Mark 12 – KJV & TCB

King James Version

Mark 12:1-44

1And he began to speak unto them by parables. A certain man planted a vineyard, and set an hedge about it, and digged a place for the winefat, and built a tower, and let it out to husbandmen, and went into a far country. 2And at the season he sent to the husbandmen a servant, that he might receive from the husbandmen of the fruit of the vineyard. 3And they caught him, and beat him, and sent him away empty. 4And again he sent unto them another servant; and at him they cast stones, and wounded him in the head, and sent him away shamefully handled. 5And again he sent another; and him they killed, and many others; beating some, and killing some. 6Having yet therefore one son, his wellbeloved, he sent him also last unto them, saying, They will reverence my son. 7But those husbandmen said among themselves, This is the heir; come, let us kill him, and the inheritance shall be ours. 8And they took him, and killed him, and cast him out of the vineyard. 9What shall therefore the lord of the vineyard do? he will come and destroy the husbandmen, and will give the vineyard unto others. 10And have ye not read this scripture; The stone which the builders rejected is become the head of the corner: 11This was the Lord’s doing, and it is marvellous in our eyes? 12And they sought to lay hold on him, but feared the people: for they knew that he had spoken the parable against them: and they left him, and went their way.

13¶ And they send unto him certain of the Pharisees and of the Herodians, to catch him in his words. 14And when they were come, they say unto him, Master, we know that thou art true, and carest for no man: for thou regardest not the person of men, but teachest the way of God in truth: Is it lawful to give tribute to Cæsar, or not? 15Shall we give, or shall we not give? But he, knowing their hypocrisy, said unto them, Why tempt ye me? bring me a penny, that I may see it. 16And they brought it. And he saith unto them, Whose is this image and superscription? And they said unto him, Cæsar’s. 17And Jesus answering said unto them, Render to Cæsar the things that are Cæsar’s, and to God the things that are God’s. And they marvelled at him.

18¶ Then come unto him the Sadducees, which say there is no resurrection; and they asked him, saying, 19Master, Moses wrote unto us, If a man’s brother die, and leave his wife behind him, and leave no children, that his brother should take his wife, and raise up seed unto his brother. 20Now there were seven brethren: and the first took a wife, and dying left no seed. 21And the second took her, and died, neither left he any seed: and the third likewise. 22And the seven had her, and left no seed: last of all the woman died also. 23In the resurrection therefore, when they shall rise, whose wife shall she be of them? for the seven had her to wife. 24And Jesus answering said unto them, Do ye not therefore err, because ye know not the scriptures, neither the power of God? 25For when they shall rise from the dead, they neither marry, nor are given in marriage; but are as the angels which are in heaven. 26And as touching the dead, that they rise: have ye not read in the book of Moses, how in the bush God spake unto him, saying, I am the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Jacob? 27He is not the God of the dead, but the God of the living: ye therefore do greatly err.

28¶ And one of the scribes came, and having heard them reasoning together, and perceiving that he had answered them well, asked him, Which is the first commandment of all? 29And Jesus answered him, The first of all the commandments is, Hear, O Israel; The Lord our God is one Lord: 30And thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy soul, and with all thy mind, and with all thy strength: this is the first commandment. 31And the second is like, namely this, Thou shalt love thy neighbour as thyself. There is none other commandment greater than these. 32And the scribe said unto him, Well, Master, thou hast said the truth: for there is one God; and there is none other but he: 33And to love him with all the heart, and with all the understanding, and with all the soul, and with all the strength, and to love his neighbour as himself, is more than all whole burnt offerings and sacrifices. 34And when Jesus saw that he answered discreetly, he said unto him, Thou art not far from the kingdom of God. And no man after that durst ask him any question.

35¶ And Jesus answered and said, while he taught in the temple, How say the scribes that Christ is the Son of David? 36For David himself said by the Holy Ghost, The LORD said to my Lord, Sit thou on my right hand, till I make thine enemies thy footstool. 37David therefore himself calleth him Lord; and whence is he then his son? And the common people heard him gladly.

38¶ And he said unto them in his doctrine, Beware of the scribes, which love to go in long clothing, and love salutations in the marketplaces, 39And the chief seats in the synagogues, and the uppermost rooms at feasts: 40Which devour widows’ houses, and for a pretence make long prayers: these shall receive greater damnation.

41¶ And Jesus sat over against the treasury, and beheld how the people cast money into the treasury: and many that were rich cast in much. 42And there came a certain poor widow, and she threw in two mites, which make a farthing. 43And he called unto him his disciples, and saith unto them, Verily I say unto you, That this poor widow hath cast more in, than all they which have cast into the treasury: 44For all they did cast in of their abundance; but she of her want did cast in all that she had, even all her living.

Tagalog Contemporary Bible

Marcos 12:1-44

Ang Talinghaga tungkol sa Masasamang Magsasaka

(Mat. 21:33-46; Luc. 20:9-19)

1Nangaral si Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pinabakuran niya iyon at nagpagawa siya ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta siya sa malayong lugar. 2Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan para kunin ang parte niya. 3Pero sinunggaban ng mga magsasaka ang alipin at binugbog, at pinaalis nang walang dala. 4Nagsugo ulit ang may-ari ng isa pang alipin, pero ipinahiya nila ito at hinampas sa ulo. 5Muli pang nagsugo ang may-ari ng isa pang alipin, pero pinatay nila ito. Marami pang isinugo ang may-ari, pero ang ibaʼy binugbog din at ang ibaʼy pinatay. 6Sa bandang huli, wala na siyang maisugo. Kaya isinugo niya ang pinakamamahal niyang anak. Sapagkat iniisip niyang igagalang nila ang kanyang anak. 7Pero nang makita ng mga magsasaka ang kanyang anak, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya para mapasaatin na ang lupang mamanahin niya.’ 8Kaya sinunggaban nila ang anak, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.”

9Pagkatapos, nagtanong si Jesus, “Ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan. 10Hindi nʼyo ba nabasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay

ang siyang naging batong pundasyon.12:10 batong pundasyon: sa literal, batong panulukan.

11Gawa ito ng Panginoon

at kahanga-hanga ito sa atin!’ ”12:11 Salmo 118:22-23.

12Alam ng mga pinuno ng mga Judio na sila ang pinatatamaan ni Jesus sa talinghaga na iyon. Kaya gusto nilang dakpin si Jesus, pero natatakot sila sa mga tao. Kaya pinabayaan na lang nila si Jesus, at umalis sila.

Ang Tanong tungkol sa Pagbabayad ng Buwis

(Mat. 22:15-22; Luc. 20:20-26)

13Pinapunta ng mga pinuno ng mga Judio kay Jesus ang ilang Pariseo at ilang tauhan ni Herodes upang subaybayan ang mga sinasabi niya para may maiparatang sila laban sa kanya. 14Kaya lumapit sila kay Jesus at nagtanong, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi nʼyo, at wala kayong pinapaboran. Sapagkat hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao, kundi kung ano ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Dios ang siyang itinuturo ninyo. Ngayon, tama po ba na tayong mga Judio ay magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma?12:14 Emperador ng Roma: sa literal, Cesar. Dapat po ba tayong magbayad o hindi?” 15Pero alam ni Jesus na nagkukunwari sila, kaya sinabi niya, “Bakit ninyo ako sinusubukang hulihin sa tanong na iyan? Magdala nga kayo rito ng pera12:15 pera: sa literal, denarius, na pera ng mga Romano. at titingnan ko.” 16Dinalhan nga nila ng pera si Jesus. Nagtanong si Jesus, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa pera?” Sumagot sila, “Sa Emperador.” 17Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Ibigay ninyo sa Emperador ang para sa Emperador, at sa Dios ang para sa Dios.” Namangha sila sa kanyang sagot.

Ang Tanong tungkol sa Muling Pagkabuhay

(Mat. 22:23-33; Luc. 20:27-40)

18May mga Saduceo na lumapit kay Jesus at nagtanong. (Ang mga taong ito ay hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.) 19Sinabi nila, “Guro, ayon po sa batas na isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan niyang asawa, para magkaanak sila para sa kanya.12:19 Deu. 25:5. 20Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. 21Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Pero namatay din siya nang wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo 22hanggang sa ikapitong kapatid. Namatay silang lahat nang walang anak sa babae. At sa huli, namatay din ang babae. 23Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil napangasawa niya silang lahat?”

24Sumagot si Jesus, “Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Dios. 25Sapagkat sa muling pagkabuhay ay wala nang pag-aasawa. Magiging tulad sila ng mga anghel sa langit. 26Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi nʼyo ba nabasa ang isinulat ni Moises? Noong naroon siya sa may nagliliyab na mababang punongkahoy, sinabi sa kanya ng Dios, ‘Ako ang Dios nila Abraham, Isaac, at Jacob.’ 27Hindi siya Dios ng mga patay kundi ng mga buhay. Kaya maling-mali kayo!”

Ang Pinakamahalagang Utos

(Mat. 22:34-40; Luc. 10:25-28)

28May isang tagapagturo ng Kautusan doon na nakikinig ng pagtatalo nila. Napakinggan niyang mahusay ang sagot ni Jesus, kaya lumapit siya at nagtanong din, “Ano po ba ang pinakamahalagang utos?” 29Sumagot si Jesus, “Ito ang pinakamahalagang utos: ‘Pakinggan ninyo mga taga-Israel! Ang Panginoon na ating Dios ang natatanging Panginoon. 30Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas!’12:30 Deu. 6:4-5. 31At ang pangalawa ay ito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’12:31 Lev. 19:18. Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito.” 32Sinabi ng tagapagturo ng Kautusan, “Tama po kayo, Guro! Totoo ang sinabi ninyo na iisa lang ang Dios at wala nang iba. 33At kailangang mahalin siya nang buong puso, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas. At kailangan ding mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Higit na mahalaga ito kaysa sa lahat ng uri ng handog na sinusunog at iba pang mga handog.” 34Nang marinig ni Jesus na may katuturan ang mga sagot nito, sinabi niya rito, “Malapit ka nang mapabilang sa kaharian ng Dios.” Mula noon, wala nang nangahas na magtanong kay Jesus.

Ang Tanong tungkol sa Cristo

(Mat. 22:41-46; Luc. 20:41-44)

35Nang minsang nangangaral si Jesus sa templo, tinanong niya ang mga tao, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Cristo raw ay lahi lang ni David? 36Samantalang si David na mismo na pinatnubayan ng Banal na Espiritu ang nagsabing,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,

Maupo ka sa kanan ko

hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway!’12:36 Salmo 110:1.

37Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siyang naging lahi lang ni David?” Wiling-wili sa pakikinig ang mga tao kay Jesus.

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan

(Mat. 23:1-36; Luc. 20:45-47)

38Sinabi pa ni Jesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang mamasyal na nakasuot ng espesyal na damit.12:38 espesyal na damit: sa literal, mahabang damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.12:38 mga mataong lugar: sa literal, mga palengke. 39Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan. 40Dinadaya nila ang mga biyuda para makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”

Ang Kaloob ng Biyuda

(Luc. 21:1-4)

41Umupo si Jesus malapit sa pinaglalagyan ng mga kaloob doon sa templo at pinagmamasdan ang mga taong naghuhulog ng pera. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. 42May lumapit doon na isang mahirap na biyuda at naghulog ng dalawang pirasong barya. 43Tinawag ni Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa lahat ng nagbigay. 44Sapagkat silang lahat ay nagbigay lang ng sumobrang pera nila. Pero ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang ikinabubuhay.”