詩篇 35 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

詩篇 35:1-28

第 35 篇

求上帝伸冤

大衛的詩。

1耶和華啊,

求你與我的敵人為敵,

攻擊那些攻擊我的人。

2求你拿起大小盾牌來幫助我,

3舉起矛槍攻擊追趕我的人。

求你對我說:

「我是你的拯救。」

4願謀殺我的人蒙羞受辱,

謀害我的人落荒而逃!

5願耶和華的天使驅散他們,

如風吹散糠秕!

6願他們的道路漆黑泥濘,

有耶和華的天使在後追趕!

7因為他們無故設網羅,

挖陷阱要害我。

8願他們突遭禍患,

作繭自縛,自食惡果!

9我要因耶和華而歡欣,

因祂的拯救而快樂。

10我從心底發出讚歎:

耶和華啊,誰能像你?

你拯救弱者免受欺壓,

拯救窮人免遭掠奪。

11惡人誣告我,

盤問我毫無所知的事情。

12他們對我以惡報善,

令我傷心欲絕。

13他們生病時,

我披上麻衣,

謙卑地為他們禁食禱告,

但上帝沒有垂聽。

14我為他們哀傷,

視他們為朋友、弟兄;

我低頭為他們哭泣,

如同哀悼自己的母親。

15我遭遇患難時,

他們卻聚在一起幸災樂禍,

合夥誹謗我。

素不相識的人也群起攻擊我,

不住地譭謗我。

16他們肆無忌憚地嘲弄我,

咬牙切齒地憎惡我。

17耶和華啊,

你袖手旁觀要到何時?

求你救我的性命免遭殘害,

救我脫離這些獅子。

18我要在大會中稱謝你,

在眾人面前讚美你。

19求你不要讓無故攻擊我的人幸災樂禍,

不要讓無故恨我的人沾沾自喜。

20他們言語暴戾,

謀害安分守己的人。

21他們高喊:「哈哈!哈哈!

我們親眼看見了。」

22耶和華啊,這一切你都看見了,

求你不要再緘默,不要遠離我。

23我的上帝,我的主啊,

求你起來為我辯護,為我伸冤。

24我的上帝耶和華啊,

求你按你的公義宣告我無罪,

別讓他們幸災樂禍。

25別讓他們說:

「哈哈,我們如願以償了!」

別讓他們說:

「我們除掉他了!」

26願幸災樂禍的人蒙羞受辱,

自高自大的人無地自容!

27願盼望我冤屈得雪的人揚聲歡呼!

願他們常說:「耶和華當受尊崇!

祂樂意賜福給自己的僕人。」

28我要訴說你的公義,

終日讚美你。

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 35:1-28

Salmo 3535 Salmo 35 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang Salmo ni David.

Dalangin para Tulungan

1Panginoon, kontrahin nʼyo po

ang mga kumukontra sa akin.

Labanan nʼyo ang mga kumakalaban sa akin.

2Kunin nʼyo ang inyong kalasag,

at akoʼy inyong tulungan.

3Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat,

para sa mga taong humahabol sa akin.

Gusto kong marinig na sabihin nʼyo,

“Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”

4Mapahiya sana ang mga taong naghahangad na akoʼy patayin.

Paatrasin nʼyo at biguin ang mga nagpaplano ng masama sa akin.

5Maging gaya sana sila ng ipa na tinatangay ng hangin,

habang silaʼy itinataboy ng inyong anghel.

6Maging madilim sana at madulas ang kanilang dinadaanan,

habang silaʼy hinahabol ng inyong anghel.

7Naghukay sila at naglagay ng bitag para sa akin,

kahit wala akong ginawang masama sa kanila.

8Dumating sana sa kanila ang kapahamakan nang hindi nila inaasahan.

Sila sana ang mahuli sa bitag na kanilang ginawa,

at sila rin ang mahulog sa hukay na kanilang hinukay.

9At akoʼy magagalak

dahil sa inyong pagliligtas sa akin, Panginoon.

10Buong puso kong isisigaw,

Panginoon, wala kayong katulad!

Kayo ang nagliligtas sa mga dukha at api mula sa mga mapagsamantala.”

11May mga malupit na taong sumasaksi laban sa akin.

Ang kasalanang hindi ko ginawa ay ibinibintang nila sa akin.

12Ginagantihan nila ako ng masama sa mga kabutihang aking ginawa,

kaya akoʼy labis na nagdaramdam.

13Kapag silaʼy nagkakasakit akoʼy nalulungkot para sa kanila;

nagdaramit ako ng sako at nag-aayuno pa.

At kung ang aking dalangin para sa kanilaʼy hindi sinasagot,

14palakad-lakad akong nagluluksa na parang nawalan ng kapatid o kaibigan,

at akoʼy yumuyuko at nagdadalamhati para sa kanila na para bang nawalan ako ng ina.

15Ngunit nang ako na ang nahihirapan, nagkakatipon sila at nagtatawanan.

Nagsasama-sama ang mga sa akin ay kumakalaban;

kahit ang mga hindi ko kilala ay sumasamaʼt walang tigil na akoʼy hinahamak.

16Kinukutya nila ako nang walang pakundangan,

at ang kanilang mga ngipin ay nagngangalit sa sobrang galit.

17Panginoon, hanggang kailan kayo manonood lang?

Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na ito na parang mga leon na gusto akong lapain.

18At sa gitna ng karamihan, kayoʼy aking papupurihan at pasasalamatan.

19Huwag nʼyong payagan na matuwa ang aking mga kaaway sa aking pagkatalo.

Ang mga galit sa akin nang walang dahilan ay huwag nʼyong payagang kutyain ako.

20Walang maganda sa sinasabi nila,

sa halip sinisiraan nila ang namumuhay nang tahimik.

21Sumisigaw sila sa akin na nagpaparatang,

“Aha! Nakita namin ang ginawa mo!”

22Panginoon, alam nʼyo ang lahat ng ito,

kaya huwag kayong manahimik.

Huwag kayong lumayo sa akin.

23Sige na po, Panginoon kong Dios, ipagtanggol nʼyo na ako sa kanila.

24O Dios ko, dahil kayo ay matuwid kung humatol,

ipahayag nʼyo na wala akong kasalanan.

Huwag nʼyong payagang pagtawanan nila ako.

25Huwag nʼyong hayaang sabihin nila sa kanilang sarili,

“Sa wakas, nangyari rin ang gusto naming mangyari,

natalo na rin namin siya!”

26Mapahiya sana silang nagmamalaki sa akin

at nagagalak sa aking mga paghihirap.

27Sumigaw sana sa kagalakan ang mga taong nagagalak sa aking kalayaan.

Palagi sana nilang sabihin,

“Purihin ang Panginoon na nagagalak sa tagumpay ng kanyang mga lingkod.”

28Ihahayag ko sa mga tao ang inyong pagkamakatwiran,

at buong maghapon ko kayong papupurihan.