Otkrivenje 13 – CRO & TCB

Knijga O Kristu

Otkrivenje 13:1-18

Zvijer iz mora

1I stane na morski žal. Ugledam kako iz mora izlazi Zvijer s deset rogova i sedam glava. Na rogovima je imala deset kruna, a na glavama bogohulna imena. 2Sličila je leopardu, ali su joj noge bile kao medvjeđe, a usta poput lavljih. Zmaj joj dade svoju silu, svoje prijestolje i veliku vlast.

3Opazio sam da joj je jedna glava kao nasmrt ranjena—ali smrtna joj rana zacijeli. Sav svijet, začuđen, zadivljeno počne slijediti Zvijer 4i svi se poklone Zmaju koji joj je dao takvu vlast. Poklone se i Zvijeri. “Tko je kao Zvijer?” govorili su. “Tko može ratovati s njom?”

5Zvijeri je bilo dopušteno govoriti drskosti i hule protiv Boga i vlast da djeluje četrdeset dva mjeseca. 6Hulila je na Boga, na njegovo ime, na mjesto njegova prebivališta i na sve one što žive u nebu. 7Dopušteno joj je zaratiti protiv svetih i pobijediti ih. Dobila je vlast nad svakim plemenom i pukom, svakim jezikom i narodom. 8Poklonili su joj se svi koji pripadaju ovomu svijetu, kojih imena nisu zapisana u Knjizi života što pripada zaklanomu Jaganjcu od postanka svijeta.

9Slušajte, kad već imate uši! 10Kojima je određeno da odu u ropstvo, otići će u ropstvo. Kojima je određeno da poginu od mača, poginut će od mača. U tomu je postojanost i vjera svetih.

Zvijer iz zemlje

11Ugledam tada još jednu zvijer kako izlazi iz zemlje. Ima dva roga poput jaganjca, a govori kao Zmaj. 12Vrši svu vlast prve Zvijeri u njezinoj nazočnosti. Primorava sve stanovnike zemlje da se klanjaju prvoj Zvijeri, kojoj je zacijelila smrtna rana. 13Činila je veliko znamenje: da oganj sune s neba na zemlju naočigled svih ljudi. 14Zavodila je tako stanovnike zemlje čudesima koje joj je bilo dopušteno činiti u nazočnosti prve Zvijeri. Rekla im je da načine kip Zvijeri koja je bila smrtno ranjena, ali je preživjela. 15Dopušteno joj je udahnuti život kipu Zvijeri tako da progovori. Kip progovori i zapovjedi da se smaknu svi koji mu se ne klanjaju.

16Druga zvijer učinila je da svi—veliki i mali, bogati i siromašni, robovi i slobodni ljudi—daju sebi udariti žig na desnu ruku ili na čelo. 17Nitko nije mogao ništa prodati ni kupiti ako nije imao žig s imenom Zvijeri ili s brojem njezina imena. 18Tko je mudar, neka odgonetne broj Zvijeri. To je broj čovjeka: 666.

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 13:1-18

Ang Dalawang Halimaw

1Pagkatapos, may nakita akong halimaw na umaahon sa dagat. Pito ang ulo nito at sampu ang sungay. Bawat sungay nito ay may korona, at sa bawat ulo naman ay may nakasulat na pangalang lumalapastangan sa Dios.13:1 pangalang lumalapastangan sa Dios: Maaaring dahil sa ginamit niya ang pangalan ng Dios para sa kanyang sarili. 2Ang halimaw ay parang leopardo, at may mga paang katulad ng sa oso. Ang bibig niya ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan at trono upang maging malawak ang kapangyarihan nito. 3Nakita kong isa sa mga ulo ng halimaw ay parang pinatay, ngunit gumaling na ang matinding sugat nito. Kaya humanga sa halimaw ang mga tao sa buong mundo at naging tagasunod sila nito. 4Sinamba nila ang dragon dahil siya ang nagbigay ng kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw, at sinabi, “Wala nang makakatulad sa halimaw! Walang makakalaban sa kanya!”

5Hinayaan ng Dios na magsalita ang halimaw ng kalapastanganan laban sa kanya at maghari sa loob ng 42 buwan. 6Nagsalita siya ng kalapastanganan laban sa Dios, laban sa pangalan ng Dios, sa kanyang tahanan, at sa lahat ng nakatira sa langit. 7Hinayaan din ang halimaw na makipaglaban at talunin ang mga pinabanal13:7 pinabanal: Tingnan ang “footnote” sa 5:8. ng Dios. At binigyan din siya ng kapangyarihang maghari sa lahat ng tao sa mundo, anumang angkan, lahi, wika at bansa. 8Sasambahin siya ng lahat ng tao sa mundo na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat na listahan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan. Bago pa man likhain ang mundo, ang mga pangalan nila ay hindi na nakasulat sa aklat na ito na hawak ng Tupang pinatay.

9Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang mga bagay na ito. 10Ang sinumang itinakdang dakpin ay dadakpin. At ang sinumang itinakdang mamatay sa espada ay mamamatay sa espada. Kaya ang mga pinabanal ng Dios ay kailangang maging matiisin at matatag sa kanilang pananampalataya.

11Pagkatapos, nakita ko ang isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay na katulad ng sa tupa, ngunit parang dragon kung magsalita. 12Naglingkod siya sa unang halimaw at ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan nito. Pinilit niya ang lahat ng tao sa mundo na sumamba sa unang halimaw na may malubhang sugat na gumaling. 13Gumawa ng kagila-gilalas na mga himala ang pangalawang halimaw tulad ng pagpapaulan ng apoy mula sa langit. Ginawa niya ito upang ipakita sa mga tao ang kanyang kapangyarihan. 14At dahil sa mga himalang ito na ipinagawa sa kanya ng unang halimaw, nalinlang niya ang mga tao. Inutusan niya ang mga tao na gumawa ng imahen ng unang halimaw na malubhang nasugatan ng espada ngunit nabuhay pa. 15Hinayaan ng Dios ang pangalawang halimaw na magbigay ng buhay sa imahen ng unang halimaw. Kaya nakapagsalita ang imahen at nakapag-utos na patayin ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya. 16Pinilit ng pangalawang halimaw ang lahat ng tao – dakila o hindi, mayaman o mahirap, alipin o malaya – na magpatatak sa kanang kamay o sa noo. 17At ang sinumang ayaw magpatatak ng pangalan o numero ng unang halimaw ay hindi maaaring bumili o magbenta.

18Kailangan dito ang talino upang maunawaan ang kahulugan ng numero ng unang halimaw, dahil simbolo ito ng pangalan ng tao. At ang numero ay 666.