Rimljanima 13 – CRO & TCB

Knijga O Kristu

Rimljanima 13:1-14

Poslušnost vlastima

1Budite poslušni vlastima jer ih je Bog postavio. Nema te vlasti koju nije Bog postavio. 2Zato tko se suprotstavlja zakonima neke zemlje, suprotstavlja se Božjoj odredbi te sam na sebe navlači osudu. 3Jer vlasti se ne boje ljudi koji čine dobro, nego oni koji čine zlo. Ako se ne želiš bojati vlasti, čini dobro pa ćeš od njih dobiti i pohvalu. 4Vlasti nam je Bog dao da nam budu od pomoći. Zato se boj ako činiš zlo jer one služe da kazne ljude koji gnjeve Boga time što čine zlo. 5Zato im budi poslušan da ne budeš kažnjen i da ti savjest bude čista.

6Zato i poreze plaćajte jer službenici vlasti obavljaju posao koji im je Bog namijenio. 7Svakome dajte što mu dugujete: poreznicima porez, carinicima carinu, a poštovanje i čast ljudima kojima ih dugujete.

Zakon ljubavi

8Ne ostajte nikome dužni osim da volite jedni druge. Taj dug nikada ne možete potpuno isplatiti. Volite li bližnje, ispunit ćete sve odredbe Zakona. 9Zaista, “Ne učini preljub”, “Ne ubij”, “Ne ukradi”, “Ne poželi” i ima li još koja zapovijed, sadržana je u ovim riječima: “Ljubi svojega bližnjega kao samoga sebe!”13:9 Levitski zakonik 19:18. 10Ljubav prema bližnjemu ne čini zla. Ona potpuno ispunjava sve Božje odredbe.

11Još jedan razlog da živite kako valja je taj što znate da vrijeme istječe. Probudimo se jer nam je čas spasenja bliže nego kad smo uzvjerovali. 12Noć je gotovo na izmaku, dan spasenja se približio. Nemojmo zato živjeti u tami i ne činimo zla djela! Svucimo ih kao prljavu odjeću i odjenimo se u oklop pravednog života, živeći u svjetlosti. 13Živimo pristojno kao ljudi koji žive na svjetlu dana—bez razuzdanih zabava i opijanja, bez preljuba i razvrata, bez svađe i ljubomore! 14Obucite se radije u Gospodina Isusa Krista i ne ugađajte požudama brinući se za tijelo.

Tagalog Contemporary Bible

Roma 13:1-14

Tungkulin sa mga Pinuno ng Bayan

1Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Dios, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang pwesto. 2Kaya ang mga lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Dios, at dahil dito parurusahan niya sila. 3Ang mga namumuno ay hindi dapat katakutan ng mga gumagawa ng mabuti. Ang dapat matakot sa kanila ay ang mga gumagawa ng masama. Kaya kung nais mo na wala kang ikatakot sa mga namumuno, gawin mo ang mabuti at pupurihin ka pa nila. 4Sapagkat ang mga namumuno sa bayan ay mga lingkod ng Dios para sa ating ikabubuti. Pero kung gagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil may kapangyarihan silang parusahan ka. Silaʼy mga lingkod ng Dios na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. 5Kaya magpasakop kayo sa pamahalaan, hindi lang para maiwasan ang parusa kundi dahil ito ang nararapat gawin.

6Iyan din ang dahilan kung bakit tayo nagbabayad ng buwis. Sapagkat ang mga namumuno ay lingkod ng Dios at inilalaan nila ang kanilang buong panahon sa pagtupad ng kanilang tungkulin. 7Kaya ibigay ninyo ang nararapat ibigay. Bayaran ninyo ang inyong mga buwis, igalang ang dapat igalang, at parangalan ang dapat parangalan.

Tungkulin sa Isaʼt Isa

8Huwag kayong mananatiling may utang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan. 9Ang mga kautusang, “Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang mag-iimbot,” at ang iba pang mga utos ay napapaloob sa iisang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” 10Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.

11Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Jesu-Cristo. 12Mag-uumaga na, kaya iwanan na natin ang mga gawain ng kadiliman at isuot na ang kabutihan bilang panlaban nating mga nasa liwanag. 13Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag nating gawin ang paglalasing, magugulong kasiyahan, sekswal na imoralidad, kalaswaan, ang pag-aaway, at inggitan. 14Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa.