הבשורה על-פי לוקס 2 – HHH & TCB

Habrit Hakhadasha/Haderekh

הבשורה על-פי לוקס 2:1-52

1באותה תקופה ציווה הקיסר הרומאי אוגוסטוס לפקוד את כל תושבי האימפריה הרומית. 2זה היה מפקד התושבים הראשון, והוא נערך בזמן שקוריניוס היה שליט סוריה.

3לצורך המפקד נדרש כל אדם לשוב אל עיר מולדתו. 4גם יוסף, תושב נצרת שבגליל, חזר אל עיר מולדתו – הוא הלך אל העיר בית לחם ביהודה, מאחר שהיה נצר למשפחת דוד המלך. 5אל יוסף נלוותה ארוסתו מרים שהייתה בהיריון.

6בהיותם בבית־לחם מרים החלה בצירי לידה, 7וילדה את בנה הבכור. היא עטפה את התינוק והשכיבה אותו באבוס, כי לא השיגו מקום לינה באכסניות שהיו מלאות עד אפס מקום לרגל המפקד. 8בקרבת מקום היו רועי־צאן אשר ישנו בשדה ושמרו על עדרם במשך הלילה.

9לפתע נגלה אליהם מלאך ה׳, והשדה נמלא זוהר כבוד ה׳. הרועים נבהלו מאוד, 10אולם המלאך הרגיע אותם ואמר: ”אל תפחדו! באתי לבשר לכם חדשות משמחות ביותר – לא לכם בלבד, כי אם לכל העם! 11בבית־לחם עיר דוד נולד לכם היום מושיע, הלא הוא המשיח האדון! 12כהוכחה לאמיתות דברי תמצאו תינוק עטוף שוכב באבוס.“

13לפתע הצטרפו אל המלאך צבאות השמים, והם שרו שיר שבח ותהילה לאלוהים:

14”כבוד ותהילה לאלוהים במרומי השמים,

ושלום על־פני האדמה לכל אוהביו העושים את רצונו!“

15כאשר נעלמו המלאכים מעיני הרועים וחזרו לשמים, אמרו הרועים איש אל רעהו: ”הבא נמהר לבית־לחם כדי לראות את מה שגילה לנו אלוהים.“

16הם מיהרו העירה ומצאו את מרים, את יוסף ואת התינוק שוכב באבוס. 17מיד סיפרו הרועים לכולם את אשר קרה להם בשדה, ואת דברי המלאך על אודות הילד הזה. 18כל השומעים תמהו מאוד על דברי הרועים, 19ובכל זאת מרים שמרה את הדברים בלבה והרהרה בהם לעתים קרובות.

20לאחר מכן חזרו הרועים אל השדה, כשהם מהללים ומשבחים את אלוהים על ביקור המלאך ועל שמצאו את התינוק כדבריו.

21כעבור שמונה ימים, בטקס ברית־המילה, ניתן לתינוק השם ”ישוע“ – השם שנתן לו המלאך עוד לפני הריונה של מרים. 22בתום ימי הטהרה2‏.22 ב 22 ראה ויקרא פרק יב של מרים הביאו היא ובעלה את הילד לירושלים, להעמידו לפני ה׳, 23כי כתוב בתורה שצריך להקדיש לה׳ את הבן הבכור של כל אם, 24ולהקריב קרבן כדרישת התורה: שני תורים או שתי יונים צעירות.

25בירושלים גר אדם בשם שמעון אשר היה צדיק וחסיד, מלא ברוח הקודש וחי בציפייה מתמדת לגאולת ישראל. 26רוח הקודש גילה לשמעון הצדיק שלא ימות לפני שיראה במו עיניו את משיח ה׳. 27באותו יום הדריך רוח הקודש את שמעון אל בית־המקדש, וכאשר הביאו מרים ויוסף את הילד לפני אלוהים, כמצוות התורה, 28הרים שמעון את הילד בזרועותיו, אימץ אותו אל לבו, ברך את אלוהים ואמר:

29”אלוהי, עתה אני יכול למות במנוחה,

כי קיימת את אשר הבטחת לי;

30‏-31במו עיני ראיתי את המשיח שנתת לעולם!

32הוא האור אשר יאיר את עיני העמים

ויהיה תפארת עמך ישראל!“

33יוסף ומרים תמהו על הנאמר אודות בנם.

34‏-35שמעון ברך אותם ואחר כך אמר למרים: ”מרים, לבך יידקר בחרב הייסורים, כי ילדך זה נועד להכשיל רבים בישראל ולהושיע רבים. הוא יהיה נושא למריבה וחילוקי־דעות, כי יחשוף את מחשבותיהם האפלות של אנשים רבים.“

36‏-37בבית־המקדש הייתה גם נביאה זקנה בשם חנה בת־פנואל, משבט אשר. היא הייתה אלמנה כבת 84 שנים, אך נישואיה לבעלה נמשכו שבע שנים בלבד. חנה לא עזבה את המקדש לרגע; היא אהבה את אלוהים ושרתה אותו יומם ולילה בצום, בתפילה ובתחנונים.

38חנה שמעה את ברכתו של שמעון, והחלה לברך את שם אלוהים ולספר לאנשי ירושלים, שציפו לגאולת המשיח, כי סוף־סוף בא המשיח!

39לאחר שקיימו הוריו של ישוע את כל מצוות התורה הנוגעות לרך הנולד, חזרו לביתם – אל נצרת עירם אשר בגליל. 40הילד גדל התחזק, מלא חכמה, וחסד אלוהים היה עליו.

41‏-42כשמלאו לישוע שתים־עשרה שנים עלו הוריו לירושלים – כמנהגם מדי שנה – כדי לחוג את חג הפסח. 43בתום החג החלו הוריו במסע חזרה הביתה, ואילו ישוע נשאר בירושלים ללא ידיעתם. 44הוריו לא דאגו לו ביום הראשון למסע, כי הניחו שהיה בחברת ידידים שבין אנשי השיירה. אולם בראותם שלא הופיע עד הערב, החלו לחפשו בין החברים והמכרים, 45ומשלא מצאו אותו, חזרו לירושלים בתקווה למצאו שם.

46לאחר שלושה ימי חיפושים הם מצאו את ישוע בבית־המקדש. הוא ישב בין הרבנים, הקשיב לדבריהם ושאל אותם שאלות נבונות. 47כל שומעיו התפעלו בפקחותו, מהבנתו ומתשובותיו. 48הוריו הופתעו למצוא אותו שם, ואמו אמרה לו: ”בני, מדוע עוללת לנו זאת? אביך ואני דאגנו לך כל כך וחיפשנו אותך בכל מקום.“

49”מדוע חיפשתם אותי?“ שאל ישוע בתמיהה. ”האם לא ידעתם שאהיה עסוק בענייני אבי?“ 50אולם הם לא הבינו למה התכוון.

51ישוע חזר עם הוריו לנצרת והיה נכנע למרותם. אמו שמרה בלבה את כל מה שהתרחש. 52ישוע הלך וגדל בקומה ובחוכמה, והיה אהוב על אלוהים ובני אדם.

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 2:1-52

Ang Kapanganakan ni Jesus

(Mat. 1:18-25)

1Nang mga panahong iyon, ang Emperador ng Roma na si Augustus ay gumawa ng kautusan na dapat magpatala ang lahat ng mga mamamayan ng bansang nasasakupan niya. 2(Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Quirinius ang gobernador sa lalawigan ng Syria.) 3Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.

4Mula sa Nazaret na sakop ng Galilea, pumunta si Jose sa Betlehem na sakop ng Judea, sa bayang sinilangan ni Haring David, dahil nagmula siya sa angkan ni David. 5Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na noon ay malapit nang manganak. 6At habang naroon sila sa Betlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. 7Isinilang niya ang panganay niya, na isang lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, dahil walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.

Nagpakita ang mga Anghel sa mga Pastol

8Malapit sa Betlehem, may mga pastol na nasa parang, at nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. 9Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at nagningning sa paligid nila ang nakakasilaw na liwanag ng Panginoon. Ganoon na lang ang pagkatakot nila, 10pero sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot dahil naparito ako upang sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11Sapagkat isinilang ngayon sa Betlehem, sa bayan ni Haring David, ang inyong Tagapagligtas, ang Cristo2:11 Cristo: Ang ibig sabihin, piniling hari. na siyang Panginoon. 12Ito ang palatandaan upang makilala ninyo siya: makikita ninyo ang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”

13Pagkatapos magsalita ng anghel, biglang nagpakita ang napakaraming anghel at sama-sama silang nagpuri sa Dios. Sinabi nila,

14“Purihin ang Dios sa langit! May kapayapaan na sa lupa, sa mga taong kinalulugdan niya!”

15Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Betlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.” 16Kaya nagmamadali silang pumunta sa Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17At isinalaysay nila ang mga sinabi sa kanila ng anghel tungkol sa sanggol. 18Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. 19Pero iningatan ito ni Maria sa kanyang puso, at pinagbulay-bulayan ang lahat ng ito. 20Bumalik sa parang ang mga pastol na labis ang pagpupuri sa Dios dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita, na ayon nga sa sinabi ng anghel.

Pinangalanang Jesus ang Sanggol

21Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang sanggol at pinangalanang Jesus. Ito ang pangalang ibinigay ng anghel bago siya ipinaglihi.

Inihandog si Jesus sa Templo

22Dumating ang araw na maghahandog sina Jose at Maria sa templo ng Jerusalem ayon sa Kautusan ni Moises patungkol sa mga babaeng nanganak upang maituring silang malinis. Dinala rin nila ang sanggol sa Jerusalem para ihandog sa Panginoon. 23Sapagkat nasusulat sa Kautusan ng Panginoon, “Ang bawat panganay na lalaki ay kailangang ihandog sa Panginoon.”2:23 Exo. 13:2-12. 24At upang maituring na malinis si Maria, naghandog sila ayon sa sinasabi ng Kautusan ng Panginoon: “isang pares ng batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”2:24 Lev. 12:8.

25May isang tao roon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Matuwid siya, may takot sa Dios, at sumasakanya ang Banal na Espiritu. Naghihintay siya sa pagdating ng haring magliligtas sa Israel. 26Ipinahayag sa kanya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay hanggaʼt hindi niya nakikita ang haring ipinangako ng Panginoon. 27Nang araw na iyon, sa patnubay ng Banal na Espiritu ay pumunta siya sa templo. At nang dalhin doon nina Maria at Jose si Jesus upang ihandog sa Panginoon ayon sa Kautusan, nakita ni Simeon ang sanggol. 28Kinarga niya ito at pinuri ang Dios. Sinabi niya:

29“Panginoon, maaari nʼyo na akong kunin na inyong lingkod,

dahil natupad na ang pangako nʼyo sa akin.

Mamamatay na ako nang mapayapa,

30dahil nakita na ng sarili kong mga mata ang Tagapagligtas,

31na inihanda ninyo para sa lahat ng tao.

32Siya ang magbibigay-liwanag sa isipan ng mga hindi Judio na hindi nakakakilala sa iyo,

at magbibigay-karangalan sa inyong bayang Israel.”

33Namangha ang ama at ina ng sanggol sa sinabi ni Simeon tungkol sa sanggol. 34Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria, “Ang batang itoʼy itinalaga upang itaas at ibagsak ang marami sa Israel. Magiging tanda siya mula sa Dios. Pero marami ang magsasalita ng laban sa kanya. 35Kaya ikaw mismo ay masasaktan, na parang sinaksak ng patalim ang puso mo. At dahil sa gagawin niya, mahahayag ang kasamaang nasa isip ng maraming tao.”

36Naroon din sa templo ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Anak siya ni Fanuel na mula sa lahi ni Asher. Matandang-matanda na siya. Pitong taon lang silang nagsama ng kanyang asawa 37bago siya nabiyuda. At ngayon, 84 na taon na siya.2:37 84 na taon na siya: o, 84 na taon na siyang biyuda. Palagi siyang nasa templo; araw-gabi ay sumasamba siya sa Dios sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno. 38Lumapit siya nang oras ding iyon kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Dios. At nagsalita rin siya tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa araw ng pagliligtas ng Dios sa Jerusalem.

39Nang maisagawa na nina Jose at Maria ang lahat ng dapat nilang gawin ayon sa Kautusan ng Panginoon, umuwi na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret na sakop ng Galilea. 40Lumaki ang batang si Jesus, at naging malakas at napakatalino. At pinagpala siya ng Dios.

Ang Batang si Jesus sa Templo

41Bawat taon pumupunta ang mga magulang ni Jesus sa Jerusalem para dumalo sa Pista ng Paglampas ng Anghel.2:41 Pista ng Paglampas ng Anghel: Tingnan sa Exo. 12:1-30 kung paano nagsimula ang pistang ito. 42Nang 12 taon na si Jesus, muli silang pumunta roon gaya ng nakaugalian nila. 43Pagkatapos ng pista, umuwi na sila, pero nagpaiwan si Jesus sa Jerusalem. Hindi ito namalayan ng mga magulang niya. 44Ang akala nilaʼy kasama siya ng iba nilang kababayan na pauwi na rin, kaya nagpatuloy sila sa paglalakad buong araw. Bandang huli ay hinanap nila si Jesus sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan. 45Nang malaman nila na wala si Jesus sa kanila, bumalik sila sa Jerusalem para roon siya hanapin. 46At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Jesus sa templo na nakaupong kasama ng mga tagapagturo ng Kautusan. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong. 47Namangha ang lahat ng nakarinig sa mga isinasagot niya at sa kanyang katalinuhan. 48Nagtaka ang mga magulang niya nang matagpuan siya roon. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit mo ito ginawa sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo!” 49Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay narito ako sa bahay ng aking Ama?” 50Pero hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.

51Umuwi si Jesus sa Nazaret kasama ng kanyang mga magulang, at patuloy siyang naging masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. 52Patuloy na lumaki si Jesus at lalo pang naging matalino. Kinalugdan siya ng Dios at ng mga tao.