Korean Living Bible

신명기 27:1-26

돌에 기록된 율법

1그러고서 모세는 이스라엘 지도자들과 함께 백성들에게 이렇게 명령 하였다. “여러분은 내가 오늘 여러분에게 명령하는 모든 것을 지켜야 합니다.

2-4여러분이 요단강을 건너 여러분의 하나 님 여호와께서 주시는 기름지고 비옥한 땅에 들어갈 때 에발산에 큰 돌들을 세우고 석회를 칠한 다음 이 모든 법과 규정을 거기에 기록하십시오.

5-6그리고 여러분은 거기서 여러분의 하나 님 여호와를 위해 철 연장을 사용하지 말고 다듬지 않은 자연석으로 제단을 쌓고 여러분의 하나님 여호와께 불로 태워 바치는 번제를 드려야 합니다.

7또 여러분은 거기서 화목제를 드리고 여러분의 하나님 여호와 앞에서 먹고 즐거워하십시오.

8여러분은 그 돌들 위에 이 율법의 모든 말씀을 분명하게 기록해 두어야 합니다.”

9그런 다음 모세는 레위 제사장들과 함께 이스라엘 백성에게 이렇게 말하였다. “이스라엘 백성 여러분, 귀를 기울이고 잘 들으십시오. 여러분은 오늘 여러분의 하나님 여호와의 백성이 되었습니다.

10그러므로 여러분의 하나님 여호와께 순종하고 오늘 내가 여러분에게 가르친 명령과 규정을 지켜야 합니다.”

에발산에서 선포하는 저주

11바로 그 날 모세는 백성들에게 이렇게 명령하였다.

12“여러분이 요단강을 건너가면 시므온 지파, 레위 지파, 유다 지파, 잇사갈 지파, 요셉 지파, 베냐민 지파는 축복을 선포하기 위해 그리심산에 서고

13르우벤 지파, 갓 지파, 아셀 지파, 스불론 지파, 단 지파, 납달리 지파는 저주를 선포하기 위해 에발산에 서십시오.

14그리고 레위 사람들이 큰 소리로 백성에게 다음과 같이 외치면 백성들은 ‘아멘’ 하고 대답하십시오.

15“레위 사람: ‘나무나 돌이나 쇠로 우상을 만들어 몰래 섬기는 자는 하나님의 저주를 받을 것이다. 여호와께서는 이런 우상을 미워하신다.’백 성: ‘아멘!’16“레위 사람: ‘자기 부모를 얕보고 멸시하는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’17“레위 사람: ‘자기 이웃의 땅 경계석을 옮기는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’18“레위 사람: ‘소경에게 길을 잘못 인도하는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’19“레위 사람: ‘외국인과 고아와 과부의 재판을 공정하게 하지 않는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’20“레위 사람: ‘자기 아버지의 첩과 잠자리를 같이하여 그의 아버지를 욕되게 하는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’21“레위 사람: ‘짐승과 음란한 짓을 하는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’22“레위 사람: ‘친자매든 이복 자매든 자기 자매와 성관계를 하는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’23“레위 사람: ‘자기 장모와 잠자리를 같이하는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’24“레위 사람: ‘남을 암살하는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’25“레위 사람: ‘죄 없는 사람을 죽이려고 뇌물을 받는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’26“레위 사람: ‘이 모든 율법을 지키지 않는 자는 저주를 받을 것이다.’백 성: ‘아멘!’ ”

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 27:1-26

Ang Altar sa Bundok ng Ebal

1Pagkatapos, inutusan nila Moises at ng mga tagapamahala ng Israel ang mga mamamayan, “Sundin ninyong lahat ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito. 2Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, doon sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios, magtumpok kayo ng malalaking bato, at pahiran ninyo ang palibot nito ng apog. 3Isulat ninyo sa mga batong ito ang lahat ng kautusan kapag nakapasok na kayo sa maganda at masaganang lupain27:3 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios, ang Dios ng inyong mga ninuno, ayon sa ipinangako niya sa inyo. 4Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, itayo ninyo ang mga batong ito sa Bundok ng Ebal, ayon sa iniutos ko sa inyo sa araw na ito, at pahiran ninyo ng apog ang palibot nito. 5Pagkatapos, gumawa kayo roon ng batong altar para sa Panginoon na inyong Dios. Huwag kayong gagamit ng anumang kagamitang bakal sa pagtatabas nito. 6Ang mga bato na gagawin ninyong altar ay dapat hindi pa natabasan. Pagkatapos, maghandog kayo sa altar na ito ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon na inyong Dios. 7Maghandog din kayo ng handog para sa mabuting relasyon sa Panginoon at kainin ninyo ito roon, at magsaya kayo sa presensya ng Panginoon na inyong Dios. 8At isulat ninyo nang malinaw ang mga kautusan ng Dios sa mga batong pinahiran ninyo ng apog.” 9Sinabi pa ni Moises at ng mga pari na mga Levita sa lahat ng Israelita, “Makinig kayo, O mga mamamayan ng Israel! Sa araw na ito, naging mamamayan na kayo ng Panginoon na inyong Dios. 10Kaya sundin ninyo ang Panginoon na inyong Dios at tuparin ang lahat ng utos at tuntunin niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.”

Ang mga Sumpa

11Nang araw na iyon, iniutos ni Moises sa mga tao, 12“Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, ito ang mga angkan na tatayo sa Bundok ng Gerizim para basbasan ang mga tao: ang lahi nina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose at Benjamin. 13At ito ang mga lahi na tatayo sa Bundok ng Ebal para sumpain ang mga tao: ang lahi nina Reuben, Gad, Asher, Zebulun, Dan at Naftali.

14“Ang mga Levita naman ay sisigaw nang malakas:

15“Sumpain ang taong gagawa ng anumang mga dios-diosan na gawa sa bato o tanso at sasambahin ito kahit palihim. Sapagkat kinasusuklaman ng Panginoon ang dios-diosang ginawa ng tao.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”27:15 Amen: Ang ibig sabihin, Siya nawa.

16“Sumpain ang taong hindi gumagalang sa kanyang magulang.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

17“Sumpain ang taong nagnakaw ng lupain ng kanyang kapwa sa pamamagitan ng paglilipat ng muhon ng lupain nito.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

18“Sumpain ang taong nagliligaw ng bulag sa daan.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

19“Sumpain ang taong hindi nagbibigay ng hustisya sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

20“Sumpain ang taong nakikipagtalik sa asawa ng kanyang ama, dahil ipinapahiya niya ang kanyang ama.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

21“Sumpain ang taong nakikipagtalik sa anumang hayop.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

22“Sumpain ang taong nakikipagtalik sa kanyang kapatid na babae, kapatid man niya ito sa ama o sa ina.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

23“Sumpain ang taong nakikipagtalik sa kanyang biyenang babae.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

24“Sumpain ang taong pumatay ng kanyang kapwa kahit walang nakakaalam.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

25“Sumpain ang taong tumatanggap ng suhol para pumatay ng inosenteng tao.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

26“Sumpain ang tao na hindi susunod o gagawa sa lahat ng utos na ito.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”