Matej 7 – CRO & TCB

Knijga O Kristu

Matej 7:1-29

O osuđivanju drugih

(Lk 6:37-38, 41-42)

1“Ne osuđujte, da ne budete osuđeni. 2Jer kako vi sudite druge, tako će se i vama suditi. Kako mjerite drugima, i vama će se mjeriti. 3Što imaš gledati trun u oku svojega brata kad u vlastitome oku ni brvna ne opažaš? 4Kako ti, koji u vlastitome oku ne vidiš ni brvna, možeš reći bratu: ‘Daj da ti izvadim trun iz oka’? 5Licemjeru! Izvadi najprije brvno iz vlastitog oka, pa ćeš onda dobro vidjeti kako da izvadiš trun iz bratova!.

6Ne dajte svetinje psima! Ne bacajte biserje pred svinje! Jer svinje će ga pogaziti, a psi se okrenuti te vas rastrgati.”

Moć molitve

(Lk 11:9-13; 6:31)

7“Molite i dat će vam se! Tražite i naći ćete! Kucajte i otvorit će vam se! 8Jer tko god moli, prima. Tko god traži, nalazi. Tko kuca, otvara mu se.

9Bi li itko od vas svojemu djetetu, kad bi ga zamolilo kruha, dao kamen? 10Ili bi mu tko dao zmiju kad ga zamoli ribu? 11Pa ako vi, grešni ljudi, znate davati dobre darove svojoj djeci, koliko će više vaš nebeski Otac darovati dobra onima koji ga mole?”

Zlatno pravilo

12“Činite drugima ono što biste htjeli da drugi čine vama. To je bit učenja cijeloga Zakona i Proroka.”

Uzak put

(Lk 13:24)

13“Uđite na uska vrata! Jer široka vrata i prostran put vode u propast i mnogi njime idu. 14Kako su uska vrata i tijesan put koji vodi u Život! Malo ih je koji ga nalaze.”

Prispodoba o stablu i plodovima

(Lk 6:43-44)

15“Čuvajte se lažnih proroka koji dolaze u ovčjem runu, a iznutra su grabežljivi vukovi. 16Prepoznat ćete ih po njihovim plodovima. Bere li se s trnja grožđe ili s bodljike smokve? 17Tako svako dobro stablo rađa dobrim, a nevaljalo stablo nevaljalim plodovima. 18Niti dobro stablo može roditi nevaljalim plodom, niti nevaljalo stablo dobrim plodom. 19Svako stablo koje ne rađa dobrim rodom siječe se i baca u oganj. 20Prepoznat ćete ih, dakle, po njihovim plodovima.”

Pravi učenici

21“U nebesko kraljevstvo neće ući svi koji me nazivaju Gospodinom, već samo koji slušaju mojega nebeskog Oca. 22Na sudu će mi mnogi reći: ‘Gospodine, Gospodine! Nismo li u tvoje ime prorokovali? Nismo li se služili tvojim imenom da istjerujemo zle duhove i da činimo mnoga druga čudesa?’ 23Ali odgovorit ću im: ‘Nikad vas nisam poznavao. Odlazite od mene, zlotvori!’”

Kuća na stijeni i kuća na pijesku

(Lk 6:47-49)

24“Tko god sluša ove moje riječi i tako čini, mudar je kao i čovjek koji gradi kuću na čvrstoj stijeni. 25Zapljušti kiša, navale bujice, zapušu vjetrovi i stanu šibati kuću, ali se ona ne sruši jer je izgrađena na stijeni. 26Naprotiv, tko čuje ove moje riječi, a ne čini tako, jest poput luda čovjeka koji sebi gradi kuću na pijesku. 27Zapljušti kiša, navale bujice, zapušu vjetrovi i stanu šibati kuću, i ona se sruši. I velika bijaše njezina ruševina.”

28Kad je Isus završio govor, mnoštvo je bilo zaneseno njegovim učenjem 29jer ih je poučavao kao onaj koji ima vlast, a ne kao njihovi pismoznanci.

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 7:1-29

Huwag Husgahan ang Kapwa

(Luc. 6:37-38, 41-42)

1“Huwag ninyong husgahan ang iba, para hindi rin kayo husgahan ng Dios. 2Sapagkat kung paano ninyo hinusgahan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo huhusgahan ng Dios.7:2 Sapagkat … Dios: sa literal, Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo. 3Bakit mo pinupuna ang munting puwing sa mata ng kapwa mo, pero hindi mo naman pinapansin ang mala-trosong puwing sa mata mo? 4Paano mo masasabi sa kanya, ‘Kapatid, tutulungan kitang alisin ang puwing sa mata mo,’ gayong may mala-trosong puwing sa iyong mata? 5Mapagkunwari! Alisin mo muna ang mala-trosong puwing sa iyong mata, nang sa ganoon ay makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.

6“Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang mga bagay na banal,7:6 banal: Ang ibig sabihin, para sa Dios. dahil baka balingan nila kayo at lapain. At huwag din ninyong ihagis sa mga baboy ang inyong mga perlas, dahil tatapak-tapakan lang nila ang mga ito.”

Humingi, Humanap, Kumatok

(Luc. 11:9-13)

7“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo. 8Sapagkat ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan. 9Kayong mga magulang, kung ang anak ninyo ay humihingi ng tinapay, bibigyan ba ninyo ng bato? 10At kung humihingi siya ng isda, bibigyan ba ninyo ng ahas? 11Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya.

12“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.”7:12 Ganyan ang tamang … propeta: o, Ito ang buod ng Kautusan ni Moises at ng mga isinulat ng mga propeta.

Ang Makipot na Pintuan

(Luc. 13:24)

13“Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. 14Ngunit makipot ang pintuan at mahirap ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at kakaunti lang ang dumadaan dito.”

Nakikilala ang Puno sa Bunga Nito

(Luc. 6:43-44)

15“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo. 16Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng ubas o igos. 17Ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. 18Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. 19Ang lahat ng punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. 20Kaya nga, makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa kanilang mga gawa.”

Hindi Kikilalanin ng Dios ang mga Gumagawa ng Masama

(Luc. 13:25-27)

21“Marami ang tumatawag sa akin ng ‘Panginoon’, pero hindi ito nangangahulugan na makakapasok sila sa kaharian ng langit. Ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang mapapabilang sa kanyang kaharian. 22Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng inyong salita, nagpalayas ng masasamang espiritu at gumawa ng maraming himala?’ 23Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’ ”

Ang Dalawang Uri ng Taong Nagtayo ng Bahay

(Luc. 6:47-49)

24“Kaya ang sinumang nakikinig at sumusunod sa aking mga sinasabi ay katulad ng isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato. 25Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa matibay na pundasyon. 26Ngunit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita pero hindi naman ito sinusunod ay parang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin. 27Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, nagiba ito at lubusang nawasak.”

Ang Awtoridad ni Jesus

28Pagkatapos ipangaral ni Jesus ang mga bagay na ito, namangha ang mga tao, 29dahil nangaral siya nang may awtoridad at hindi tulad ng kanilang mga tagapagturo ng Kautusan.