詩篇 103 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

詩篇 103:1-22

第 103 篇

上帝的慈愛

大衛的詩。

1我的心啊,要稱頌耶和華,

我要全心全意地稱頌祂的聖名。

2我的心啊,要稱頌耶和華,

不要忘記祂的一切恩惠。

3祂赦免我一切的罪惡,

醫治我一切的疾病。

4祂救贖我的生命脫離死亡,

以慈愛和憐憫環繞我。

5祂以美物滿足我的願望,

使我如鷹一般恢復青春。

6耶和華為一切受欺壓的人伸張正義,主持公道。

7祂讓摩西明白自己的旨意,

以色列人彰顯自己的作為。

8耶和華有憐憫和恩典,

不輕易發怒,充滿慈愛。

9祂不永久責備人,

也不永遠懷怒。

10祂沒有按我們的過犯對待我們,

也沒有照我們的罪惡懲罰我們。

11因為天離地有多高,

祂對敬畏祂之人的愛也多大!

12東離西有多遠,

祂叫我們的過犯離我們也多遠!

13耶和華憐愛敬畏祂的人,

如同慈父憐愛自己的兒女。

14因為祂知道我們的本源,

顧念我們不過是塵土。

15世人的年日如同草芥,

如野地茂盛的花,

16一經風吹,便無影無蹤,

永遠消逝。

17耶和華永永遠遠愛敬畏祂的人,

以公義待他們的子子孫孫,

18就是那些守祂的約、

一心遵行祂命令的人。

19耶和華在天上設立了寶座,

祂的王權無所不及。

20聽從耶和華的命令、遵行祂吩咐的大能天使啊,

你們要稱頌祂!

21事奉耶和華、遵從祂旨意的天軍啊,

你們要稱頌祂!

22耶和華所造的萬物啊,

要在祂掌管的各處稱頌祂。

我的心啊,要稱頌耶和華!

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 103:1-22

Salmo 103103 Salmo 103 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David.

Ang Pag-ibig ng Dios

1Pupurihin ko ang Panginoon!

Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan.

2Pupurihin ko ang Panginoon,

at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.

3Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan,

at pinagagaling ang lahat kong karamdaman.

4Inililigtas niya ako sa kapahamakan,

at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.

5Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay,

kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.

6Ang Panginoon ay matuwid ang paghatol;

binibigyang katarungan ang lahat ng inaapi.

7Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan,

at inihayag niya sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan.

8Ang Panginoon ay mahabagin at matulungin,

hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.

9Hindi siya palaging nanunumbat,

at hindi nananatiling galit.

10Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan.

Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang.

11Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa,

ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya.

12Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran,

ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan.

13Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak,

ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya.

14Dahil alam niya ang ating kahinaan,

alam niyang nilikha tayo mula sa lupa.

15Ang buhay ng tao ay tulad ng damo.

Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago.

16At kapag umiihip ang hangin,

itoʼy nawawala at hindi na nakikita.

17-18Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos.

At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.

19Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan,

at siyaʼy naghahari sa lahat.

20Purihin ninyo ang Panginoon, kayong makapangyarihan niyang mga anghel na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita.

21Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa langit na naglilingkod sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban.

22Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa lahat ng dako na kanyang pinaghaharian.

Purihin ang Panginoon!