羅馬書 4 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

羅馬書 4:1-25

亞伯拉罕的榜樣

1那麼,從我們的先祖亞伯拉罕身上,我們學到什麼呢? 2如果亞伯拉罕是因為有好行為而被稱為義人,他就可以誇口了,但他在上帝面前沒有可誇的。 3聖經上不是說「亞伯拉罕信上帝,就被算為義人」嗎? 4人工作得來的工錢不算是恩典,是應得的。 5但對於只信赦免罪人的上帝、不靠功勞的人,他的信就被算為義。

6大衛也說不靠行為而被上帝算為義的人是有福的,他說: 7「過犯得到赦免、罪惡被遮蓋的人有福了。 8不被主定罪的人有福了。」

9那麼,這種福分只給受割禮的人嗎?還是也給沒有受割禮的人呢?因為我們說,亞伯拉罕信上帝,就被算為義人。 10他究竟是怎麼被算為義人的呢?是他受割禮以前呢?還是以後呢?不是以後,而是以前。 11他後來受割禮只不過是一個記號,表明他在受割禮前已經因信而被稱為義人了。他因此成為一切未受割禮的信徒之父,使這些人也可以被算為義人。 12他也做了受割禮之人的父。這些人不只是受了割禮,還跟隨我們先祖亞伯拉罕的腳步,效法他在未受割禮時的信心。

13上帝應許將世界賜給亞伯拉罕和他的後裔,不是因為亞伯拉罕遵行了律法,而是因為他因信而成了義人。 14如果只有遵行律法的人才可以承受應許,信心就沒有價值,上帝的應許也就落了空。 15因為有律法,就有刑罰;哪裡沒有律法,哪裡就沒有違法的事。 16所以,上帝的應許是藉著人的信心賜下的,好叫這一切都是出於上帝的恩典,確保應許歸給所有亞伯拉罕的子孫,不單是守律法的人,也包括一切效法亞伯拉罕信心的人。 17亞伯拉罕在上帝面前是我們所有人的父,正如聖經上說:「我已經立你為萬族之父。」他所信的上帝是能夠使死人復活、使無變有的上帝。

18他在毫無指望的情況下仍然滿懷盼望地相信上帝的應許,因而成為「萬族之父」,正如上帝的應許:「你的後裔必這麼多」。 19那時他將近百歲,知道自己身體如同已死,撒拉也過了生育的歲數,但他的信心仍然沒有動搖。 20他沒有因不信而懷疑上帝的應許,反倒信心更加堅定,將榮耀歸給上帝。 21他完全相信上帝必能實現祂的應許。 22因此,他被算為義人。 23「他被算為義人」這句話不單單是為他寫的, 24也是為將來要被算為義人的我們寫的,就是相信上帝使主耶穌從死裡復活的人。 25耶穌受害而死是為了我們的過犯,祂復活是為了使我們成為義人。

Tagalog Contemporary Bible

Roma 4:1-25

Ginawang Halimbawa si Abraham

1Bilang halimbawa kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao, isipin ninyo si Abraham na Ama ng mga Judio sa laman. 2Kung itinuring siya ng Dios na matuwid dahil sa mga nagawa niya, sanaʼy may maipagmamalaki siya. Pero wala siyang maipagmamalaki sa Dios, 3dahil sinasabi sa Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil ditoʼy itinuring siyang matuwid ng Dios.”4:3 Gen. 15:6. 4Ang ibinibigay sa isang taong nagtatrabaho ay hindi kaloob kundi bayad. 5Pero itinuring tayong matuwid ng Dios sa kabila ng ating mga kasalanan hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa pananampalataya natin sa kanya. 6Ito ang ibig sabihin ni Haring David nang banggitin niya ang pagiging mapalad ng mga taong itinuring na matuwid ng Dios hindi dahil sa kanilang mabubuting gawa. 7Ang sinabi niya,

“Mapalad ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Dios ang kanyang kasalanan.

8Mapalad ang tao kapag hindi na ibibilang ng Panginoon laban sa kanya ang kanyang mga kasalanan.”4:8 Salmo 32:1-2.

9Ang mga sinabing ito ni Haring David ay hindi lang para sa mga Judio, kundi pati na rin sa mga hindi Judio. Alam natin ito dahil binanggit na namin na, “itinuring ng Dios na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.” 10Kailan ba siya itinuring na matuwid? Hindi baʼt noong hindi pa siya tuli? 11Tinuli siya bilang tanda na itinuring na siyang matuwid dahil sa kanyang pananampalataya. Kaya si Abraham ay naging ama4:11 ama: Ang ibig sabihin, ama sa pananampalataya. ng lahat ng mga mananampalatayang hindi tuli. At dahil nga sa kanilang pananampalataya, itinuring silang matuwid ng Dios. 12Siya rin ang ama ng mga Judiong tuli, hindi lang dahil silaʼy tuli sa laman, kundi dahil sumasampalataya rin sila tulad ng ating ninunong si Abraham noong hindi pa siya tuli.

Natatanggap ang Pangako ng Dios sa Pamamagitan ng Pananampalataya

13Ipinangako ng Dios kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila ang mundo. Ang pangakong ito ay ibinigay ng Dios kay Abraham hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil itinuring siya ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. 14Kung ang mga nasasakop lamang ng Kautusan ang magiging tagapagmana, walang kabuluhan ang pananampalataya at ganoon din naman ang pangako ng Dios. 15Ang Kautusan ang siyang naging dahilan kung bakit may parusa mula sa Dios. Kung walang Kautusan, wala ring paglabag.

16Kaya nakabatay ang pangako ng Dios sa pananampalataya, para itoʼy maging biyaya ng Dios at tiyak na matatanggap ng lahat ng lahi ni Abraham – hindi lamang ng mga Judio na sakop ng Kautusan, kundi maging ng mga hindi Judio na sumasampalataya ring tulad ni Abraham na ama nating lahat. 17Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.”4:17 Gen. 17:5. Kaya sa paningin ng Dios, si Abraham ang ating ama. At ang Dios na pinaniwalaan ni Abraham, ang siya ring Dios na bumubuhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na wala pa. 18Kahit na wala nang pag-asang maging ama si Abraham, nanalig pa rin siyang magiging ama siya ng maraming bansa; gaya nga ng sinabi ng Dios sa kanya, “Magiging kasindami ng bituin ang bilang ng mga anak mo.”4:18 Gen. 15:5. 19Mag-iisang daang taong gulang na siya noon. Alam niyang matanda na siya at mahina na ang katawan. Alam din niyang si Sara ay baog at hindi maaaring magkaanak. Ganoon pa man, hindi nanghina ang kanyang pananampalataya. 20Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Dios, kundi lalo pang tumibay ang kanyang pananampalataya. Pinapurihan niya ang Dios 21dahil lubos siyang umasa na tutuparin ng Dios ang kanyang pangako. 22Kaya nga, itinuring ng Dios na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya. 23Pero ang katagang, “itinuring na matuwid,” ay hindi lamang para kay Abraham, 24kundi para rin sa atin. Tayo rin ay itinuturing ng Dios na matuwid kung sumasampalataya tayo sa kanya na muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus. 25Pinatay si Jesus dahil sa ating mga kasalanan, at muling binuhay para tayoʼy maituring na matuwid.