約翰福音 3 – CCBT & TCB

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

約翰福音 3:1-36

論重生

1有一個法利賽人名叫尼哥德慕,是猶太人的官。 2一天晚上,他來見耶穌,說:「老師,我們知道你是上帝差來教導人的,因為如果沒有上帝的同在,沒有人能行你所行的神蹟。」

3耶穌說:「我實實在在地告訴你,人若不重生3·3 重生」或譯「生自上面」,7節同。,就不能看見上帝的國。」

4尼哥德慕說:「人老了,怎能重生呢?難道要再進母腹生一次嗎?」

5耶穌說:「我實實在在地告訴你,人如果不是從水和聖靈生的,就不能進上帝的國。 6從肉體生的還是肉體,從聖靈生的才是靈。 7所以我說你們必須重生,你不要驚奇。 8風隨意吹動,你聽見它的聲音,卻不知道它從哪裡來,往哪裡去。凡從聖靈生的人也是這樣。」

9尼哥德慕又問:「這怎麼可能呢?」

10耶穌說:「你是以色列人的教師,還不明白這事嗎? 11我實實在在地告訴你,我們所說的是自己知道的,所見證的是自己見過的,可是你們不肯接受我們的見證。 12我對你們說地上的事,你們尚且不信,要是說天上的事,你們怎麼會信呢? 13除了從天上降下來的人子3·13 從天上降下來的人子」有古卷作:「從天降下、仍舊在天的人子」。以外,沒有人到過天上。 14摩西在曠野怎樣舉起銅蛇,人子也必照樣被舉起來, 15叫一切信祂的人都得到永生。

16「因為上帝愛世人,甚至將祂獨一的兒子賜給他們,叫一切信祂的人不致滅亡,反得永生。 17上帝差祂的兒子到世上來,不是要定世人的罪,而是要藉著祂的兒子拯救世人。 18信祂的人不會被定罪,不信的人已經被定罪,因為他們不信上帝獨一的兒子。 19光來到世上,世人因為自己的行為邪惡而不愛光,反愛黑暗,這就是他們被定罪的原因。 20作惡的人恨光,不肯接近光,恐怕他們的罪行暴露出來。 21但遵行真理的人喜歡接近光,好顯明他所做的是靠上帝做的。」

施洗者約翰論耶穌

22這事之後,耶穌和門徒前往猶太地區,在那裡住下來給人施洗。 23-24那時約翰還沒有入獄,他在靠近撒冷哀嫩也給人施洗。那裡水多,眾人都去受洗。 25約翰的門徒和一個猶太人為了潔淨的禮儀爭辯起來, 26於是門徒來見約翰,說:「老師,你看,以前在約旦河對岸和你在一起、你為祂做見證的那位在給人施洗,眾人都去祂那裡了!」

27約翰回答說:「除非是從天上賞賜下來的,否則人什麼都得不到。 28你們自己可以為我做見證,我說過我不是基督,我只是奉差在祂前面預備道路的。 29娶新娘的是新郎,站在旁邊的朋友聽見新郎的聲音,就會歡喜快樂。因此,我現在也心滿意足了。 30祂必興旺,我必衰微。

31「從天上來的,超越一切;從地上來的,屬於地,他所談論的也不外乎地上的事。那來自天上、超越萬物的, 32要把所見所聞講給人聽,只是沒有人接受祂的見證。 33但已經接受祂見證的人證實了上帝是真實的。 34上帝所差來的,說的是上帝的話,因為上帝將聖靈無限量地賜給祂。 35父愛子,已把萬物交在祂手裡。 36信子的人有永生;不信子的人得不到永生,上帝的烈怒常在他身上。」

Tagalog Contemporary Bible

Juan 3:1-36

Tungkol sa Muling Kapanganakan

1May isang taong nagngangalang Nicodemus. Isa siya sa mga pinuno ng mga Judio at kabilang sa grupo ng mga Pariseo. 2Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Guro, alam naming isa kayong tagapagturo na mula sa Dios, dahil walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Dios.” 3Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios ang hindi ipinanganak na muli.”3:3 ipinanganak na muli: o, isilang mula sa itaas. 4Nagtanong si Nicodemus, “Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi na siya pwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli.” 5Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios ang hindi ipinanganak sa pamamagitan ng tubig at Banal na Espiritu. 6Ang ipinanganak sa pamamagitan ng tao ay may pisikal na buhay, ngunit ang ipinanganak sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagkakaroon ng bagong buhay na espiritwal. 7Kaya huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo na kailangang ipanganak kayong muli. 8Ang hangin ay umiihip kung saan nito gusto. Naririnig natin ang ihip nito, ngunit hindi natin alam kung saan nanggagaling o saan pupunta. Ganoon din ang sinumang ipanganak sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.” 9Nagtanong si Nicodemus, “Paano pong mangyayari iyon?” 10Sumagot si Jesus, “Isa kang tanyag na tagapagturo sa Israel, pero hindi mo ito alam? 11Sinasabi ko sa iyo ang totoo, ipinapahayag namin ang nalalaman at nasaksihan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap. 12Kung hindi kayo naniniwala sa mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa kaya kayo maniniwala sa mga sasabihin ko tungkol sa mga bagay sa langit? 13Walang sinumang nakapunta sa langit maliban sa akin na Anak ng Tao na nagmula sa langit.”

14Sinabi pa ni Jesus, “Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso sa ilang ay ganoon din naman, ako na Anak ng Tao ay dapat ding itaas,3:14 Bil. 21:8-9. 15upang ang sinumang sumasampalataya sa akin ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

16“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong3:16 Bugtong: o, bukod-tanging. na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang kanyang Anak dito sa mundo upang hatulan ng parusa ang mga tao, kundi upang iligtas sila. 18Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Dios. 19Hinatulan sila dahil dumating ang Anak ng Dios bilang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa dilim kaysa sa lumapit sa kanya na nagbibigay-liwanag, dahil masama ang mga ginagawa nila. 20Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa. 21Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa liwanag, upang malaman ng lahat na ang mabubuti niyang gawa ay nagawa niya sa tulong ng Dios.”

Si Jesus at si Juan

22Pagkatapos nito, pumunta si Jesus at ang mga tagasunod niya sa ibang lugar ng Judea. Nanatili sila roon at nagbautismo ng mga tao. 23Nagbabautismo rin si Juan sa Enon, malapit sa Salim, dahil maraming tubig doon. Pumupunta sa kanya ang mga tao upang magpabautismo. 24(Hindi pa nakakulong noon si Juan.)

25Ngayon, nagkaroon ng pagtatalo ang ilang tagasunod ni Juan at ang isang Judio tungkol sa bautismo.3:25 bautismo: o, ritwal ng paglilinis. 26Kaya pumunta sila kay Juan at sinabi, “Guro, ang kasama nʼyo sa kabila ng Ilog ng Jordan, na ipinakilala nʼyo sa mga tao ay nagbabautismo na rin, at nagpupuntahan sa kanya ang halos lahat ng tao.” 27Sumagot si Juan, “Walang magagawa ang tao kung hindi ipahintulot ng Dios. 28Kayo na rin ang makakapagpatunay na sinabi kong hindi ako ang Cristo. Isa lang akong sugo na nauna sa kanya upang ipahayag ang pagdating niya. 29Kagaya sa isang kasal: ang babaeng ikakasal ay para sa lalaking ikakasal, at ang abay na naghihintay ay natutuwa sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ganoon din sa akin, tuwang-tuwa ako ngayon na lumalapit na ang mga tao kay Jesus. 30Kailangang lalo pa siyang makilala, at ako namaʼy makalimutan na.”

Ang Nagmula sa Langit

31Sinabi pa ni Juan, “Si Cristoʼy nagmula sa langit, kaya dakila siya sa lahat. Tayo naman ay taga-lupa at nagsasalita tungkol lang sa mga bagay dito sa lupa. Ngunit si Cristo na nagmula sa langit ay dakila sa lahat. 32Ipinapahayag niya ang nakita at narinig niya sa langit, ngunit ilan lang ang naniniwala sa kanyang pahayag. 33Ngunit ang naniniwala sa pahayag niya ay nagpapatunay na totoo ang mga sinasabi ng Dios. 34Sapagkat si Cristo na sinugo ng Dios ay nagpapahayag sa atin ng mga sinasabi ng Dios, dahil lubos na ipinagkaloob sa kanya ang Banal na Espiritu. 35Mahal ng Ama ang kanyang Anak, at ipinailalim sa kapangyarihan niya ang lahat. 36Ang sumasampalataya sa Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa kanya ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan kundi mananatili sa kanya ang galit ng Dios.”