歴代誌Ⅰ 7 – JCB & TCB

Japanese Contemporary Bible

歴代誌Ⅰ 7:1-40

7

イッサカルの子孫

1イッサカルの子はトラ、プア、ヤシュブ、シムロン。

2トラの子は次のとおりで、みな氏族の長となりました。ウジ、レファヤ、エリエル、ヤフマイ、イブサム、シェムエル。

ダビデ王の時代には、これらの諸氏族出身の勇士は総計二万二千六百人にのぼりました。

3ウジの子はイゼラヘヤ。イゼラヘヤの息子はミカエル、オバデヤ、ヨエル、イシヤなど五人で、みな氏族の長でした。 4彼らはみな数人の妻をめとり、多くの子をもうけたので、その子孫は、ダビデの時代には三万六千の兵力になりました。 5イッサカル族の全氏族から兵役についた者は計八万七千人で、みな系図に載っている勇士でした。

ベミヤミンの子孫

6ベニヤミンの子はベラ、ベケル、エディアエル。

7ベラの子はエツボン、ウジ、ウジエル、エリモテ、イリ。この五人の勇士は各氏族の長で、系図に載っている兵士二万二、〇三四人の指導者でした。

8ベケルの子は次のとおり。ゼミラ、ヨアシュ、エリエゼル、エルヨエナイ、オムリ、エレモテ、アビヤ、アナトテ、アレメテ。

9ダビデの時代には、彼らの子孫から出た勇士は各氏族の長二万二百人に及びました。

10エディアエルの子はビルハン。

ビルハンの子はエウシュ、ベニヤミン、エフデ、ケナアナ、ゼタン、タルシシュ、アヒシャハル。

11彼らはみなエディアエルの諸氏族の長となり、その子孫は、ダビデの時代に一万七千二百人の勇士となりました。

12イルの子はシュピムとフピム。フシムはアヘルの子の一人でした。

ナフタリの子孫

13ヤコブのそばめビルハの子ナフタリの子は、ヤハツィエル、グニ、エツェル、シャルム。

マナセの子孫

14マナセがアラム人のそばめに産ませた子は、アスリエルとギルアデの父のマキル。

15マキルは、フピムとシュピムに妻を見つけてやりました。マキルの妹はマアカ。彼のもう一人の末裔のツェロフハデには娘しかいませんでした。

16マキルの妻もマアカといいましたが、ペレシュという男の子を産みました。その弟はシェレシュで、ウラムとレケムという二人の子がいました。

17ウラムの子はベダン。以上はギルアデの子、マキルの孫、マナセのひ孫です。

18マキルの妹モレケテは、イシュホデ、アビエゼル、マフラを産みました。

19シェミダの子はアフヤン、シェケム、リクヒ、アニアム。

エフライムの子孫

20-21エフライムの子孫は次のとおり。シュテラフ、ベレデ、タハテ、エルアダ、タハテ、ザバデ、シュテラフ、それにエゼルとエルアデ。

エルアデとエゼルは、ガテで家畜を盗もうとして土地の農夫に見つかり、殺されました。 22二人の父エフライムは、長い間喪に服していたので、兄弟たちが彼を慰めました。 23そののち、エフライムの妻は男の子を産みましたが、悲劇のただ中で生まれたその子を、彼はベリア(「災い」の意)と名づけました。

24エフライムの娘シェエラは、下および上のベテ・ホロン、それにウゼン・シェエラを建てました。

25-27エフライムの息子ベリアの家系はレファフ、レシェフ、テラフ、タハン、ラダン、アミフデ、エリシャマ、ヌン、ヨシュアと続きます。

28彼らは、ベテルとその周辺の村々、東方ではナアラン、西方ではゲゼルと周辺の村々、シェケムと周辺の村々、さらにアヤと近郊の町々に住んでいました。

29イスラエルの子ヨセフの子孫のマナセ族は、次の町々と周辺の地域を支配していました。ベテ・シェアン、タナク、メギド、ドル。

アシェルの子孫

30アシェルの子はイムナ、イシュワ、イシュビ、ベリア、姉妹セラフ。

31ベリアの子はヘベル、ビルザイテの父のマルキエル。

32ヘベルの子はヤフレテ、ショメル、ホタム、姉妹シュア。

33ヤフレテの子はパサク、ビムハル、アシュワテ。

34彼の兄弟ショメルの子はアヒ、ロフガ、フバ、アラム。

35彼の兄弟ヘレムの子はツォファフ、イムナ、シェレシュ、アマル。

36-37ツォファフの子はスアハ、ハルネフェル、シュアル、ベリ、イムラ、ベツェル、ホデ、シャマ、シルシャ、イテラン、ベエラ。

38エテルの子はエフネ、ピスパ、アラ。

39ウラの子はアラフ、ハニエル、リツヤ。

40これらアシェルの子孫はみな各氏族の長で、えり抜きの勇士でした。アシェルの子孫のうち、軍人で系図に載せられた者は二万六千人でした。

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 7:1-40

Ang Lahi ni Isacar

1May apat na anak na lalaki si Isacar: sina Tola, Pua, Jashub at Shimron. 2Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jamai, Ibsam at Shemuel.7:2 Shemuel: o, Samuel. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa mga angkan ni Tola.

3Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahia. Si Izrahia at ang kanyang apat na anak na sina Micael, Obadias, Joel at Ishia, ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. 4Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang 36,000 lalaking handa sa paglilingkod sa militar. 5Ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay 87,000, ayon sa talaan ng kanilang lahi.

Ang Lahi ni Benjamin

6May tatlong anak na lalaki si Benjamin: sina Bela, Beker at Jediael. 7Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi. 8Ang mga anak na lalaki ni Beker ay sina Zemira, Joash, Eliezer, Elyoenai, Omri, Jeremot, Abijah, Anatot at Alemet. Silang lahat ang anak ni Beker. 9Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 20,200. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya nila na nakatala sa talaan ng kanilang mga lahi. 10Ang anak na lalaki ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak na lalaki ni Bilhan ay sina Jeush, Benjamin, Ehud, Kenaana, Zetan, Tarshish at Ahishahar. 11Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. May 17,200 silang kalalakihang handa sa paglilingkod sa militar. 12Ang mga anak na lalaki ni Ir ay sina Shupim at si Hupim,7:12 Ang mga anak … Shupim at si Hupim: o, Ang mga angkan ni Ir na mga Hupeo at Shupeo. at ang anak ni Aher ay si Hushim.

Ang Lahi ni Naftali

13Ang mga anak na lalaki ni Naftali kay Bilha ay sina Jahziel,7:13 Jahziel: o, Jazeel. Guni, Jezer at Shilem.7:13 Shilem: o, Shalum. 14May dalawang anak si Manase sa asawa niyang Arameo. Sila ay sina Asriel at Makir. Si Makir ang ama ni Gilead, 15at siya ang naghanap ng asawa para kina Hupim at Shupim.7:15 Shupim: o, si Makir ay nakapag-asawa mula sa angkan ng Hupeo at Shupeo. May kapatid na babae si Makir na ang pangalan ay Maaca. Ang isa pang anak ni Makir ay si Zelofehad na ang mga anak ay puro babae. 16May mga anak ding lalaki si Makir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peresh at Sheresh. Ang mga anak na lalaki ni Peresh ay sina Ulam at Rakem. 17Ang anak na lalaki ni Ulam ay si Bedan. Sila ang mga angkan ni Gilead na anak ni Makir, at apo ni Manase. 18Ang kapatid na babae ni Gilead na si Hammoleket ay may mga anak na lalaki na sina Ishod, Abiezer at Mala.

19Ang mga anak na lalaki ni Shemida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.

Ang Lahi ni Efraim

20Ito ang lahi ni Efraim: si Shutela na ama ni Bered, si Bered na ama ni Tahat, si Tahat na ama ni Eleada, si Eleada na ama ni Tahat, 21si Tahat na ama ni Zabad, si Zabad na ama ni Shutela. Ang mga anak ni Efraim na sina Ezer at Elead ay pinatay ng mga lalaking katutubo ng Gat nang nagnakaw sila ng mga hayop. 22Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak para aliwin siya. 23Nang bandang huli, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria,7:23 Beria: Maaaring ang ibig sabihin, kasawian. dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya. 24May anak na babae si Efraim na si Sheera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet Horon at ng Uzen Sheera. 25At ang anak na lalaki ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Reshef, si Reshef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan, 26si Tahan ay ama ni Ladan, si Ladan ay ama ni Amihud, si Amihud ay ama ni Elishama, 27si Elishama ay ama ni Nun, si Nun ay ama ni Josue.

28Ang lupaing natanggap at tinirhan ng lahi ni Efraim ay ang Betel at ang mga baryo sa paligid nito, ang Naaran sa bandang silangan, ang Gezer sa kanluran at ang mga baryo sa paligid nito, ang Shekem at ang mga baryo sa paligid nito papunta sa Aya at sa mga baryo nito. 29Ang lahi ni Manase ang nagmamay-ari sa mga lungsod ng Bet Shan, Taanac, Megido at Dor, pati sa mga baryo sa paligid nito. Sa mga bayang ito nakatira ang lahi ni Jose na anak ni Israel.7:29 Israel: Ang pangalang ibinigay ng Dios kay Jacob.

Ang Lahi ni Asher

30Ang mga anak na lalaki ni Asher ay sina Imna, Ishva, Ishvi at Beria. Ang kapatid nilang babae ay si Sera. 31Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Heber at Malkiel. Si Malkiel ang ama ni Birzait. 32Si Heber ang ama nina Jaflet, Shomer, at Hotam. Ang kapatid nilang babae ay si Shua. 33Ang mga anak na lalaki ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.

34Ang mga anak na lalaki ni Shomer ay sina Ahi, Roga,7:34 ang mga anak na lalaki … Roga: o, ang kanyang anak ay si Shomer na nagkaroon ng anak kay Roga. Hubba at Aram. 35Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Shomer na si Helem7:35 Helem: Maaaring ito ay isa pang pangalan ni Hotam. ay sina Zofa, Imna, Sheles at Amal. 36Ang mga anak na lalaki ni Zofa ay sina Shua, Harnefer, Shual, Beri, Imra, 37Bezer, Hod, Shama, Shilsha, Itran,7:37 Itran: Maaaring ito ay isa pang pangalan ni Jeter. at Beera. 38Ang mga anak na lalaki ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara. 39Ang mga anak na lalaki ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia. 40Silang lahat ang lahi ni Asher na pinuno ng kanilang mga pamilya. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno. Ang bilang ng mga lalaki sa lahi ni Asher na handa sa paglilingkod sa militar ay 26,000 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.