1 Korinćanima 13 – CRO & TCB

Knijga O Kristu

1 Korinćanima 13:1-13

Hvalospjev ljubavi

1Kad bih sve ljudske i anđeoske jezike govorio, a ljubavi ne bih imao, bio bih poput mjedi što ječi ili cimbala što zveči. 2Kad bih imao dar prorokovanja, kad bih razumio sva otajstva i imao sve znanje te takvu vjeru da bih i gore premještao, a ljubavi ne bih imao, bio bih—ništa. 3Kad bih siromasima razdao sav svoj imetak, kad bih i tijelo svoje predao da se sažeže, a ljubavi ne bih imao—ništa mi koristilo ne bi.

4Ljubav je strpljiva, ljubav je dobrostiva; ona ne zavidi, ne hvasta se, ne oholi se. 5Nije nepristojna, ne traži svoje pravo, nije razdražljiva, ne pamti zlo; 6ne raduje se nepravdi, nego istini. 7Sve izdržava, nikad ne gubi vjeru, uvijek se nada, sve podnosi.

8Ljubav nikad neće uminuti. Prorokovanje? Iščeznut će. Jezici? Zamuknut će. Znanje? Nestat će. 9Jer nepotpuno je naše znanje, nepotpuno naše prorokovanje. 10A kada dođe ono što je savršeno, uminut će ovo što je nepotpuno.

11Kad sam bio dijete, govorio sam kao dijete, razmišljao sam kao dijete, rasuđivao sam kao dijete. Kad sam postao zrelim čovjekom, odbacio sam što je djetinje. 12Sad vidimo u zrcalu, nejasno, a tada ćemo gledati licem u lice. Sada spoznajem nepotpuno, a tada ću spoznati savršeno, kao što sam i sam spoznan.

13A sada ostaje troje: vjera, nada i ljubav, ali najveća je među njima ljubav.

Tagalog Contemporary Bible

1 Corinto 13:1-13

Ang Pag-ibig

1Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao at ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig, para lang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumatagingting. 2Kung may kakayahan man akong maghayag ng mensahe ng Dios, at may pang-unawa sa lahat ng lihim na katotohanan at lahat ng kaalaman, at kung mailipat ko man ang mga bundok sa laki ng aking pananampalataya, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. 3At kahit ipamigay ko man ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.

4Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, 5hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, 6hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, 7matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.

8May katapusan ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios at ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, ganoon din ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa Dios, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan. 9Hindi pa ganap ang ating kaalaman, ganoon din ang pagpapahayag natin ng mensahe ng Dios. 10Ngunit pagdating ng araw na magiging ganap ang lahat, mawawala na ang anumang hindi ganap.

11Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong akoʼy mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga ugaling bata. 12Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin. Ngunit darating ang araw na magiging malinaw ang lahat sa atin. Bahagya lamang ang ating nalalaman sa ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng pagkakaalam ng Dios sa atin.

13Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.