Korean Living Bible

신명기 11:1-32

여호와를 사랑하고 순종하라

1“그러므로 여러분은 여러분의 하나님 여호와를 사랑하고 그분이 명령하 시는 모든 법과 규정을 언제나 잘 지켜야 합니다.

2여러분은 지금까지의 경험으로 얻은 교훈을 기억하십시오. 나는 여러분이 겪은 것을 보지도 못했고 알지도 못하는 여러분의 자녀들에게 말하는 것이 아닙니다. 여러분의 하나님 여호와의 위대하심과 그분의 힘과 능력과

3기적을 직접 목격한 것은 바로 여러분입니다. 여러분은 여호와께서 이집트의 바로 왕과 그 모든 백성에게 행하신 것을 보았으며

4또 이집트 군대가 여러분을 추격할 때 여호와께서 그들을 홍해 물로 덮어 말과 전차와 함께 그들을 전멸시킨 일도 보았습니다.

5그리고 여러분이 이 곳에 오기 전까지 여호와께서 광야에서 하신 일을 여러분은 알고 있으며

6르우벤의 후손인 엘리압의 아들 다단과 아비람에게 행하신 일도 여러분은 잘 기억하고 있습니다. 그때 모든 사람들이 보는 앞에서 땅이 입을 벌려 그들과 그 가족과 그들의 천막과 그들의 종들과 짐승들을 모조리 삼켜 버렸습니다.

7여러분은 여호와께서 행하신 이 모든 일을 직접 목격한 자들입니다.

8“그러므로 여러분은 오늘 내가 여러분에게 명령하는 모든 것을 지키십시오. 그러면 여러분이 힘을 얻어 요단강을 건너가서 여러분이 들어갈 땅을 점령하게 될 것입니다.

9그리고 여호와께서 여러분의 조상들에게 약속하신 기름지고 비옥한 땅에서 여러분이 길이길이 복을 누리며 살게 될 것입니다.

10여러분이 들어가서 점령할 땅은 여러분이 전에 살던 이집트 땅과 같은 것이 아닙니다. 거기서는 여러분이 밭에 물을 대느라고 많은 고생을 하였습니다.

11그러나 여러분이 들어가 차지할 땅은 빗물을 흡수할 수 있는 산과 계곡이 많은 땅이며

12여러분의 하나님 여호와께서 일년 내내 보살피고 지켜 주시는 땅입니다.

13“오늘 내가 여러분에게 명령하는 모든 것을 충실히 지키고 여러분의 하나님 여호와를 사랑하며 마음을 다하고 정성을 다하여 그분을 섬기면

14여호와께서 여러분의 땅에 철을 따라 적당한 비를 내려 곡식과 포도주와 감람기름이 풍족하게 하시고

15여러분의 가축을 위해 풀을 자라게 하실 것입니다. 그리고 여러분에게는 먹을 것이 풍부할 것입니다.

16“여러분은 여호와를 떠나 다른 신들을 섬기지 않도록 조심하십시오.

17그렇지 않으면 여호와께서 여러분에게 분노하여 하늘에서 비를 내리지 않으시고 농작물이 자라지 않게 하실 것입니다. 그러면 여러분은 여호와께서 주신 좋은 땅에서 속히 망하게 될 것입니다.

18그러므로 여러분은 이 명령들을 마음에 소중히 간직하고 또 이것을 여러분의 손과 이마에 매달아 항상 기억하십시오.

19그리고 여러분은 이것을 여러분의 자녀들에게 가르치고 집에 있을 때나 길을 갈 때나 잠자리에 들 때나 아침에 일어날 때나 이것에 대하여 항상 이야기하고

20또 여러분의 집 문기둥과 문에 이 말씀을 기록해 두십시오.

21그러면 천지가 없어지지 않는 한 여러분과 여러분의 자손들은 여호와께서 여러분의 조상들에게 약속하신 땅에서 길이길이 복을 누리며 살게 될 것입니다.

22“여러분이 만일 내가 명령하는 모든 것을 충실히 지키고 여러분의 하나님 여호와를 사랑하며 그분의 뜻대로 살고 그분에게 충성하면

23여호와께서 모든 이방 민족을 여러분 앞에서 다 쫓아내실 것이며 여러분은 여러분보다 훨씬 크고 강한 민족의 땅을 점령하게 될 것입니다.

24여러분이 밟는 곳마다 다 여러분의 땅이 될 것이며 여러분의 영토는 남쪽 광야에서부터 북쪽 레바논까지와 동쪽 유프라테스강에서부터 서쪽 지중해까지입니다.

25여러분의 하나님 여호와께서는 약속하신 대로 여러분이 어디로 가든지 모든 사람들이 여러분을 두려워하고 무서워하게 하실 것입니다. 그러므로 아무도 여러분을 대항할 수 없을 것입니다.

26“나는 오늘 여러분이 선택할 복과 저주를 제시합니다.

27만일 여러분이 여러분의 하나님 여호와의 명령에 순종하면 복을 받을 것이지만

28여러분이 이 명령을 거역하고 여러분이 알지 못하는 다른 신을 섬기면 저주를 받을 것입니다.

29여러분의 하나님 여호와께서 여러분을 인도하여 약속의 땅으로 들어가게 하실 때 여러분은 그리심산에서 축복을 선포하고 에발산에서 저주를 선포하십시오.

30이 두 산은 아라바에 살고 있는 가나안 사람의 영토인 요단강 서쪽에 있는데 그 곳은 길갈 부근의 모레 상수리나무에서 멀지 않은 도로 서쪽에 위치해 있습니다.

31이제 여러분은 곧 요단강을 건너가서 여호와께서 여러분에게 주시는 땅을 점령하게 될 것입니다. 여러분이 그 땅에 들어가 살게 될 때

32여러분은 오늘 내가 여러분에게 전하는 모든 법과 규정을 반드시 지켜야 합니다.”

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 11:1-32

Mahalin at Sundin ang Panginoon

1“Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios at tuparin ang kanyang mga utos, tuntunin, panuntunan at kautusan. 2Alalahanin ninyo ang naranasang pagtutuwid ng Panginoon na inyong Dios sa inyo. Kayo ang nakaranas nito at hindi ang mga anak ninyo. Hindi sila ang nakakita ng kadakilaan at kapangyarihan ng Panginoon, 3at ng mga himala na ginawa niya sa Egipto laban sa Faraon na hari nito at sa buong bansa nito. 4Hindi rin nila nakita ang ginawa ng Panginoon sa mga sundalong Egipcio at sa mga kabayo at mga karwahe nila, at kung paano nilunod ng Panginoon ang mga ito sa Dagat na Pula nang hinabol nila kayo. Nangamatay silang lahat. 5Hindi rin nakita ng mga anak ninyo ang ginawa ng Panginoon sa inyo roon sa disyerto hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito, 6at kung ano ang ginawa niya kina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab na lahi ni Reuben. Nilamon sila ng lupang bumuka, pati ang kanilang pamilya, tolda at ang lahat ng nakatirang kasama nila. Nangyari ito sa harap ng mga Israelita. 7Kayo ang nakakita ng mga dakilang bagay na ito na ginawa ng Panginoon.

8“Kaya sundin ninyo ang lahat ng utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon para may lakas kayo sa paglalakbay at sa pag-agaw ng lupain sa kabila ng Jordan. 9Kung susunod kayo, mabubuhay kayo nang matagal doon sa maganda at masaganang lupain11:9 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. na ipinangako ng Panginoon na ibibigay sa inyong mga ninuno at sa kanilang mga salinlahi. 10Sapagkat ang lupain na aangkinin at titirhan ninyo ay hindi gaya ng lupain sa Egipto na pinanggalingan ninyo. Doon sa Egipto, kapag magtatanim kayo, magpapakahirap pa kayo ng todo sa pagpapatubig nito. 11Ngunit ang lupain na aangkinin ninyo ay may mga bundok at lambak na laging nauulanan. 12Ang lupaing ito ay inaalagaan ng Panginoon na inyong Dios; binabantayan niya ito araw-araw sa buong taon!

13“Kaya kung lagi lang ninyong susundin ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon, na mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios at paglingkuran ninyo nang buong pusoʼt kaluluwa, 14padadalhan niya kayo ng ulan sa tamang panahon para makapag-ani kayo ng trigo, ng bagong katas ng ubas at ng olibo para gawing langis. 15Bibigyan niya ng pastulan ang mga hayop ninyo, at magkakaroon kayo ng masaganang pagkain.

16“Mag-ingat kayo dahil baka matukso kayong lumayo sa Dios at sumamba sa ibang mga dios at maglingkod sa kanila. 17Kapag ginawa ninyo ito, magagalit ang Panginoon sa inyo at hindi na niya pauulanin at hindi na kayo makakapag-ani, at sa huli ay mawawala kayo sa magandang lupain na ibibigay ng Panginoon sa inyo. 18Kaya panatilihin ninyo ang mga salita kong ito sa inyong pusoʼt isipan. Itali ninyo ito sa mga braso ninyo at ilagay sa inyong noo bilang paalala sa inyo. 19Ituro ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag naroon kayo sa inyong bahay at kapag naglalakad kayo, kapag nakahiga kayo o kapag kayoʼy babangon. 20Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong mga pintuan at sa pintuan ng inyong lungsod, 21para kayo at ang inyong mga anak ay mabuhay nang matagal doon sa lupaing ipinangako ng Panginoon na ibibigay sa inyong mga ninuno. Maninirahan kayo rito hanggaʼt may langit sa ibabaw ng mundo.

22“Kung susundin ninyong mabuti ang lahat ng mga utos na ibinibigay ko sa inyo, na mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios at mabuhay ayon sa kanyang pamamaraan at manatili sa kanya, 23itataboy ng Panginoon ang mga tao sa lupain na inyong aangkinin kahit na mas malaki at mas makapangyarihan pa sila sa inyo. 24Ang lahat ng lupang matatapakan ninyo ay magiging inyo: mula sa disyerto papunta sa Lebanon, at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.11:24 Dagat ng Mediteraneo: sa Hebreo, dagat sa kanluran. 25Walang makakapigil sa inyo. Ayon sa ipinangako ng Panginoon na inyong Dios sa inyo, loloobin niyang matakot ang mga tao sa inyo saanmang dako kayo pumunta sa lugar na iyon. 26Makinig kayo! Pinapapili ko kayo ngayon sa pagpapala o sa sumpa. 27Pagpapalain kayo kung susundin ninyo ang mga utos ng Panginoon na inyong Dios na ibinibigay ko sa inyo ngayon. 28Susumpain ko kayo kung hindi ninyo susundin ang mga utos na ito ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo ngayon, at sumamba sa ibang mga dios na hindi naman ninyo kilala. 29Kapag dinala kayo ng Panginoon na inyong Dios sa lupain na inyong titirhan at aangkinin, ipahayag ninyo ang mga pagpapala sa Bundok ng Gerizim at ang sumpa ay ipahayag ninyo sa Bundok ng Ebal. 30Ang mga bundok na ito ay nasa kanluran ng Ilog ng Jordan, sa lupain ng mga Cananeo na naninirahan sa Lambak ng Jordan11:30 Lambak ng Jordan: sa Hebreo, Araba. malapit sa bayan ng Gilgal. Hindi ito malayo sa mga malalaking puno ng Moreh. 31Tatawid na kayo sa Jordan para pasukin at angkinin ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios sa inyo. Kapag nakuha na ninyo ito at doon na kayo naninirahan, 32sundin ninyo ang lahat ng mga utos at tuntunin na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito.