אגרת פולוס השנייה אל-הקורנתים 7 – HHH & TCB

Habrit Hakhadasha/Haderekh

אגרת פולוס השנייה אל-הקורנתים 7:1-16

1ידידים יקרים, הואיל ויש לנו הבטחות נפלאות כאלה, הבה נטהר את עצמנו מכל טומאה רוחנית וגופנית. הבה נחיה ביראת אלוהים ונקדיש לו את עצמנו. 2אנא, פתחו לנו את לבכם. הרי לא פגענו באיש, לא רימינו ולא ניצלנו איש מכם. 3איני אומר זאת כדי להרשיע אתכם, שהרי כבר אמרתי שאתם כה יקרים לי, עד כי אחיה ואמות עמכם. 4יש לי ביטחון רב בכם, ואני גאה בכם מאוד. עודדתם ושימחתם אותי למרות סבלי וצרותי.

5בהגיענו למקדוניה, לא מצאנו מנוחה לגופנו. הצרות הקיפונו מכל עבר: מריבות מבחוץ וחרדה מבפנים. 6אך אלוהים המעודד את הנדכאים ניחם אותנו בבואו של טיטוס. 7לא רק נוכחותו שימחה אותנו, אלא גם החדשות על שעזרתם לו ועודדתם אותו. הוא סיפר לנו על געגועיכם אלי, על השתתפותכם בסבלי, על נאמנותכם ואהבתכם אלי. חדשות אלה ממלאות אותי שמחה רבה.

8גם אם העצבתי אתכם במכתבי האחרון, איני מתחרט על כך. האמת היא שבתחילה הצטערתי מאוד, כי ידעתי שיכאיב לכם, אך הוא הכאיב לכם לזמן קצר בלבד. 9עתה אני שמח, לא בגלל שהכאיב לכם, אלא בגלל שהכאב הביא אתכם לידי תשובה. שכן נעצבתם ברצון אלוהים, ואנו לא גרמנו לכם כל נזק. 10עצב הבא עלינו ברצון אלוהים מביא אותנו לידי תשובה וישועה, ואיש אינו מתחרט על כך. לעומת זאת, עצב הבא על הלא־מאמינים אינו מביא לידי תשובה, אלא למוות.

11ראו מה עורר בכם העצב מאלוהים: נמלאתם חריצות וחפצתם להיפטר מהחטא שעליו כתבתי לכם. נבהלתם ממה שקרה והשתוקקתם שאבוא לעזרתכם. מיד נקטתם צעדים לפתור את הבעיה (והענשתם את החוטא). בכל מעשיכם הוכחתם שבעניין ההוא אין בכם דופי.

12לא כתבתי את המכתב למען האדם שחטא, ואף לא למען זה שנפגע מהחטא; כתבתי כדי שאלוהים יראה לכם באיזו מידה אתם אוהבים אותנו. 13מלבד נחמתנו מאהבתכם, שמחנו במיוחד בשמחתו של טיטוס, שכן קיבלתם אותו בחמימות וגרמתם לנו נחת רוח. 14התגאיתי בכם לפניו, ואני שמח שלא אכזבתם אותי. הלא תמיד דיברתי אליכם אמת, ואף הפעם התפארותי הוכחה כאמת. 15טיטוס אוהב אתכם יותר מתמיד בזכרו כיצד הקשבתם לו בדריכות, וקיבלתם אותו ביראה ובחרדה. 16מה שמח אני על ששוב אני יכול לסמוך עליכם ולבטוח בכם בכל דבר.

Tagalog Contemporary Bible

2 Corinto 7:1-16

1Mga minamahal, dahil sa mga ipinangako ng Dios sa atin, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Dios.

Ang Kagalakan ni Pablo

2Tanggapin ninyo kami sa inyong mga puso. Wala kaming ginawang masama kahit kanino. Hindi namin siniraan o dinaya ang sinuman. 3Hindi ko sinasabi ito para ipahiya kayo. Gaya ng sinabi ko noong una, mahal na mahal namin kayo at handa kaming mabuhay o mamatay na kasama ninyo. 4Malaki ang tiwala ko sa inyo, at ipinagmamalaki ko kayo! Labis ninyong pinalakas ang aming loob at nag-uumapaw sa aming puso ang kagalakan sa kabila ng lahat ng aming mga paghihirap.

5Nang dumating kami sa Macedonia, wala rin kaming pahinga, dahil kahit saan ay nagdalamhati kami. Sa paligid ay nariyan ang mga kumokontra sa amin, at sa loob naman namin ay may pag-aalala para sa mga mananampalataya. 6Ngunit pinalakas ng Dios ang aming loob nang dumating si Tito. Tunay na pinalalakas niya ang loob ng mga nalulumbay. 7At hindi lang ang pagdating ni Tito ang nagpalakas ng aming loob, kundi maging ang balita na pinalakas din ninyo ang loob niya. Ibinalita niya ang pananabik ninyo sa amin, ang inyong panaghoy sa mga pangyayari, at ang katapatan7:7 katapatan: o, pagmamalasakit. ninyo sa akin. Dahil dito, lalo akong natuwa!

8Kahit na nagdulot sa inyo ng kalungkutan ang aking sulat, hindi ko ito pinagsisisihan. Nagsisi ako noong una dahil nakita kong pinalungkot kayo ng aking sulat, ngunit sandali lamang. 9Ngunit masaya ako ngayon, hindi dahil malungkot kayo, kundi dahil naging paraan iyon para magsisi kayo. At iyan nga ang nais ng Dios na mangyari, kaya hindi nakasama sa inyo ang aking mga sinulat. 10Sapagkat ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Dios ay nagdadala sa atin sa pagsisisi, at nagdudulot ng kaligtasan. Hindi pinagsisihan ang ganitong kalungkutan. Ngunit ang kalungkutan ng mga taong makamundo ay nagdadala sa kanila sa kamatayan. 11Tingnan ninyo ang idinulot ng kalungkutang ayon sa kalooban ng Dios! Naging masigasig kayong patunayan na wala kayong kasalanan tungkol sa mga bagay na sinasabi ko sa inyo. Nagalit kayo sa gumawa ng kasalanang iyon, at natakot sa maaaring idulot nito. Naging masigasig kayong maibalik ang dati nating samahan. Pinarusahan ninyo ang nagkasala, at pinatunayan ninyo sa lahat ng paraan na wala kayong kinalaman sa kasalanang iyon.

12Ang dahilan ng pagsulat ko ay hindi para tuligsain ang nagkasala o ipagtanggol ang ginawan niya ng kasalanan, kundi para maipakita ninyo sa presensya ng Dios kung gaano kayo katapat sa amin. 13At dahil dito, pinalakas ninyo ang aming loob.

At lalo pa kaming sumigla nang makita naming masaya si Tito dahil sa kasiyahang naranasan niya sa inyong piling. 14Ipinagmalaki ko kayo sa kanya, at napatunayan niyang totoo ang sinabi ko sa kanya tungkol sa inyo, kaya hindi ako napahiya. 15At sa tuwing naaalala ni Tito ang inyong pagkamasunurin at ang inyong pagtanggap at paggalang, lalo kayong napapamahal sa kanya. 16At masaya naman ako dahil mapagkakatiwalaan ko kayo nang lubos.