Habrit Hakhadasha/Haderekh

הבשורה על-פי לוקס 24:1-53

1ביום ראשון השכם בבוקר לקחו הנשים את המרקחת שהכינו והלכו אל הקבר. 2בהגיען אל המקום גילו כי האבן הגדולה שסתמה את פתח הקבר הוזזה ממקומה. 3הן נכנסו פנימה, אך לא מצאו את גופתו של האדון ישוע.

4הנשים היו במבוכה גדולה ולא הבינו מה קרה. לפתע נגלו אליהן שני אנשים לבושים גלימות מבריקות ונוצצות. 5בפחד רב השתחוו הנשים לפני השניים. ”מדוע אתן מחפשות את החי בין המתים?“ שאלו השניים. 6‏-7”הוא אינו נמצא כאן, הוא קם לתחייה! האם אינכן זוכרות שעוד בהיותו בגליל סיפר לכן שעל בן־האדם להימסר לידי אנשים רשעים, שיצלבו אותו, אבל ביום השלישי יקום לתחייה?“

8הנשים נזכרו בדברי ישוע 9ומיהרו לשוב העירה, כדי לספר את החדשות לאחד־עשר התלמידים ולכל השאר. 10(אלה הנשים שהלכו אל הקבר: מרים המגדלית, יוחנה, מרים אמו של יעקב ואחרות). 11אולם דברי הנשים נשמעו באוזניהם כסיפור דמיוני, והם לא האמינו להן. 12אך פטרוס קם ורץ אל הקבר. בהביטו פנימה ראה את התכריכים מונחים במקומם, אך הגופה לא הייתה שם. הוא לא הבין מה קרה ועזב את המקום.

13באותו יום הלכו שניים מתלמידיו של ישוע בדרך המובילה לעמאוס – כפר המרוחק כאחד עשר ק״מ מירושלים. 14בעודם משוחחים ביניהם על מות ישוע, 15הופיע לפתע ישוע עצמו ונלווה אליהם. 16אך השניים לא הכירוהו, כי עיניהם היו אחוזות.

17”על מה אתם משוחחים?“ שאל אותם ישוע. השניים נעצרו, וישוע ראה שפניהם הביעו צער וכאב. 18אחד מהשניים, קליופס שמו, השיב: ”אתה ודאי האדם היחיד בכל ירושלים שאינו יודע מה קרה בעיר בימים האחרונים.“

19”מה קרה בעיר?“ שאל ישוע.

”אנחנו מתכוונים לישוע מנצרת“, הסבירו השניים. ”ישוע היה נביא שחולל נסים ונפלאות, ומורה חכם בעיני אלוהים ובעיני העם. 20אבל ראשי הכוהנים ורבים ממנהיגנו אסרו אותו ומסרוהו לידי הרומאים, כדי שיגזרו עליו דין מוות, ואלה צלבו אותו. 21ואילו אנחנו חשבנו וקיווינו שהוא המשיח העתיד לגאול את עם־ישראל. כל מה שסיפרנו לך קרה לפני שלושה ימים, 22‏-23אך בזאת לא תם הסיפור! מספר נשים מקבוצתנו הלכו הבוקר אל הקבר, וכשחזרו היה בפיהן סיפור בלתי רגיל. הנשים סיפרו כי גופתו של ישוע נעלמה, וכי פגשו בקבר שני מלאכים שאמרו להן כי ישוע חי! 24כמה מאנשינו מיהרו אל הקבר כדי לבדוק את דברי הנשים, ונוכחו שהן צדקו; גופתו של ישוע באמת נעלמה.“

25”כסילים!“ קרא ישוע. ”האם כל־כך קשה לכם להאמין לדברי הנביאים בכתבי־הקודש? 26האם לא ניבאו הנביאים באופן ברור שהמשיח יסבול את העינויים הנוראים האלה, לפני שיתגלה כבודו והדרו?“ 27לאחר מכן הוא ציטט להם פסוקים מן התנ״ך והסביר להם את כל מה שנאמר עליו בכתובים, החל מבראשית וכלה בדברי הנביאים.

28בינתיים התקרבו השלושה לעמאוס – הכפר שאליו היו מועדות פניהם. ישוע נראה כעומד להמשיך בדרכו, 29אולם השניים הפצירו בו ללון בביתם, כי הייתה שעת ערב, וישוע נענה להזמנתם. 30כשהתיישבו לאכול ברך ישוע על הלחם, פרס אותו והגישו להם. 31לפתע כאילו נפקחו עיניהם, והם הכירו את ישוע. באותו רגע הוא נעלם מעיניהם.

32השניים החלו לספר זה לזה כיצד התרגשו בשעה שישוע דיבר אליהם וביאר להם את הכתוב בתנ״ך.

33בלי לאבד זמן קמו השניים וחזרו לירושלים, שם מצאו את אחד־עשר התלמידים ואחרים מתלמידי ישוע אשר קיבלו את פניהם בקריאה:

34”האדון באמת קם לתחייה! הוא נגלה לפטרוס!“

35השניים מעמאוס סיפרו כיצד נגלה ישוע גם אליהם כשהלכו בדרך, וכיצד הכירו אותו כשפרס את הלחם.

36בשעה שדיברו הופיע ישוע בחדר ואמר: ”שלום לכם!“ 37הופעתו הבהילה אותם, כי חשבו שרוח רפאים לפניהם!

38”מדוע נבהלתם?“ שאל ישוע. ”מדוע אינכם מאמינים שאני הוא העומד לפניכם? 39הביטו בידי! הביטו ברגלי! אתם יכולים לראות ללא ספק שאני הוא העומד לפניכם! געו בי והיווכחו שאינני רוח, שהרי לרוח אין בשר ועצמות כפי שיש לי!“ 40בשעה שדיבר הראה להם ישוע את נקבי המסמרים בידיו ואת הפצעים ברגליו.

41על אף שמחתם הרבה עדיין הטילו התלמידים ספק ולא האמינו. משום כך שאל אותם ישוע: ”האם יש לכם כאן משהו לאכול?“ 42הם הגישו לו חתיכת דג צלוי, 43וישוע אכל את הדג לנגד עיניהם.

44לאחר מכן אמר ישוע: ”האם אינכם זוכרים שעוד בהיותי אתכם סיפרתי לכם שכל מה שאמרו עלי משה, הנביאים ובתהלים חייב להתקיים?“ 45ישוע פתח את לבם כדי שסוף סוף יבינו את הכתובים, 46והוסיף: ”עוד לפני זמן רב נכתב שעל המשיח להתענות, למות ולקום לתחייה ביום השלישי. 47ועוד כתוב כי דבר אלוהים יצא אל כל העמים, החל מירושלים, וכי כל מי שיאמין בי ויחזור בתשובה יסלחו לו חטאיו. 48אתם עדים לקיום הנבואות האלה. 49עתה אני עומד לשלוח אליכם את אשר הבטיח אבי. הישארו כאן בירושלים עד שיבוא רוח הקודש וימלא אתכם בכוח ובגבורה מן השמים.“

50לאחר מכן הוא הוביל אותם אל בית־עניה, שם נשא את ידיו אל השמים וברך אותם. 51תוך כדי ברכתו נפרד מהם ישוע ועלה השמיימה.

52התלמידים השתחוו לו וחזרו לירושלים מלאי שמחה, 53ואת כל זמנם בילו בבית־המקדש כשהם מהללים ומברכים את האלוהים.

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 24:1-53

Muling Nabuhay si Jesus

(Mat. 28:1-10; Mar. 16:1-8; Juan 20:1-10)

1Madaling-araw ng Linggo, pumunta ang mga babae sa libingan dala ang mga pabangong inihanda nila. 2Nang dumating sila sa libingan, nakita nilang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan. 3Kaya pumasok sila sa loob, pero hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Jesus. 4Habang naguguluhan sila sa pangyayari, bigla silang nakakita ng dalawang lalaking nakakasilaw ang damit, at nakatayo sa tabi nila. 5At dahil sa takot, napayuko sila sa lupa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay dito sa mga patay? 6Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Hindi ba sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, 7na ang Anak ng Tao ay kailangang ibigay sa masasamang tao at ipako sa krus, pero mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw?” 8At naalala ng mga babae ang mga sinabi ni Jesus. 9Kaya umuwi sila at ibinalita ang lahat ng ito sa 11 apostol at sa iba pa nilang kasamahan. 10Ang mga babaeng ito ay sina Maria na taga-Magdala, Juana, Maria na ina ni Santiago, at ang iba pang mga babaeng kasama nila. Sinabi nila sa mga apostol ang nakita nila, 11pero hindi naniwala ang mga apostol dahil akala nila ay gawa-gawa lang iyon ng mga babae. 12Ganoon pa man, tumakbo si Pedro at pumunta sa libingan. Pagdating niya roon, sumilip siya sa loob pero wala siyang nakita kundi ang telang linen na ipinambalot sa bangkay. Kaya umuwi siyang nagtataka sa pangyayari.

Ang Nangyari sa Daan na Patungong Emaus

(Mar. 16:12-13)

13Nang araw ding iyon, may dalawang tagasunod si Jesus na naglalakad papuntang Emaus. Ang nayong ito ay mga 11 kilometro ang layo mula sa Jerusalem. 14Pinag-uusapan ng dalawa ang mga pangyayaring naganap kamakailan lang. 15Habang nag-uusap sila at nagtatalo tungkol sa mga bagay na iyon, lumapit sa kanila si Jesus at nakisabay sa paglalakad. 16Hindi nila siya nakilala dahil itinago ito sa kanilang paningin. 17Tinanong sila ni Jesus, “Ano ang pinag-uusapan ninyo habang naglalakad kayo?” Tumigil sandali ang dalawa na malungkot ang mga mukha. 18Sumagot ang isa na ang pangalan ay Cleopas, “Siguro, sa lahat ng dumadayo sa Jerusalem, kayo lang ang hindi nakabalita tungkol sa mga nangyari roon kamakailan.” 19Nagtanong si Jesus sa kanila, “Bakit, ano ang mga nangyari?” At sumagot sila, “Ang nangyari kay Jesus na taga-Nazaret. Isa siyang propetang makapangyarihan sa paningin ng Dios at ng mga tao. At pinatunayan ito ng mga gawa at aral niya. 20Inakusahan siya ng mga pinuno namin at ng mga namamahalang pari upang mahatulang mamatay. At ipinako siya sa krus. 21Umasa pa naman kami na siya ang magpapalaya sa Israel mula sa kamay ng mga taga-Roma. Pero ikatlong araw na ngayon mula nang pinatay siya. 22-23Pero nagulat kami sa ibinalita sa amin ng ilang babaeng kasamahan namin na maagang pumunta kanina sa libingan. Hindi nila nakita ang bangkay ni Jesus, pero nakakita raw sila ng mga anghel na nagsabing buhay si Jesus. 24Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama naming lalaki at nakita nila na wala nga roon ang bangkay, gaya ng sinabi ng mga babae.”

25Sinabi sa kanila ni Jesus, “Mga mangmang kayo! Ang hirap ninyong papaniwalain sa lahat ng sinabi ng mga propeta sa Kasulatan. 26Hindi baʼt ang Cristo ay kailangang magtiis ng lahat ng ito bago siya parangalan ng Dios?” 27At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan tungkol sa kanya, mula sa mga isinulat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta.

28Nang malapit na sila sa Emaus na pupuntahan nila, nagkunwari si Jesus na magpapatuloy sa kanyang paglalakbay. 29Pero pinigil nila siya, at sinabi, “Dito na muna kayo tumuloy sa amin, dahil palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya sumama siya sa kanila. 30Nang kakain na sila, kinuha ni Jesus ang tinapay at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. 31Nabuksan ang kanilang mga paningin at nakilala nila si Jesus. Pero bigla siyang nawala sa kanilang paningin. 32Sinabi nila, “Kaya pala ang ganda ng pakiramdam natin habang kinakausap niya tayo sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang Kasulatan.”

33Noon din ay bumalik sila sa Jerusalem. Nadatnan nilang nagtitipon ang 11 apostol at ang iba pa nilang kasamahan. 34Pinag-uusapan nilang, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Pedro.” 35Ikinuwento naman ng dalawang galing Emaus ang nangyari sa kanila sa daan, at kung paano nila nakilala si Jesus nang paghahati-hatiin niya ang tinapay.

Nagpakita si Jesus sa mga Tagasunod Niya

(Mat. 28:16-20; Mar. 16:14-18; Juan 20:19-23; Mga Gawa 1:6-8)

36Habang pinag-uusapan nila ito, nagpakita si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila, at binati sila, “Sumainyo ang kapayapaan!” 37Pero nagulat sila at natakot dahil akala nila ay multo ang nakita nila. 38Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot? At bakit kayo nag-aalinlangan? 39Ako talaga ito. Tingnan ninyo ang mga bakas ng mga pako sa mga kamay at paa ko. Hawakan ninyo ako at pagmasdan. Hindi ako multo. Ang multo ay walang laman at buto pero ako ay mayroon.” 40[Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.] 41Sa kagalakan nila at pagkamangha, halos hindi pa rin sila makapaniwala. Kaya tinanong sila ni Jesus, “Mayroon ba kayong pagkain dito?” 42Binigyan nila si Jesus ng isang hiwa ng inihaw na isda. 43Kinuha niya iyon at kinain sa harap nila.

44Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo noong magkasama pa tayo na kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga isinulat ng mga propeta at sa mga Salmo.” 45At binuksan ni Jesus ang isip nila upang maunawaan nila ang Kasulatan. 46Sinabi niya sa kanila, “Ayon sa Kasulatan, kailangang magtiis ng hirap at mamatay ang Cristo ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw. 47At dapat ipangaral sa buong mundo, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan niyaʼy patatawarin ng Dios ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. 48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. 49Isusugo ko sa inyo ang Banal na Espiritung ipinangako ng Ama, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang kapangyarihan mula sa langit.”

Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit

(Mar. 16:19-20; Mga Gawa 1:9-11)

50Pagkatapos, isinama sila ni Jesus sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila. 51At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit. 52Siya ay sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na punong-puno ng kagalakan. 53At palagi silang nasa templo na nagpupuri sa Dios.