Habrit Hakhadasha/Haderekh

מעשי השליחים 13:1-52

1אלה האנשים שנמנו עם המורים והנביאים בקהילת אנטיוכיה: בר־נבא, שמעון (המכונה ”כושי“), לוקיוס (מקוריניה), מנחם (אחיו החורג של הורדוס) ושאול (פולוס). 2יום אחד בשעה שהתפללו לאלוהים וצמו, אמר להם רוח הקודש: ”הקדישו לי את בר־נבא ואת שאול לביצוע משימה מיוחדת!“ 3הם הוסיפו להתפלל ולצום, ולאחר מכן סמכו את ידיהם על ראשיהם של שאול ובר־נבא, ברכו אותם ושלחו אותם לדרכם.

4בהדרכת רוח הקודש ירדו השניים לסלוקיא, ומשם הפליגו לקפריסין. 5הם עגנו בעיר סלמיס, ובישרו את דבר אלוהים בבתי־הכנסת (יוחנן מרקוס היה העוזר שלהם).

6לאחר מכן המשיכו לבשר בכל רחבי האי, עד שהגיעו לעיר פפוס. בעיר זאת פגשו יהודי אחד, בר־ישוע שמו, שהיה נביא שקר ועסק בכישוף.

7בר־ישוע היה ידיד למושל המקומי, סרגיוס פולוס. המושל, שהיה אדם נבון מאוד, הזמין את בר־נבא ופולוס לבקר אותו, משום שרצה לשמוע מפיהם את דבר האלוהים. 8אולם המכשף הזה, שנקרא ”אלימס“, לא רצה שהמושל יגיע לאמונה, ולכן התערב בשיחה ודרש מהמושל לא לשים לב לדבריהם של שאול ובר־נבא.

9אך שאול (הנקרא גם ”פולוס“), אשר היה מלא ברוח הקודש, הביט בנביא השקר וקרא: 10”בן בלייעל שכמוך! אתה מלא מרמה ופשע, ואויב מושבע של כל דבר טוב! האם לעולם לא תפסיק לסלף את דרכי האלוהים הישרים? 11עתה שים לב כיצד יעניש אותך אלוהים: תוכה בעיוורון זמני, ולא תראה את אור השמש.“

באותו רגע כיסה ערפל את עיניו, והוא החל לגשש סביבו ולחפש מישהו שיוביל אותו בידו. 12כשראה המושל את הנעשה, האמין באדון והשתומם על הכוח העצום של בשורת האלוהים.

13פולוס ומלוויו עזבו את פפוס, והפליגו בספינה לעיר פרגי שבמדינת פמפוליה. יוחנן מרקוס עזב אותם שם וחזר לירושלים, 14ואילו פולוס ובר־נבא המשיכו לאנטיוכיה אשר בפיסידיה.

בשבת הלכו השניים לבית־הכנסת וישבו בין המתפללים. 15לאחר קריאת פרשת השבוע מן התורה, וההפטרה מהנביאים, שלחו אליהם ראשי בית־הכנסת הודעה: ”אחים, אם יש לכם דבר עידוד והדרכה בשבילנו, אתם מוזמנים לדבר!“

16פולוס קם על רגליו, סימן לקהל שהוא עומד לדבר, ואמר: ”אנשי ישראל, וכל הבוטחים בה׳ והמכבדים אותו, הרשו לי לפתוח בסקירה היסטורית קצרה. 17אלוהי העם הזה – אלוהי ישראל – בחר באבותינו וברך אותם מאוד בתקופת שהותם במצרים. ביד חזקה ובזרוע נטויה הוא הוציא אותם מעבדות לחירות, 18וטיפל בהם במשך ארבעים שנות נדודיהם במדבר. 19לאחר שהשמיד שבעה עמים בארץ כנען, הוא נתן לעם ישראל את הארץ לנחלה. כל זה ארך כ־450 שנה.

20”לאחר מכן מינה עליהם אלוהים שופטים עד ימיו של שמואל הנביא.

21”בימיו של שמואל ביקש העם מלך, וה׳ נתן לו את שאול בן־קיש משבט בנימין, שמלך ארבעים שנה. 22אולם ה׳ הוריד אותו מכסא מלכותו, והמליך תחתיו את דוד המלך, זה שה׳ אמר עליו: ’דוד בן־ישי הוא איש כלבבי, והוא יעשה את רצוני‘. 23ומזרעו של דוד הקים ה׳ לישראל את המושיע המובטח, את ישוע המשיח!

24”עוד לפני בואו של ישוע קרא יוחנן לעם ישראל לשוב מחטאיו, לפנות אל ה׳ ולהיטבל במים. 25כשסיים יוחנן את תפקידו, שאל את העם: ’האם אתם חושבים שאני המשיח? לא, אינני המשיח! אבל הוא עומד לבוא, ואיני ראוי אף להתיר את שרוכי נעליו!‘

26”אחי בני אברהם, ואחי הגויים היראים את האלוהים: ישועה זאת נועדה לכולנו! 27תושבי ירושלים ומנהיגיהם לא הכירו את המשיח, ולא הבינו את דברי הנביאים אשר נקראו מדי שבת בבית־הכנסת. אף־על־פי־כן, כשהרגו אותו הם קיימו למעשה את דברי הנביאים. 28למרות שלא הייתה להם כל סיבה מוצדקת להוציא את ישוע להורג, דרשו מפילטוס לצלוב אותו. 29לאחר שקיימו את כל הנבואות הקשורות במותו, בלי שידעו זאת, הורידו אותו מעל הצלב וקברוהו.

30”אולם אלוהים הקים את ישוע מן המתים, 31ובימים שלאחר מכן הוא נראה פעמים רבות לעיני האנשים שליוו אותו מן הגליל לירושלים. מאז ועד היום לא פסקו האנשים האלה להעיד על כך בפומבי.

32”בר־נבא ואני מבשרים לכם עתה את הבשורה הטובה הזאת: את אשר הבטיח אלוהים לאבותינו, 33הוא הגשים לנו, צאציהם, על ידי תקומת ישוע. לכך מתכוון המזמור השני בתהלים: ’בני אתה, אני היום ילדתיך‘.

34”אלוהים הבטיח להחזירו לחיים, כדי שלא ימות עוד לעולם. אלוהים ייתן לכם את הבטחותיו הנפלאים לדוד כמו שכתוב בישעיה.13‏.34 יג 34 ישעיה נה 3 35במזמור טז כתוב: ’לא תיתן חסידך לראות שחת‘. 36פסוק זה אינו מתייחס לדוד, שהרי לאחר שדוד שרת את בני דורו לפי רצון ה׳, הוא מת, נקבר וגופו נרקב. 37פסוק זה מתייחס למישהו אחר – למישהו שאלוהים החזירו לחיים ושגופו כלל לא ניזוק מריקבון המוות.

38”אחים, הקשיבו! באמצעות ישוע זה אתם יכולים לקבל סליחת חטאים. 39כל מי שמאמין ובוטח בו משתחרר מכל אשמה, ואלוהים מצדיק אותו. התורה מעולם לא יכלה לשחרר אתכם מחטא ולהצדיקכם בעיני אלוהים. 40היזהרו! אל תתנו לדברי הנביאים להתגשם בכם:

41’ראו בוגדים והביטו,

והתמהו תמהו,

כי פֹעַל פֹּעֵל בימיכם,

לא תאמינו כי יסופר‘.13‏.41 יג 41 חבקוק א 5

”כלומר, ראו והתפלאו, אתם הבזים לאמת! כי אלוהים עומד לעשות משהו בימיכם, אשר לא תאמינו בו כשיספרו לכם על כך.“

42כשיצאו פולוס ובר־נבא מבית־הכנסת, הזמינו אותם האנשים לשוב ולדבר אליהם בשבת הבאה. 43בתום האסיפה בבית־הכנסת הלכו אחרי פולוס ובר־נבא הרבה יהודים וגויים יראי אלוהים. השניים שוחחו איתם ועודדו אותם לבטוח בחסדו של אלוהים.

44בשבת שלאחר מכן התקהלה כמעט כל העיר בבית־הכנסת, כדי לשמוע את דבר ה׳ מפי פולוס ובר־נבא. 45אולם כשראו מנהיגי היהודים את ההמון, נמלאו קנאה והכחישו את דבריו של פולוס בקללות ובגידופים.

46אך פולוס ובר־נבא דיברו באומץ והצהירו: ”הרגשנו שמחובתנו לבשר את דבר ה׳ קודם כל לכם – היהודים, אולם מכיוון שדחיתם אותו והוכחתם שאינכם ראויים לחיי נצח, נציע אותו לגויים! 47כי כך ציווה עלינו אלוהים:13‏.47 יג 47 ישעיהו מט 6

’ונתתיך לאור גוים,

להיות ישועתי עד קצה הארץ‘. “

48הגויים שמחו מאוד לשמוע את בשורת ה׳ מפי פולוס, וכל מי שנבחר לחיי נצח האמין. 49וכך התפשט דבר ה׳ בכל הארץ.

50אולם מנהיגי היהודים קוממו את הנשים המכובדות ואצילות נגד פולוס ובר־נבא. הם עוררו את ההמון לרדוף את פולוס ובר־נבא ולגרשם מן העיר. 51השניים ניערו את אבק העיר מעל רגליהם והלכו לעיר איקניון, 52ותלמידיהם באנטיוכיה נמלאו שמחה ורוח הקודש.

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 13:1-52

Ipinadala sina Bernabe at Saulo ng Banal na Espiritu

1Doon sa Antioc ay may mga propeta at mga tagapagturo na miyembro ng iglesya. Silaʼy sina Bernabe, Simeon na tinatawag na Negro, Lucius na taga-Cyrene, Manaen na kababata13:1 kababata: o, lumaki sa sambahayan. ni Gobernador Herodes, at si Saulo. 2Habang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanila, “Italaga ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo, dahil may ipapagawa ako sa kanila.” 3Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, pinatungan nila sina Bernabe at Saulo ng kanilang mga kamay at pinaalis na sila.

Ang Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero

4Kaya pumunta sina Bernabe at Saulo sa Seleucia ayon sa sinabi ng Banal na Espiritu. Mula roon, naglayag sila patungo sa isla ng Cyprus. 5Pagdating nila roon sa bayan ng Salamis, nangaral sila ng salita ng Dios sa mga sambahan ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan Marcos at tumutulong siya sa kanilang gawain. 6Inikot nila ang buong isla hanggang sa nakarating sila sa bayan ng Pafos. May nakita sila roon na isang Judiong salamangkero na nagkukunwaring propeta ng Dios. Ang pangalan niya ay Bar Jesus. 7Kaibigan siya ni Sergius Paulus, ang matalinong gobernador ng islang iyon. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo dahil gusto niyang makinig ng salita ng Dios. 8Pero hinadlangan sila ng salamangkerong si Elimas. (Ito ang pangalan ni Bar Jesus sa wikang Griego.) Ginawa niya ang lahat ng paraan para huwag sumampalataya ang gobernador kay Jesus. 9Pero si Saulo na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu, at tinitigan niyang mabuti si Elimas, at sinabi, 10“Anak ka ng diyablo! Kalaban ka ng lahat ng mabuti! Panay pandaraya at panloloko ang ginagawa mo. Lagi mo na lang binabaligtad ang mga tamang pamamaraan ng Panginoon. 11Parurusahan ka ngayon ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi makakakita sa loob ng ilang araw.” Dumilim kaagad ang paningin ni Elimas at nabulag siya. Pakapa-kapa siyang nanghagilap ng taong aakay sa kanya. 12Nang makita ng gobernador ang nangyari kay Elimas, sumampalataya siya, at namangha sa mga katuruan tungkol sa Panginoon.

Nangaral si Pablo sa Antioc ng Pisidia

13Umalis sina Pablo sa Pafos at bumiyahe papuntang Perga na sakop ng Pamfilia. Pagdating nila roon, iniwan sila ni Juan Marcos, at bumalik siya sa Jerusalem. 14Sina Pablo ay tumuloy sa Antioc na sakop ng Pisidia. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta sila sa sambahan ng mga Judio at naupo roon. 15May nagbasa mula sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta. Pagkatapos, nag-utos ang namumuno sa sambahan na sabihin ito kina Pablo: “Mga kapatid, kung may sasabihin kayo na makapagpapalakas-loob sa mga tao, sabihin ninyo.” 16Kaya tumayo si Pablo, at sinenyasan niya ang mga tao na makinig sa kanya. Sinabi niya, “Mga kapwa kong mga Israelita, at kayong mga hindi Israelita na sumasamba rin sa Dios, makinig kayo sa akin! 17Ang Dios na sinasamba nating mga Israelita ang siyang pumili sa ating mga ninuno. Pinadami niya sila noong nasa Egipto pa sila nakatira. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, tinulungan niya sila para makaalis sa Egipto. 18Sa loob ng 40 taon, pinagtiyagaan niya sila roon sa disyerto. 19Pagkatapos, nilipol niya ang pitong bansa sa Canaan, at ibinigay niya ang mga lupain ng mga ito sa ating mga ninuno. 20Ang lahat ng ito ay ginawa ng Dios sa loob ng 450 taon.

“Pagkatapos, binigyan niya sila ng mga taong namuno sa kanila hanggang sa panahon ni Propeta Samuel. 21Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Dios si Saul na anak ni Kish, na mula sa lahi ni Benjamin. Naghari si Saul sa loob ng 40 taon. 22Nang alisin ng Dios si Saul, ipinalit niya si David bilang hari. Ito ang sinabi ng Dios: ‘Nagustuhan ko si David na anak ni Jesse. Susundin niya ang lahat ng iuutos ko sa kanya.’ ”

23Sinabi pa ni Pablo sa mga tao, “Sa angkan ni David nagmula si Jesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Dios sa Israel. 24Bago pa magsimula si Jesus sa kanyang gawain, nangaral si Juan sa lahat ng Israelita na dapat nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at magpabautismo. 25At nang malapit nang matapos ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Marahil, iniisip ninyong ako na nga ang inyong hinihintay. Hindi ako iyon! Pinauna lang ako. Susunod siya sa akin, at sa katunayan hindi ako karapat-dapat man lang na maging alipin niya.’13:25 hindi ako … alipin niya: sa literal, hindi ako karapat-dapat na magkalag ng tali ng kanyang sandalyas.

26“Mga kapatid, na mula sa lahi ni Abraham at mga hindi Judio na sumasamba rin sa Dios, tayo ang pinadalhan ng Dios ng Magandang Balita tungkol sa kaligtasan. 27Pero ang mga Judiong nakatira sa Jerusalem at ang kanilang mga pinuno ay hindi kumilala kay Jesus bilang Tagapagligtas. Hindi rin nila nauunawaan ang sinasabi ng mga propeta na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Pero sila na rin ang tumupad sa mga ipinahayag ng mga propeta nang hatulan nila si Jesus ng kamatayan. 28Kahit wala silang matibay na ebidensya para patayin siya, hiniling pa rin nila kay Pilato na ipapatay si Jesus. 29Nang magawa na nila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan na mangyari kay Jesus, kinuha nila siya sa krus at inilibing. 30Pero muli siyang binuhay ng Dios. 31At sa loob ng maraming araw, nagpakita siya sa mga taong sumama sa kanya nang umalis siya sa Galilea papuntang Jerusalem. Ang mga taong iyon ang siya ring nangangaral ngayon sa mga Israelita tungkol kay Jesus. 32At narito kami ngayon upang ipahayag sa inyo ang Magandang Balita na ipinangako ng Dios sa ating mga ninuno, 33na tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo,

‘Ikaw ang aking anak, at ipapakita ko ngayon na ako ang iyong Ama.’13:33 Salmo 2:7.

34Ipinangako na noon pa ng Dios na bubuhayin niya si Jesus, at ang kanyang katawan ay hindi mabubulok, dahil sinabi niya,

‘Ang mga ipinangako ko kay David ay tutuparin ko sa iyo.’13:34 Isa. 55:3.

35At sinabi pa sa isa pang Salmo,

‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong tapat na lingkod.’13:35 Salmo 16:10.

36Hindi si David ang tinutukoy dito, dahil nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Dios na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok. 37Ngunit si Jesus na muling binuhay ng Dios ay hindi nabulok. 38-39Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Dios sa ating mga kasalanan. Ang sinumang sumasampalataya kay Jesus ay itinuturing ng Dios na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises. 40Kaya mag-ingat kayo para hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta,

41‘Kayong mga nangungutya, mamamangha kayo sa aking gagawin.

Mamamatay kayo dahil mayroon akong gagawin sa inyong kapanahunan, na hindi ninyo paniniwalaan kahit na may magsabi pa sa inyo.’ ”13:41 Hab. 1:5.

42Nang palabas na sina Pablo at Bernabe sa sambahan ng mga Judio, inimbitahan sila ng mga tao na muling magsalita tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga. 43Pagkatapos ng pagtitipon, maraming Judio at mga taong lumipat sa relihiyon ng mga Judio ang sumunod kina Pablo at Bernabe. Pinangaralan sila nina Pablo at Bernabe at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagtitiwala sa biyaya ng Dios.

Bumaling si Pablo sa mga Hindi Judio

44Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng naninirahan sa Antioc ay nagtipon sa sambahan ng mga Judio para makinig sa salita ng Panginoon. 45Nang makita ng mga pinuno ng mga Judio na maraming tao ang dumalo, nainggit sila. Sinalungat nila si Pablo at pinagsalitaan nang hindi maganda. 46Pero buong tapang silang sinagot nina Pablo at Bernabe, “Dapat sanaʼy sa inyo munang mga Judio ipapangaral ang salita ng Dios. Ngunit dahil tinanggihan ninyo ito, nangangahulugan lang na hindi kayo karapat-dapat bigyan ng buhay na walang hanggan. Kaya mula ngayon, sa mga hindi Judio na kami mangangaral ng Magandang Balita. 47Sapagkat ito ang utos ng Panginoon sa amin:

‘Ginawa kitang ilaw sa mga hindi Judio, upang sa pamamagitan mo ang kaligtasan ay makarating sa buong mundo.’ ”

48Nang marinig iyon ng mga hindi Judio, natuwa sila at kanilang sinabi, “Kahanga-hanga ang salita ng Panginoon.” At ang lahat ng itinalaga para sa buhay na walang hanggan ay naging mananampalataya.

49Kaya kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon. 50Pero sinulsulan ng mga pinuno ng mga Judio ang mga namumuno sa lungsod, pati na rin ang mga relihiyoso at mga kilalang babae, na kalabanin sina Pablo. Kaya inusig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lugar na iyon. 51Ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok sa kanilang mga paa bilang babala laban sa kanila. At tumuloy sila sa Iconium. 52Ang mga tagasunod ni Jesus doon sa Antioc ay puspos ng Banal na Espiritu at masayang-masaya.