הבשורה על-פי לוקס 22 – HHH & TCB

Habrit Hakhadasha/Haderekh

הבשורה על-פי לוקס 22:1‏-71

1‏-2בהתקרב חג הפסח חיפשו ראשי הכוהנים והסופרים דרך להיפטר מישוע בלי לעורר מהומות בעם – דבר שפחדו ממנו מאוד. 3אז נכנס השטן ביהודה איש קריות, שהיה אחד משנים־עשר תלמידי ישוע. 4יהודה הלך אל ראשי הכוהנים ואל מפקדי משמר בית־המקדש כדי להתייעץ איתם כיצד להסגיר את ישוע לידיהם. 5ראשי הכוהנים ומפקדי משמר בית־המקדש שמחו מאוד על העזרה שהציע להם יהודה, והבטיחו לו כסף. 6מאותה עת חיפש יהודה הזדמנות להסגיר את ישוע לידיהם, כשלא יהיה בחברת אנשים רבים.

7בהגיע חג הפסח, ביום שבו מקריבים זבח, 8שלח ישוע את פטרוס ויוחנן להכין את הסדר.

9”היכן אתה רוצה שנכין את הסעודה?“ שאלו את ישוע.

10”בכניסה לירושלים תפגשו אדם נושא כד מים“, השיב ישוע. ”לכו אחריו, היכנסו אל הבית שאליו יכנס 11ואמרו לבעל הבית: ’רבנו ביקש שתראה לנו את חדר האורחים אשר הכנת לו ולתלמידיו בשביל הסדר‘. 12הוא יוביל אתכם אל הקומה השנייה ויראה לכם חדר גדול שהכין למעננו. שם תכינו את הסעודה.“

13פטרוס ויוחנן הלכו העירה; הכול התרחש בדיוק כפי שאמר ישוע, והם הכינו את הסדר.

14מאוחר יותר הגיעו ישוע ושאר התלמידים, וכשהגיעה השעה התיישבו כולם סביב השולחן.

15”נכספתי לאכול עמכם את סעודת הפסח לפני שאתייסר“, פתח ישוע ואמר: 16”אני אומר לכם ששוב לא אוכל את סעודת הפסח, עד אשר תתקיים במלוא משמעותה במלכות האלוהים.“

17לאחר מכן לקח ישוע כוס יין, ברך ואמר: ”קחו את היין ושתו ממנו כולכם.

18”דעו לכם ששוב לא אשתה יין עד אשר תבוא מלכות האלוהים.“

19לאחר מכן הוא לקח כיכר לחם (מצה), הודה לאלוהים עליו, פרס את הלחם לפרוסות, נתן לתלמידיו ואמר: ”זהו גופי הניתן בעדכם. עשו זאת לזיכרוני.“ 20בתום הסעודה הגיש להם ישוע עוד כוס יין ואמר: ”כוס זאת מסמלת את הברית החדשה בין אלוהים לביניכם – ברית שנחתמה בדמי. 21אולם ליד השולחן יושב האיש שיסגיר אותי. 22בן־האדם הולך למות כפי שנגזר עליו, אולם אני אומר לכם: אוי לו לאיש שיסגיר אותו!“

23התלמידים החלו לשאול זה את זה מי מהם עלול לעשות מעשה נורא שכזה.

24בין התלמידים התעורר ויכוח: מי מהם החשוב ביותר.

25אמר להם ישוע: ”בעולמנו רודים המלכים והשליטים בנתיניהם, ובכל זאת אלה נחשבים לדורשים בטוב נתיניהם. 26אולם אצלכם המצב שונה; מי שמרבה לשרת אתכם הוא יהיה הגדול מביניכם, והמנהיג יהיה משרת. 27ומי נחשב גדול, מי שיושב בשולחן או מי שמשרת את מי שבשולחן? כמובן שהיושב בשולחן. ואילו אני ביניכם כמשרת.

28”מאחר ששמרתם לי אמונים על־אף הצרות והקשיים, 29ומאחר שאבי הנחיל לי מלכות, הריני מעניק לכם בזאת את הזכות 30לאכול ולשתות על שולחני במלכותי, ולשבת על כסאות לשפוט את שנים־עשר שבטי ישראל.“

31”שמעון, שמעון,“ המשיך האדון, ”השטן דורש את כולכם, לסנן אתכם כמו חיטה. 32אבל התפללתי בעדך שלא תאבד את אמונתך. לאחר שתחזור בתשובה חזק את אחיך.“

33”אדוני,“ קרא שמעון פטרוס, ”אני מוכן ללכת איתך לבית־הסוהר ואף למות איתך!“

34אולם ישוע ענה: ”פטרוס, אני אומר לך שעוד היום, לפני קריאת התרנגול, תתכחש לי שלוש פעמים ותאמר שאינך מכיר אותי כלל.

35”כאשר שלחתי אתכם לבשר את הבשורה בלי כסף, בלי תרמיל ובלי נעליים האם חסרתם משהו?“ המשיך ישוע.

”לא חסר לנו דבר“, השיבו.

36”אבל עכשיו,“ אמר להם ישוע, ”למי שיש כסף ותרמיל שייקח אותם איתו; ולמי שאין חרב – שימכור את מעילו ויקנה אחת. 37כי הגיע המועד שתתקיים הנבואה הכתובה עלי:22‏.37 כב 37 ישעיה נג 12 ’הוא נימנה בין פושעים‘. כן, כל מה שכתבו עלי הנביאים יתקיים במלואו.“

38”אדון,“ קראו התלמידים, ”יש לנו כאן שתי חרבות.“

”אלה מספיקות לכם“, השיב ישוע.

39לאחר מכן יצא ישוע מהעיר והלך אל הר הזיתים, כמנהגו מדי יום, והתלמידים הלכו בעקבותיו. 40בהגיעו אל המקום אמר ישוע לתלמידיו: ”התפללו שלא תבואו לידי ניסיון.“ 41ישוע התרחק מתלמידיו מרחק־מה, כרע על ברכיו והתפלל: 42”אבי, אם יש ברצונך, אנא, הרחק ממני את כוס הייסורים. אולם אני רוצה שייעשה רצונך ולא רצוני!“ 43לאחר מכן נגלה אליו מלאך מן השמים וחיזק אותו. 44בגלל סבלו הרב הוא התפלל בדבקות רבה, וזיעתו נפלה על הארץ כטיפות דם גדולות. 45כאשר סיים ישוע את תפילתו וחזר אל תלמידיו, מצא אותם ישנים מרוב צער ועייפות.

46”מדוע אתם ישנים?“ שאל ישוע. ”קומו והתפללו שלא תבואו לידי ניסיון.“

47בעודו מדבר התקרב אליו קהל גדול של אנשים ובראשם צעד יהודה, שהיה אחד מתלמידיו. יהודה קרב אל ישוע כדי לנשקו, 48אולם ישוע אמר לו: ”יהודה, האם בנשיקה אתה עומד להסגיר את בן־האדם?“

49כשראו התלמידים את העומד להתרחש שאלו את ישוע: ”אדון, אתה רוצה שנכה אותם בחרבות שלנו?“ 50ואחד מהם קיצץ את אוזנו הימנית של עבד הכוהן הגדול.

51ישוע עצר בעדם ואמר: ”הניחו להם לעשות את שלהם.“ לאחר מכן נגע באוזנו של העבד וריפא אותה. 52ישוע פנה אל ראשי הכוהנים, מפקדי משמר בית־המקדש והזקנים שבאו לאסרו: ”מדוע אתם באים אלי בחרבות ובמקלות, האם אני גנב או שודד? 53מדוע לא אסרתם אותי בבית־המקדש? הרי הייתי שם כל יום. אבל זוהי שעתכם, ושעת שלטון החושך.“

54הם אסרו את ישוע והובילוהו אל בית הכוהן הגדול. פטרוס הלך אחריהם במרחק־מה, 55אולם הצטרף אליהם כשהדליקו מדורה בחצר והתיישבו סביבה.

56משרתת אחת הבחינה בפטרוס לאור המדורה. היא נעצה בו מבט וקראה: ”האיש הזה היה עם ישוע!“

57פטרוס הכחיש בתוקף את דבריה: ”אישה, איני מכיר אותו כלל!“

58כעבור זמן קצר הבחין מישהו אחר בפטרוס. ”אתה ודאי אחד מהם!“ אמר. ”מה פתאום,“ הכחיש פטרוס, ”אינני אחד מהם!“

59כעבור שעה בערך העיר אדם נוסף: ”אין לי ספק שהאיש הזה היה עם ישוע, כי שניהם מהגליל.“

60פטרוס הכחיש שוב: ”בן־אדם, איני יודע על מה אתה מדבר!“ לפני שסיים פטרוס את דבריו נשמעה קריאת התרנגול. 61באותו רגע פנה ישוע והביט בעיניו של פטרוס. אז נזכר פטרוס בדברי האדון: ”לפני קריאת התרנגול תתכחש לי שלוש פעמים.“ 62הוא יצא מהחצר ומירר בבכי.

63החיילים שהופקדו על שמירת ישוע לעגו לו, הכו אותו והתעללו בו. 64הם קשרו את עיניו, הכו אותו באגרופים וקראו בלעג: ”נביא שכמוך, נחש מי הכה אותך?“ 65הם המשיכו לקלל ולהעליב אותו.

66למחרת בבוקר הובא ישוע לפני חברי הסנהדרין, ראשי הכוהנים, הסופרים וזקני העם.

67”האם אתה באמת המשיח?“ שאלו אותו.

אך ישוע השיב: ”אם אגיד לכם, לא תאמינו לי, 68ואם אשאל אתכם שאלות לא תשיבו לי. 69אולם עוד מעט בן־האדם ישב לימין גבורת האלוהים.“

70”אם כך, בן־אלוהים אתה?“

”אתם אמרתם שאני הוא“ השיב ישוע.

71”איננו זקוקים לעדויות נוספות!“ הם קראו. ”במו אוזנינו שמענו אותו אומר דברים אלה!“

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 22:1-71

Ang Planong Pagpatay kay Jesus

(Mat. 26:1-5; Mar. 14:1-2; Juan 11:45-53)

1Nalalapit na noon ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa na tinatawag ding Pista ng Paglampas ng Anghel.22:1 Pista ng Paglampas ng Anghel: Tingnan sa Exo. 12:1-30 kung paano nagsimula ang pistang ito. 2Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng paraan upang maipapatay si Jesus ng hindi magkakagulo, dahil natatakot sila sa mga tao.

Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus

(Mat. 26:14-16; Mar. 14:10-11)

3Pumasok si Satanas kay Judas na tinatawag na Iscariote. Isa siya sa 12 tagasunod ni Jesus. 4Pumunta siya sa mga namamahalang pari at mga opisyal ng mga guwardya sa templo, at pinag-usapan nila kung paano niya maibibigay sa kanila si Jesus. 5Natuwa sila at nakipagkasundo kay Judas na bayaran siya. 6Pumayag naman si Judas sa kasunduan, at mula noon, humanap siya ng pagkakataon upang maibigay sa kanila si Jesus nang hindi nalalaman ng mga tao.

Paghahanda ng Hapunan para sa Pista

(Mat. 26:17-25; Mar. 14:12-21; Juan 13:21-30)

7Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. At sa araw na ito, kailangang maghandog ang mga Judio ng tupa na kakainin nila sa Pista ng Paglampas ng Anghel. 8Kaya inutusan ni Jesus sina Pedro at Juan, “Ihanda ninyo ang hapunan natin para sa Pista ng Paglampas ng Anghel.” 9Nagtanong sila, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda?” 10Sumagot si Jesus, “Pagpasok ninyo sa lungsod ng Jerusalem, sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasan na banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya, 11at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong ng Guro kung saan ang kwartong kakainan niya ng hapunan na kasama ang mga tagasunod niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’ 12Isasama niya kayo sa itaas at ituturo sa inyo ang isang malaking kwarto na kumpleto ang kagamitan. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.” 13Lumakad sila at nakita nga nila ang lahat ayon sa sinabi ni Jesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa pista.

Huling Hapunan ni Jesus

(Mat. 26:26-30; Mar. 14:22-26; 1 Cor. 11:23-25)

14Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Jesus at ang kanyang mga apostol. 15Sinabi ni Jesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako maghirap. 16Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Dios.” 17Pagkatapos, kumuha siya ng inumin,22:17 inumin: sa literal, kopa. Ganito rin sa talatang 20. nagpasalamat sa Dios, at sinabi sa kanila, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian. 18Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Dios” 19Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Dios ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

21“Ngunit makinig kayo! Kasalo ko sa mesang ito ang taong magtatraydor sa akin. 22Sapagkat ayon sa itinalaga ng Dios, Ako na Anak ng Tao ay papatayin, ngunit nakakaawa ang taong magtatraydor sa akin.” 23Nagtanungan sa isaʼt isa ang mga tagasunod niya kung sino kaya sa kanila ang gagawa noon.

Ang Pagtatalo tungkol sa Kadakilaan

24Nagtalo-talo ang mga tagasunod ni Jesus kung sino sa kanila ang pinakadakila. 25Kaya sinabi sa kanila ni Jesus, “Sa mundong ito, ang mga hari ay pinapanginoon ng mga nasasakupan nila, at ang mga may kapangyarihan ay gustong tawagin na ‘Tagatulong ng mga Tao.’ 26Ngunit hindi kayo dapat maging ganoon. Ang mas mataas ay dapat magpakababa, at ang pinuno ay dapat maging tulad ng isang tagapaglingkod. 27Sapagkat sino ba ang mas mataas, ang pinaglilingkuran22:27 pinaglilingkuran: sa literal, nakaupo sa mesa. o ang naglilingkod? Siyempre, ang pinaglilingkuran. Ngunit naglilingkod ako sa inyo kahit na ako ang Panginoon ninyo.”

28“Kayo ang nanatiling kasama ko sa mga pagsubok na dinaranas ko. 29Kaya kung paanong binigyan ako ng aking Ama ng kapangyarihang maghari, kayo rin ay bibigyan ko ng ganoong kapangyarihan. 30Makakasalo ko kayo sa aking mesa sa aking kaharian, at uupo kayo sa mga trono upang mamahala sa 12 lahi ng Israel.”

Sinabi ni Jesus na Ikakaila Siya ni Pedro

(Mat. 26:31-35; Mar. 14:27-31; Juan 13:36-38)

31Sinabi ni Jesus kay Pedro. “Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Dios na subukin niya kayong lahat tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo. 32Ngunit nanalangin ako para sa iyo, na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid.” 33Sumagot si Simon, “Panginoon, handa po akong mabilanggo o mamatay na kasama ninyo.” 34Pero sinabi sa kanya ni Jesus, “Pedro, tandaan mo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”

Sa Panahon ng Kahirapan

35Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Noong suguin ko kayo nang walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?” Sumagot sila, “Hindi po.” 36“Ngunit ngayon,” sabi ni Jesus, “Kung may pitaka o bag kayo, dalhin ninyo. At kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang damit ninyo at bumili kayo ng espada. 37Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito ng Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang kriminal.’22:37 Isa. 53:12. At natutupad na ito ngayon!” 38Sinabi ng mga tagasunod niya, “Panginoon, may dalawa po kaming espada.” “Tama na iyan,” sagot niya.

Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo

(Mat. 26:36-46; Mar. 14:32-42)

39Lumabas si Jesus sa Jerusalem, at gaya ng nakaugalian niya, pumunta siya sa Bundok ng mga Olibo. Sumama rin ang mga tagasunod niya. 40Pagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.” 41Iniwan niya ang mga tagasunod niya at lumayo nang kaunti.22:41 nang kaunti: sa literal, ng isang hagis ng bato. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin, 42“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating.22:42 ang mga paghihirap na darating: sa literal, ang kopang ito. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.” 43[Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya. 44Dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim, at ang mga pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa.]

45Pagkatapos, tumayo siya at binalikan ang mga tagasunod niya, pero nadatnan niya silang natutulog dahil napagod sila sa matinding paghihinagpis. 46Kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Ang Pagdakip kay Jesus

(Mat. 26:47-56; Mar. 14:43-50; Juan 18:3-11)

47Nagsasalita pa si Jesus nang dumating ang maraming tao. Si Judas na isa sa 12 tagasunod ang nangunguna sa kanila. Nilapitan niya si Jesus at hinalikan. 48Sinabi ni Jesus sa kanya, “Judas, tinatraydor mo ba ako, na Anak ng Tao, sa pamamagitan ng isang halik?” 49Nang makita ng mga kasamahan ni Jesus ang mga nangyayari, sinabi nila, “Panginoon, tatagain na ba namin sila?” 50At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng punong pari, at naputol ang kanang tainga nito. 51Pero sinaway sila ni Jesus, “Tama na iyan!” Hinipo niya ang tainga ng alipin at pinagaling ito.

52Pagkatapos, kinausap ni Jesus ang mga namamahalang pari, mga opisyal ng mga guwardya sa templo at ang mga pinuno ng mga Judio na naroon upang dakpin siya, “Isa ba akong tulisan? Bakit kailangan pa ninyong magdala ng mga espada at mga pamalo upang dakpin ako? 53Araw-araw akong nasa templo, at naroon din kayo. Bakit hindi nʼyo ako dinakip? Ngunit ito na ang pagkakataong ibinigay sa inyo upang dakpin ako. At sa sandaling ito ay naghahari ang kadiliman.”

Ipinagkaila ni Pedro na Kilala Niya si Jesus

(Mat. 26:57-58, 69-75; Mar. 14:53-54, 66-72; Juan 18:12-18, 25-27)

54Dinakip nila si Jesus at dinala sa bahay ng punong pari. Sumunod naman si Pedro pero nasa malayo siya. 55Nagsiga sa gitna ng bakuran ang mga naroon at naupo sila sa paligid ng siga para magpainit. Nakiupo rin si Pedro sa kanila. 56Nakita siya ng isang utusang babae sa tabi ng siga at tiningnang mabuti. Sinabi ng babae, “Kasamahan din ni Jesus ang lalaking ito!” 57Pero itinanggi ito ni Pedro, “Babae, hindi ko siya kilala.” 58Maya-maya, may nakakita na naman sa kanya at nagsabi, “Kasamahan ka rin nila, di ba?” “Aba, hindi!” sagot ni Pedro. 59Pagkalipas ng isang oras, iginiit naman ng isa, “Totoong kasamahan din ni Jesus ang taong ito, dahil taga-Galilea rin siya.” 60Pero sumagot si Pedro, “Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo!” At habang nagsasalita pa siya ay tumilaok ang manok. 61Lumingon ang Panginoon at tiningnan si Pedro. Naalala ni Pedro ang sinabi ng Panginoon, “Bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” 62Kaya lumabas si Pedro at humagulgol.

Kinutya at Binugbog si Jesus

(Mat. 26:67-68; Mar. 14:65)

63Samantala, kinutya at binugbog si Jesus ng mga nagbabantay sa kanya. 64Piniringan nila siya at sinuntok, at tinanong, “Hulaan mo, sino ang sumuntok sa iyo?” 65At marami pa silang sinabing masama laban sa kanya.

Dinala si Jesus sa Korte ng mga Judio

(Mat. 26:59-66; Mar. 14:55-64; Juan 18:19-24)

66Kinaumagahan, nagtipon ang mga pinuno ng mga Judio, mga namamahalang pari, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap nila si Jesus sa kanilang korte. 67Sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Cristo?” Sumagot si Jesus, “Kung sasabihin ko sa inyo, hindi naman kayo maniniwala. 68At kung tatanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot. 69Ngunit mula ngayon, ako na Anak ng Tao ay uupo na sa kanan ng makapangyarihang Dios.” 70“Kung ganoon, ikaw nga ang Anak ng Dios?” sabi nila. Sumagot si Jesus, “Kayo na rin ang nagsabi na ako nga.” 71Kaya sinabi nila, “Narinig na natin ang sinabi niya, ano pang ebidensya ang kailangan natin?”