Matej 24 – CRO & TCB

Knijga O Kristu

Matej 24:1-51

Isus pretkazuje buduće događaje

(Mk 13:1-20; Lk 21:5-24)

1Kad je Isus izišao ih Hrama i pošao dalje, priđu mu učenici da mu pokažu hramsko zdanje. 2A on im reče: “Vidite li sve to? Zaista vam kažem, neće od ovoga ostati ni kamen na kamenu. Svaki će biti razvaljen.”

O počecima nevolja

3Kad je poslije sjedio na Maslinskoj gori, učenici mu priđu i nasamo kažu: “Reci nam kada će se to dogoditi. Koji će znak najaviti tvoj dolazak i svršetak svijeta?”

4“Pazite da vas tko ne zavede!” odgovori im Isus. 5“Mnogi će doći pod mojim imenom, proglašujući se Mesijom,24:5 U grčkome: …pod mojim imenom i reći ‘Ja sam’… i mnoge će zavesti. 6Kad čujete da blizu vas izbijaju ratovi i vijesti o dalekim ratovima, ne uznemirujte se. Sve se to mora dogoditi, ali svršetak još neće doći. 7Zaratit će narod protiv naroda i kraljevstvo protiv kraljevstva. Bit će potresa u mnogim dijelovima svijeta i zavladat će glad. 8Sve je to samo početak strašnih muka.

9Tada će vas mučiti i ubijati. Svi će vas narodi zamrziti zato što ste moji.24:9 U grčkome: zbog mojega imena. 10Mnogi će tada posrnuti u vjeri, izdavat će jedan drugoga i mrziti se. 11Pojavit će se brojni lažni proroci i mnoge će zavesti. 12Bezakonje će uzeti velikog maha, a ljubav mnogih će ohladnjeti. 13Ali tko ustraje do kraja, spasit će se. 14Radosna vijest o kraljevstvu propovijedat će se po cijelome svijetu da čuju svi narodi, a onda će konačno doći svršetak.

15Tako kada vidite ‘svetogrđe’ o kojemu je pisao prorok Daniel gdje stoji na svetomu mjestu (čitatelju, shvati o čemu je riječ!), 16neka oni koji se zateknu u Judeji bježe u goru. 17Tko se zatekne na krovu,24:17 Ljudi su se ondje u to vrijeme često odmarali i družili na ravnim krovovima kuća, posebice uvečer kad je bilo svježije. neka ne silazi u kuću što uzeti! 18Tko se zatekne u polju, neka se ne vraća po ogrtač! 19Teško trudnicama i dojiljama u to vrijeme! 20Molite se da ne morate bježati zimi ili u subotu 21jer će to biti dani tako strašnih nevolja kakvih nije bilo od postanka svijeta niti će biti ikad poslije. 22I da Gospodin ne skrati to vrijeme nevolja, nitko se ne bi spasio. Ali zaradi svojih izabranika ti će se dani skratiti.

Isus govori o svojem povratku

(Mk 13:21-31; Lk 17:23-37; 21:25-33)

23Kaže li vam tada tko: ‘Evo Mesije!’ ili ‘Eno ga ondje!’ ne vjerujte 24jer će ustati brojni lažni mesije i lažni proroci te činiti znamenja i velika čudesa ne bi li, bude li moguće, zaveli i Božje izabranike. 25Eto, unaprijed sam vas upozorio!

26Kaže li vam dakle tko: ‘Eno ga, u pustinji je’, ne idite onamo, kaže li ‘U tajnim je odajama’, ne vjerujte. 27Jer dolazak Sina Čovječjega vidjet će se poput munje koja sijevne na istoku i rasvijetli cijelo nebo, sve do zapada. 28Gdje bude strvine, skupljat će se strvinari.24:28 Kao što se po okupljanju strvinara može znati da je u blizini strvina, tako ćete po tim znacima znati da je konac blizu.

29U vrijeme kad prođu sve te strahote

‘Sunce će potamnjeti

i mjesec neće sjati,

zvijezde će s neba padati

i nebeske će se sile potresti.’24:29 Vidjeti: Izaija 13:10; 34:4 i Joel 2:10.

30Tada će se na nebu pojaviti znak Sina Čovječjega.24:30 Vidjeti: Daniel 7:13. Proplakat će tada svi narodi na zemlji i ugledati Sina Čovječjega kako dolazi na oblacima s velikom moći i slavom. 31On će poslati anđele na zov velike trublje da saberu njegove izabranike sa svih strana, sa svih četiriju vjetrova, od kraja zemlje do kraja neba.

Pouka o smokvi

(Mk 13:28; Lk 21:29-30)

32Učite iz prispodobe o smokvi. Kad joj na granama izbiju nježni pupovi i kad potjera lišće, znate da je ljeto blizu. 33Također, kad vidite da se zbiva sve o čemu sam vam govorio, možete biti sigurni da je Gospodinov povratak blizu, na samim vratima. 34Zaista vam kažem, ovaj naraštaj neće proći dok se sve to ne dogodi. 35Nebo i zemlja će proći, ali moje riječi ostaju zauvijek!

Neznani dan i čas

(Mk 13:32-37; Lk 21:34-36; 17:26-27, 34-35; 12:39-46)

36Nitko, međutim, ne zna dana ni ure kada će se to dogoditi. Ne znaju ni anđeli na nebu, pa čak ni Sin. Zna samo Otac. 37Za dolaska Sina Čovječjega bit će kao i u Noino doba. 38Kao što su u to vrijeme prije potopa ljudi jeli i pili, ženili se i udavali sve do dana kada je Noa ušao u korablju 39i ništa nisu slutili dok nije došao potop i sve ih odnio, tako će biti i za dolaska Sina Čovječjega. 40Od dvojice koji tada budu skupa radili u polju jedan će se uzeti, a drugi ostaviti. 41Od dviju žena koje budu skupa mljele u mlinu jedna će se uzeti, a druga ostaviti.

42Bdijte, dakle, jer ne znate kada će vaš Gospodin doći! 43Znajte: kad bi vlasnik kuće znao kada će doći lopov, bdio bi i ne bi mu dopustio da provali u kuću. 44Budite zato i vi stalno pripravni jer će Sin Čovječji doći kad mu se i ne nadate.

Vjerni i razumni sluga

45Tko je dakle onaj vjerni i razumni sluga kojega je gospodar postavio da upravlja ukućanima i da im daje hranu u pravo vrijeme? 46Blago onome koga gospodar, kada dođe, nađe da tako čini! 47Zaista vam kažem, povjerit će mu da upravlja svim njegovim imanjem. 48Ali ako zli sluga pomisli: ‘Gospodar se još neće vratiti’ 49pa počne tući svoje sudrugove te jesti i piti s pijancima, 50gospodar će doći u dan kad mu se ne nada i u čas u koji neće ni slutiti. 51Nemilosrdno će ga kazniti i odrediti mu usud među licemjerima, gdje će biti plač i škrgut zuba.”

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 24:1-51

Sinabi ni Jesus ang Tungkol sa Pagkawasak ng Templo

(Mar. 13:1-2; Luc. 21:5-6)

1Lumabas si Jesus sa templo, at habang naglalakad, nilapitan siya ng mga tagasunod niya at itinuro sa kanya ang mga gusali ng templo. 2Sinabi ni Jesus, “Tingnan ninyo ang lahat ng iyan. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, magigiba ang lahat ng iyan at walang maiiwang magkapatong na bato.”

Mga Paghihirap at Pag-uusig na Darating

(Mar. 13:3-13; Luc. 21:7-19)

3Habang nakaupo si Jesus sa isang lugar sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kanya ang mga tagasunod niya at nakipag-usap nang sarilinan. Sinabi nila, “Sabihin nʼyo po sa amin kung kailan mangyayari ang sinabi nʼyo? At ano po ang mga palatandaan ng muli nʼyong pagparito at ng katapusan ng mundo?”

4Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo madaya ninuman. 5Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihing sila ang Cristo, at marami ang kanilang ililigaw. 6Makakarinig kayo ng mga digmaang malapit sa inyo, at mababalitaan ninyo na may mga digmaan din sa malayo. Ngunit huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang katapusan. 7Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at paglindol sa ibaʼt ibang lugar. 8Ang lahat ng itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating.

9“Sa panahong iyon, kamumuhian kayo dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Dadakpin kayo upang parusahan at patayin. 10Marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Kapopootan at ipapahuli nila ang kapwa nila mananampalataya. 11Lilitaw ang maraming huwad na propeta at marami ang maililigaw nila. 12Lalaganap ang kasamaan, at dahil dito, manlalamig ang pag-ibig ng maraming mananampalataya. 13Ngunit ang mananatiling tapat hanggang sa wakas ay maliligtas. 14Ipangangaral sa buong mundo ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios upang malaman ito ng lahat ng tao, at saka darating ang katapusan.”

Ang Kasuklam-suklam na Darating

(Mar. 13:14-23; Luc. 21:20-24)

15“Nagsalita si Propeta Daniel tungkol sa kasuklam-suklam na darating na magiging dahilan ng pag-iwan sa templo. (Kayong mga bumabasa, unawain ninyo itong mabuti!) Kapag nakita na ninyong nasa loob na ito ng templo,24:15 templo: sa literal, banal na lugar. 16ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan. 17Ang nasa labas ng bahay24:17 labas ng bahay: sa literal, bubungan. ay huwag nang pumasok para kumuha ng anumang gamit. 18Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit. 19Kawawa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil mahihirapan silang tumakas. 20Idalangin ninyo na ang pagtakas nʼyo ay hindi mataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21Sapagkat sa mga panahong iyon, makakaranas ang mga tao ng napakatinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula nang likhain ang mundo hanggang ngayon, at wala nang mangyayari pang ganoon kahit kailan. 22Kung hindi paiikliin24:22 paiikliin: o, pinaikli. ng Dios ang panahong iyon, walang matitirang buhay. Ngunit alang-alang sa kanyang mga pinili, paiikliin niya ang panahong iyon.

23“Kapag may nagsabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. 24Sapagkat lilitaw ang mga di tunay na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kagila-gilalas na himala at kababalaghan upang malinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Dios. 25Tandaan ninyo ang mga ito! Binibigyan ko na kayo ng babala habang hindi pa nangyayari ang mga ito.

26“Kaya kung may magsabi sa inyo, ‘Naroon ang Cristo sa ilang!’ huwag kayong pupunta roon. At kung may magsabing, ‘Nariyan siya sa silid!’24:26 Nariyan siya sa silid: Maaaring ang ibig sabihin, nandoon siya kasama ng kanyang sekretong grupo. huwag kayong maniniwala. 27Sapagkat ako na Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag mula sa silangan hanggang sa kanluran na makikita ng lahat. 28May kasabihan na, ‘Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.’ ”24:28 buwitre: sa Ingles vulture, isang malaking ibon na kumakain ng bangkay.

Ang Pagbabalik ni Jesus sa Mundo

(Mar. 13:24-27; Luc. 21:25-28)

29“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga bagay24:29 mga bagay: sa literal, mga kapangyarihan. sa kalawakan ay mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas. 30Pagkatapos, makikita sa langit ang tanda ng aking pagbabalik, at maghihinagpis ang lahat ng tao sa mundo dahil dito. At makikita nila ako na Anak ng Tao na dumarating na mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.24:30 kaluwalhatian: o, kapangyarihang nagniningning. 31Sa malakas na tunog ng trumpeta ay ipapadala ko ang aking mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang aking mga pinili.”

Ang Aral Mula sa Puno ng Igos

(Mar. 13:28-31; Luc. 21:29-33)

32“Unawain ninyo ang aral na ito mula sa puno ng igos: Kapag nagkakadahon na ang mga sanga nito, alam ninyong malapit na ang tag-init. 33Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang lahat ng sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na akong dumating. 34Sinasabi ko sa inyo ang totoo, matutupad ang lahat ng ito bago mawala ang henerasyong ito. 35Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.”24:35 mananatili magpakailanman: Ang ibig sabihin, tiyak na matutupad.

Walang Taong Nakakaalam Kung Kailan Babalik si Jesus

(Mar. 13:32-37; Luc. 17:26-30, 34-36)

36“Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ako mismo na Anak ng Dios. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. 37Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ko na Anak ng Tao. 38Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga taoʼy nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39Wala silang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa dumating ang baha at nalunod silang lahat. Ganyan din ang mangyayari sa pagdating ko na Anak ng Tao. 40Sa araw na iyon, kung may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; maaaring kukunin ang isa at iiwan ang isa. 41At kung may dalawang babaeng nagtatrabaho sa gilingan, maaaring kukunin ang isa at iiwan ang isa. 42Kaya maging handa kayong lagi, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng pagdating ng inyong Panginoon. 43Tandaan ninyo ito: kung alam ng isang tao kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya hahayaang pasukin ng magnanakaw ang kanyang bahay. 44Kaya maging handa rin kayo, dahil ako na Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Ang Tapat at ang Hindi Tapat na Utusan

(Luc. 12:41-48)

45“Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinamamahala ng kanyang amo sa mga kapwa niya alipin. Siya ang nagbibigay sa kanila ng pagkain nila sa tamang oras. 46Mapalad ang aliping iyon kapag nadatnan siya ng amo niya na gumagawa ng kanyang tungkulin. 47Sinasabi ko sa inyo ang totoo, pamamahalain siya ng kanyang amo sa lahat ng mga ari-arian nito. 48Ngunit kawawa ang masamang alipin na nag-aakalang matatagalan pa ang pagbabalik ng kanyang amo, 49kaya habang wala ang kanyang amo ay pagmamalupitan niya ang ibang mga utusan, makikisalo at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50Darating ang kanyang amo sa araw o oras na hindi niya inaasahan, 51at parurusahan siya nang matindi. Isasama siya sa mga mapagkunwari, at doon ay iiyak siya at magngangalit ang kanyang ngipin.”24:51 magngangalit ang kanyang ngipin: Maaaring dahil sa galit o hinagpis.