Knijga O Kristu

Galaćanima 3:1-29

Zakon i vjera u Krista

1O nerazumni Galaćani! Tko li vas je to začarao—vas kojima je raspeti Isus Krist bio tako jasno predočen? 2Samo mi jedno recite: jeste li Svetoga Duha primili izvršavajući odredbe Zakona, ili primili ste ga kad ste prihvatili vjeru u Krista? 3Zar ste toliko bezumni da, pošto ste započeli život u Duhu, sada završavate u tjelesnosti—pokušavajući djelima ugoditi Bogu? 4Toliko ste toga pretrpjeli zbog evanđelja! Zar je sve to bilo uzalud? 5Daje li vam Bog Svetog Duha i čini li među vama čuda zato što ste poslušni Zakonu, ili zato što vjerujete poruci o Kristu koju ste čuli?

6Isto je tako “Abraham povjerovao Bogu, i Bog ga je proglasio pravednim zbog njegove vjere”.3:6 Postanak 15:6. 7Prava su Abrahamova djeca dakle svi oni koji iskreno vjeruju u Boga.

8U Svetome pismu naviješteno je da će Bog i pogane opravdati po vjeri. Bog je to odavna navijestio Abrahamu kad je rekao: “Blagoslovit ću kroz tebe sve narode.” 9Svi dakle koji vjeruju u Isusa Krista dijele s Abrahamom blagoslov koji je on primio zbog svoje vjere.

10Ali koji se za opravdanje pred Bogom pouzdaju u Zakon, pod prokletstvom su jer u Svetome pismu piše: “Proklet bio svatko tko ne sluša i ne vrši sve ove zapovijedi zapisane u Božjoj Knjizi Zakona.”3:10 Ponovljeni zakon 27:26. 11Iz toga je jasno da se nitko nikad ne može pred Bogom opravdati vršeći Zakon. Jer u Svetome pismu piše: “Pravednik će živjeti po vjeri.”3:11 Habakuk 2:4. 12Zakon pak ne polazi od vjere, nego za svoje odredbe kaže: “Tko je vrši, u njoj će naći život.”3:12 Levitski zakonik 18:5. 13Krist nas je otkupio od prokletstva Zakona tako što ga je, viseći na križu, preuzeo na sebe—jer u Svetome pismu piše: “Proklet je svatko tko visi na drvetu.”3:13 Ponovljeni zakon 21:23. 14Zato Bog sada može i druge narode blagosloviti istim blagoslovom koji je obećao Abrahamu: da po vjeri prime obećanje Svetoga Duha.

Zakon i obećanje

15Braćo draga, i kad ljudi međusobno sklope savez, on se ne poništava i ne mijenja. 16Bog je dao obećanje Abrahamu i njegovu “sjemenu”, njegovu potomku. To se ne odnosi na više njih, već samo na jednoga njegova potomka—na Krista. 17Želim vam reći ovo: Zakon koji je Bog dao Mojsiju 430 godina poslije nije mogao poništiti valjani Božji savez s Abrahamom. 18Kad bi se baštinikom moglo postati samo držanjem Zakona, onda to ne bi bilo po Božjem obećanju. A Bog je Abrahamu dao baštinu po obećanju.

19Čemu onda uopće Zakon? Pridodan je da se umnoži grijeh. Ali on je trebao trajati dok ne dođe potomak kojemu je dano Božje obećanje. Osim toga, Zakon je ljudima dan preko posrednika—preko anđela i Mojsija. 20Ali kad je Bog dao obećanje Abrahamu, učinio je to sam, bez posredništva anđela ili čovjeka, jer Bog je jedan.

21Proturječi li, onda, Zakon Božjim obećanjima? Nipošto! Kad bi nam Zakon mogao dati novi život, mogli bismo biti opravdani pred Bogom držeći ga se. 22Ali Sveto pismo kaže da smo svi zarobljenici grijeha te da Božja obećanja možemo primiti jedino vjerujući u Isusa Krista.

Vjerom smo postali Božja djeca

23Dok nismo spoznali da se vjerom u Krista možemo opravdati pred Bogom, Zakon nas je čuvao poput zatočenika za tu vjeru. 24Drugim riječima: Zakon je bio poput učitelja i vodiča sve dok nije došao Krist. A sada smo pred Bogom opravdani vjerom u Krista. 25Otkako imamo vjeru u Krista, ne treba nam više čuvar.

26Jer sad smo svi postali Božjom djecom kroz vjeru u Isusa Krista 27i svi koji smo kršteni u Kristu zaodjenuti smo njime. 28Nije više važno je li tko Židov ili poganin,3:28 U grčkome: Židov ili Grk. rob ili slobodan čovjek, pa čak ni muškarac ili žena—jer svi ste jedno u Kristu Isusu. 29Sada kad pripadate Kristu, svi ste prava Abrahamova djeca. Njegovi ste baštinici i sva obećanja koja mu je Bog dao pripadaju i vama.

Tagalog Contemporary Bible

Galacia 3:1-29

Ang Pagsunod sa Kautusan at ang Pananampalataya kay Cristo

1Ano ba naman kayong mga taga-Galacia! Hindi ba kayo makaintindi? Bakit kayo naniniwala sa mga nanlilinlang sa inyo? Hindi baʼt malinaw na ipinangaral ko sa inyo ang kahulugan ng pagkamatay ni Cristo sa krus? 2Ito ngayon ang gusto kong itanong sa inyo: Tinanggap nʼyo ba ang Banal na Espiritu dahil sa pagsunod sa Kautusan, o dahil sumampalataya kayo sa Magandang Balita na napakinggan nʼyo? 3Talagang hindi nga kayo makaintindi! Nagsimula kayo bilang mananampalataya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, bakit ngayon pinipilit ninyong magpakabanal sa pamamagitan ng sarili nʼyong pagsisikap? 4Wala na bang halaga sa inyo ang naranasan ninyo? Mawawalan na lang ba ito ng kabuluhan? 5Hindi baʼt ibinigay sa inyo ng Dios ang kanyang Espiritu, at sa pamamagitan niyaʼy gumagawa kayo ng mga himala? Tinanggap nʼyo ba ito dahil sa pagsunod sa Kautusan o dahil sumampalataya kayo sa Magandang Balita na napakinggan ninyo?

6Tingnan nʼyo ang nangyari kay Abraham. Ayon sa Kasulatan, “Sumampalataya siya sa Dios, kaya itinuring siyang matuwid.”3:6 Gen. 15:16. 7Malinaw na ang mga sumasampalataya sa Dios ang siyang mga tunay na anak ni Abraham. 8Noon pa man, sinasabi na sa Kasulatan na ituturing na matuwid ng Dios ang mga hindi Judio sa pamamagitan ng pananampalataya nila. At ang Magandang Balitang itoʼy ipinahayag ng Dios kay Abraham nang sabihin niya, “Pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa pamamagitan mo.”3:8 Gen. 12:3; 18:18; 22:18. 9Sumampalataya si Abraham sa Dios at pinagpala siya. Kaya lahat ng sumasampalataya sa Dios ay pinagpapala rin tulad ni Abraham.

10Ngunit ang lahat ng umaasang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ay isinumpa na ng Dios. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Isinusumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.”3:10 Deu. 27:26. 11Malinaw na walang taong ituturing na matuwid sa harap ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan dahil sinasabi sa Kasulatan, “Ang taong itinuring na matuwid ng Dios dahil sa pananampalataya niya ay mabubuhay.”3:11 Hab. 2:4. 12Ang Kautusan ay hindi nakabatay sa pananampalataya. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ang nagnanais mabuhay sa pamamagitan ng Kautusan ay kailangang sumunod sa lahat ng iniuutos nito.”3:12 Lev. 18:5. 13Ngunit hindi natin masunod ang lahat ng iniuutos ng Kautusan, kaya sinumpa tayo ng Dios. Pero ngayon, tinubos na tayo ni Cristo sa sumpang ito. Sinumpa siya alang-alang sa atin, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Isinumpa ang sinumang binitay sa puno.”3:13 Deu. 21:23. 14Ginawa ito ng Dios para ang pagpapalang ibinigay niya kay Abraham ay matanggap din ng mga hindi Judio sa pamamagitan ni Cristo Jesus; at para matanggap natin ang ipinangakong Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.

Ang Kautusan at ang Pangako ng Dios

15Mga kapatid, bibigyan ko kayo ng halimbawa. Hindi maaaring basta na lang ipawalang-bisa o dagdagan ang anumang kasunduang nalagdaan na. Ganoon din naman sa mga pangako ng Dios. 16Ngayon, nangako ang Dios kay Abraham at sa kanyang salinlahi. Hindi niya sinabi, “sa mga apo3:16 apo: sa Ingles, “descendant.” mo,” na nangangahulugang marami, kundi “sa apo mo,” na ang ibig sabihin ay iisa, at itoʼy walang iba kundi si Cristo. 17Ito ang ibig kong sabihin: May kasunduang ginawa ang Dios kay Abraham, at ipinangako niyang tutuparin ito. Ang pangakong ito ay ibinigay niya 430 taon bago dumating ang Kautusan. Kaya ang pangakong iyon ay hindi mapapawalang-bisa o mapapawalang-saysay ng Kautusan. 18Sapagkat kung matatanggap natin ang pagpapala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, walang kabuluhan ang pangako ng Dios kay Abraham. Ngunit ang totoo, ibinigay ng Dios ang pagpapala bilang pagtupad sa pangako niya.

19Kung ganoon, ano ba ang silbi ng Kautusan? Ibinigay ito para malaman ng tao na nagkakasala sila. Ngunit itoʼy hanggang sa dumating lamang ang ipinangakong apo ni Abraham. Ibinigay ng Dios ang Kautusan sa pamamagitan ng mga anghel, at sila ang nagbigay nito sa mga tao sa tulong ng isang tagapamagitan. 20Ngunit ang pangako ay hindi tulad nito. Dahil nang ibigay ito ng Dios kay Abraham, hindi siya gumamit ng tagapamagitan o mga anghel kundi siya mismo.

21Kung ganoon, taliwas ba ang Kautusan sa mga pangako ng Dios? Hindi! Sapagkat kung ang Kautusan ay makapagbibigay-buhay, ito na sana ang naging paraan ng Dios para ituring tayong matuwid. 22Ngunit sinasabi ng Kautusan na ang buong mundo ay alipin ng kasalanan. Kaya ang mga sumasampalataya lamang kay Jesu-Cristo ang makakatanggap ng mga ipinangako ng Dios.

23Noong hindi pa dumarating itong tinatawag na pananampalataya kay Cristo, para tayong mga bilanggo. Binilanggo tayo ng kautusan hanggang sa araw na inihayag ang kaligtasan natin sa pamamagitan ng pananampalataya. 24Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Cristo, para sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid. 25At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga.

Mga Anak ng Dios sa Pananampalataya

26Kayong lahat ay mga anak ng Dios dahil sa pananampalataya ninyo kay Cristo Jesus. 27Sapagkat binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo3:27 sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo: o, bilang tanda na kayo ay nakay Cristo na. at namumuhay kayong katulad niya. 28Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Cristo na. 29At dahil kayoʼy kay Cristo na, kabilang na kayo sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ng mga ipinangako ng Dios sa kanya.