הבשורה על-פי לוקס 11 – HHH & TCB

Habrit Hakhadasha/Haderekh

הבשורה על-פי לוקס 11:1-54

1יום אחד התפלל ישוע במקום מסוים, וכשסיים ניגש אליו אחד מתלמידיו ואמר: ”אדון, למד אותנו להתפלל, כשם שיוחנן לימד את תלמידיו.“

2”התפללו כך“, אמר להם ישוע:

”אבינו שבשמים, יתקדש שמך,

תבוא מלכותך.

3ספק לנו יום־יום את המזון הדרוש לנו,

4סלח לנו על חטאינו,

כשם שגם אנחנו סולחים לאלה שחטאו לנו,

ועזור לנו לעמוד נגד פיתויים וניסיונות.“

5ישוע הוסיף ואמר: ”נניח שאחד מכם הולך לבית חברו באמצע הלילה וקורא בקול: ’עשה לי טובה והלווה לי שלוש ככרות לחם. 6כי אחד מידידי בא לבקר אותי ואין לי אוכל בשבילו‘. 7ואילו החבר עונה ממיטתו: ’אל תטריד אותי באמצע הלילה. הדלת נעולה, ילדי ישנים וגם אני כבר במיטה בעצמי, מצטער שאיני יכול לעזור לך הפעם‘.

8”אני אומר לכם: אמנם הוא לא יפתח את הדלת בזכות ידידותם, אבל הוא יקום ויפתח את הדלת ויביא לו את מה שרצה כדי להימנע מהחרפה שלא נענה לבקשת חברו. 9כך גם בתפילה: אם תבקשו – תקבלו; אם תחפשו – תמצאו; ואם תדפקו תיפתח לפניכם הדלת. 10משום שכל המבקש מקבל; כל המחפש מוצא, ולפני כל דופק נפתחת הדלת.

11”אני פונה אל האבות שביניכם: כשהילד שלכם מבקש מכם פרוסת לחם, האם אתם נותנים לו אבן? או כאשר מבקש דג, האם אתם נותנים לו נחש? 12ואם הוא מבקש ביצה, האם אתם נותנים לו עקרב? 13ואם גם אנשים חוטאים כמוכם נותנים לילדיכם מה שטוב להם, האם אינכם מבינים כי אביכם שבשמים יעשה למענכם הרבה יותר, וייתן את רוח הקודש למי שמבקש ממנו?“

14יום אחד גירש ישוע שד מאיש אילם, וכושר הדיבור שב אליו. הקהל התרגש והתלהב מהמאורע, 15אולם היו שאמרו: ”אין פלא שהוא יכול לגרש שדים, הרי הוא מקבל את כוחו מבעל־זבוב שר השדים!“ 16אחרים רצו לנסותו, ולכן ביקשו ממנו לחולל נס מהשמים על־מנת לשכנע אותם.

17ישוע ידע את מחשבותיהם ולכן אמר: ”ממלכה מפולגת לא תחזיק מעמד ותתמוטט. משפחה מפולגת בדעותיה תיהרס. 18לפיכך כיצד יכולים אתם לטעון שאני נלחם נגד השדים בשם שר השדים? אילו הייתה טענתכם נכונה, אזי כיצד יכלה ממלכת השטן להחזיק מעמד? 19מלבד זאת, אם אני מקבל את כוחי מבעל זבוב שר השדים, מה בנוגע לבניכם? הלא גם הם מגרשים שדים! האם אתם חושבים כי עובדה זאת מוכיחה שהם מקבלים את כוחם מהשטן? שאלו אותם אם אתם צודקים. 20אולם אם אני מגרש את השדים בכוח אלוהים, הדבר מוכיח כי הגיעה אליכם מלכות האלוהים.

21”כשאיש גיבור שומר על ארמונו, חמוש ומצויד בכלי הגנה, הארמון בטוח. 22אולם כשמישהו חזק ממנו מתקיף אותו ומתגבר עליו, הוא פורק מעליו את נשקו ולוקח את השלל מביתו.

23”מי שאינו בעדי הוא נגדי; ומי שאינו אוסף איתי – מפזר. 24כאשר שד מגורש מאדם, הוא הולך למדבר ומחפש לו מנוחה; מאחר שהשד אינו מוצא מנוחה, הוא חוזר אל האדם שממנו יצא, 25ומגלה כי מעונו לשעבר מטואטא ומהודר. 26על כן הולך השד ומביא איתו שבעה שדים רעים ממנו וכולם נכנסים באיש, וכך מצבו של האיש האומלל גרוע משהיה.“ 27בזמן שישוע דיבר קראה אישה אחת בקהל: ”יברך אלוהים את אמך – את הבטן שנשאה אותך ואת השדיים שהניקו אותך!“

28”אך האמת היא,“ אמר ישוע, ”שאלוהים יברך את אלה אשר שומעים את דבר אלוהים ומצייתים!“

29‏-32קהל השומעים הלך וגדל וישוע המשיך: ”מה רעים אנשי הדור הזה! הם מבקשים אות מהשמים (כדי להשתכנע שאני דובר אמת), אולם האות היחיד שיינתן להם יהיה אות יונה הנביא. כשם שיונה היה לאות לאנשי נינווה, כך יהיה בן האדם לדור הזה. ביום הדין, כשיעמדו אנשי הדור הזה למשפט, תקום מלכת־שבא ותרשיע אותם, מפני שהיא באה מארץ רחוקה כדי להקשיב לחכמת שלמה, ואילו לפניכם עומד אדם גדול משלמה.

33”איש אינו מדליק נר על־מנת להסתירו. אדם שמדליק נר שם אותו במרכז החדר, שיאיר לכל המבקרים.

34”עין האדם היא אור גופו; כשעינך בריאה, כל גופך מלא אור, אולם כשעינך חולה, כל גופך שרוי בחשכה. 35לכן היזהר שאורך הפנימי לא יחשך. 36אם גופך מלא אור ואין בו פינות חשוכות יזרחו גם פניך, כאילו הן מוצפות אור חזק.“

37‏-38כשסיים ישוע לדבר, פרוש אחד הזמין אותו לאכול בביתו. בבואו אל הבית התיישב ישוע ליד השולחן מבלי ליטול ידיים לפני הארוחה כמקובל. התנהגותו הפליאה מאוד את הפרוש.

39לכן אמר לו ישוע: ”אתם, הפרושים, מטהרים רק מה שבחוץ בעוד שבתוככם אתם מסריחים מרוב מעשים רעים ורדיפת־בצע. 40כסילים שכמותכם! האם האלוהים אשר ברא את הצד החיצוני לא ברא גם את הצד הפנימי? 41אם תתנו צדקה לנזקקים מהלב, אז תטהרו את לבכם.

42”אוי לכם הפרושים! אתם אומנם מקפידים לשלם מעשר מכל הכנסה, ולו גם הקטנה ביותר, אבל אתם מזניחים לחלוטין את הצדק ואת אהבת האלוהים. ודאי שעליכם לשלם מעשר, אבל לא על חשבון חובותיכם האחרים!

43”אוי לכם הפרושים, כי אתם מחפשים כבוד אצל בני־אדם. אתם אוהבים לשבת במקומות הנכבדים בבית־הכנסת, ואתם גם אוהבים שישאלו לשלומכם בשווקים ויחלקו לכם כבוד.

44”אוי לכם הפרושים, כי אתם דומים לקברים נסתרים בשדה – אנשים רבים דורכים על השחיתות שלכם בלי שידעו על קיומה!“

45אחד מחכמי־התורה הגיב על דברי ישוע: ”רבי, בדבריך אלו אתה מעליב גם אותנו.“ 46”נכון,“ השיב ישוע, ”אוי ואבוי גם לכם, חכמי־התורה, כי אתם כופים על בני־האדם דרישות ומצוות שאין הם יכולים לשאת, בעוד שאתם בעצמכם אינכם נוגעים במשאות ולא מרימים אצבע. 47אוי ואבוי לכם! אתם בונים מצבות לנביאים. אתם מתנהגים ממש כמו אבותיכם שהרגו את הנביאים. 48הם הרגו אותם ואתם בונים את קברותיהם, וכך שותפים למעשיהם.

49”אתם יודעים מהי חוכמת אלוהים לגביכם? ’אשלח אליכם נביאים ושליחים, אבל את חלקם תהרגו ואת האחרים תבריחו‘. 50משום כך אתם, אנשי הדור הזה, תהיו חייבים לתת את הדין על שפיכת דמם של כל עבדי האלוהים מבריאת־העולם – 51מרצח הבל ועד רצח זכריה שנהרג בחצר בית־המקדש. אני אומר לכם שאלוהים יטיל עליכם את האחריות למותם.

52”אוי ואבוי לכם, חכמי התורה, כי אתם לוקחים את מפתח הדעת מן האנשים. לא די שבעצמכם אינכם מאמינים באמת, אתם גם מונעים מאחרים את האפשרות להאמין בה.“

53‏-54הפרושים והסופרים רתחו מכעס ומאותו יום ואילך הפנו עליו שאלות קשות ומכשילות, בתקווה שייכשל בלשונו ויוכלו לאסור אותו.

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 11:1-54

Ang Turo Tungkol sa Panalangin

(Mat. 6:9-13; 7:7-11)

1Minsan ay nananalangin si Jesus sa isang lugar. Pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa kanya ng isa sa mga tagasunod niya, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa mga tagasunod niya.”

2Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag nananalangin kayo, ganito ang sabihin ninyo:

‘Ama, sambahin nawa kayo ng mga tao.11:2 sambahin … mga tao: sa literal, sambahin ang pangalan mo.

Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari.

3Bigyan nʼyo po kami ng makakain sa araw-araw.

4At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan,

dahil pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin.

At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.’ ”

5Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Halimbawa, pumunta kayo sa kaibigan ninyo isang hatinggabi at sinabi sa kanya, ‘Kaibigan, pahiram naman diyan ng tatlong tinapay, 6dahil dumating ang isang kaibigan ko na galing sa paglalakbay at wala akong maihain sa kanya.’ 7Sasagot ang kaibigan mo mula sa loob ng bahay, ‘Huwag mo na akong istorbohin. Sarado na ang pinto at nakahiga na kami ng mga anak ko. Hindi na ako makakabangon pa para bigyan ka ng kailangan mo.’ 8Ang totoo, kahit ayaw niyang bumangon at magbigay sa inyo sa kabila ng inyong pagkakaibigan, babangon din siya at magbibigay ng kailangan ninyo dahil sa inyong pagpupumilit. 9Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo sa Dios, at bibigyan niya kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang inyong hinahanap, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo. 10Sapagkat ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan. 11Kayong mga magulang,11:11 magulang: sa literal, ama. kung ang anak nʼyo ay humihingi ng isda, ahas ba ang ibibigay ninyo? 12At kung humihingi siya ng itlog, alakdan ba ang ibibigay ninyo? 13Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya.”

Si Jesus at si Satanas

(Mat. 12:22-30; Mar. 3:20-27)

14Minsan, pinalayas ni Jesus ang isang masamang espiritu na sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki. Nang lumabas na ang masamang espiritu, nakapagsalita ang lalaki. Namangha ang mga tao. 15Pero may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Satanas11:15 Satanas: sa Griego, Beelzebul. Ganito rin sa talatang 18. na pinuno ng masasamang espiritu ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu!” 16Ang iba naman ay gustong subukin si Jesus, kaya hiniling nilang magpakita siya ng himala mula sa Dios11:16 mula sa Dios: Sa literal, mula sa langit. bilang patunay na sugo siya ng Dios. 17Pero alam niya ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, “Kung ang mga mamamayan ng isang kaharian ay nagkakawatak-watak at nag-aaway-away, mawawasak ang kahariang iyon. Ganoon din ang mangyayari sa isang tahanang ang nakatira ay nag-aaway-away. 18Kaya kung si Satanas at ang mga kampon niya ay nagkakahati-hati at nag-aaway-away, paano mananatili ang kaharian niya? Tinatanong ko ito sa inyo dahil sinasabi ninyo na nagpapalayas ako ng masasamang espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Satanas.11:18 Tingnan ang “footnote” sa talatang 15. 19Kung si Satanas nga ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu, sino naman ang nagbigay sa mga tagasunod ninyo ng kapangyarihang makapagpalayas din ng masasamang espiritu? Sila na rin ang makakapagpatunay na mali kayo. 20Ngayon, kung nagpapalayas ako ng masasamang espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, nangangahulugan ito na dumating na sa inyo ang paghahari ng Dios.

21“Kung ang isang taong malakas at armado ang nagbabantay sa kanyang bahay, ligtas ang mga ari-arian niya. 22Pero kapag sinalakay siya ng isang taong mas malakas kaysa sa kanya, matatalo siya, at kukunin nito ang mga armas na inaasahan niya at ipapamahagi ang mga ari-arian niya.

23“Ang hindi kumakampi sa akin ay laban sa akin, at ang hindi tumutulong sa pagtitipon ko ay nagkakalat.”

Ang Pagbabalik ng Masamang Espiritu

(Mat. 12:43-45)

24“Kapag lumabas ang masamang espiritu sa tao, gumagala ito sa mga tuyong lugar para maghanap ng mapagpapahingahan. At kung wala siyang matagpuan ay iisipin na lang niyang bumalik sa kanyang pinanggalingan. 25Kung sa pagbabalik niya ay makita niyang malinis at maayos ang lahat, 26aalis siya at tatawag ng pito pang espiritu na mas masama kaysa sa kanya. Papasok sila sa taong iyon at doon maninirahan. Kaya lalo pang sasama ang kalagayan ng taong iyon kaysa sa dati.”

Ang Tunay na Mapalad

27Nagsasalita pa si Jesus nang biglang sumigaw ang isang babae sa gitna ng karamihan, “Mapalad ang babaeng nagsilang at nagpasuso sa inyo!” 28Pero sumagot si Jesus, “Higit na mapalad ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Dios.”

Humingi ng Himala ang mga Tao

(Mat. 12:38-42)

29Nang lalo pang dumarami ang mga tao, sinabi ni Jesus, “Napakasama ng henerasyong ito. Humihingi sila ng himala, pero walang ipapakita sa kanila maliban sa himalang katulad ng nangyari kay Jonas. 30Kung paanong naging palatandaan si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ako na Anak ng Tao sa henerasyong ito. 31Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo11:31 tatayo: o, muling mabubuhay. ang Reyna ng Timog11:31 Reyna ng Timog Siya ang reyna ng Sheba ayon sa 1 Hari 10. at ipapamukha sa henerasyong ito ang kanilang kasalanan. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar upang makinig sa karunungan ni Solomon. At ngayon, narito ang isang nakahihigit pa kay Solomon, pero ayaw ninyong makinig sa kanya. 32Maging ang mga taga-Nineve ay tatayo rin at hahatulan ang henerasyong ito, dahil nagsisi sila nang mangaral sa kanila si Jonas. At ngayon, narito ang isang nakahihigit pa kay Jonas, na nangangaral sa inyo, pero ayaw ninyong magsisi.”

Ang Ilaw ng Katawan

(Mat. 5:15; 6:22-23)

33“Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay itatago o tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay. 34Ang mata ang nagsisilbing ilaw ng katawan. Kung malinaw ang mata mo, maliliwanagan ang buo mong katawan. Pero kung malabo ang mata mo, madidiliman ang buo mong katawan. 35Kaya tiyakin mong naliwanagan ka, dahil baka ang liwanag na inaakala mong nasa sa iyo ay kadiliman pala. 36Kung naliwanagan ang buo mong katawan, at walang bahaging nadiliman, magiging maliwanag ang lahat, na parang may ilaw na lumiliwanag sa iyo.”

Tinuligsa ni Jesus ang mga Pariseo at mga Tagapagturo ng Kautusan

(Mat. 23:1-36; Mar. 12:38-40)

37Pagkatapos magsalita ni Jesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa kanila. Kaya pumunta si Jesus at kumain. 38Nagtaka ang Pariseo nang makita niyang hindi muna naghugas ng kamay si Jesus bago kumain ayon sa seremonya ng mga Judio. 39Kaya sinabi sa kanya ni Jesus, “Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, pero ang loob ninyoʼy punong-puno ng kasakiman at kasamaan. 40Mga mangmang! Hindi baʼt ang Dios na gumawa ng labas, ang siya ring gumawa ng loob? 41Para maging malinis kayo, kaawaan ninyo ang mga mahihirap at tulungan nʼyo sila sa kanilang pangangailangan.

42“Nakakaawa kayong mga Pariseo! Ibinibigay nga ninyo ang ikapu11:42 ikapu: sa Ingles, “tenth o tithe.” ng mga pampalasa11:42 pampalasa: Ang dalawang salitang ginamit sa Griego ay tumutukoy sa dalawang uri ng tanim na pampalasa sa pagkain. at mga gulay ninyo, pero kinakaligtaan naman ninyo ang makatarungan na pakikitungo sa kapwa at ang pag-ibig sa Dios. Magbigay kayo ng mga ikapu ninyo, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mas mahalagang bagay.

43“Nakakaawa kayong mga Pariseo! Mahilig kayong umupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan. At gustong-gusto ninyong batiin kayo at igalang sa matataong lugar. 44Nakakaawa kayo! Sapagkat para kayong mga libingang walang palatandaan at nilalakaran lamang ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”

45Sinagot si Jesus ng isa sa mga tagapagturo ng Kautusan, “Guro, pati kami ay iniinsulto mo sa sinabi mong iyan.” 46Sumagot si Jesus, “Nakakaawa rin kayong mga tagapagturo ng Kautusan! Sapagkat pinapahirapan ninyo ang mga tao sa inyong mahihirap na kautusan, pero kayo mismo ay hindi sumusunod sa mga ito. 47Nakakaawa kayo! Pinapaayos ninyo ang mga libingan ng mga propetang pinatay ng inyong mga ninuno. 48Kaya kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa ginawa nila. Sapagkat pinatay nila ang mga propeta, at kayo naman ang nagpapaayos ng mga libingan nila. 49Kaya ito ang sinabi ng Dios ayon sa karunungan niya, ‘Magpapadala ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; papatayin nila ang ilan sa mga ito at uusigin ang iba.’ 50Kaya mananagot ang henerasyong ito sa pagkamatay ng mga propeta ng Dios mula nang likhain ang mundo – 51mula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng altar11:51 altar: Ang pinagsusunugan ng mga handog sa Dios. at ng templo. Oo, tinitiyak ko sa inyo na parurusahan ang henerasyong ito dahil sa ginawa nila.

52“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan! Sapagkat kinuha nʼyo sa mga tao ang susi sa pag-unawa ng katotohanan. Ayaw na nga ninyong sumunod sa katotohanan, hinahadlangan pa ninyo ang mga gustong sumunod.”

53Umalis si Jesus sa bahay na iyon. At mula noon, matindi na ang pambabatikos sa kanya ng mga Pariseo at tagapagturo ng Kautusan. Pinagtatanong siya tungkol sa maraming bagay, 54upang siya ay mahuli nila sa kanyang pananalita.