들은 한 민족이며 하나의 동일한 언어를 사용하고 있다. 그래서 저들이 이런 일을 시작하였으니 앞으로 마음만 먹으면 해내지 못할 일이 없을 것이다.

7자, 우리가 가서 저들의 언어를 혼잡하게 하여 서로 알아듣지 못하게 하자.”

8여호와께서 그들을 온 세상에 흩어 버리시므로 그들은 성 쌓던 일을 중단하였다.

9여호와께서 거기서 온 세상의 언어를 혼잡하게 하시고 그들을 사방으로 흩어 버리셨기 때문에 그 곳을 11:9 또는 ‘바빌론’‘바벨’ 이라고 부르게 되었다.

셈에서 아브람까지

10이것은 셈의 후손들에 대한 이야기이다: 셈은 홍수 2년 후인 100세에 아르박삿을 낳았고

11그 후에도 500년을 더 살며 자녀를 낳았다.

12아르박삿은 35세에 셀라를 낳았고

13그 후에도 403년을 더 살며 자녀를 낳았다.

14셀라는 30세에 에벨을 낳았고

15그 후에도 403년을 더 살며 자녀를 낳았다.

16에벨은 34세에 벨렉을 낳았고

17그 후에도 430년을 더 살며 자녀를 낳았다.

18벨렉은 30세에 르우를 낳았고

19그 후에도 209년을 더 살며 자녀를 낳았다.

20르우는 32세에 스룩을 낳았고

21그 후에도 207년을 더 살며 자녀를 낳았다.

22스룩은 30세에 나홀을 낳았고

23그 후에도 200년을 더 살며 자녀를 낳았다.

24나홀은 29세에 데라를 낳았고

25그 후에도 119년을 더 살며 자녀를 낳았다.

26그리고 데라는 70세가 지난 후에 아브람과 나홀과 하란을 낳았다.

데라의 후손들

27데라의 후손은 이렇다: 데라는 아브람과 나홀과 하란을 낳았으며 하란은 롯을 낳았다.

28그러나 하란은 자기 아버지 데라가 아직 살아 있을 때에 그의 출생지인 11:28 또는 ‘바빌로니아’갈대아 우르에서 죽었다.

29그리고 아브람은 사래와 결혼하였으며 나홀은 하란의 딸인 밀가와 결혼하였는데 하란은 이스가의 아버지이기도 하였다.

30그러나 사래는 아이를 낳지 못해 자식이 없었다.

31데라는 그의 아들 아브람과, 하란의 아들이며 그의 손자인 롯과, 그의 며느리이자 아브람의 아내인 사래를 데리고 가나안 땅으로 가고자 갈대아 우르를 떠났으나 그들은 하란에 이르러 정착하고 말았다.

32그리고 데라는 205세에 그 곳 하란에서 죽었다.

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 11:1-32

Ang Tore ng Babel

1Noon, isang wika lang ang ginagamit ng lahat ng tao sa buong mundo. 2Habang lumilipat ng tirahan ang mga tao patungo sa silangan, nakarating sila sa isang patag na lugar sa Shinar, at doon sila nanirahan.

3-4Ngayon, sinabi ng mga tao, “Magtayo tayo ng isang lungsod na may tore na aabot sa langit, para maging tanyag tayo at hindi mangalat sa buong mundo.” Kaya gumawa sila ng mga tisa,11:3-4 tisa: sa Ingles, “brick.” at pinainitan nila ito nang mabuti para tumigas nang husto. Tisa ang ginamit nila sa halip na bato. At aspalto ang ginamit nila bilang semento.

5Ngayon, bumaba ang Panginoon para tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore. 6Sinabi ng Panginoon, “Ang mga taong ito ay nagkakaisa at may isang wika lang. At ang ginagawa nilang ito ay simula pa lamang ng mga binabalak pa nilang gawin. Hindi magtatagal, gagawin nila ang kahit anong gusto nilang gawin. 7Kaya bumaba tayo. Pag-iba-ibahin natin ang wika nila para hindi sila magkaintindihan.”

8Kaya pinangalat sila ng Panginoon sa buong mundo dahil hindi na sila magkaintindihan, at nahinto ang pagtatayo nila ng lungsod. 9Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel11:9 Babel: o, Babilonia. Maaaring ang ibig sabihin, “ibaʼt iba.” dahil doon pinag-iba-iba ng Panginoon ang wika ng mga tao, at mula roon ay pinangalat niya sila sa buong mundo.

Ang mga Lahi ni Shem

(1 Cro. 1:24-27)

10Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Shem:

Dalawang taon pagkatapos ng baha, nasa 100 taong gulang na noon si Shem, nang isilang ang anak niyang lalaki na si Arfaxad. 11Matapos isilang si Arfaxad, nabuhay pa si Shem ng 500 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

12Nang 35 taong gulang na si Arfaxad, isinilang ang anak niyang lalaki na si Shela. 13Matapos isilang si Shela, nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

14Nang 30 taong gulang na si Shela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Eber. 15Matapos isilang si Eber, nabuhay pa si Shela ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

16Nang 34 taong gulang na si Eber, isinilang ang anak niyang lalaki na si Peleg. 17Matapos isilang si Peleg, nabuhay pa si Eber ng 430 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

18Nang 30 taong gulang na si Peleg, isinilang ang anak niyang lalaki na si Reu. 19Matapos isilang si Reu, nabuhay pa si Peleg ng 209 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

20Nang 32 taong gulang na si Reu, isinilang ang anak niyang lalaki na si Serug. 21Matapos isilang si Serug, nabuhay pa si Reu ng 207 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

22Nang 30 taong gulang na si Serug, isinilang ang anak niyang lalaki na si Nahor. 23Matapos isilang si Nahor, nabuhay pa si Serug ng 200 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

24Nang 29 taong gulang na si Nahor, isinilang ang anak niyang lalaki na si Tera. 25Matapos isilang si Tera, nabuhay pa si Nahor ng 119 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

26Nang 70 taong gulang na si Tera, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Abram, Nahor at Haran.

Ang mga Lahi ni Tera

27Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Tera:

Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot. 28Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo,11:28 Caldeo: Mga taong nakatira noon sa timog ng Babilonia. Nang bandang huli, naging Caldeo ang tawag sa mga taga-Babilonia. sa lugar mismo kung saan isinilang siya. Namatay siya habang buhay pa ang ama niyang si Tera. 29Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran. 30Si Sarai ay hindi magkaanak dahil siyaʼy baog.

31Umalis si Tera sa Ur na sakop ng mga Caldeo. Kasama niya ang anak niyang si Abram, ang kanyang manugang na si Sarai, at ang apo niyang si Lot na anak ni Haran. Papunta sana sila sa Canaan, pero pagdating nila sa Haran doon na lamang sila tumira. 32Doon namatay si Tera sa edad na 205.11:32 205: sa tekstong Samaritan, 145.