Habrit Hakhadasha/Haderekh

הבשורה על-פי מתי 25:1-46

1”אז תידמה מלכות השמים לסיפור על עשר עלמות, אשר לקחו את המנורות שלהן ויצאו לקבל את פני החתן. 2‏-4אולם רק חמש מהן היו חכמות ומילאו את מנורותיהן מראש בשמן. חמש האחרות היו טיפשות ולא מילאו מראש את המנורות.

5‏-6”מכיוון שהחתן איחר לבוא, שכבו העלמות לנוח. בחצות הלילה הן התעוררו לקול תרועה: ’החתן בא! צאנה לקבל את פניו!‘

7‏-8”כל הבחורות קמו מיד והיטיבו את המנורות. אלה שלא היה להן שמן ביקשו מעט מחברותיהן, כי מנורותיהן דעכו.

9”אולם הבחורות החכמות ענו: ’אם ניתן לכן מעט שמן לא יישאר לנו מספיק. לכו לחנות לקנות לעצמכן‘.

10”אך בזמן שהן הלכו לקנות שמן בא החתן, ואלה שהיו מוכנות נכנסו איתו אל החתונה והדלת ננעלה.

11”כשחזרו האחרות מאוחר יותר, הן עמדו בחוץ וקראו: ’אדוננו, אדוננו, פתח לנו את הדלת!‘

12”אולם הוא השיב להן מבפנים: ’אינני מכיר אתכן!‘

13”משום כך היו ערים ומוכנים, כי אינכם יודעים באיזה יום ובאיזו שעה אחזור.“

14ישוע המשיך: ”אפשר לתאר את מלכות השמים בעזרת הסיפור על אדם שנסע לארץ רחוקה. לפני נסיעתו הוא קרא למשרתיו והפקיד בידם סכומי כסף, כדי שישקיעו אותם למענו בזמן העדרו. 15הוא נתן לאחד 50,000 שקלים, לשני – 20,000 שקלים ולשלישי – 10,000 שקלים. הוא חילק את הכסף בהתאם לכישרונו של כל אחד ויצא לדרכו. 16האיש שקיבל 50,000 שקלים החל מיד לקנות ולמכור, ותוך זמן קצר הרוויח עוד 50,000 שקלים. 17גם האיש שקיבל 20,000 שקלים ניגש מיד לעבודה והרוויח עוד 20,000 שקלים. 18אך האיש שקיבל 10,000 שקלים חפר בור באדמה והטמין בתוכו את הכסף.

19”לאחר זמן רב חזר האדון ממסעו, וביקש ממשרתיו לתת דין וחשבון על הכסף שהפקיד בידם. 20האיש שקיבל 50,000 שקלים החזיר לאדוניו 100,000 שקלים. 21האדון שיבח אותו על עבודתו הטובה ואמר: ’מאחר שהיית נאמן בסכום קטן, אתן לך עכשיו אחריות גדולה יותר. בוא והשתתף בשמחתי‘.

22”אחריו בא האיש שקיבל 20,000 שקלים והצהיר: ’אדוני, נתת לי 20,000 שקלים, ועכשיו אני מחזיר לך סכום כפול‘.

23” ’עבודה טובה‘, אמר לו האדון. ’אתה משרת טוב ונאמן. מאחר שהיית נאמן בסכום קטן, אתן לך עכשיו הרבה יותר!‘ 24‏-25לאחר מכן בא האיש שקיבל 10,000 שקלים ואמר: ’אדוני, ידעתי שאתה איש קשה, שמצליח לקצור במקום שלא זרעת ולאסוף במקום שלא פיזרת. משום כך פחדתי והסתרתי את הכסף באדמה – והנה הוא!‘

26”אך אדוניו השיב לו: ’רשע שכמוך, עבד עצלן! אם ידעת שאדרוש ממך את הרווח, 27מדוע לא הפקדת את הכסף בבנק? כך לפחות הייתי מקבל ריבית! 28קחו ממנו את הכסף, ותנו לאיש שיש לו כבר 100,000 29כי האיש שמנצל היטב את מה שנותנים לו – יינתן לו עוד ויהיה לו שפע רב. ואילו אדם בלתי־אחראי – גם מעט האחריות שניתנה לו תילקח ממנו. 30קחו עתה את המשרת הזה, שאין בו כל מועיל, והשליכוהו החוצה לחושך, שם יש בכי וחריקת שיניים‘.

31”אולם כשאני, המשיח,25‏.31 כה 31 כלשונו: ”בן־האדם“ (דניאל ז 13‏-14) אבוא בתפארתי עם כל המלאכים, אשב על כיסאי בכבוד רב. 32כל אומות העולם יתאספו לפני, ואני אפריד ביניהם כרועה המפריד בין הכבשים ובין העיזים. 33את הכבשים אעמיד לימיני ואת העיזים לשמאלי.

34”לאחר מכן אני, המלך, אומר לעומדים לימיני: ’בואו, ברוכי אבי, אל המלכות שהוכנה למענכם מאז היווסד העולם. 35כשהייתי רעב – האכלתם אותי. כשהייתי צמא – נתתם לי לשתות. כשהייתי אורח זר – הכנסתם אותי לביתכם. 36כשהייתי עירום – הלבשתם אותי. כשהייתי חולה או אסור בכלא – באתם לבקר אותי‘.

37”ואותם צדיקים יענו: ’אדוננו, מתי ראינו אותך רעב והאכלנו אותך, או צמא והשקינו אותך? 38או אורח זר ועזרנו לך? או עירום והלבשנו אותך? 39מתי ראינו אותך חולה או כלוא ובאנו לבקר אותך?‘

40”ואני, המלך, אענה: ’כשעשיתם אחד מן הדברים האלה לאחד מאחי הצעירים – כאילו עשיתם אותו לי‘. 41לאחר מכן אפנה אל העומדים לשמאלי ואומר להם: ’הסתלקו מכאן, ארורים, אל האש הנצחית שהוכנה לשטן והשדים! 42כי כשהייתי רעב לא האכלתם אותי, וכשהייתי צמא לא נתתם לי דבר לשתות. 43הייתי אורח זר, אולם לא הזמנתם אותי לביתכם. הייתי עירום, ולא הלבשתם אותי. הייתי חולה וכלוא, וכלל לא באתם לבקר אותי!‘

44”ואז הם יענו: ’אדון, מתי ראינו אותך רעב או צמא או זר או עירום או חולה או כלוא, ולא עזרנו לך?‘

45”ואני אענה: ’כאשר סירבתם לעזור לאחד מן האחים הצעירים האלה סירבתם לעזור לי‘.

46”והם ילכו משם לייסורי נצח, ואילו הצדיקים – לחיי נצח.“

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 25:1-46

Ang Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga

1“Ang paghahari ng Dios sa araw na iyon ay maitutulad sa kwentong ito: May sampung dalagang lumabas na may dalang ilawan upang salubungin ang lalaking ikakasal. 2Ang lima sa kanilaʼy mangmang, at ang limaʼy marurunong. 3Ang mga mangmang ay nagdala ng ilawan pero hindi nagdala ng reserbang langis, 4habang ang marurunong naman ay nagdala ng reserbang langis para sa kanilang mga ilawan. 5Natagalan ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya ang mga dalaga ay nakatulog sa paghihintay.

6“Nang hatinggabi na, biglang may sumigaw, ‘Nariyan na ang ikakasal! Halikayoʼt salubungin ninyo!’ 7Nagising ang sampung dalaga at inihanda ang kani-kanilang ilawan. 8Sinabi ng mga mangmang sa marurunong, ‘Pahingi naman ng kaunting langis; malapit na kasing mamatay ang mga ilawan namin.’ 9Sumagot sila, ‘Hindi pwede, dahil hindi magkakasya sa atin ang langis. Pumunta na lang kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo.’ 10Kaya umalis ang mga mangmang na dalaga para bumili ng kanilang langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay sumama sa kanya sa handaan. Pagpasok nila, isinara ang pintuan.

11“Maya-mayaʼy dumating na ang limang mangmang na dalaga at nagsisigaw, ‘Papasukin nʼyo po kami.’ 12Pero sumagot ang lalaki, ‘Hindi ko kayo kilala.’ ” 13At sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng aking pagbabalik.”

Ang Talinghaga tungkol sa Tatlong Alipin

(Luc. 19:11-27)

14Sinabi pa ni Jesus, “Ang paghahari ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang pera niya.25:14 pera: o, ari-arian. 15Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kanilang kakayahang magnegosyo. Binigyan niya ang isa ng 5,000, ang isa naman ay 2,000, at sa isa pa ay 1,000. Pagkatapos ay umalis na siya. 16Ang alipin na binigyan ng 5,000 ay kaagad na umalis at ginamit sa negosyo ang pera. At tumubo siya ng 5,000. 17Ganoon din ang ginawa ng alipin na binigyan ng 2,000. At tumubo siya ng 2,000. 18Pero ang alipin na binigyan ng 1,000 ay naghukay sa lupa at itinago roon ang pera.

19“Pagkalipas ng mahabang panahon, bumalik ang amo nila at ipinatawag sila upang magbalita tungkol sa perang ipinagkatiwala sa kanila. 20Lumapit ang alipin na nakatanggap ng 5,000 at sinabi, ‘Heto po ang 5,000 na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang 5,000 na tinubo ko.’ 21Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!’ 22Pagkatapos, lumapit naman ang alipin na binigyan ng 2,000 at sinabi niya, ‘Heto po ang 2,000 na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang 2,000 na tinubo ko.’ 23Sumagot ang kanyang amo: ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi rin sa aking kaligayahan!’ 24Lumapit din ang alipin na binigyan ng 1,000 at sinabi sa kanyang amo, ‘Alam ko pong mabagsik kayo at walang awa. Inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim, at kinukuha ninyo ang pinaghirapan ng iba. 25Natakot po ako kaya ibinaon ko ang pera nʼyo sa lupa. Heto po ang 1,000 na ibinigay nʼyo sa akin.’ 26Sumagot ang kanyang amo, ‘Masama at tamad na alipin! Alam mo palang inaani ko ang hindi ko itinanim, at kinukuha ko ang pinaghirapan ng iba. 27Bakit hindi mo na lang idineposito sa bangko ang pera ko para sa pagbalik ko ay may makuha akong interes?’ 28Kaya sinabi niya sa iba pang mga utusan, ‘Kunin ninyo sa kanya ang 1,000 at ibigay sa mayroong 10,000. 29Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa ng mas marami, ngunit ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa. 30Itapon ninyo ang walang silbing alipin na iyan sa kadiliman sa labas. Doon ay iiyak siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ ”

Ang Huling Paghuhukom

31“Kapag ako na Anak ng Tao ay dumating na bilang Hari,25:31 bilang Hari: o, taglay ang aking kaluwalhatian. kasama ang lahat ng anghel, uupo ako sa aking dakilang trono. 32Titipunin ko sa aking harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin ko sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing. 33Ang mga tupa, na walang iba kundi ang matutuwid, ay ilalagay ko sa aking kanan, at ang mga kambing, na walang iba kundi ang masasama, ay ilalagay ko sa aking kaliwa. 34Pagkatapos, bilang Hari ay sasabihin ko sa mga tao sa aking kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang mundo. 35Sapagkat nang nagutom ako ay pinakain ninyo ako, at nang nauhaw ako ay pinainom ninyo. Nang naging dayuhan ako ay pinatuloy ninyo ako sa inyong tahanan, 36at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo, at nang nasa kulungan ako ay binisita ninyo.’ 37Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? 38Kailan namin kayo nakitang naging dayuhan at aming pinatuloy o walang maisuot at aming binihisan? 39Kailan namin kayo nakitang may sakit o nasa kulungan at aming binisita?’ 40At sasagot ako bilang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, para na rin nʼyo itong ginawa sa akin.’

41“Pagkatapos, sasabihin ko naman sa mga tao sa aking kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa ng Dios! Doon kayo sa walang katapusang apoy na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. 42Sapagkat nang nagutom ako ay hindi nʼyo ako pinakain, at nang nauhaw ako ay hindi nʼyo pinainom. 43Nang naging dayuhan ako ay hindi nʼyo ako pinatuloy sa inyong tahanan, at nang wala akong maisuot ay hindi nʼyo binihisan. Nang may sakit ako at nasa kulungan ay hindi nʼyo ako inalagaan.’ 44Tatanungin nila ako, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, walang maisuot, may sakit o nasa kulungan at hindi namin kayo tinulungan?’ 45At sasagot ako bilang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang hindi ninyo tinulungan ang pinakahamak kong mga kapatid, ako ang hindi ninyo tinulungan.’ 46Itataboy ko ang mga taong ito sa walang hanggang kaparusahan, ngunit bibigyan ko ang mga matuwid ng buhay na walang hanggan.”