Korean Living Bible

요엘 1:1-20

메뚜기 재앙

1이것은 여호와께서 브두엘의 아들 요엘에게 주신 말씀이다.

2늙은 사람들아, 들어라. 이 땅에 사는 모든 사람들아, 귀를 기울여라. 너희 때와 너희 조상의 때에 이런 일이 있었느냐?

3너희는 이 일을 너희 자녀들에게 말하고 너희 자녀들은 또 그들의 자녀들에게, 그들의 자녀들은 그 다음 세대에 말하게 하라.

41:4 여기에기록된네곤충은그뜻이분명치않다.팥중이가 남긴 것을 메뚜기떼가 먹고 메뚜기떼가 남긴 것을 느치가 먹고 느치가 남긴 것을 황충이 먹었다.

5술에 취한 자들아, 너희는 깨어서 울어라. 포도주를 마시는 자들아, 너희는 통곡하라. 포도주를 만들 포도가 다 못 쓰게 되었다.

61:6 또는 ‘한이족이’큰 메뚜기떼가 우리 땅을 습격하였으니 그것들은 강하고 무수히 많으며 그 이는 사자의 이 같고 그 어금니는 암사자의 어금니와 같다.

7그것들이 우리 포도나무를 죽이고 우리 무화과나무를 씹어 껍질을 벗겨 버렸으므로 그 가지가 하얗게 되고 말았다.

8너희는 처녀가 삼베 옷을 입고 약혼자의 죽음을 슬퍼하듯이 통곡하여라.

9곡식으로 드리는 소제와 술로 드리는 전제가 성전에서 끊어졌으므로 여호와 앞에서 섬기는 제사장이 슬퍼하고 있다.

10밭이 못 쓰게 되고 땅이 메말라서 곡식이 다 죽고 포도주와 기름이 떨어졌다.

11농부들아, 슬퍼하여라. 포도를 재배하는 자들아, 통곡하여라. 밀과 보리와 밭의 농작물이 다 없어지고 말았다.

12포도나무와 무화과나무가 말랐고 석류나무와 종려나무와 사과나무와 밭의 모든 나무들이 다 시들어 버렸으므로 사람들의 즐거움이 사라지고 말았다.

회개에 대한 촉구

13제사장들아, 너희는 굵은 삼베 옷을 입고 슬피 울어라. 제단 앞에서 섬기는 자들아, 너희는 통곡하여라. 내 하나님을 섬기는 자들아, 너희는 와서 굵은 삼베 옷을 입고 밤을 새워라. 너희 하나님께 소제를 드릴 곡식과 전제를 드릴 포도주가 없어졌다.

14너희는 특별히 금식일을 정하고 거룩한 모임을 선포하여 장로들과 이 땅 모든 백성을 너희 하나님 여호와의 성전으로 모으고 여호와께 부르짖어라.

15아, 무서운 날이여! 여호와의 날이 가까웠으니 전능자가 보내실 파멸의 날이다.

16우리 눈 앞에서 양식이 없어지고 우리 하나님의 성전에서 기쁨과 즐거움이 사라지지 않았느냐?

17씨가 땅 속에서 썩었고 창고가 텅텅 비었으며 곳간이 무너졌으니 이것은 곡식이 시들어 버렸기 때문이다.

18꼴이 없으므로 짐승이 탄식하고 소떼가 이리저리 방황하며 양떼도 고통스러워하는구나.

19여호와여, 불이 목초지의 풀을 삼키고 불꽃이 들의 모든 나무를 태워 버렸습니다. 그래서 내가 주께 부르짖습니다.

20시냇물이 다 마르고 불이 들의 풀을 삼켜 버렸으므로 들짐승까지 주께 부르짖고 있습니다.

Tagalog Contemporary Bible

Joel 1:1-20

1Ito ang mensahe ng Panginoon na ipinahayag niya kay Joel na anak ni Petuel.

Sinira ng mga Balang ang mga Tanim

2Kayong mga tagapamahala ng Juda at ang lahat ng inyong mamamayan, pakinggan ninyo ang sasabihin ko sa inyo. Wala pang nangyari na katulad nito noong kapanahunan ng inyong mga ninuno o sa panahon ninyo ngayon. 3Kailangang isalaysay ito sa bawat henerasyon ng inyong lahi.

4Sunud-sunod na sumalakay ang mga pulutong ng balang. Ang mga naiwan na tanim na hindi naubos ng unang pulutong ay kinain ng sumunod na pulutong hanggang sa naubos ang mga tanim.1:4 Maaari rin na ang sinasabi ng talatang ito ay ang apat na klaseng balang o ang apat na “stages” ng paglaki ng balang.

5Kayong mga lasenggo, bumangon kayo at umiyak nang malakas! Sapagkat wala na kayong maiinom; wala nang bunga ang mga ubas na gagawing alak. 6Ang lupain ng Panginoon1:6 lupain ng Panginoon: sa literal, aking lupain, na siyang Juda. ay sinalakay ng napakaraming balang.1:6 napakaraming balang: sa literal, mga bansa. Maaaring ang mga balang na ito ay kumakatawan sa mga bansang sasalakay sa Juda. Matalas ang kanilang mga ngipin na parang mga ngipin ng leon. 7Sinira nila ang mga tanim na ubas ng Panginoon at ang kanyang mga puno ng igos. Nginatngat nila ang mga balat nito hanggang sa mamuti ang mga sanga.

8Umiyak kayo katulad ng isang dalaga1:8 dalaga: o, birhen. na nakadamit ng sako1:8 nakadamit ng sako: tanda ng pagluluksa. na namatayan ng binatang mapapangasawa. 9Sapagkat wala nang butil o inumin na maihahandog sa templo ng Panginoon, kaya nalulungkot ang mga paring naglilingkod sa kanya. 10Nasira ang mga bukirin na parang taong nagdadalamhati. Nasira na ang mga trigo, at wala na ang katas ng ubas at langis.

11Kayong mga magsasaka, dapat kayong malungkot! Kayong mga tagapangalaga ng ubasan, umiyak kayo nang malakas! Sapagkat nasira ang aanihing mga trigo at sebada. 12Nalanta ang mga tanim na ubas at ang lahat ng puno, pati na ang mga igos, pomegranata, palma, at mansanas. Talagang nawala ang kaligayahan ng mga tao.

Panawagan ng Pagsisisi

13Kayong mga pari na naglilingkod sa altar ng aking Dios, magsuot kayo ng sako at pumunta sa templo at umiyak buong magdamag. Sapagkat wala nang butil o inumin na ihahandog sa templo ng inyong Dios. 14Sabihin ninyo sa mga tagapamahala ng Juda at sa lahat ng kanyang mamamayan na pumunta silang lahat sa templo ng Panginoon na inyong Dios at mag-ayuno. Humingi sila ng tulong sa Panginoon.

15Naku! Malapit na ang araw ng pagpaparusa ng Panginoong Makapangyarihan. 16Nakita natin mismo kung paano tayo nawalan ng pagkain at kung paano nawala ang kagalakan sa templo ng Dios. 17Namatay ang mga binhi sa tigang na lupa. At dahil natuyo ang mga butil, wala nang laman ang mga bodega, kaya nagiba na lamang ang mga ito. 18Umaatungal ang mga hayop dahil sa gutom. Gumagala ang mga baka na naghahanap ng makakain, pati ang mga tupa ay nahihirapan na rin.

19Nanalangin si Joel: Panginoon, nananawagan po ako sa inyo, dahil natuyo na ang mga pastulan at ang lahat ng punongkahoy sa bukirin, na parang nilamon ng apoy. 20Maging ang mga hayop sa gubat ay dumadaing sa inyo, dahil tuyong-tuyo na ang mga ilog at mga sapa, at tuyo na rin ang mga pastulan, na parang nilamon ng apoy.